webnovel

♥♡ CHAPTER 71 ♡♥

♡ Author's POV ♡

"Ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Maureen habang nakaupo silang dalawa ni Hadlee sa tabi ni Syden na ikinatango naman nito, "Can I ask you a favor?" tanong ni Syden kina Maureen, "Puntahan niyo lahat ng main members at pakisabi sa kanila na nawawala si Oliver. Kapag nakita niyo si Dustin sabihan niyo agad ako at kung pwede huwag kayong magpapakita sa kanya." pahayag ni Syden na ipinagtaka nila, "Ano bang balak mong gawin, Sy?" tanong ni Hadlee na sinundan naman ni Maureen, "Tsaka ayos ka lang ba talaga? Kung gusto mo, sasamahan kita-- "

"Hingi na kailangan. Ok lang ako." harang niya kay Maureen.

Napatingin si Syden sa gawi ni Icah na nakatingin lang sa kanila habang nakatayo pa rin sa tapat ng pintuan bago ibinalik ang tingin sa dalawa, "Gusto ko mang sabihin sa inyo pero mahirap ipaliwanag ang mga nangyayari ngayon." sagot naman niya, "Puntahan niyo na sila at sabihing pumunta sila sa staff room." dagdag pa niya kaya nagkatinginan ang dalawa at tumango, "Sige basta mag-iingat ka, Sy." sambit ni Maureen kaya tumango si Syden hanggang sa lumabas na sila ng kwarto.

Nagkatinginan muna sina Syden at Icah bago sinundan ni Icah ang dalawa niyang kaibigan hanggang sa mapatingin si Syden sa sahig habang nakaupo pa ito sa kama at nakakaramdam ng pagkahilo. Nang mapansin niya ang papel na nakakalat doon ay tumayo siya at dahan-dahan itong kinuha. Paulit-ulit niyang binasa ang nakalagay doon habang nakatalikod siya sa nakabukas na pintuan.

Were they asking him to commit suicide kagaya ng ginagawa ng ibang estudyante? Kaya ba nawawala si Oliver ngayon? But this is impossible. Base sa pagkakaintindi ko, kapag hindi niya ginawa ang gusto nila, papatayin nila ang mga kaibigan niya...pero sa pagkakaalam ko ay wala na siyang iba pang kaibigan bukod sa amin. Oliver clearly knows na kaming natitira sa grupo ay hindi nila basta-basta magagawang atakihin kaya bakit niya susundin ang gusto nila? Saad nito na nag-iisip ng malalim.

Napatingala ito habang hawak-hawak pa rin ang kapiraso ng papel nang maramdaman niya ang presensya ng isang tao sa likuran nito. Narinig niyang nagsara ang pintuan kaya natira na lang ang kaisa-isang liwanag na nanggagaling sa buwan na nakatutok sa bintana ng kwarto, "What are you doing here?" dinig niyang tanong nito kaya nakilala niya kung sino ang pumasok kahit hindi niya pa ito nakikita.

Ibinaba niya ang kamay niya at unti-unti siyang humarap dito. Kahit madilim ay kilalang-kilala niya ang lalaking 'yon habang nakatayo ito sa tapat ng saradong pintuan, "Saan ka galing?" seryosong tanong ni Syden.

"At bakit kailangan mong malaman?" sagot nito na ikinainis naman niya. Unti-unti niyang itinaas ang isang kamay niya para ipakita ang papel na hawak niya, "Nawawala si Oliver at natagpuan ko 'to sa mismong kama niya..." pahayag nito na unti-unting lumalapit kay Dustin, "Imposibleng hindi mo 'to nakita kanina. Nakita kitang lumabas mula sa kwartong 'to, Dustin." tinapatan niya ito at sinamaan ng tingin, "Tapatin mo nga ako...ikaw ba...ang nag-iwan ng papel na 'to sa kama ni Oliver?"

"No." diretsong sagot nito kaya napangiti ng masama si Syden habang seryoso lang ang tingin sa kanya ni Dustin, "Really, Dustin?"

