webnovel

♥♡ CHAPTER 60 ♡♥

♡ Sean Raven's POV ♡

"I can't believe na nasabi niya ang lahat ng 'yon?!" hindi makapaniwalang saad ni Roxanne. Nandito kami ngayon sa hallway at madaling araw na. Pagkatapos ng nadatnan namin kanina sa club na 'yon, lahat kami hindi makapaniwala sa lahat ng narinig naming sinabi ni Dean. Naikwento na rin nila sa akin lahat ng nangyari at napag-alaman kong napunta lang pala sa wala ang sakripisyo ko. Kahit gustuhin kong intindihin ang sitwasyon ni Dean dahil sa ginawa sa kanya ni Savannah, hindi ko mapigilan na magalit at halos lahat kami, ganon ang nararamdaman ngayon.

Mula sa kinatatayuan ko, madalas akong mapatingin sa kwarto ni Syden. Sarado ang pintuan at alam kong umiiyak siya ngayon. Sobrang nasasaktan na siya kaya binalak naming mag-usap dito kung saan hindi niya maririnig pero hindi naman kalayuan sa kwarto niya, "Why don't you talk to her?" napatingin ako kay Dave na nakasandal sa pader habang nakapaikot lahat kami at nakatayo sa isang sulok. We were all speechless dahil sa nasaksihan namin.

Bahagya akong ngumiti at nagsalita, "I was waiting for that guy to come out." nagtaka si Dave sa sinabi ko, "Phoenix?" tanong niya kaya tumango ako at ibinalik ang tingin sa kwarto ni Syden. Nakita kasi naming hinihintay niya si Syden kanina malapit sa kwarto ng kakambal ko. Gusto ko sanang pigilan pero napansin ko na parang may kakaiba sa kanila ni Syden at nakita kong okay naman sa kanya na sundan siya ng lalaking 'yon sa kwarto niya kaya hinayaan ko na lang. Parang gusto niya pa ngang kausap 'yon kesa sa amin. May relasyon ba sila? But that's impossible. Hindi naman magagawang magloko ng kakambal ko kahit na nasasaktan na siya kay Dean.

"Anong meron sa kanilang dalawa?" tanong ko kay Dave.

"Hindi ko rin alam kung anong balak ni Syden. Usapan kasi namin date makikipag-kaibigan siya sa lalaking 'yon para makakuha ng impormasyon sa pagkawala ni Dean, pero parang hindi na ganon ang nangyayari ngayon but one thing's for sure na wala namang namamagitan sa dalawa. She still loves Dean Carson." pahayag ni Dave kaya napatango na lang ako.

"I couldn't believe everything." tinignan ko silang lahat na nakatingin naman sa akin, "When I was in Dea-- " natigilan ako nang muntik na akong madulas sa pagsasalita. Hindi pa nila pwedeng malaman na napunta ako sa maling building, "Curse building, naramdaman ko na lang na parang may mali. Never did I expect na sobrang gulo na pagbalik ko dito. Don't blame me guys, masasakit ang mga salitang binitawan ni Dean sa kakambal ko...and I can't forgive him. All our sacrifices were just useless." sambit ko sa kanila at napasandal ako sa pader. Napayuko ako at napapikit dahil nagpipigil ako sa galit. Hindi pa rin mawala sa isip ko lahat ng narinig at nakita ko. Lahat ng sinabi ni Dean kay Syden, narinig ko at narinig naming lahat.

"Alam namin at pare-pareho tayo ng nararamdaman ngayon. Gustuhin man nating intindihin ang sitwasyon ni Dean, pero hindi rin natin maiiwasan na magalit dahil sa mga narinig natin." dagdag pa ni Clyde.

"What the hell is really happening now?" naguguluhang tanong ni Oliver na napaupo na sa sahig at napahawak sa ulo niya gamit ang dalawang kamay nito.

"What are we going to do?" tanong naman ni Stephen. Nagkatinginan kami at walang gustong magsalita dahil lahat kami, hindi na namin alam ang gagawin namin.

"If you are planning to kill that girl, don't ever do it." saad ni Clyde kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Why not? Sa kanya naman nag-umpisa ang lahat?" nagpipigil ako sa galit at baka dumating ang oras na hindi ko na kayang pigilan 'to. Baka may magawa pa akong hindi maganda.

"Mahirap lapitan ang babaeng 'yon dahil hawak niya si Dean. When he threatened Syden, malinaw sa ating lahat na kaya niya tayong patayin kung gugustuhin ng babaeng 'yon. We can't lose anyone of us knowing that we can't defeat Dean Carson." depensa ni Clyde.

"At anong dapat nating gawin? Hayaan ang dalawang 'yon habang nahihirapan tayo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Ano ba talagang nangyari?

