Crissa Harris' POV
Pagkatapos kong magkwento, gumulong na si Alessandra sa sahig kakatawa.
"Really? Kadiri si kuya! Hahahaha! At sinisi pa yung brownies sa katakawan nya!? Timawa talaga. Tsk." - Alessandra
"Hahahaha! E ano ng nangyari sunod?" - Renzy
"Sinabi ko pa rin kay Zinnia yung totoo. Hehehe. Kaya ayun, nung sunod na punta ni Alex dito, nasa hagdan palang sya, pinagbabato na agad sya ni Zinnia ng sandamakmak na toilet paper. With matching sigaw pa ng 'Go away you pooper!!' Hahahaha." - ako
"Hahaha! Pooper pala ah? May pang-blackmail na ako kay kuya ngayon." - Alessandra
Nagtawanan pa silang tatlo dun na parang mga takas sa mental. Ako naman e, medyo nahihimasmasan na. Kaya tumayo nako at inaya sila na lumabas na dun.
"Hehehe. Tara, dun naman tayo sa kwarto ko. Mas maganda dun promise!" sabi ko habang pinupunasan yung luha ng kaligayahan na tumulo galing sa mata ko.
Agad naman silang sumunod sakin nung lumabas ako. Mukhang sobrang excited nga sila e. Lalo na si Alessandra at Renzy dahil nga hindi pa sila nakakapasok dun. Si Harriette, Elvis at Alex palang.
Hmm. Medyo namiss ko din tong kwarto ko ha? Ilang araw din akong hindi nakatulog dito.
Binuksan ko yung pinto at..
"Toinks. Kwarto mo to? Bakit parang pang bata yung design?" - Alessandra
"Ang cute nga e! Barbie. Huhuhu." - Renzy
Lumakad ako dun sa isa pang pinto na nasa loob din nitong barbie bedroom tapos binuksan ko iyon.
"Ito talaga kwarto ko hehe."
"Wow! Ang cute ng combination. Pink, black and white. Lakas ding maka-barbie pero bagay lang naman sa age natin. Huhuhu." sabi Renzy tapos humilata na sa kama ko. Natawa nalang ako sa kanya. Pano kasi, bigla nalang syang nagpagulong-gulong dun na parang lumpia.
"E Crissa, kanino yung pang-bata na kwarto na yun?" umupo na rin si Alessandra sa kama at hindi nalang pinansin yung paggulong ni Renzy.
"Sakin din. Kwarto ko nung bata ako. Kaya nung tumanda nako, at kinailangan nang i-renovate, di ko tuluyang pinabago. Malaki ang sentimental value nyan sakin e. Kaya pinagawan ko nalang ng division at nagpalagay ako ng panibagong kwarto sa loob ng kwarto na to. Kakatuwa no? Hahaha. Kaya din maliit tong mismong kwarto ko." paliwanag ko sa kanila.
"Pero in fairness, ang astig ah? Perfect for slumber party. Hihihi." - Alessandra
"Oo. At ang cute cute talaga! Huhuhu." - Renzy
"Salamat. Actually, madalas din talaga kaming mag-slumber party dito ni Harriette. Kahit na nung bata pa kami. Madalas din kasing umaalis yung mommy at daddy nya kaya dito sya iniiwan."
"So ibig sabihin, dito na rin tayo sama-samang matutulog mamaya?" - Renzy
"Yep. Dito nalang kami ni Harriette tapos dun kayo ni Alessandra sa barbie bedroom. Hehehe." - ako
"Wait. In speaking of Harriette, where is she?" - Alessandra
"I'm here."
Napatingin kaming lahat sa may walk-in closet nang biglang lumabas dun si Harriette na may dalang maliit na parang papel o card.
"Look at this, Crissa. Nakita ko sa bulsa ng isa mong leather jacket."
"Leather jacket? Hindi ako nagsusuot ng ganun."
"Wait." bumalik uli si Harriette dun sa may walk-in closet. Tapos nung lumabas sya, sabay na nyang inabot sakin yung papel pati na rin yung jacket na sinasabi nya.
"This is not mine. This is Zinnia's. Pano napunta to dito? But anyway, what about this?" binasa ko yung nakasulat sa papel.
