webnovel

♥♡ CHAPTER 84 ♡♥

♡ Author's POV ♡

Nakita ni Syden ang pagsunod ng buong grupo kay Nashielle kaya muli niyang ibinalik kay Raven ang tingin niya, "Let's go?" napatingin naman siya kay Dean, "Kagaya ng gusto ni Raven." bahagya siyang napangiti at pinunasan ang mga luha sa mga mata niya. Lumapit siya kay Raven at lumuhod para halikan ito sa noo at sa huling pagkakataon ay muli niyang tinignan ito, "Kahit mahirap, gagawin ko...para sa ating dalawa, Raven." pahayag niya na tumayo na.

Lumapit siya kay Felicity na naiwan ding nakatayo habang nakatingin kay Raven kaya napatingin ito sa kanya, "Kagaya ng gusto ni Sean, Syden." saad din nito kaya bahagya silang napangiti sa isa't isa kahit ramdam nila ang lungkot ng bawat isa. Sumunod na rin silang tatlo sa buong grupo.

Sa bandang dulo kung nasaan ang wall na pinasabog ni Feli ay nadatnan na rin nila ang ibang estudyante na nakatayo sa mismong kinatatayuan ng wall na ngayon ay wasak-wasak na. Natigilan ang buong grupo nang makitang nagsitalunan ang iba kaya napatingin sila kay Felicity, "Do we really have to jump?" tanong ni Dave na ikinatango niya, "I think it's the only way." sagot naman nito.

Muli silang napatingin doon habang nagsisitalunan naman ang ibang estudyante. Napatingin naman sila sa likuran nila nang makitang isa-isa na ring sumasabog ang mga parte ng wall kaya mas binilisan pa ng iba ang pagtalon at hindi nila naiwasan na magtulakan. Bigla ring dumating ang iba pang miyembro ng dark eagle para pigilan sila lalo na't hindi nila nagawang mapatay ang mga ito dahil sa mahirap silang kalabanin.

Hinarangan naman sila ng buong grupo dahil paniguradong pipigilan nila ang pagtakas ng mga estudyante at papatayin ang mga ito, "Umalis na ang iba." saad ni Dean na tinignan sina Stephen, Caleb, Dustin, Dave at Oliver, "Don't worry, susunod kami." dagdag pa niya dahil nag-aalanganin ang mga ito kaya nagkatinginan sila at tumango bago tuluyang umalis.

Tinignan nila ang pagtalon ng lima bago muling hinarapan ang mga lalaking nakapalibot sa kanila, "Sweetie." napatingin naman si Syden sa kanya, "Go with my sister. Tumakas na kayo." saad niya na ikinailing ni Syden, "No, I'll fight with you. Feli, mauna ka na. Isama mo si Nashielle." pahayag naman niya kay Felicity.

"Pero paano-- " -Feli

"Mauna na kayo!" sigaw pa ni Syden kay Nashielle at Felicity kaya walang nagawa si Nashielle kundi hilain si Felicity at sapilitan din itong isinama sa pagtalon nila. Muli naman nilang hinarapan ang mga lalaking nakamaskara na mabilis naman silang nilusob kaya wala na rin silang nagawa kundi labanan ang mga ito habang tumatakas pa rin ang ibang estudyante. Hindi nagtagal ay sila-sila na rin ang natira sa loob nang makatakas na ang iba.

Sabay-sabay na napatingin sina Dean, Syden, Roxanne at Clyde kina Icah, Maureen at Hadlee na kakarating lang at mabilis silang hinarangan laban sa mga kalaban nila, "Tumakas na kayo. Sa loob ng ilang segundo sasabog ang buong lugar na 'to after the back-up wall closes itself." saad ni Icah na ipinagtaka nila kaya tumingin ito sa gilid niya dahil nasa likuran niya sila Syden at nasa harapan nilang tatlo ang mga kalaban.

"Inside the remaining walls, meron pang isang maliit na wall sa loob nito." napatingin naman silang apat sa likuran nila nang makitang may lumabas na panibagong wall mula sa loob ng mga natitira pang wall.