"I-i don't know-- but don't ever make a move ng hindi alam ng grupo!" hindi mapakaling sagot ni Clyde. Alam namin na siya ang pinakaunang nahihirapan dahil ngayong wala si Dean, siya ang obligadong papalit. Honestly, ito ang unang beses na nakita ko ang buong grupo na nahihirapan. Hindi kami ganito date. Pero ngayon...halos hindi na namin alam ang gagawin.

"Vipers..." mahinang saad nito at nabigla kami nang makita namin ang itsura nito. Halatang nahihirapan na rin siya. What the hell is really happening?! Saan at paano nag-umpisa ang lahat ng 'to?!

"Hindi ko na rin alam kung ano ang dapat nating gawin. We did everything and you know it. Simula ng pakawalan natin ang Phantoms at Redblades, natigil na rin ang pagpatay sa kanila at 'yon pa lang ang nagagawa nating tama. Pero ngayon..." bigla siyang niyakap ni Roxanne at nakita kong pareho na silang umiiyak kaya mabilis kong pinunasan ang mukha ko dahil pansin ko na rin na lumuluha na ako. Hindi lang ako pero lahat kami.

"I don't know what to do anymore." saad pa nito habang nakayakap si Roxanne sa kanya, "W-we can do this together, guys. Huwag muna tayong sumuko, pleaseee." mahinang sambit ni Roxanne habang umiiyak ito.

"SH*T!! SH*T!!" paulit-ulit na sinuntok ni Dustin ang pader habang namumula ang mukha niya kaya pinigilan siya ni Dave lalo na't dumudugo ang kamay niya. Lahat kami napaupo habang tumutulo ang mga luha na agad rin naming pinupunasan bukod kay Roxanne na yakap-yakap pa rin si Clyde.

"Kapag nalaman ko kung sino ang may pakana sa lahat ng 'to, I will surely kill them all!" galit kong sabi habang nakayuko. Hindi ako magdadalawang-isip at sisiguraduhin kong maghihirap sila dahil sa sitwasyon namin ngayon.

"All of this was planned from the start." pagsasalita ni Roxanne kaya napatingin kami sa kanya, "Pinlano nila ang lahat kaya nagawa nila tayong sirain." dagdag pa niya habang umiiyak at nakatingin sa amin, nasa likuran naman niya si Clyde at nakayuko.

"Ang kailangan nating malaman, kung sino ang tumitira sa atin ngayon!" galit kong saad at napatayo na ako dahil hindi ako makapag-pigil.

Umiling si Roxanne at ito ang unang beses na nakita ko sa kanya ang pagkatalo, "We tried pero wala kaming napala." dagdag pa niya kaya napakuyom ang mga kamay ko.

"Don't ask me why pero isa lang ang kilala ko na pwedeng gumawa sa atin nito." napatingin lahat sila sa akin kaya isa-isa ko silang tinignan at hindi ko mapigilan ang galit sa mga mata ko, "Minsan na rin akong niloko ng council at sila lang ang alam kong makakagawa nito. Galamay nila ang mga umaatake sa atin...at sisiguraduhin kong magbabayad sila." tinalikuran ko na sila para pumunta sa kwarto ni Syden. Sakto namang nakita ko ang paglabas ng lalaking 'yon at nang maisara niya ang pintuan ng kwarto ni Syden, mabilis ko siyang iniharap sa akin at sinuntok ng malakas kaya napaupo siya sa sahig.

"What was that for?!" gulat na tanong nito. Hinawakan niya ang bibig niya at nang tignan nito ang kamay niya, may dugo.

Lumapit ako sa kanya at mahigpit na hinawakan ang damit niya, "For deceiving me." hindi ko mapigilan ang galit ko at gusto ko siyang suntukin ng paulit-ulit, "I could still remember how you deceived me that day, Phoenix. Dinala mo ako sa maling building. Akala mo ba hindi ko malalaman?" pagkatapos kong sabihin 'yon, sinuntok ko ulit siya ng malakas kaya napaupo siyang muli sa sahig.

Muli kong hinawakan ng mahigpit ang damit niya kahit hindi pa siya nakakatayo, "Now, speak." sambit ko.

