webnovel

Chapter 50

Crissa Harris' POV

Napabitaw naman agad sakin si Renzo nang makita nyang nakakunot ang noo ng kakambal ko doon sa magkahawak naming kamay.

"Bakit, may kailangan ka?.." tanong ni kambal at sakin na nalipat ang tingin nya.

"E-eh, magpapaalam lang sana ako. Hehehe pwedeng ako nalang magdrive samin? Wala naman ng 5 minutes mula dito yung school nila Zinnia e.. Hehehe. Pwede?.."

Unti-unting nawala yung kunot ng noo nya tapos nginisian na ako.

"Sige mukhang sanay ka naman na e. Basta tatandaan mo lang ha, kambal? Totoong buhay to at hindi Grand Theft Auto.." sabi nya at sabay itinulak na ako papasok sa driver's seat ng pick-up.

"Goodluck sa inyong tatlo.." bulong pa nya bago umalis at sumakay sa passenger seat ng van.

Nilingon ko naman yung dalawa sa likod. Nagulat ako nang tatlo na ang makita ko dun. Pati kasi si Tyron, andun na sa may bandang kanan. Si Renzo sa gitna at si Elvis sa kaliwa. Sa may passenger seat naman, andun yung backpack ko pati yung mga weapons ko.

"Eh Crissa, bakit nag goodluck si Christian?.. Kaskasera ka bang magmaneho?.." medyo nakangiwing bulong ni Renzo.

Agad naman akong tumanggi.

"Hindi. Real life to bestfriend. Hindi Grand Theft Auto."

"T-teka. Alam mo yung GTA? N-naglalaro ka ba nun?.." tanong nya uli. Kapansin-pansin din yung mas lalong pagputla ng kulay ng labi nya. May mangilan-ngilan na ding tulo ng pawis sa sentido nya.

Hindi ko naman na nagawa pang sumagot dahil si Elvis na ang sumagot para sakin.

"She's not a gamer. She's an addict."

Full of assurance pa na pagkakasabi nya. Sinilip ko naman si Renzo mula sa rear view mirror. Hindi na sya nagsalita at natahimik nalang.

Hmp. Problema nun?.. Ah, baka nabo-bore? Teka nga..

Hinagilap ko agad yung usb ko na nandito lang sa singit-singit ng pick-up. Nung makita ko, isinaksak ko agad. Maraming kanta to ah. For sure, hindi na mabo-bore to si bestfriend Renzo. Hihihi..

Habang inaantay kong basahin yung usb, ini-start ko na yung makina. Hihihi. Ito ang unang test drive ko na wala nang umaalalay sakin.

Saktong pagplay nung kanta, nag-umpisa na kong magmaneho.

1.. 2.. 3..

Straight off the plane to a new hotel

Just touched down, you could never tell

A big house party with a crowded kitchen

People talk shh but we don't listen..

Tell me that I'm wrong but I do what I please

Way too many people in the Addison Lee

Now I'm at the age when I know what I need, oh, whoa

"Wuhuuuu!!!!" sigaw ko. Ang saya-saya palang magmaneho. Hihihi.

Midnight memories, oh, oh, oh, oh.

Baby you and me

Stumbling in the street

Singing, singing, singing, singing

Midnight memories, oh, oh, oh, oh.

Anywhere we go never say no

Just do it, do it, do it, do it

" 5 foot something with the skinny jeans. Don't look back, baby follow me. I don't know where I'm going but I'm finding my way. Same old shh but a different day.." damang-dama ko pa yung pagsabay ko sa kanta habang mas pinapabilis ko pa yung takbo ng pick-up.

Tell me that I'm wrong but I do what I please

Way too many people in the Addison Lee

Now I'm at the age when I know what I need, oh, whoa..

Trip na trip kong mag headbang sa part na to. Pero hindi ko muna gagawin ngayon dahil baka mauntog naman ako sa manibela at mahilo. Babangga pa kami pag nagkataon. Love na love ko yung tatlo sa likod kaya ayaw ko silang mapahamak. Hihihi..

Tinodo ko nalang yung bilis ko. Yung tipong lumilipad na talaga kami.

"Midnight memories, oh, oh, oh, oh.

Baby you and me

Stumbling in the street

Singing, singing, singing, singing

Midnight memories, oh, oh, oh, oh.

Anywhere we go never say no

Just do--- WAAAAAHHHH!!!" marahas kong prineno yung pick-up at tumingin ako sa labas. Muntik na kaming lumagpas sa campus nila Zinnia.

Bakit hindi ko namalayang andito na pala kami agad? Sa pagkakatanda ko, mga 5 minutes away pa to sa may kanto. E bakit wala pang 3 minutes, nandito na kami agad agad? Umurong ba yung campus? O sadyang mabilis lang yung takbo ko?..

