webnovel

Let's

Chapter 18. Let's

     

      

NAAYOS na ang mga dokumentong kakailanganin ni Nicolea para mag-transfer ng University. Pinaasikaso iyon ng kanyang mga magulang. Nag-shift din siya ng kursong business-related dahil nagapagtanto niyang hindi ganoon katimbang ang pagnanais niyang maging Kapitan ng barko. She was only amazed by that thought but she never really wanted to be one.

Gusto niya sanang pumasok sa PMA, pero kung mag-o-opisina rin naman siya'y sa negosyo na lamang nila siya mag-o-opisina, at Business course ang naisip niyang pinakamalapit na kursong maaari niyang kuhanin. She had to think of it critically and thought of many choices. Sa huli ay mas matimbang ang Business kaya iyon ang kinuha niya.

Nagkabaliktad naman sila ni Jave dahil ito'y napagtantong gusto nitong makapag-serbisyo sa bayan, nais nitong mapabilang sa Hukbong Dagat ng Pilipinas. Naging mahirap para sa kanila ang pagde-desisyon lalo pa't kaya siya nag-transfer ay para sana makasama ito sa University, pero ito naman ang lumipat sa Philippine Military Academy nang kaparehong taon. He'd be in the Department of Naval Warfare since he would join the Philippine Navy.

Sa buong taon ay isang beses lang silang nagkita dahil umuwi ito ng Davao. Naiintindihan naman niya at napag-usapan na nila iyon bago pa ito sumabak sa training at pag-aaral. Nakikipaghiwalay rin siya para makapag-focus sila sa kani-kanilang pag-aaral subalit hindi pumayag si Jave.

"Ganoon lang ba kababaw ang tingin mo sa relasyon natin, na kaya mong bitiwan dahil lang sa magkakawalay tayo?"

"Hindi naman. I just don't want to be a hindrance to you. Alam kong mahirap ang gusto mong maging, marami kang pagdadaanan. Ayoko lang na iniisip mo ako rati sa tuwing may kailangan kang gawin o padesisyunan."

"We don't need to break up, baby. Malalampasan natin ito."

Lumungkot ang mukha niya pero sa loob-loob niya'y nasisiyahan siya. "I'm glad you didn't agree..."

"I can never break up with you."

"Pero sa ngayon, mas pagtuunan natin ng pansin ang pag-aaral, ah? It is hard for our relationship, but this time, it isn't our priority yet. Always keep in mind that we have our lifetime ahead. Kaya gawin muna natin ang makakaya para sa career natin, okay?"

     

       

SA GANOONG paraan napagpasyahan ni Nicolea na ibuhos ang atensyon sa pag-aaral at pasimpleng pagte-training sa agency. Kahit pa nga sa online lang niya nakakausap ang ibang agents ay marami na siyang natutunan. Kapag daw naka-graduate na siya ay kwalipikado na siya para sa physical trainings at gusto niyang mahasa sa paggamit ng baril. Kaya ginawa rin niyang sports ang shooting. She also studied martial arts during her free time. Desidido na talaga siyang maging isang private investigator, at hindi sapat na maalam lang siya sa pagkalap ng mga impormasyon, dapat ay malakas din ang pangangatwan niya para madepensahan ang sarili sa oras ng kagipitan.

She was also offered to take the job on being an agent in AIA, nalaman niyang ang ama ni Lacey ang may-ari ng pribadong ahensya. Gaya ng naunang plano ay sinabi niyang mag-aaral muna siya.

Nang sumunod na taon ay dalawang beses silang nagkita ni  Jave at pawang panandalian lamang ang naging pagsasama nila. They went on a date before he went back to the camp.

During her third year in college, she trained herself more in mixed martial arts. She also learned the basic firearms safety, shooting techniques, and personal defense strategies.

Nang mag-fourth year ay mas lalo siyang nag-focus sa pag-aaral lalo na sa paggawa ng thesis.

Napansin din niyang unti-unti ring bumalik ang ugali niyang ayaw nang may makakasalong hindi kakilala sa hapag-kainan.

Noong bagong lipat pa lamang sila sa Davao ay lagi niyang minamalditahan ang mga kasama nila sa bahay. Sa tuwing kakain ng almusal ay ayaw niyang sinasaluhan siya. Naiirita siya kapag may kasalo sa pagkain nang hindi malapit sa kanya. Na-trauma kasi siya sa nakaklase niya noong elementary, niyaya niyang kumain ng lunch sa kanilang bahay at dahil abala ang mga magulang niya ay sila lamang nag kaklase ang nasa hapag-kainan. Habang kumakain ay kung anu-anong kadugyotan ang ginawa ng kamag-aral niya't nawalan siya ng ganang kumain.