Ideal Protection= short hair, tight clothes. Goodbye ponytails! Keep your hair short and your clothes tight. This will prevent the undead from grabbing you.
"Anong ibig sabihin nyan?" - Alessandra
"Oo nga. Saka bakit may ganyan si ate Zinnia?" - Renzy
Napaisip ako. Hindi ko rin alam kung bakit may ganito si Zinnia. Wala akong idea. Pero tama naman yung nakasulat e. Delikado para sa sitwasyon naming mga babae kapag mahaba yung buhok namin at hindi akma yung damit na suot namin. Bukod sa nakakasagabal sa paggalaw namin, nakakairita pa.
Napangiti ako at isa-isa ko silang tinignan na tatlo.
"May naisip nakong gagawin natin ngayong free day natin." sabi ko at ipinakita ko sa kanila yung papel. "Kailangan natin ng makeover e. Ano, deal?"
Nagtinginan silang tatlo na parang nag-uusap sa mga isip nila. Maya-maya pa, tumingin na uli sila sakin.
"Deal." sabay-sabay nilang sabi. Hinaltak ko sila sa may bathroom tapos isa-isa ko silang iniharap sa salamin.
"Now, say goodbye to your old looks.."
** after 6 hours..
*tok tok tok
"Crissa kung nandyan kayo sa loob, sumunod kayo sa may family room. We will talk about the plan.." boses ni Christian yun. Saktong-sakto lang naman yung pang-iistorbo nya dahil katatapos lang di naman naming mga babae sa ginagawa namin.
"Oh ano, tara na?"
"Eh Crissa, okay na ba tong suot natin. Diba sabi sa papel, tight clothes daw?" sabi ni Renzy na feel na feel na yung new look nya. In fairness. Mas naging cute sya ha.
"Okay lang muna yan, Renzy. Bukas na tayo magdecide kung ano ba yung perfect na outfit.." sagot ni Harriette. I love her new look. Di ko maexplain pero iba talaga yung dating. Bagay din pala sa babae yung may ganung style sa buhok?
"Oo nga. Saka hindi naman ibig sabihin, dapat agad-agad. Wala naman na ring undead dito sa loob ng mansyon e. Kaya safe na tayo." dagdag pa ni Alessandra. Walang sinabi yung dati nyang look. No-more-kikay look na sya ngayon.
Napangiti ako. May naalala kasi ako e.. Diba ganito yung paraan ng mga babaeng brokenhearted ng pagmove on? Nagme-makeover sila? At yung new look nila, it symbolizes their new start?
Isa lang ang ibig sabihin nito para samin. Kasabay ng pagbabago ng itsura namin, kasabay din nito yung bagong pagsisimula namin. Wala na yung dati kasi hindi na namin maibabalik yung dating normal na buhay namin kahit na kailan. Ang importante nalang ngayon ay yung kasalukuyan.. Lalong-lalo na yung bukas..
"Harriette, Alessandra, Renzy. New look, new life?"
Tumango silang tatlo bilang pagsagot sa akin. Mukhang alam na nilang ang ibig sabihin nun. Nagyakapan kami saglit at nakangiti kaming pumunta kila Christian.
Hindi na kami nag-abala pang kumatok nung makarating kami sa may family room na nandito din sa third floor. Basta binuksan ko na lang yung pinto at dere-deretso na kaming pumasok sa loob.
Nakaupo yung anim na lalaki dun sa may couch at pare-parehas silang nakatalikod sa may pinto kaya hindi nila kami nakitang pumasok. Ni hindi rin nga nila kami napansin man lang e. Busyng-busy kasi sila sa kung anong binubutingting nila doon sa may mesa.
"Ehem." umubo kami ng peke para kuhanin ang atensyon nila. Unti-unti namang lumingon samin si Christian. At nanlaki bigla ang mata nya.
"W-who the hell are you!? At paano kayo nakapasok dito!?" sigaw nya samin. Sabay-sabay naman kaming tinutukan ng baril nung lima pang lalaki.
Sa sobrang gulat namin nila Harriette, napaatras kami bigla. Ni hindi na rin namin nagawang makapagreact.
Okay. What's happening with these jerks?