Tila isa itong pintuan na unti-unting isinasara ang daanan nila sa pagtakas, "Hindi pwedeng makalabas pa dito ang miyembro ng dark eagle dahil paniguradong tutulungan nila si Mr. Wilford. We'll stop them kaya tumakas na kayo." saad pa ni Icah habang nakaharap silang tatlo sa mga kalaban.

Kasabay noon ay nangyari nga ang sinasabi niya habang dahan-dahan namang nagsasara ang daanan nila sa pagtakas, "Go, Dean." napatingin sina Dean at Syden kina Roxanne at Clyde.

"What?" tinignan naman nina Roxanne at Clyde sina Icah na nakikipaglaban na bago ibinalik ang tingin kina Syden.

"Nagsasara na ulit ang daan. Hindi na kami makakasunod pa. You should go, you deserve it. We'll help the three stop the enemies, siguradong susundan nila kayo at hindi na sila pwedeng makalabas pa. The three of them cannot fight those, masyado silang marami that's why you should escape now!" sigaw ni Clyde, "Ano pang hinihintay niyo, gooo!!" sigaw pa niya.

"Sigurado ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Syden na sinagot ni Roxanne, "Umalis na kayo. Seeing the both of you leave this place is already enough for us." ngumiti siya at muling nakipaglaban. Nag-umpisa na ring masugatan si Roxanne.

Tinignan ni Dean ang wall na malapit nang magsara habang nag-aalala ring tinitignan sina Roxanne at Clyde na nakikipaglaban na, ganon din naman si Syden na nakatingin sa tatlo niyang kaibigan. Habang nakikipaglaban si Clyde ay nagtamang muli ang mata nila ni Dean, "Matagal ko na kayong pinatawad, Clyde." mahinang saad nito na ikinatango naman ni Clyde at napangiti nang maintindhan niya ang sinabi nito.

Matagal ng pinatawad ni Dean ang dalawa noon pa man dahil mas pinahalagahan niya ang pagkakaibigan na mayroon sila, "Mahal na mahal ko kayo." saad naman ni Syden kina Icah na abala sa pakikipaglaban, "Huwag ka ng bumulong dyan, alam namin...kaya tumakas na kayo!" biglang sigaw ni Maureen sa kanya kaya napatingin siya dito na muli namang nakipaglaban.

Kitang-kita ng dalawa ang pakikipaglaban ng mga kaibigan nila para sa kanila kaya kahit ayaw ni Dean na umalis ay hinila na niya si Syden. Mabilis silang tumakbo papunta sa wall na muling nagsasara at natigilan nang makita ang tila bangin at tubig na nakaabang sa kanila kaya nagkatinginan ang dalawa, "Sweetie, let's escape together." saad ni Dean na mahigpit na hinawakan ang kamay ni Syden kaya tumango siya at hinigpitan din ang pagkakahawak sa kamay ni Dean.

Sabay silang tumalon at pagkasara ng wall ay ang tuluyang pagkasabog ng buong lugar. Pagkabagsak nila sa tubig ay nagkahiwalay sila habang patuloy pa rin sa paglangoy. Nahirapan ang dalawa na makahanap ng lugar upang makaahon lalo na't kulay dugo ang tubig at napupuno ng mga pinaghalu-halong bangkay ng tao, lamang loob at mga samut-saring gamit.

Pagkaahon ni Syden ay iniikot nito ang paningin niya, "D-dean!" sigaw nito habang naghahanap. May mga estudyante na rin na naglalakad papunta sa iisang direksyon, "N-nasaan ka?!" sigaw pa nito.

Napangiti na lang ito ng makitang umahon si Dean mula sa tubig at pareho silang naliligo sa dugo dahil sa tubig na pinanggalingan nila. Ganon rin ang mga estudyante. Mabilis niya itong nilapitan at mahigpit nilang niyakap ang isa't isa, "I'm glad we made it." mahinang saad ni Dean.

