webnovel

Inevitable

ADVANCE HAPPY NEW YEAR GUYS!!!

CHAPTER 55

-=Ram's POV=-

"Please don't do this Ram." pagsusumamo nito sakin, kitang kita ko sa mga mata nito ang tila pagmamakaawa, hindi ko hayaan na makalayo ito sa akin, dahil once and for all ay gusto kong marinig sa kanya na mahal pa din niya ako.

Pinilit kong makipagmatigasan dito, ngunit hindi din nagtagal ay ako na mismo ang sumuko.

"Well I guess I don't have any choice but to wait, I waited for almost two years and it will not kill me to wait for few more days or weeks or even months ang mahalaga ay ang ngayon." seryoso kong sinabi dito at nang mahalata kong hindi ito kumportable ay ngumiti ako dito.

Magkasabay na kaming bumalik sa beach para makakain na din, sinundan ko kasi siya nang mapansin kong medyo matagal tagal na din ito sa loob ng gubat at laking gulat ko nga nang makita kong naliligo ito sa lagoon na walang suot na kahit na ano kaya naman naisipan kong samahan ito at nangyari nga ang bagay na iyon.

Sa totoo nga lang nang unang may mangyari sa amin sa islang ito ay hindi ko alam kung paano ito pakikitunguhan lalo na't alam kong makakaramdam ito nang guilt sa nangyari ngunit mabuti na lang at hindi iyon ang nangyari, nakita kong parang bumalik ang dating Atilla na mahal ko at mahal din ako, ngunit ramdam ko na may bumabagabag pa din dito.

Pinilit kong maging kuntento na muna sa kayang ibigay sa akin ng dalaga katulad nang sinabi ko kanina, naghintay na ako sa kanya kaya hindi ako magsasawang maghintay hanggang maging handa na siya at sisiguraduhin kong magkakabalikan kami nito habang nasa isla kami.

Nagulat na lang ako nang bigla akong makaramdam ng malagkit na bagay sa pisngi ko at saka ko lang napansin na pinahiran pala ako ni Atilla nang hinog na mangga sa mukha ko at nang tignan ko ito ay kita ko ang pigil na pigil nitong pagtawa.

"Finally bumalik na din ang isip mo sa mundong ibabaw sobrang lalim kasi eh." ang natatawa nitong sinabi hindi ko tuloy maiwasang hindi mangiti sa ginawi nito.

Ahhh sobrang lalim pala ah, ang sinabi ko dito sabay kuha nang isang manggang hinog na pinisa ko sa kamay ko, ramdam na ramdam ko ang lagkit mula doon na hindi ko inalintana at mukha namang nabasa ni Atilla ang nasa isip ko kaya naman dali dali itong tumayo at tumakbo palayo sa akin.

"Come back here!" natatawa kong sinabi dito at agad ko itong hinabol, for someone as think and light like Atilla ay sobra pala nitong tumakbo kaya naman hinihingal ako nang maabutan ko ito, at tumatawa kaming sabay na bumagsak sa buhanginan nakahiga ako sa buhangin samantalang ito ay napadapa sa akin dahil sinigurado kong hindi ito masasaktan.

"Gotcha!" ang hinihingal kong sinabi dito at akma kong papahiran ito nang magulat ako sa ginawa nito, bigla kasi nitong dinilaan ang parte ng mukha ko na pinahiran nito kanina, biglang tumiim ang pagkakatitig ko dito at ilang sandali lang ay naramdaman ko ang nasa pagitan nang mga binti ko na nagreact and judging from Atilla's reaction I can tell that she felt the result of what she did.

Hindi na ako nagaksaya ng oras at agad kong sinakop ang mapupulang mga labi ng dalaga, and oh man the taste of her lips is so sweet lalo na't kakatapos lang nitong kumain ng mga prutas na nakuha namin sa gubat.

She kissed back with the same passion and intensity na lalong nagpalalim nang mga halik na ginagawad ko dito.

I tasted every corner of her mouth with so much gusto, and then my month decided to do some exploration with her body and I can feel her body getting tense from the way she arched her body.

We explore each body as if there's no tomorrow, she can bring out the wild side of me anytime that she wants and I'm happy to know that I can bring out her wild side as well.

Maggagabi na nang naisipan naming bumalik na sa campsite namin, and after making sure na sapat na ang apoy sa aming bonfire ay magkayakap kaming nakatulog.

The following day we decided to check the other part of the island and also did some naughty things habang nasa parte kaming iyon nang isla, I never felt so much alive and happy in my whole life.

