webnovel

Classmates

Chapter 1. Classmates

ABALA sa paggawa ng presentation para sa isang minorsubject ang kolehiyalang si Jasel kasama ang kanyang mga ka-grupo. Pito sila sa grupo at dalawa lamang silang babae kaya napagpasyahan nilang sa Universe Café gawin ang kanilang proyekto. Nakapuwesto sila sa may sulok ng Universe Café at pahabang mesa, kung saan kasya silang pito.

"Chelin, nandito na naman ang bodyguard mo," biro niya sa ka-grupo na si Chelin. Nandoon na naman kasi sa café ang sumundo rito noong nakaraan. Halata namang may kung ano ang namamagitan sa dalawa. Must be the reason why, Gaston, or Stone, didn't pursue her. Ang alam kasi niya ay balak yayain ng huli na kumain sa labas si Chelin.

Napailing na lang siya nang hindi nga siya nagkamali dahil hinihintay nga ito ng lalaki.

"Sige na, ipagpatuloy na lang natin ito sa Biyernes," aniya saka inayos na ang mga gamit para makaalis na.

"Where are you going after this?" Stone asked her.

"Don't tell me, ako na ang yayayain mong kumain?" nakataas ang isang kilay niyang tanong.

"O, Vince, saan ka pupunta?" Bobby, one of her group mates, askedVince who stood up whileshe's talking to Stone.

"So, pwede ka nga?" ulit ni Stone.

"Excuse me," Vince said coldly so she gave him enough space. The latter excused himself and went to the washroom. Ang sungit naman ni Kuya!

"Huwag mo akong maaya-aya, Herrera. Hindi uubra sa akin ang charm mo."

"Hindi naman ako ang makakasama mo. Si Vince," nakangising sagot ni Stone.

"Ha?"

"Dennis and I are going to bar-hop later."

"I told you to call me Sinned," sabad ni Dennis na balak mag-law school.

Tinawanan niya lang ang huli dahil nakasanayan na kasi nilang Dennis ang itawag dito imbis na ang palayaw nito.

Nagpatuloy naman si Stone. "Isasama rin namin si Jave. Si Bobby naman, hindi makakasama kasi may date."

"Eh, si Vincent?"Paniguradong may ibang mga babaeng kasama pa ang mga ito dahil hindi siya niyaya. Kadalasan kasi, kapag chill lang, niyayaya siya, eh. At parang ayaw niyang kasama ng mga ito si Vince mamayang gabi. Oo nga't mas matanda ang huli sa kanila pero parang ayaw niya pa rin. Was she childish? But still, she said, "Huwag n'yo nang guluhin si Vincent, alam ninyong kailangan niya nang makapasa sa subject na ito. Tutuloy na iyon sa med."

"O,pagkatapos?"

Inirapan niya si Bobby na pabalang na magtanong.

Pero totoo namang kailangang maipasa ni Vince ang ilang subjects at units na naibagsak nito noong first year college ito't ngayong fourth year na ay binalikan nito ang mga iyom. Hindi ito matutuloy sa Medical School kung hindi kumpleto ang pre-med nito.

"You'll be with Vincent,"pukaw uli ni Stone sa atensiyon niya.

Parang mga kiti-kiting naglumikot ang mga ito upang bitbitin ang mga dalang gamit at mabilis na lumakadpapalabas ng café. Si Bobby lang ang naiwan at naiiling na umalis din nang mamataan si Vince na pabalik na sa kanilang pwesto. Kanina pa nakaalis sina Chelin kasama ang lalaking sumundo rito kaya wala na siyang makakasabay sa pag-uwi. Hindi bale, maaga pa naman. Maybe she'd stay at the café to kill some time.

"Where are they?" kunot-noong tanong ni Vince.

"Umalis na."

"Tara na, kung ganoon."

"S-saan?"

Tila natauhan ito at napansin niyang bahagya itong nataranta.

Hmm..."Cute."

"I'm not cute," angil nito.

"Oh, yes, you are," biro naman niya.

Jasel and Vince were not really close before but being constant partners during school works made them becomecloser to each other.

She was just seventeen when she first met him while he was turning twenty-two. Well, last semester lang naman iyon. She's still in freshman year and just turned eighteen last week. Vince was one of her eighteen roses when she debuted since they became friends, along with the other boys.