Humiwalay si Syden sa pagkakayakap nila ngunit may halo pa rin ng kalungkutan sa mga mata nila. Napatingin si Syden sa itaas kung saan sila nanggaling kaya napatingin na rin doon si Dean. Ang buong lugar ay nasusunog na at tanaw na tanaw nila ito mula sa baba, "Mahirap mang tanggapin ang lahat but we should accept it." muling ibinalik ni Syden ang tingin kay Dean para tumango at bahagyang ngumiti.

After a long time, they finally made it.

Hinawakan ni Dean ang kamay ni Syden kaya napatingin siya dito, "Let's go?" tanong niya kaya muling tumango si Syden. Nag-umpisa na silang maglakad habang sinusundan ang mga estudyante na papunta sa iisang direksyon hanggang sa madaanan nila ang mga matataas na wall ng Heaven's Ward High.

Kailangan nilang mag-ingat sa bawat paghakbang nila lalo na't maputik ang daan bukod sa nagkalat sa daanan nila ang mga buto-buto ng mga taong matagal nang namatay na hindi nila alam kung saan nanggaling. Kasama na rin ang malansang amoy na nanggagaling dito.

Nang tuluyan silang makarating sa pinakaharapan ng Heaven's Ward High ay sabay silang napatingin sa iisang direksyon nang makita nilang nakaupo doon ang mga kasama nila habang sugatan at duguan, "Where are the others?" tanong ni Nashielle na halatang hinihintay sila. Nagkatinginan ang dalawa at mapait na napangiti bago umiling si Syden.

"Hinarangan nila ang mga kalaban...kaya hindi na nila nagawang makasunod." malungkot na saad ni Dean na napayuko, "N-nagpaiwan sila?" tanong pa ni Nashielle na ikinatango niya kaya nakaramdam na rin ng labis na kalungkutan ang iba at sabay-sabay silang napayuko.

"I-i thought sabay-sabay tayong makakalabas." mahinang saad ni Dave kaya napatingin sila sa kanya at nabalutan ng katahimikan ang buong lugar nang bigla naman silang makarinig ng ingay.

Napatingin naman sila kay Felicity na tila may pinanggalingan dahil halos kakarating lang niya at mabilis niyang niyakap si Dean, "We made it...kuya." bulong nito kaya mahigpit siyang niyakap ni Dean at humiwalay ito sa kanya nang lapitan sila ni Syden na masayang nakatingin sa kanila.

"S-sayang lang kasi..." bigla na lang napayuko si Feli bago ibinalik ang tingin kay Syden, "H-hindi natin kasama si Raven." malungkot na saad nito hanggang sa yakapin siya ni Syden, "It would take time for us to move on, Feli." saad niya. Magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman nilang lahat.

"A-ang sabi niya sa akin may sasabihin siya paglabas namin dito, pero hindi na niya nagawa." lumayo si Syden sa kanya at nagpumilit na ngumiti.

Sinabi sa akin ni Raven na aamin siya sa'yo, Felicity...pero hindi na niya nagawa. I think it's really better kung hindi ko na sasabihin sa'yo para hindi ka na lalong mahirapan. Ayaw kong mag-alala pa sa'yo si Raven lalo na't alam kong masaya siyang nakalabas na tayo. Saad ni Syden sa sarili nito.

"O-okay ka lang ba?" muli siyang napatingin kay Feli dahil napansin nito ang pagluha ni Syden. Mabilis naman niya itong pinunasan at ngumiti, "O-okay lang ako. May naalala lang kasi ako tungkol kay Raven." pahayag niya.

"Hindi niyo ba nakikilala kung sino ako?! I am Augustus Wilford!!" sabay-sabay silang napatingin sa isang pamilyar na lalaki na dala-dala ng mga pulis. Inilabas nila siya mula sa Heaven's Ward High. May mga sasakyan na rin ng pulis sa paligid at mga sundalo na lumapit sa mga estudyante para tanungin ang mga ito.

They were also the one who guided the students kung anong daan ang tatahakin dahil bago pa man pinasabog ni Nashielle ang wall, nakaabang na sila sa baba. Lahat sila ay masama ang tingin kay Mr. Wilford at punung-puno ng galit.

