webnovel

Chapter 24

Crissa Harris' POV

Dangerous?

I smell something. Mukhang may ginawang plano tong kakambal ko nang hindi sinasabi sakin.

But somehow, parang mas naexcite lang ako lalo nang banggitin nyang magiging mapanganib yun. Hindi ko alam pero parang nabuhay lahat ng natutulog na cells sa katawan ko.

"Tara. Samahan mo ko sa basement. I'll introduce them to you."

He'll introduce me to them?

Bago pa ako makapagreact sa sinabi nya ay mabilis na nya kong hinaltak.

** Sa basement..

Binuksan ni Christian yung pinto.

"Say hi to them." sabi nya. Binatukan ko nga.

"Loko ka. Wala namang tao dito. Kanina ako magha-hi? E puro weapon lang naman ang nandito e."

"Sa kanila ka nga magha-hi. Alam mo, bukod kasi sa kanilang mga kasama natin ngayon, nakalimutan mo rin na pati tong mga weapon na to ay kaibigan na rin natin. Dahil for sure kung wala ang mga to, baka wala na rin tayo ngayon."

Kungsabagay may point to si Christian kahit na ang lakas makabaliw ng sinabi nyang kaibigan namin yung mga armas namin. Totoo naman yun e. Kung wala yang mga armas na yan, malamang nga hirap na hirap na kami sa pagsurvive ngayon. Or worst, baka patay na nga kaming lahat o undead na.

Lumakad sya dun sa mas maliit na table kung saan may nakapatong na limang magkakaibang klase ng baril. Yung isa alam kong pistol yun. Pero yung apat pa, sa GTA palang ako nakakita ng ganun.

"Bukod sa hawak nating melee weapons, these will be our other primary weapons. These kind of guns."

Lumapit ako kay Christian at manghang-mangha akong tumingin dun sa mga baril. Dinampot nya yung pistol at inabot nya sakin.

"That's a Beretta 92FS Pistol. That is a 9mm semi-automatic pistol. Hindi ako masyadong expert sa mga baril pero atleast alam ko yung mga pangalan nila." kinuha ni Christian yung pistol tapos inabot nya naman sakin yung isang baril na hindi kalakihan.

Familiar sakin ang isa na to. Ito yung baril na favorite kong gamitin sa GTA. Pang tadtaran kasi to e. Saka pwede din syang magamit kapag nakasakay sa sasakyan o motorbike. Magaan lang kasi sya at pwedeng hawakan ng isang kamay lang.

"That's an UZI Submachine Gun. Israel Military Industries ang manufacturer ng ganito. Alam kong familiar na sayo yan dahil GTA addict ka diba? Perfect tong baril na to para sa inyong mga babae dahil magaan lang at madaling dalhin." nagningning ang mata ko dahil sa sinabi nya. Perfect to para samin nila Harriette kaya ito na talaga gagamitin ko. Hehe. Mukhang madali lang namang gamitin e. Kayang-kaya ko to dahil sa GTA palang, gumagamit na ko nito.

Naputol ang pagde-daydream ko nang bawiin ni Christian yung baril at inilapag sa table. Kumuha naman sya ng isa pang baril at inabot sakin.

Whoa. Ang laki na isang to. At mas mabigat din. And actually, medyo nakakatakot ding tignan. May hawig nga sa Ak 47 na nasa GTA e.

Pero nakahawak na ko ng ganito dati e. Yung tumutunog saka may laser? Hehehe. Laruan ni Scott.

"For military purposes ginagamit ang baril na yan. M16 Assault Rifle. Ang bigat diba? Kasing bigat yan ng apat na kilong bigas kapag loaded. Kaya isinasabit sa balikat yan at saka dalawang kamay ang panghawak dyan. Wala akong masyadong alam sa mga baril, pero sigurado namang mahusay tong gamitin na pangtadtad. Perfect pag na-overrun tayo." pagpapaliwanag nya. Inabot ko naman agad sa kanya yun nung kuhanin nya. Hindi ako interesado sa baril na yun. Masyadong mabigat.

Dumampot uli si Christian ng isang baril at inabot sakin. Katulad nung M16 Rifle, halos magkahawig lang ang itusra nila. Yun nga lang, may scope na nakakabit dito. At hula ko, sniper rifle ang isang to. May ganito din sa GTA e. Pero susme lang ha. Mas mabigat to.

"Barrett M98B Sniper Rifle. Mga military din ang gumagamit nito. Perfect din na pang spy. Malaki ang maitutulong satin nito para maprevent na ma-overrun tayo. Ang 27" barrel na ganito ay may weight na 6 kg." kinuha nya yun at saka inilapag sa table. Wala din akong interes dito. Mas mabigat e. Baka makuba ako ng di oras kapag nagpumilit akong gumamit nyan. Mas mabuti pang ipabuya nalang to dun sa may malinaw na mata. Perfect to kay Renzo. Mukhang malinaw ang mata nun sa paninilip e.

Kinuha ni Christian yung huling baril at inabot sakin. Nagningning naman uli ang mata ko. Ito yung tinutukoy nya na isa pang uri ng shotgun na kapag daw nakita ko e bibitawan ko raw agad yung shotgun na nakuha ko dun sa isang security naming undead. Nakikita ko rin sa GTA to e.