I hope hindi na matapos ang masasayang araw nang magkasama kami ni Atilla, natatakot ako na dumating ang araw na kailangan nang mamili ni Atilla, kahit hindi sabihin ni Atilla ay ramdam kong mahal pa din ako nito pero sapat na ba ang pagmamahal na iyon para bumalik sa akin si Atilla? Sapat na ba iyon para makabawi ako sa mga sakit na dinulot ko sa dalaga, pero gaya nga nang sinabi ko kay Atilla, ang mahalaga ay ang ngayon saka ko na iisipin ang mga maaring mangyari kailangan kong gawin ang lahat para mapasaya ko si Atilla.

"Atilla masaya ka ba?" tanong ko dito nang nakaupo lang kami sa malapit sa bonfire na ginawa namin, kakatapos lang namin kumain nang hapunan at naisipan namin maupo sa beach sa malapit sa apoy, sobrang bilis nang mga araw at halos isang linggo na pala nang mapadpad kami sa islang ito and these is the best week of my life with Atilla by my side.

"Very happy Ram, thank you for being there for me." nakangiti nitong sinabi na nakatingin pa din sa apoy sa harap namin, hearing her answer brings a certain warm in my heart, dahil iyon ang mahalaga ang maging masaya siya habang magkasama kami.

Naglalaban ang loob ko kung itatanong ko na ba ang bagay na iyon o hindi pa ngunit mas nanaig ang kagustuhan kong marinig mula dito ang sagot kahit na nararamdaman ko ang damdamin nito ay gusto ko pa din marinig iyon mula dito kaya naman isang malalim na buntung hininga ang ginawa ko bago ako nagdecide na magsalita.

"Atilla?" mahina kong tawag dito na sinagot lang naman ng pag-ungol nito telling me na nakikinig siya.

"Mahal na mahal kita Atilla, alam kong hindi ka pa handa na...." sinabi ko dito ngunit napigilan iyon nang takpan ni Atilla ng daliri nito ang bibig ko stopping me from continuing, alam ko naman na hindi pa siya handa kaya hindi na ako nagtaka ng pigilan ako nitong magpatuloy ngunit nagulat na lang ako sa narinig ko mula dito.

"Mahal na mahal din kita Ram." she said with so much sincerity on her voice, naramdaman ko ang pag-iinit nang magkabilang mga mata ko sa emosyon na dinulot ng mga salitang iyon mula kay Atilla, iba pa din talaga kapag nadinig mo sa taong mahal mo na mahal ka din nila, ngunit kahit ramdam ko ang sincerity sa sinabi nito ay nararamdaman ko pa din na merong itong agam agam ngunit hindi ko na masyadong binigyan pansin ang bagay na iyon dahil ang mahalaga ngayon ay ang katotohanan na hindi ako nawala sa puso nang babaeng pinakatatangi tangi ko.

Katulad nang mga nakaraang araw ay nakatulog kami na magkayakap but this time there is that warm feeling inside knowing na mahal pa din ako ni Atilla kaya naman nakatulog ako nang may ngiti sa labi with the love of my life.

Nagising ako kinabukasan na wala na sa tabi ko si Atilla kaya naman dali dali akong tumayo upang hanapin ito at nang iikot ko ang mga mata ko ay nakita ko itong nakatanaw sa bandang dagat na para bang may tinatanaw ito at bigla akong nanglamig kahit na nga ba bahagyang mainit na sa beach nang makita ko ang mangilan ngilang bangka na habang tumatagal ay lumalaki sa paningin ko.

At ilang sandali nga lang ay nakadaong na ang mga bangka at may isang lalaking nagmamadaling bumaba doon patungo kay Atilla, kita ko ang recognition sa mukha ni Atilla habang nakatingin sa bagong dating.

"Oh my God Atilla!" narinig kong sinabi nang bagong dating kay Atilla at agad itong niyakap nang mahigpit na mahigpit.

It doesn't take a rocket scientist to figure out kung sino ang taong ito, this must be Ang, Atilla's boyfriend sobrang pagpipigil ang ginawa ko para huwag lumapit dito at ilayo si Atilla sa yakap nito kahit na nga ba pakiramdam ko ilang libong karayom ang tumutusok sa puso ko ng mga oras na iyon, ang hirap lang kasing makita na ang babaeng mahal mo ay yakap ng ibang tao.

Pero ano nga bang karapatan ko, kahit na sinabi sa akin ni Atilla na mahal pa din niya ako ay hindi pa din nagbabago ang katotohanan na may boyfriend na ito, hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na mapag-usapan ang tungkol sa amin.

Pakiramdam ko ay bulag ako, bulag akong makita kung ano ang mangyayari kapag nakabalik na kami sa kabihasnan at kung ano ang naghihintay para sa amin ni Atilla from here onwards dark na ang lahat at na kay Atilla ang desisyon kung anong mangyayarim at iyon mismo ang kinatatakutan ko.

Next chapter