"Alam kong nawawala si Oliver at nakita ko din ang papel na 'yan sa kama niya pero hindi ako ang naglagay-- "

Hindi na niya naituloy pa ang sinasabi niya ng maramdaman na lang ni Dustin na nasa likuran na nito ang pader nang bigla siyang itulak ni Syden at tinutukan ng kutsilyo, "Huwag mo akong lokohin, Dustin. Tingin mo ba hindi ko napapansin?" hindi makapaniwalang tanong niya, "Na iba ang ikinikilos mo nitong mga nakaraang araw at hindi kayo nag-uusap ni Oliver. Bakit? Dahil ba may nalaman siyang hindi dapat malaman?" sambit nito na hinigpitan ang pagkakahawak sa kutsilyo.

"Wala akong alam sa sinasabi mo."

"Traydor ka." diin ni Syden habang galit na galit ito, "Unang-una, bakit hindi mo agad sinabi na nawawala si Oliver? Dahil ba gusto mong mamatay siya katulad ng nangyari kina Stephen at Caleb? Pangalawa, kung hindi talaga ikaw ang naglagay ng papel sa kama niya, siguradong sasabihin mo agad sa amin noong oras na nabasa mo ang nakasulat dito pero bakit nanahimik ka? Agad kang umalis para hindi ka mapagbintangan at hinayaan mong isa sa amin ang makabasa ng nakasulat sa papel para isipin namin na galing nanaman sa dark eagle ang sulat? Well, hindi na ako magtataka kung isang traydor na katulad mo ang kasama sa grupo nila. Kailan mo pa sila tinutulungan?" at mas itinutok niya kay Dustin ang kutsilyo.

"Watch your words, Sy. Hindi ako traydor." pahayag nito na hindi lumalaban at seryoso pa rin ang tingin kay Syden, "Hindi ako maniniwala sa'yo." dagdag pa ni Syden na umiling hanggang sa itulak siya ni Dustin kaya bigla itong napaatras at nagulat sa nangyari, "I will let you call me a traitor once you find an evidence against me. Kapag nakahanap ka na ng ebidensya, balikan mo ako at ako mismo ang aamin sa'yo. For now..." lumuhod si Dustin para kunin ang papel sa sahig na hawak-hawak ni Syden kanina dahil nahulog ito. Muli siyang tumayo at maiging tinignan ang papel.

"Hindi ako aalis sa grupo dahil hindi ako ang traydor. Papagurin mo lang ang sarili mo na maghanap ng ebidensya laban sa akin." saad niya na tinalikuran si Syden at binuksan ang pintuan, "I may not have enough evidence...kaya pala noong nilusob kayo ng grupo ni Dean..." muling napatingin si Dustin sa kanya at natigilan kaya nagtama ang mata nila, "Galit na galit siya kay Oliver at hindi ka gaanong nilalabanan ng grupo nila. Well, kahit ako naman hindi ko magagawang labanan ang mga kakampi ko." at masamang ngumiti si Syden. Tinalikuran siya ni Dustin para pumunta sa staff room at ramdam din nito ang pagsunod sa kanya ni Syden sa likuran niya.

Natigilan siya sa mismong harapan ng staff room hanggang sa lapitan siya ni Syden at tapatan, "I won't speak for now, Dustin. Pero kapag may nangyaring hindi maganda kay Oliver, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka. So please act innocently infront of them." pagkatapos niyang sabihin 'yon ay mas ngumiti pa ito ng masama at binuksan niya ang pintuan para pumasok sa loob. This is insane. Saad ni Dustin bago sumunod kay Syden.

Naghihintay ang buong grupo habang nakaupo sila kaya't napatingin sila sa dalawa nang unang pumasok si Syden, "What happened? Bakit biglaan 'to?" tanong ni Dave na nakaupo at nasa tabi niya si Julez na seryoso lang ang tingin. Tinignan ni Syden si Dustin bago hinarapan ang buong grupo, "Hayaan niyong si Dustin ang magsabi kung ano talagang nangyari since silang dalawa ang magkasama ni Oliver." saad nito na umupo sa harap habang naiwan namang nakatayo si Dustin sa tapat ng pintuan.

Itinaas niya ang kamay niya at ipinakita ang papel na hawak niya. Tinignan niya si Syden na masamang nakangiti sa kanya bago niya tinignan ang iba, "It's true that Oliver is missing at nakita ko ang papel na 'to sa mismong kama niya." pahayag niya na ikinabigla ng lahat maliban sa kanilang dalawa ni Syden habang si Clyde naman ay seryoso at halatang malalim ang iniisip.