"I can only say nothing." sagot niya kaya sinuntok ko ulit siya. Nilapitan ko siya para suntukin ng paulit-ulit hanggang sa mapatingin ako sa pintuan ng kwarto ni Syden, "W-what's happening here?!" gulat na tanong nito. Pinigilan ko ang sarili ko at bumulong kay Phoenix dahil ayaw kong dagdagan pa ang problema ni Syden, "Kapag nalaman kong may masama kang balak sa kakambal ko, I won't hesitate to kill you. Since you helped us, I'll spear your life for now at dahil nagtitiwala siya sa'yo, hindi ko sasabihin ang panloloko na ginawa niyo sa akin." masama kong sabi sa kanya at binitawan ko siya kaya madali siyang nilapitan ni Syden at inalalayang makatayo, "O-okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya kaya natawa na lang ako. Talaga nga yatang pinagkakatiwalaan na niya ang lalaking 'to? I can't believe this, all of this nonsense. 

Tinignan ako ni Phoenix bago tinignan si Syden at tumango, "Don't worry, I'm fine." sagot niya kay Syden. Tinignan ako ni Syden at kitang-kita ko ang pamamaga ng mga mata niya, "Raven, ano bang nangyari? Bakit kayo nag-aaway?" tanong niya kaya umiwas ako ng tingin.

"May problema ba dito?" sabay-sabay kaming napatingin sa grupo nang lapitan nila ako at sinamaan ng tingin ang lalaking 'yon kaya umiling ako, "None. Ayaw ko lang na dinidikit-dikitan niya ang kakambal ko." sambit ko na sinamaan ng tingin si Phoenix. Kapag nalaman ko talaga na may plano siyang hindi maganda kay Syden, ako mismo ang papatay sa kanya.

Tinalikuran ko na sila at pumasok ako sa loob ng kwarto ni Syden. Alam ko naman na tutulungan niya pa ang lalaking 'yon dahil sa mga sugat na natamo nito sa pagkakasuntok ko sa kanya. Umupo ako sa kama niya at nakita kong tinignan pa ako nila Clyde para siguraduhin na ayos lang ang lahat kaya tumango ako. Kagaya ng ginawa ko, umalis na rin silang lahat habang natatanaw ko pa ang dalawa sa labas.

Nakatingin ako sa gawi nina Syden at nag-aalala siyang nakatingin sa lalaking 'yon habang inaalalayan niya pa rin ito, "Sy, don't worry about me. Magpahinga ka na." saad niya kay Syden habang nakahawak sa sikmura niya. Totoo ba 'tong nakikita ko? Mabait ba talaga ang lalaking 'to o nagpapanggap lang? Sadyang hindi kapani-paniwala lahat ng nangyayari.

"Pero paano ka?" tanong pa ni Syden dito. Ano naman kayang ginawa ng lalaking 'to para mag-alala ng sobra sa kanya si Syden? Nilason niya rin ba ang utak ng kakambal ko? Napailing na lang ako at natawa.

"I can handle this...go to your twin brother now. Alam kong marami kayong kailangan na pag-usapan." saad pa nito kaya mas napangiti ako ng masama ng magtama ang mata namin ng Phoenix na 'yon.

Tumango si Syden at nakita kong ginulo ng lalaking 'yon ang buhok niya. Feeling close na ba talaga siya sa kakambal ko? Sarap gilitan ng leeg. Hindi ko na alam kung anong nangyari pagkatapos noon dahil tinalikuran na niya si Syden. Nakita ko na lang ang kakambal ko na nakatingin sa daan na tinahak ni Phoenix. Paniguradong alalang-alala siya habang pinapanood na naglalakad palayo ang lalaking 'yon at iika-ika.

Bumuntong-hininga siya at tinignan ako kaya napayuko na lang ako. Pumasok siya at isinara ang pinto hanggang sa maramdaman kong umupo siya sa tabi ko, "Bakit mo naman 'yon ginawa sa kanya? Wala naman siyang ginagawang masama." sambit nito at nakuha pa akong pagsabihan. Kung alam mo lang ang panloloko na ginawa sa akin ng lalaking 'yon. Tsk!

Tumingala ako para tignan siya at mababakas sa mukha niya ang pag-aalala at walang halong galit, "Ayaw ko lang kasi na nilalapitan ka niya. Nag-aalala lang ako sa'yo." galit ako sa lalaking 'yon dahil sa panloloko niya pero pinili kong itago kay Syden lalo na't si Phoenix rin ang dahilan kung bakit kami nakabalik dito.

Hinawakan ni Syden ang isang balikat ko at nagbuntong-hininga, "Raven, hindi naman siya masamang tao. Sa totoo nga, noong mga oras na kailangan ko ng masasandalan, siya yung nandyan para sa akin. Kung may balak man siyang hindi maganda, dati niya pa sana ginawa dba?" pahayag niya sa akin kaya tumango ako. Wala naman akong magagawa kung may tiwala na siya sa lalaking 'yon. Pero kung totoo nga na siya ang naging sandalan ni Syden, hahayaan ko muna siya...sa ngayon.

