webnovel

Chapter 10: Scared

Kinaumagahan. Mabigat ang talukap ng aking mata. Dahan dahan ko itong binuksan kahit na medyo mahapdi ito. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Ang tanging naiwan lang sa isip ko ay si Jaden.

Si Jaden na wala akong ideya kung anong ginagawa nya ngayon. Kung totoo ba ang narinig ko kahapon. O kung, dapat pa ba akong magtiwala hanggang ngayon.

Umupo ako't hinilot ang sentido. Sa bagong araw na ito. Ano kayang mangyayari sakin?. Kahapon lang ay masaya ako, kami ng pamilya ko sa nalamang naipasa ko ang board exam, pero agad din napalitan ng lungkot at nakakabinging katahimikan. Paano ako haharap kay Mama ngayon?. Kila kuya at papa?. Paano pag nalaman na nila ang lahat?. Paano nalang ako?. Kami?.

Tinignan ko ang oras saking cellphone. Pasado alas syete na. Kaya bumangon na ako't dumiretso ng banyo't naligo.

"Wala syang reply.." malungkot kong sambit sa isiping hindi talaga nagreply si Jaden sa message ko sa messenger.

Malungkot akong pinagpatuloy ang pagligo hanggang sa magpalit ng damit.

Kabado rin akong lumabas ng kwarto at bumaba. May mga kaluskos sa kusina pero wala akong naririnig na mga nag-uusap. Bawat hakbang na ginagawa ko ay mabibigat. Para bang sinabitan ng semento ang aking paa dahilan para mabagal akong maglakad.

"Good morning.." malamig na bati ni kuya Lance. I wonder kung may alam na rin ba sya o wala.

"Good morning.." medyo namamaos pa ang boses kung kaya't nilinis ko iyon at nilinga ang buong kusina. Napansin nya iyon. "Umalis na sila. May duty si kuya. Si mama naman, pinatawag ng boss nya at si papa, may pinuntahang site.." bigla ay paliwanag nya. Itinikom ko ang aking labi at lumunok nalang. Iniiwasang tumingin sa kanya dahil nag-iinit na naman ang gilid ng aking mata.

Damn!. Bakit ang babaw ng luha ko ngayon?.

Nanghihina akong umupo at natulala sa pag-iisip kay Jaden.

"Kumain ka na.. Tapos na ako.." inilapag nya ang mga pagkain sa mesa. May tinapay at pritong ham at itlog. Naslice na prutas.

"Thanks.." mabilisan kong pasasalamat bago tumakbo papuntang banyo. Doon. Sunod sunod akong dumuwal.

Naghila ako ng tissue saka pinunasan ang gilid ng labi at ang iilang luha saking mata at pisngi. Pinanood ko lang ang aking sarili sa harap ng salamin na umiiyak.

"Hey!. Are you alright?.. Take some meds if not. Aalis ako ngayon. May ipapabili ka ba?.." lalong tumulo ang mga luha ko. Impit na humagulgol. Tipong di nya maririnig. "Hey Bamby?. I need to go now.. Kumain ka ha.." tunog nag-aalala ang kanyang boses.

Tinakpan ko ang labi sa panginginig. "Kuya.." mahina kong tawag sa kanya ngunit alam kong nakaalis naman na sya. Kailangan ko ng kausap. Hear me please. Nagmamakaawa ako.

Makalaan ang ilang minuto kong pamamalagi sa loob ng banyo ay lumabas na rin ako. Dumiretso ng kusina at doon nakita ang pagkaing iniwan ko kanina. Tinakpan nya iyon upang di dapuan ng kung anong insekto. I tried to eat those foods pero di ko talaga kaya. Lumalabas lamang sya. Yung prutas lang ang nakaya kong lunukin.

After a span of hours. Naisipan kong lumabas at bumili ng pregnancy kit. Malapit lang naman ang drug store sa bahay kaya nilakad ko na. Nilampasan ko pa sina Bryce sa may kanto. They said hi. At ang tangi kong naisagot sa kanila ay isang mapait na ngiti. Hindi ko na ulit sila nilingon at dumiretso na sa bahay. Umakyat ako saking kwarto at ginawa ang test. Hindi nga ako nagkamali. Dalawang guhit ang lumabas. Positive!. I'm really pregnant!

I feel so happy, blessed and at same time. Scared.

Masaya ako kasi may bunga na ang pagnamahalan naming dalawa ni Jaden kahit nambababae pa sya. I don't mind. What's really matter is, the one whose inside me now. Dalawa na kaming ngayong dapat alagaan. Second is, I'm still blessed because I have him. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko kung kaya't hirap akong matukoy kung anu-ano ang mga iyon. Lastly. Takot ako. Natatakot talaga ako. Hindi sa pagbubuntis ko, kundi sa aking pamilya.

"Yes ma'am. See you tomorrow.." dinig kong boses iyon ni mama galing sa labas kaya dali dali akong bumangon sa pagkakahiga sa sofa at sinalubong sya.

"Good evening ma.." I tried to kiss her pero umatras sya palayo sakin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi nya ako binati o nginitian man lang ng peke. Yung kunyari lang. Basta nilampasan nya lang ako na parang hangin. I smiled bitterly. An unshed tears escaped again.

Ma?.. I wanted to utter those words but I have no idea kung pakikinggan nya ba ako o uulitin ulit ang ginawang pang dededma sakin.

Huminga ako ng malalim saka kinalma ang sarili. Pinunasan ko ang luha saking pisngi bago tumayo ng maayos at naglakad patungong kusina. I cooked pork adobo for them.

Maya maya. Dumating rin si papa. But just like her. He just ignored me. Like damn!. Ano pang saysay ko diba?.

A minute passed by. Sabay na dumating sina kuya. Yayakapin ko na sana si kuya Mark ng pigilan nya ako gamit ang kanyang palad. Muli. Di lang ako nanigas. Naestatwa at nanlamig na talaga ako sa kinatatayuan ko. Nanlalabo na naman ang paningin ko subalit nilabanan ko iyon. Tumingala ako para pigilang mahulog ang mga luhang gustong kumawala.

"Hello there.." si kuya Lance lang ang humalik saking ulo. Lalo namang nag-unahan ang mga luha pababa. Kung sino pang inaasahan kong di makakaintindi sakin. Sya pa tong, karamay ko ngayon.

Nagsiakyatan sila sa taas. Naiwan akong mag-isa sa baba.

And it's dinner time. Nasa dulo si papa. Kaharap si mama sa katabing gilid. Bandang kanan. Kaharap ni mama si kuya Mark, katabi ako saka kaharap ko rin si kuya Lance.

"Ma.." gumaralgal ang aking boses sa pagtawag na binalewala nya lamang. imbes ako ang kausapin nya. Kay kuya Lance sya bumaling. Nanlulumo akong yumuko nalang at kinutkot ang kuko sa ilalim ng mesa.

"Eat Bamby.." dinig kong boses ni kuya Lance. Doon lang ako gumalaw para kumain. Di ko malunok ang pagkaing kanina ko pa nginunguya sa sobrang tahimik nila. Nakakabingi ito.

Katahimikang nakakatakot pakinggan.

Next chapter