webnovel

Chapter 40: Breakfast

Nang gabing iyon. Maagang natulog ang lahat dahil sa pagod. Alam ko ang hirap at puyat kapag nasa ospital. Kahit ako ang binabantayan. Ramdam ko pa rin ang pagod at sakripisyo nila para sakin.

Kaya nang umaga. Madaling araw akong nagising upang ipaghanda sila ng agahan. Marunong na akong magluto simula nung nangibang bansa kami. Hindi ako nagpaturo. Nanonood lang ako sa telebisyon o iniisip ko lang. Basta andyan ang mga ingredients. Nag-iimbento ako ng luto. Hanggang sa natuto na rin akong magluto. Nang hindi nila nalalaman.

Nagprito ako ng itlog na hinaluan ng kinaskas na hilaw na carrots. Magandang healthy ang kainin sa umaga. Sinabayan ko na rin ng ham at pinirito ang katawan ng isda. Ang ulo nito ay gagawin kong sinabawan para mas masarap.

Alas singko na nang malapit na akong matapos. Nag-init rin ako ng tubig para sa kanilang kape mamaya. May despencer naman pero mas maganda pa rin pag napakuluan. "Malapit nang matapos.." ngiti ko sa ulo ng isda na kumukulo na.

"Hmmm... bat parang ang bango?.." dinig ko ang yabag na mula sa hagdan. Hudyat na may gising na sa kanila.

Nagmadali akong kumuha ng bigas at nilagay sa rice cooker. Muntik ko nang makalimutan ang kanin. Suskupo Bamby!..

"Nakakagutom naman..." muntik ko nang mabitawan ang hawak na sandok nang may biglang nagsalita sa aking likuran. Si mama lang pala. Nakasandal sya sa hamba ng pintuan habang nakahalukipkip. Suot pa rin ang damit pantulog. "Good morning ma.." nilapitan ko sya at bineso sa may pisngi.

"Akala ko si Lance. ikaw pala?.." nagtataka pa rin nyang tanong. Sabay kaming naglakad palapit ng stove.

"Yes ma.. naisip ko na pagod kayo dahil sakin.. kaya naghanda ako para sa inyo.."

"Kailan ka pa natutong magluto?.." Sabi na eh?. Alam ko nang magtataka sya neto.

"Months ago po.."

"Saan?.." ipinatong ko ang sandok sa isang plato na nasa gilid bago ko sya hinarap. "Sa Australia po.. naisip ko lang na dapat ko palang matutunan na magluto para kahit wala akong kasama sa bahay... mainit ang kakainin kong pagkain.." paliwanag ko.

Sa loob ng unang buwan kasi namin doon. Tuwing wala sila sa bahay. Panay, tinapay at gatas lang ang kinakain ko. Nakakapanghina. Kung di naman ganun. Fast food o sa restaurant galing. Sa totoo lang. Hindi ko gusto ang mga pagkain na ganun. Bukod sa hindi na nga masarap. Mahal pa. Suskupo!. Kung di ka magtitipid. Madaling mabubutas bulsa mo.

"Ang bango!.." dinig kong boses ni papa ang sumunod na nagsalita. Ilang minuto palang ay lumabas na ang kanyang bulto sa kusina.

"Good morning beautiful ladies.." bati nya samin. Hinalikan nya si mama bago bumaling sakin. Ang sweet!.. My goodness!.. Ke aga..

"Ang aga mong nagising?.." hinalikan nya ako sa noo.

"Pa, sya ang nagluto.." mama said. Tinignan sya ni papa. Bago nilibot ang paningin sa kabuuan ng kusina.

"Seriously?.." lumitaw ang ngiti sa kanyang labi. Lumapit sa mesang puno ng mga pagkain. Inamoy ang mga ito. Sinipat isa isa.. "Bamby, ikaw nagluto?.." tumango ako habang kagat ang labi. Natutuwa ako sa nakikita kong tuwa sa kanilang mga mukha. Like seriously, Kaya ko na pong magluto ng ulam ngayon.

"Ma, bakit mo sya hinayaan?.."

"Pa, sya ang unang nagising satin. Pano ko sya pipigilan?. besides, mukhang masarap naman mga luto nya.. magaling.. first timer.. pero di sunog.." Ani mama sa kanya.

Maging ang dalawa kong kapatid ay ganun rin ang reaksyon. Mga baliw!. Kung kaya nila, aba?. Sino ako para hindi kayanin ang mga ginagawa nila?. Parehong dugo kaya ang nananalaytay sa amin. Nagtaka pa sila?. Tsk.. My ego hurts. Big time bruh!..

"Ang sarap Bamblebie!.. ganito ulit bukas ha?.." puri sakin ni kuya Mark na sinang-ayunan naman ni ate Cindy.

"Dapat di lang bukas.. everyday na.. agree ba kayo?.." sutil ni kuya Lance. Walang sumagot sa kanya. Nagpatuloy lang ang lahat sa pagkain. "Ano ba?. Wala ba akong kausap?.."

"Subukan mo kaya bukas rin Lance.. para alam mo na.. matikman rin namin luto mo.." suhestyon ni papa na naging sanhi ng paglaki ng kanyang mata. "Bat ako?.." nagugulat nitong tanong.

Sabay kami nina kuya na humalakhak. Umiling lang din si mama. "Why not you?.." binalik agad sa kanya ni papa ang tanong nya. Yan. Kaharap mo na ngayon ang taong katapat mo. Anuna?..

"No more why's Lance.. ikaw ang magluluto ng agahan bukas... period.." nagtanguhan kami ni kuya Mark sa pinal na desisyon ni papa. Wala na syang takas. Basta period. Period.

Matapos ang agahan. Bumalik akong muli sa aking silid. Tatawagan ko naman si babe. Namiss ko boses nya. Ilang beses itong tumunog ngunit hindi nito sinasagot.

Kay ate Cath ako tumawag. "Good morning ate.."

"Good morning Bamby.. kamusta?. balita ko nakalabas ka na ng ospital.. dalaw kami dyan sa susunod na araw.."

"Ayos na po ako ate.. ah.. itatanong ko lang po sana si Jaden.. di po kasi nya sinasagot tawag ko.."

"Si Jaden?.. ah.. maagang umalis Bamby.. di ko alam saan pupunta.."

Dumagundong na ang kaba sa akin. Wala naman akong narinig na masama pero bakit yung kaba ko parang sinasabi nyang dapat akong kabahan. Suskupo!.. Ayoko ng ganito.. "Sino pong kasama nya ate?.."

"Si papa.." para akong nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan. Juiceku!.. Di ko na alam ang gagawin kung wala syang nabanggit na pangalan. Di naman ako praning. Natatakot lang ako na baka agawin sya ng iba. Di naman iyon masama hindi ba?.

ตอนถัดไป