Noong kalilipat lamang nila sa Davao ay sinubukan niyang yayain sa pagkain ang dalagang kasambahay nilang si Perlita, at naulit na naman ang nangyari noong bata siya. Si Perlita nama'y nangulangot at hindi naghugas ng kamay, 'tsaka pinagpatuloy ang pagkain ng nakakamay.

Mabuti na lamang at hindi na ito nagsisilbi sa Villa Punzalan. Noong nakaraang taong umuwi siya ay nabalitaan niyang nakapag-asawa ito ng mayamang dayo.

Nang bakasyong niya ay nagku-cruise silang magpamilya sa Europe. Bago sila umalis ng mga magulang, nag-chat siya kay Jave. Sinabi niyang baka hindi sila magkita dahil na rin sa gugugulin nila ang bakasyon nila sa European Cruise.

Kasasakay pa lamang nila ng barko nang tumawag ito. Mabuti at may signal pa.

"Akala ko ba, magbabakasyon tayo sa Tagaytay?" bungad nito.

Napanguso siya. "Matagal na kasi akong hindi nagku-cruise, eh."

Bumuntong-hininga ito. "Okay, then. Enjoy your cruising, Nic."

"Jave? May problema ba?" Napansin kasi niyang malungkot ang boses nito.

"I just miss you."

Ngumuso siya. "Miss na rin naman kita. Sa susunod na bakasyon, buong bakasyon tayong magsasama, okay?" She made a deal— no, it's a promise.

"But I will be very busy. May mga training pa..." Nilahad nito ang napakaraming gawain sa mga susunod na taon.

Bigla ay gusto niyang magsisi kung bakit pa siya sumama sa cruising. Napagtanto niyang maglilingkod si Jave sa bansa kaya bukod sa ilang taong pag-aaral, ay mas mahaba pa ang taong gugugulin nito kapag sumabak na sa pagseserbisyo.

"I think you're right, baby. We need to... break up." Tila hirap na hirap ito sa pagsabi sa huling mga kataga.

Napasinghap siya. Ganoon pala kasakit ang naramdaman nito nang sabihin niyang maghiwalay na sila noong magsisimula pa lang ito sa PMA.

"I want to keep you by my side but I can't do that. I must fulfill my service first..."

"O-Okay lang. I can w-wait."

"I know I said I can never break up with you, but I don't want to be selfish, Nic. Ayokong itali ka. At kung may mahanap kang ibang mamahalin, maiintindihan ko." Marahas itong bumuntong-hininga pagkatapos.

"Pero wala nga. Ikaw lamang ang gusto kong makasama habambuhay!"

"But you will be alone for years."

"I don't care! It will be worth everything once you're done serving the country."

"Paano kung magustuhan ko na rito?"

"Bakit mo ba sinasabi nag mga iyan?"

"I'm just stating the possibilities."

"O baka may nakita ka nang ibang babae riyan?"

"Hindi. I am only thinking about you and your struggles just because your boyfriend is a PMAer."

Totoo naman kasi. Sa ilang taon ay hindi aakalaing may boyfriend siya. Ang ibang nagtangkang manligaw ay iniisip lang na pantaboy niya ng manliligaw ang singsing na bigay ni Jave sa kanya. Hindi sila naniniwalang may kasintahan siya.

"Ayaw kitang mahirapan lalo."

"Hindi mo na ba ako m-mahal?"

"That's not the question, Nicolea. Mahal kita... Mahal na mahal."

"Then, why are you breaking up with me?"

Sandaling katahimikan ang namayani.

She could not believe they're talking about it over the phone.

"You should know the answer to that."

Nagtangis ang bagang niya. Oo nga naman lalo pa't siya ang unang nakipag-break dito.

"I'm sorry. Forget what I've said, baby."

"Hindi, tama ka. We should break up."

"No. We will talk after your cruising."

"Fine."

"Are you mad?"

"Sino'ng hindi magagalit?"

"That's why I'm saying sorry. I've been selfish. Hindi ko dapat sinabi iyon."

"Hindi. Naiintindihan ko. Nagagalit ako sa sitwasyon natin. Pero masasanay rin naman ako."

"Iyan ang kinatatakot ko. Ayokong masanay ka."

"Eh, ano dapat? Na dapat lagi kitang nami-miss? Na lagi akong iiyak kasi hindi tayo nagkikita?"

"Hindi naman sa ganoon—"

"Let's just break up, Jave. Dapat talaga, noon pa natin ginawa."

"Nicolea..."

Tinapos niya ang tawag at pilit na binaling ang isipan sa ibang mga gawain.

Next chapter