She didn't like extravagant parties but her uncle insisted. Since her parents passedaway when she was just nine, she and her brother were under her uncle's care and custody. Pero ang kuya niya na ngayon ang abala sa pamamalakad ng kanilang negosyo sa ibang bansa habang siya naman ay hinahasa na upang matuto na sa paghawak ng mga stocks na pagmamay-ari nila, lalo na ang stocks sa isang hotel kung saan malaki ang share ng namayapa niyang mga magulang.

Kung ang kuya niya ay madalas sa ibang bansa mula noong hawakan nito ang negosyo, siya naman ay sa Nieveras' Condominiums pa rin nakatira.They had a unit there and her brother owned the penthouse. Ang pamilya ng auntie niya, na asawa ng kanyang uncle, ang nagmamay-ari ng high-end condominiums na iyon.

Mayroon naman silang hacienda na ipinamana sa kanila ng mga nasirang magulang ngunit mas pinili ng kanilang uncle na manirahan sa siyudad, kung saanmalapit sila sa mga ito. Hindi na sila tumanggi ng kanyang kuya dahil alam naman nilang para rin sa kapakanan nila ang mga desisyon ng kanilang tito. Hindi napabayaan ang hacienda dahil may mga namamalagi roon at nangangalaga.

"Hey, I was asking if you are alright. Ang tahimik mo," pukaw ni Vince sa atensiyon niya.

"Ah, oo, ayos lang ako."

"Kumain muna tayo bago ka umuwi."

"We just ate a cake," pagpapaalala niya.

"Dinner," agap nito.

"Hmm..."Kunwari, nag-iisip siya.

"Tara." Ito na ang kumuha sa envelope niya at binitbit iyon. Nauna na rin itong maglakad palabas ng café. She chuckled lightly when she followed him.

"Alam mo talagang hindi ako tatanggi sa iyo, 'no?" biro niya kahit alam niya sa sarili niyang may katotohanan iyon.

"And so I am." Tumigil ito sa paglalakad at tumama ang ilong niya sa malapad na likuran nito.

"Aray naman!" Sapo niya ang nasaktang ilong.

"Bakit ba hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?" naiinis na tanong nito. Agad na humarap sa kanya at sinapo ang kanyang baba para bahagyang maiangat iyon saka tiningnan ang kanyang ilong.

"Bakit ka ba kasi tumigil sa paglalakad?" balik-tanong niya.

"Dahil nasa tapat na tayo ng sasakyan," tipid na sagot nito.

"May sasakyan ka na pala? Naks naman! Happy birthday!" Bahagya nitong pinisil ang kanyang ilong dahil sa biro niyang iyon. "Aray!" Sinaway niya ito at napatingin ulit sa sasakyan. Sumipol siya nang makitang isa iyong itim na Lamborghini. "Ang sexy ng sasakyan natin, ah," puri pa niya.

"Hindi iyan, iyong sa kabila."

Napunit ang ngiti niya nang sundan ng tingin ang itinuro nito. It was an old red pick-up. Sa sobrang luma ay parang isang gasgas na lang at mababakbak na ang pintura niyon.

"Hop in!"

Ngumuso siya at lumakad na papunta sa kinalalagyan ng pick-up—sa tapat ng Lamborghini. Nakaharap na siya sa pick-up; chine-check dahil baka hindi na pala iyon aandar at tumirik pa sa gitna ng kalasada. Not that she was being judgmental, ganoon lang kasi talaga ang tingin niya sa lumang sasakyan ngayon.

Tumunog ang isang sasakyan, hudyat na in-unlock iyon. Nangunot ang noo niya nang marinig niyang bumukas ang pinto ng sasakyan sa likuran niya kaya mabilis siyangnapalingon doon.

Nakita niyang nakatayo si Vince sa may passenger's seat at prenteng nakasandal ng bahagya ang kaliwang braso sa pinto ng Lamborghini. Nangunot ang noo niya pero agad naman niyang nakuha nang ngumisi na ng nakaloloko ang lalaki.

Ang pogi!

Mabilis na naglakad siya pabalik sa Lamborghini at malakas na tinapik ang braso ni Vince. "You trolled me."

He just chuckled as she went inside. Ito na rin ang nagsara sa pinto at naglakad na papuntang driver's seat.

"Luko-luko," bulalas niya.

"Sa iyo lang ako naloloko." Nakangisi pero seryoso ang mga titig nito nang sabihin iyon.

Naloko na! Mukhang nahulog na naman siya sa bitag ni Vince.

Next chapter