"It came from Dark eagle society."

"What?!" biglang tumayo si Raven at kinuha kay Dustin ang papel na hawak nito. Binasa niya ang nakasulat doon at binaliktad niya rin ang papel dahil may nakasulat rin sa likuran na labis naman niyang ikinagalit, "D*mn! Kailan pa 'to?!" sigaw niya na tinignan si Dustin, "Kanina ko lang nakita 'yan-- " hindi na natapos pa ni Dustin ang sasabihin niya ng mahigpit siyang hinawakan ni Raven sa damit nito gamit ang dalawang kamay, "Kanina lang?! Bakit hindi mo agad sinabi?!"

Lahat sila ay napatayo na dahil sa nangyari bukod kay Syden. Hinawakan ni Clyde ang kamay ni Raven kaya napatingin ito sa kanya, "Calm down. Hindi ito ang tamang oras para magaway-away tayo." saad nito kaya binitawan ni Raven si Dustin dahilan para mapaatras ito.

"Calm down?! Paano ako kakalma?! Do you even know kung anong ibig sabihin ng nakasulat sa papel na 'to?! It's either he commit suicide or else all of us will get killed! Tapos nawawala pala siya pero hindi natin kaagad nalaman! Ano sa tingin niyo ang gagawin ni Oliver ngayon?!" galit na saad ni Raven dahil ganon ang nangyari kay Leigh.

"We should not blame Dustin about it. Ang mahalaga sinabi niya." depensa ni Clyde.

"Sinabi niya pero huli na?!"

"Huwag na nating pag-awayan 'to pwede ba?! Ang dapat nating gawin, hanapin si Oliver! Kaya kung ayaw niyong may mangyaring hindi maganda, mag-umpisa na tayo sa paghahanap!" sigaw din ni Clyde at napansin ni Syden na parang dinedepensahan pa ni Clyde si Dustin kaya naisip niyang mahihirapan siyang kausapin si Clyde tungkol kay Dustin dahil baka hindi ito maniwala sa kanya. Kakailanganin ko talaga ng sapat na ebidensya. Malaki ang tiwala ng buong grupo kay Dustin at malaki din ang posibilidad na maniwala sila sa kung anuman ang rason na sasabihin niya para makaligtas siya. Saad nito.

"I'll go and find him right now." saad ni Raven na sinamaan ng tingin si Dustin bago siya lumabas. Nagkatinginan silang lahat at minabuti ng grupo na maghiwa-hiwalay para hanapin si Oliver. Sa kabilang banda naman ay hindi maiwasan ni Sean na magalit ng sobra kaya't napakuyom ang kamay nito habang mabilis na naglalakad. Hindi na niya kakayanin pang mawalan sila ulit ng kaibigan dahil lang sa mga kaaway nila.

Noong oras na 'yon, isang tao ang naisip niyang lapitan para mas mapabilis pa ang paghahanap kaya't pagtapat niya sa kwarto na 'yon ay kumatok siya na hindi naman nagtagal ay bumukas ang pintuan, "Sean, anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ni Felicity, "Busy ka ba?"

Sandaling sumilip si Felicity sa loob dahil nag-uusap ang tatlo niyang kasama kaya't lumabas siya at isinara ang pintuan, "Balak ko sanang hanapin si kuya kaso nahihirapan akong tumakas ngayon dahil buong araw ding nandito sina Icah at hindi lumalabas. Bakit ba?"

"May hahanapin din kasi ako, pwede mo ba akong tulungan? Or kung gusto mo sabay tayong maghanap?" tanong ni Sean kaya nabuhayan naman ng loob si Feli, "Really?" tumango si Sean at bahagyang ngumiti, "Sure, wait a minute." pumasok siya sa kwarto at pagkalipas ng ilang segundo ay lumabas na rin siya. Nakita ni Raven ang dalawang kutsilyo sa bulsa ni Feli na halatang 'yon ang kinuha niya sa loob, "Anong sabi nila Icah?" tanong nito habang naglalakad sila sa hallway.