Dalawang pulis ang humahawak sa kanya at natigilan sila sa paglalakad nang harapan sila ng heneral. Napatingin naman siya sa tabi nito nang makita rin niyang hawak-hawak nila si Mr. Arthur Schulz ngunit wala itong kibo kaya ibinalik ni Augustus ang tingin sa heneral, "General Auberon Vaughan? Ikaw ang may pakana nito?! You traitor! Who are you para pagbintangan kami!" sigaw ni Augustus.

"You have no rights to do this. Itigil muna ang kahibangan na 'to, General Voughan." sagot ni Arthur kaya nalipat sa kanya ang atensyon ng heneral, "Really, Mr. Schulz? Pagkatapos mong palabasin na namatay sa aksidente ang anak ko? Pagkatapos mo siyang nakawin sa amin at tanggalan ng alaala? Ngayon, sino sa tingin mo sa ating dalawa ang maaakusahan sa lahat ng 'to?" sarkastikong tanong ng heneral. Napatingin si Syden kay Dean na nakatingin sa dalawa kaya hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito.

Itinaas nang heneral ang kamay niya kaya napatingin ang dalawa sa hawak nitong usb bago nagsalita, "I have complete evidence against the two of you. This was a voice record of Mrs. Lim before she died habang sinasabi niya sa amin ang totoong nangyayari sa eskwelang 'to." natawa na lang si Augustus at napailing na tila tanggap na niya ang kawalan ng pag-asa.

"Now tell me..." mas nilapitan pa siya ng heneral kaya nagkatapatan ang dalawa, "Who started Curse Academy? Why did you build it at kaninong ideya ito?" tahimik ang lahat dahil sa tagal ng panahon, ito ang kaisa-isang tanong na walang makakasagot bukod sa dalawa.

Napangiti ng masama si Augustus at inilibot ang tingin sa mga estudyante. Natigilan siya nang makita si Syden kaya napaatras naman si Syden sa takot, "Curse Academy was not our idea. We did not build it." napatingin naman ang lahat kay Arthur nang magsalita ito na ipinagtaka nila lalo na't seryoso ito at walang bakas ng pagsisinungaling sa mga mata niya.

"What do you mean?" tanong ng heneral kaya nagkatinginan naman ang mga estudyante.

"It was supposed to be a secret academy to protect the students because they are the future of their family but it didn't turn out that way." mas nagtaka pa ang lahat sa sinagot nito.

"A student bestowed a curse inside that academy and that's where everything started." saad naman ni Augustus habang nakayuko ito, "We had no choice but to kill her. We did everything but we lost control. She had complete control of everything and you will regret saving her over and over again." saad nito at tila may namumuong galit sa mga mata niya habang isa-isa niyang tinitignan ang mga estudyante.

Mahigpit na hinawakan ng heneral ang damit nito dahil nag-uumpisa na rin siyang magalit. Hindi nila maintindihan kung ano ang pinagsasabi ng dalawa. It's like they really want to end everything but they really can't.

"Hindi ka namin maintindihan!" saad ng heneral, "Tell me, sino sa inyong dalawa ang may ideya ng kahibangan na 'to?"

Dahan-dahang lumipat ang tingin ni Augustus sa kung saan at napangiti ng masama, "The story keeps on repeating itself." saad nito hanggang sa makarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril.

Tumama ito kay Augustus at kay Mr. Schulz kaya natigilan ang lahat nang unti-unting bumagsak ang dalawa sa sahig. Nakita nila ang isang pamilyar na babae sa hindi kalayuan na siyang bumaril sa dalawa at nanlaki ang mata nila. May hawak itong baril at masama ang tingin sa dalawa. Tila nanigas naman si Syden nang itapat nang babaeng 'yon ang baril na hawak nito sa kanya, "I-ikaw?" hindi makapaniwalang tanong nito hanggang sa marinig ang muling pagputok ng baril.

Ang kaisa-isang tanong na gusto nilang magkaroon ng kasagutan ay hindi pa rin nabigyan ng maayos na sagot.

Next chapter