Hmmm. T-teka..

Lumingon ako nang dahan-dahan sa likod ko. At nakagat ko nalang ng madiin yung labi ko nung makita ko yung tatlong lalaking pasahero ko.

Si Elvis, nakatulala sa may labas ng bintana habang nakanganga. Si Tyron na nasa gitna, nakayuko naman at sapo-sapo ng dalawa nyang kamay yung noo nya. Si bestfriend Renzo ang pinakamalala. Sandal na sandal sa upuan yung katawan nya. Mukha syang nabilasang isda. Nakanganga, labas ang dila, tapos may letter X na na marka sa mata.

J-jusko.. A-ano tong nagawa ko?..

Dali-dali akong lumabas para tanawin yung van nila Christian. Pero hindi ko pa sila matanaw. Naku po. Mukhang napabilis ko nga talaga yung pagmamaneho ko ah. Huhuhu..

Ibinalik ko yung tingin ko dun sa pick-up. Pero wala na dun yung tatlo. Nakita ko nalang sila dun sa may isang gilid at nagsisisukahan. Pupuntahan ko na dapat sila pero sakto namang dumating yung van nila Christian.

"H-hehehehe.. Hi kambal.. Naunahan namin kayo.." salubong ko agad sa kanya pagkababa nya.

"Well, obviously. Wag mo nang ipaliwanag kung paano dahil nakikita ko naman na kung anong nangyari. Pffftt.." sabi nya na hindi sa akin nakatingin kundi dun sa may gilid kung saan sumusuka yung tatlo.

Inakbayan naman ako ni Alexander na bigla nalang sumulpot.

"Alam na namin nila Christian na ganyan ang mangyayari kapag natuto ka talagang magdrive. Hahahaha." sabi nya at nagtawanan pa sila ni Christian.

Napangiwi naman ako. Nakuha pa talagang magsaya nitong dalawa na to samantalang di na nga maipaliwanag yung itsura nung tatlo. Parang pati ata bituka nila, isusuka nila e. Pulang-pula din yung mukha nila.

Pero, oo! Kasalanan ko to. Huhuhu.. Nagpadala ako sa excitement sa pagmamaneho. Tuloy, nagbaliktaran mga sikmura nila.

Nako.. Mas mabuti na rin siguro na wag ko muna silang lapitan na tatlo dahil baka pagtulungan pa nila akong sapakin dahil sa ginawa ko.. Huhuhu..

Right after nilang mahimasmasan, pinaliwanag na agad ni Christian yung gagawin namin.

"Two groups uli tayo ha? Yung isa, sa east wing tapos yung isa naman, sa west wing. I know masyadong delikado talaga dahil hindi natin alam kung gaano karaming undead yung nasa loob. Pero kailangan pa rin nating subukan. Yun nga lang, pag nakita nyo nang parang hindi na maganda yung nangyayari at hindi natin sila makakaya, bumalik na kayo uli dito sa spot na to. Dito tayo magkikita-kita. Walang aalis kung hindi tayo kumpleto.." seryosong sabi nya ata lahat kami ay nakikinig lang sa kanila.

Napayuko ako. Ayoko mang isipin pero parang napakaimposible nung sinabi nya na walang aalis kung hindi kumpleto. Paano nalang kung nagkahiwa-hiwalay kami or may isa man lang samin ang.. mapahamak at hindi na makabalik? Hindi na pwedeng i-apply dun yung sama-sama pa rin at walang iwanan. Dahil pag nagkataon pare-parehas pa kaming mapapahamak.

"Christian.. Ano kaya kung wag nalang tayong maghiwa-hiwalay. Sama-sama na tayo para mababantayan natin yung bawat isa?.." sabi ko. Hindi ko maitago yung pag-aalala sa tono ko. At alam kong nararamdaman din nila yun.

"Alam ko yang iniisip mo. Pero hindi rin kasi effective kung marami tayo na ganon. Magtiwala nalang tayo sa isa't-isa na lahat tayo, makakaligtas. Wag nalang din nating ilagay sa alanganin yung sarili natin. Natatandaan nyo pa yung sinabi ko diba? Na kahit ano mang mission ang gawin natin, yung safety pa rin natin ang priority natin. Na kapag naramdaman na nating tagilid na tayo, hindi na tayo maghe-hesitate na itigil muna para makaligtas tayo. Ganun nalang ang gawin natin." niyakap nya ako at tinapik-tapik ang ulo ko. Sinenyasan nya naman yung iba para lumapit pa samin.

"Magkaron tayo ng kasunduan. Walang mamatay satin ah? Pagkatapos nito, kumpleto pa rintayo.. Aight?.." sabi nya uli.