"Wala. Sabi ko sasamahan kita." maikling sagot nito na ikinatango ni Raven at pagkatapos noon ay hindi na siya nagsalita pa. Naghanap sila kung saan-saan ngunit hindi pa rin nila nakikita ang mga hinahanap nila. Madalas mapabuntong-hininga si Raven na parang marami ang iniisip at lubos na nag-aalala kaya't nagtaka si Felicity. Huminto siya sa paglalakad at iniharap si Raven sa kanya na natigilan naman dahil sa ginawa niya, "Are you okay?" nag-aalalang tanong nito.

"Oo naman, bakit?" tanong ni Raven.

"Para kasing hindi. Is there something bothering you, Sean?"

Sandaling natahimik si Raven bago ito nagbuntong hininga at tinignan ng diretso si Feli, "Hindi ko lang talaga inakala na darating kami sa puntong maghihiwa-hiwalay kami at unti-unting kaming mababawasan." at hindi na niya mapigilan ang lungkot na nararamdaman niya, "Paano ba nag-umpisa ang gulo sa grupo niyo?" tanong ni Feli na ikinailing ni Sean, "Hindi namin alam. Bigla na lang nangyari ang lahat ng 'to at hindi na namin alam ang gagawin namin."

"Hindi na ba talaga babalik sa dati si Dean?" tanong pa ni Feli na kusang nakapagpatigil kay Raven at diretsong napatitig sa kanya, "Paano kung bumalik siya sa dati, magiging maayos na ba ang lahat?" dagdag pa niya. Bakit ba tinatanong niya ang mga ganitong bagay? Ibang klasi talaga siyang mag-isip. Saad ni Sean kaya bahagya siyang napangiti. It's just obvious na nag-aalala si Felicity sa kanya.

"Malabo nang mangyari 'yon, Feli. Nagawa na nga niya kaming ubusin dba?" malungkot na saad ni Sean ngunit may halo ring galit, "Bakit hindi natin subukan?" sagot ni Feli na tuluyang ikinabigla ni Raven. Sumeryoso ang mukha nito at umiling dahil mukhang nabasa niya ang nasa isip ng kasama niya, "Kung anuman ang iniisip mong gawin, huwag mo ng ituloy. Naiintindihan mo ba?" may pagbabantang tanong nito na nilagpasan si Felicity at nagpatuloy sa paglalakad, "Kaya ko namang gawin kung gugustuhin ko, Sean. Kesa naman nakikita kitang ganyan." natigilan si Raven at muling napatingin sa kanya, "Sige, puntahan mo siya kung gusto mong mawala ng maaga sa mundong 'to." seryoso ngunit may galit na pahayag ni Raven, "Pero huwag mo akong sisisihin kung pipiliin kong sundan at iligtas ka laban sa kanya, ayaw ko ng mawalan ulit ng mahal sa buhay, Felicity." dagdag pa nito and this time, si Felicity naman ang natigilan dahil sa sinabi ni Raven.

To be continued...

...FLASHBACK...

Nasa loob siya ng bloody room na hindi na ginagamit ng grupo ngayon. Nakatayo siya sa sulok habang nakatanaw sa labas ng bintana at nagsisigarilyo. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang paglusob sa kanilang dalawa ng grupo ni Dean dahil alam niyang may mali, "Daydreaming at midnight?" napatingin siya sa nagsalita nang makita niya si Clyde na kakapasok lang din at lumapit sa tabi nito. Ngumiti siya ng masama at ganon rin naman si Clyde sa kanya.

"Same to you, Clyde." saad pa nito kaya natawa si Clyde habang nakatago ang mga kamay nito sa magkabila niyang bulsa at humarap din sa labas kagaya ni Dustin.

"So tell me..." saad niya kaya napatingin si Dustin sa kanya at tinignan niya rin ito, "What's bothering you?" tanong pa nito na ipinagtaka ni Dustin, "What?"

"You can lie and put a good act to everyone but not to me, Dustin. Ang akala mo ba hindi namin napapansin ang mga kilos mo?" natawa na lang si Dustin at muling tumingin sa labas, "At sa ginagawa mong 'yan, pwede ka nilang pagbintangan." dagdag pa nito kaya muling ibinalik ni Dustin ang tingin niya kay Clyde. Kinuha niya ang sigarilyo sa bibig niya at naglabas ng usok pagkatapos ay inihulog niya rin sa sahig at inapakan, "You started acting weird lately simula ng lusubin kayong dalawa ni Oliver nila Dean, tama ba ako?" napangiti si Dustin at tumango, "Sa tingin ko pareho tayo ng iniisip ngayon Clyde dahil alam nating may mali kay Dean at sa mismong grupo natin." sagot naman ni Dustin.

