webnovel

Chapter 6: Kilig

Umuwi nga kami ng sumunod na linggo. Kasama na namin si Carl. Kakatapos ng training nya bilang isang pulis.

Natulog lamang ang ginawa ko pagkauwi. Ni ang ayusin ang mga gamit sa loob ng silid ko ay di ko magawa dahil sa pagkahilo sa byahe.

Lunes nang nagpaalam ako na pupunta ng palengke. Di ko sinabing may babayaran akong utang o ano. Basta iyon nalang ang sinabi ko para di na sila magtanong pa.

Alam nyo na mga matatanda kung minsan. Di maubos ubos ang tanong at pag-aalala.

Tsaka. Di ko rin kinwento sa kanila kung paano ko nakilala yung lalaking nasa aking cellphone. Kinukulit ako ni Carl pero tikom lamang ang aking bibig tungkol duon. Baka maudlot eh. Maging matandang dalaga na talaga ako.

"Hello." pambungad ko sabay pasok sa shop nila. Pareho silang abala. Nagulat yung kasama nya sakin nang tapunan nya ng tingin ang pintuang isinarado ko.

Di nya ako nakita kasi may tatlong babaeng nakaharang sa kanya para makita ako. Kung di pa sinabi ni Bryle pala ang pangalan na andito ako. Di sya tatayo.

"Hi there Mary.." ani Bryle sabay ngisi sakin.

"Hi.." balik kong bati. Parang close kami na hindi naman.

"Babe.." rinig ko anv ingay ng inuupuan nya saka mabilis syang tumayo. Lumapit at niyakap ako ng mahigpit. Nagulat pa yung customer nyang mga babae. Nalingon sa gawi ko.

Tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Get lost!. Irap ko sa likod ng isip ko.

"Sorry.." matapos nyang mahimasmasan na niyakap ako bigla.

"Dumaan lang ako para ibigay yung bayad.." Paliwanag ko naman. Ginawang dahilan iyon para hindi nya naramdaman ang kaba kong abot langit ang ingay.

"Maupo ka muna. Sabi ko naman sayo wag na.."

Itinuro nya ang sofa. Imbes umupo. Tinawag ko ang pangalan nya para ipilit ang gusto ko.

"Eli.."

"Babe.." anya na nagpipigil ng ngiti. Na naging dahilan rin ng pagkatulala ko.

What?. Anong sinabi nya?. Pakiulit nga!!

Sumipol si Bryle.

That's too fast man!..

"Elijah. My name's Mary Jane.."

"But I want to call you babe.." he trailed off. Nginisihan ako. Saka binasa ang pula nyang labi.

Gosh!!!

"Mary.. Ja-.." pilit ko pa.

"Babe.." kulit nya. Namumutla na ata ako sa pinagsasabi nya. Dinungaw pa ako ng malapitan.

"Elijah. Kunin mo nalang yung bayad. Para kwits na tayo." tinakpan ko ng bahagya ang aking mukha upang wag nyang makita ang pamumula ng pisngi ko.

"Paano kung ayoko?." mainit na hininga nya ang tumama sa likod ng aking palad. My gosh Elijah!! Ano bang problema mo sakin?. Wala naman akong kasalanan sayo ah!.

"Eli.."

"Yes babe.." nakangisi pa sya. Napatakip ako ng buong mukha. Ramdam kong mapula na talaga ako.

Humalakhak sya at hinawakan ang kamay ko. Inaalis sa pagkakatakip sa mukha ko. At iginiya sa sofa na itinuro nya kanina.

"Saglit lang. Ayusin ko lang yun babe.. we'll talk later..." idinikit pa ang hintuturo sa kanyang labi saka para itinapon yun sakin.

Mapapatili ako sa ginagawa nya!!!

"Damn!. You're so fire babe.." kanta ni Bryle. "Take it easy." Patuloy nya. Inasar nya pa si Elijah na minura lang sya. Loko!. O kinikilig sya?.

Wala akong nagawa. Di nya kinuha yung bayad ko. Imbes kinagat nya yung suggestion ni Bryle na, why not ipangdate nalang daw namin yun. Nanood kami ng iba't ibang klase ng movie. Kumain sa kahit saan na kainan sa labas. At nagkwentuhan kami. Ihahatid nya pa sana ako pero tinanggihan ko na.

Next chapter