Pero wait. Speaking of shotgun, nasan na yung shotgun na nakuha ko nung isang araw? Di ko na uli nakita ah. Sino kayang dumekwat nun?

Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita si Christian..

"Ang tawag dyan sa hawak mo, Franchi SPAS-12. Isang uri ng combat shotgun. Sikat yan kasi nga, lumabas na sa maraming palabas sa tv, movies, at video games." paliwanag nya. Hmm spas-12 pala tawag dun.

Ibinalik ko kay Christian yun tapos inayos nya lahat ng baril na nasa ibabaw ng table.

"Kelan tayo gagamit nyan?" tanong ko at saka ko uli pinasadahan ng tingin yung mga baril. Oh my. Look at that UZI, bagay na bagay sakin.

"Sooner." matipid na sabi nya saka ako hinaltak palabas. Nilock nya uli yung pinto tapos hinaltak nya nya uli ako paakyat sa first floor. Hindi nako nagreklamo pa at nagpakaladkad nalang ako sa kanya.

"Diba, we're divided into two groups? Sa bawat group dapat may isang hahawak ng shotgun, sniper rifle at assault rifle. Tapos dalawang UZI. Yung pistol naman na yun, lahat tayo meron nun. Papalitan natin yung kasalukuyan nating ginagamit." sabi nya habang naglalakad kami. At finally, binitiwan na nya ako at hindi na kinaladkad.

"Eh sino-sino ang hahawak nun? I mean, para kanino yung bawat designated guns?" tanong ko. Sinunsundan ko lang sya habang naglalakad. Nasa labas na kami ng mansion e. San kaya to pupunta.

"Madali nalang yun. Malalaman natin kung ano yung akmang baril para satin kapag natapos na natin tong training natin. But now, may papakita muna ako sayo." huminto kami sa paglalakad. At dun ko lang nakita kung nasan na kami. Andito kami ngayon sa tapat ng shooting range namin.

Binuksan ni Christian yung pinto at tumambad sa akin ang mahigit sampung undead. Bago pa may makalabas, isinarado na nya agad yun at sinecure ng tatlong lock.

Takha naman akong tumingin sa kanya.

"Christian, anong iniisip mo? Bakit ka nagdala ng mga undead dito?"

"Kaming anim ang nagdala nyan dito. Lumabas kami ng mansyon kanina tapos nanghuli kami ng mga gumagalang mga undead sa paligid."

Gusto kong kwestyunin sya kung bakit lumabas silang anim gayong sya pa mismo ang nag-utos na bawal kaming lumabas. Pero hindi ko na masyadong pinansin yung issue na yun dahil napako na yung isip ko dun sa ewan na ginawa nila.

"Bakit kayo nagdala ng undead dito? Christian, sobrang delikado. What if masira yang pinto na yan tapos wala tayong kamalay-malay na sinugod na nila tayo sa loob." di makapaniwalang saad ko. Pero nagulat naman ako nang bigla syang ngumisi.

"This is why I said our training would be so dangerous. Dahil yang mga undead na yan ang subject natin. Ang props natin. Hindi ba mas maganda kung ang pinagpa-practice-an natin ay yung mismong kaaway natin?" pagpapaliwanag nya. Unti-unti namang nagsink-in sa isip ko yung ipinupunto nya.

That sounds really good. Hindi ba at ang dahilan naman namin kung bakit kami magsasagawa ng training ay para maging malakas ang opensa at depensa namin laban sa kanila? E bakit hindi nga ba namin sila gamitin mismo? Mas magiging effective nga talaga yung abilities namin kung sa mismong training palang, yung kaaway na rin namin mismo ang hinaharap at nilalabanan namin. Mas magiging prepared kami sa ganong taktika. Hindi nga rin naman kasi kami matututong lumaban kapag wala kaming nilabanan diba? Hindi kami matututong bumaril kung wala naman kaming mabaril.

Napangiti ako at sinuntok ko sa balikat si Christian.

"Ang utak mo talaga, bwiset ka."

"Buti naman, nagets mo na yung plano ko." sabay ngisi sakin.

"Ako pa ba? Madali ko nalang nagets yun dahil halos magkatulad lang naman tayo ng naiisip. Twinepathy that is." pagmamayabang ko. Pero totoo naman yun. Hehe.

"Pero we must be prepared for unexpected things. Dahil chances are baka hindi lang mga undead ang kalaban natin. Baka pati din yung ibang mga katulad natin na nakasurvive." bulong ni Christian. Bigla naman akong naguluhan kaya takha akong tumingin sa kanya.

"What do you mean?"

Nakita kong napailing sya tapos pilit na tumawa.

"Wala, wala. Wag muna nating isipin yun. Hindi yun ang priority natin ngayon." sabi nya at kinaladkad na ako.

Wag daw isipin. E ngayong nasabi na nya sakin yun, hindi na nya ko mapipigilang isipin yun. Lalo pa at parang napakadisturbing ng sinabi nya.

Hay, but well, gaya nga ng sinabi nya, hindi ito ang priority namin sa ngayon. Mas dapat na paghandaan namin ay yung training namin na maguumpisa na bukas.

Next chapter