"Totoong nilusob kaming dalawa ni Oliver pero hindi ako ang pakay nila kundi si Oliver lang. Nadamay lang ako dahil magkasama kami." nagtaka na lang si Clyde dahil sa sinabi nito, "What do you mean na siya lang ang pakay nila?"

"They weren't fighting me instead they were just defending themselves dahil ako ang nagpupumilit na patumbahin sila. Kilalang-kilala ko pa rin si Dean at noong oras na 'yon, hindi ko alam kung bakit galit na galit siya kay Oliver, kitang-kita ko 'yon sa mga mata niya. You know what Clyde..." sandali itong natigilan habang nag-iisip bago ulit nagsalita, "Dean won't let himself be controlled by anyone at alam nating lahat 'yan. Kahit galit ako, hindi ko pa rin maiwasang mag-isip. Nag-aaway silang dalawa ni Oliver pero hindi ko alam kung ano ang pinag-aawayan nila dahil hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila." naguguluhang sambit ni Dustin, "Kaya hindi ko maiwasang mag-isip ng masama tungkol kay Oliver at pinili kong huwag muna 'tong sabihin sa grupo at manahimik na lang hanggat hindi pa ako nakakasigurado."

"Kaya ba hindi kayo nag-uusap?" tanong ni Clyde na ikinatango ni Dustin, "Ayaw ko siyang kausapin dahil hindi na ako komportable na kasama siya. Pakiramdam ko may ginagawa siyang hindi natin alam. Bigla na lang siyang nawawala na parang bula. May nag-iwan din ng papel sa kama niya galing sa dark eagle."

"What?"

"It's true pero hindi ko muna sinabi sa iba dahil hindi pa ako sigurado kung totoo 'yon. Malaki ang posibilidad na siya mismo ang nag-iwan ng papel na 'yon para magtago sa atin. If he really wants to commit suicide ayon sa nakasulat sa papel, itatago niya 'yon at hindi niya hahayaang makita ko pero bigla siyang nawala at naiwan pa ang papel na 'yon." hindi rin makapaniwala si Clyde dahil sa sinabi ni Dustin.

"Do you think he's a traitor?"

"Hindi ko alam, Clyde. Kaya kailangan natin siyang mahanap at kapag nakita natin siyang buhay, ibig sabihin totoo lahat ng hinala ko."

"Do you think that's the reason kung bakit galit si Dean sa kanya?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"I've been thinking too, Dustin." muling tumanaw si Clyde sa labas ng bintana, "Alam nating dalawa na kung gusto talagang pumatay ni Dean, hindi siya papalpak. He was the one who stabbed Syden right?" at ibinalik ang tingin niya kay Dustin at ngumiti ng masama. Sa pagngiti niyang 'yon ay unti-unti namang naintindihan ni Dustin ang gusto niyang sabihin, "S-so do you mean? He didn't really want to kill her?"

"In fact, he saved her. At 'yon ang kaisa-isang bagay na hindi napansin ni Syden." dagdag pa ni Clyde.

"So what's the plan?"

"Lahat ng nalalaman natin, hindi natin sasabihin kahit kanino. We need to find Oliver and talk to him bago pa man siya mahanap ng mga kasama natin. Sigurado akong malalaman rin nila ngayon ang tungkol sa pagkawala niya at dahil ikaw ang kasama niya, ikaw ang pagbibintangan nila lalo na't iba ang ikinikilos mo."

"Then what do I need to do?"

"Hayaan mong pag-isipan ka nila ng masama as long as you know na wala kang ginagawang masama." hinawakan ni Clyde ang isang balikat ni Dustin at ngumiti, "Don't worry, I'll try to defend you as much as I can. Maghihintay din ako ng tamang oras para makausap si Dean to make things clear. Maraming nakabantay sa atin kaya kailangan muna nating manahimik." pahayag ni Clyde.

Pagkatapos noon ay bumalik na si Dustin sa kwarto niya at katulad ng inaasahan nito, nadatnan niya si Syden.

...END OF FLASHBACK...

ตอนถัดไป