Hindi maipaliwanag yung itsura nung iba. Halata rin sa kanila yung takot at kaba sa mga posibleng mangyari. Pero sa kabila nun, makikita rin naman sa kanila yung pag-asa at tiwala sa bawat isa. Na lahat kami, mananatiling buhay pa rin hanggang huli. At mula sa nag-aalala pinta ng mukha, unti-unti silang ngumiti ng matipid.

"Aight." sabay-sabay naming sabi.

Nagsibalikan kami saglit sa mga sasakyan namin para kuhanin yung mga armas namin. Ako naman, kinabit ko yung sheath sa hita ko tapos nilagay ko dun yung combat knife ko. Isinukbit ko na rin yung shotgun sa may balikat ko.

Sa sulok ng mata ko, nakita kong papalapit sakin si Christian kaya nagsalita na agad ako.

"I'll be leading my group again, right? Mapapahiwalay nanaman ako sayo.. Ayoko mang gawin, pero yun lang naman ang choice ko diba?.." nakayukong sabi ko.

"Yep.. Pero don't worry. Ikaw ang pumili ng mga kasama mo na sa tingin mo ay magiging komportable ka.."

"G-gusto ko, kasama kita e.." lumunok ako para pigilan yung luha na parang gusto nang kumawala.

Hindi ko maiwasang matakot dahil ito yung unang beses na magmi-misyon kami sa malaki-laking lugar na hindi ganoon kapamilyar sa amin. Idagdag pa yung fact na magkakahiwa-hiwalay nga kami. Napakaraming pwedeng mangyari.

Naramdaman ko na inakbayan ako ni Christian.

"Stop being a baby, Crissa.. Nakaya mo na ngang kumilos nang wala ako e. Naalala mo yung time na magkagalit tayo? Ang dami mo paring nagawa kahit na wala ako. Nakasurvive ka rin naman. Ngayon ka pa ba aarte?.. Kung inaalala mo ko, pwes magtigil ka na. Dahil I assure you, hindi ako mamamatay. Kaya dapat, ikaw din.." sabi nya sabay kindat.

Realization suddenly hit me. Napangiti nalang ako dahil doon at pinunasan ko yung gilid ng mata ko.

"Mas lalo na ako. Hindi ako mamamatay nang ganun ganun nalang. Saka I have kept it in my mind, yung palagi mong sinasabi sakin. Na hindi mangyayari ang isang bagay kung hindi ko hahayaan. Laban kung laban." itinaas ko yung kamao ko sa ere.

"That's my girl." ginulo nya ang buhok ko. "Hmm teka. Nakapili ka na ba ng bubuo sa grupo mo?.."

Saglit akong napaisip. Pero ngumiti rin ako sa kanya.

"Oo naman.. Hehehe.." sabi ko at hinaltak ko na sya uli pabalik doon sa iba.

Ready na rin sila. At kung kanina, nag-aalala pa yung mga itsura nila, ngayon pare-parehas na silang nakangisi. Kinilabutan ako dahil doon lalo pa nung mapatingin ako sa mga armas na hawak nila. Mukhang hindi na talaga sila makapaghantay na magamit ang mga iyon.

Hinigpitan ko naman ang hawak ko sa shotgun na nakasukbit sa balikat ko. Binigyan ko rin sila nang malapad na ngiti bago ako nagsalita.

"Walang mamamatay satin ah? Ang mamatay, papatayin ko pa uli para double dead na." tumawa sila sa sinabi ko pero napatigil din agad sila nang itutok at iputok ko bigla yung shotgun sa may bandang gilid ni Elvis.

Lahat sila, gulat na gulat na napatingin sakin kaya nagpeace sign naman agad ako sa kanila at itinuro ko yung nakahandusay sa sahig.

"Hehehehe. May undead oh.."

Nagtawanan silang lahat at sinakal naman ako ng mahina ni Christian.

"Nice. Asintado. Muntik na si Elvis dun ah?.. Pffftt.."

Hindi ko nalang pinansin si Christian at tumingin na uli ako dun sa iba. Ito na yung time para sabihin kung sino ang mapupunta sa grupo ko.

"Alessandra, Renzy, Alexander, Sedrick at Elvis.." nagtinginan sila sakin at nginitian ko naman sila. " Kay Christian kayo.."

Tumango silang lahat at nag okay sign.

"So that means, Harriette, Lennon, Renzo and Tyron, kay Crissa kayo. Hmmm.. Tamang-tama lang. Si Harriette, UZI ang hawak. Si Lennon, sniper. Si Renzo, assault rifle tapos si Tyron, shotgun din. Katulad ng sayo.. Nice pick, kambal." sabi ni Christian at nginisian ako. Gusto kong batukan pero di ko nalang tinuloy.

Dere-deretso akong naglakad papunta doon sa malaking gate. Nilingon ko sila pabalik pagkarating ko dun.

"Let's get it on." nakangising sabi ko.

ตอนถัดไป