"Fine, if you say so. But tell me the truth, may namamagitan ba sa inyo?" tanong ko na agad naman niyang ikinailing, "Wala. Magkaibigan lang kami."

"Sigurado ka?" tanong ko pa.

"Oo...kasi..." bigla siyang natigilan at napaisip bago ako ulit tinignan, "Siya pa rin yung mahal ko eh." mahinang sambit nito at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. I knew exactly kung sino ang tinutukoy niya.

"Kaya mo pa rin ba siyang mahalin pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa'yo?" tanong ko. Napayuko siya at tinitigan ang mga kamay niyang nakapatong sa mga hita niya, "W-wala naman siyang ginagawang masama-- "

"Huwag mo akong gawing tanga, Syden. Nakita at narinig namin lahat ng sinabi at ginawa niya sa'yo sa club na 'yon." harang ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin, "Akala mo ba hindi namin alam lahat ng nangyari?" dagdag ko pa.

"P-pero hindi niya naman alam ang ginagawa niya, Raven. Nilason siya nung babaeng 'yon kaya nasabi niya lahat ng 'yon-- "

"Kaya kahit masaktan ka ng paulit-ulit, okay lang sa'yo?" hindi ko na napigilan ang galit ko nang itanong ko 'yon sa kanya, "Huwag mo siyang ipaglaban...kasi ikaw mismo hindi na niya pinaglaban." dagdag ko pa.

"Hindi ko naman ginustong masaktan, Raven. Sino bang may gusto na masaktan ng paulit-ulit? Alam kong masakit pero kailangan kong tiisin hanggang sa bumalik siya sa date." dahil sa sinabi niya natawa na lang ako, "Paano kung hindi na siya bumalik sa date? Habang buhay kang magkakaganyan?! Tignan mo nga ang sarili mo!" sigaw ko sa kanya kaya napayuko siya at nakita ko nanaman ang pag-iyak niya. Kung kinakailangang ipamukha ko sa kanya ang lahat kung bakit siya nagkakaganito, gagawin ko para lang magising siya sa realidad.

"Alam kong nagsakripisyo ka Syden pero tama na 'yon! Hindi ka na niya mahal!"

"Mahal niya pa ako!!! At alam ko 'yon!!" biglang sigaw nito habang umiiyak kaya ako naman ang napatigil.

"Mahal?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumayo ako at hinarapan siya, "Mahal ba ang tawag mo don?! He already denied and rejected you! Ganon bang klasing pagmamahal ang sinasabi mo?! Yung saktan ka niya ng paulit-ulit?! Yung ikaila ka niya sa harap ng marami?!"

"Bakit ba siya ang sinisisi mo?!" galit na tanong niya sa akin.

"Sino bang gusto mong sisihin ko?! Ako?! Ikaw?! Yung grupo?!"

"Yung babaeng 'yon ang may kasalanan ng lahat ng 'to! Pero kung hindi ako pumayag sa gusto niya-- "

"Walang ka ng magagawa kung iisipin mo pa ang nangyari noon! Niloko ka din ng babaeng 'yon dba?! Alam mo ba na mangyayari 'to?! Hindi naman dba?!"

"B-bakit ba palagi na lang ako?! May mali ba sa akin?! M-may nagawa ba akong mali para maranasan ko 'to?!" halos mawalan na siya ng boses nang sabihin niya 'yon at napatayo siya kaya nagkatapatan kami.

"Sobrang sakit na Raven! H-hindi ko na kaya! Siguro nga totoo yung mga sinabi ni Dean...n-na hindi ako kamahal-mahal. Alam mo ba? Pakiramdam ko wala akong kwenta! Kasi kahit anong gawin kong tama, mali pa rin sa paningin ng iba! Ginawa ko naman lahat pero walang nakakakita ng halaga ko! Hindi pa ba sapat na ako mismo walang kwenta ang tingin ko sa sarili ko?! Bakit kailangan niyo pang ipamukha sa akin 'yon?! Alam ko naman na wala akong kwenta! Bakit kailangang ako lagi ang mali?! K-kahit minsan ba, naging tama ako sa paningin niyo?!" sigaw niya habang umiiyak at ramdam ko na sobrang bigat na ng nararamdaman niya.

"M-make it stop....please!" napahawak siya sa dibdib niya at unti-unting napaluhod kaya lumuhod na rin ako at niyakap siya.

"I-i just simply want to end the pain, Raven. Ayaw ko na." nararamdaman ko ang nararamdaman niya dahil simula noon at hanggang ngayon, kaming dalawa lang ang magkasangga sa buhay. Hinaplos ko ang likod niya at niyakap siya ng mahigpit, "I'm sorry, my twin sister. Wala ako sa tabi mo noong mga oras na kailangan mo ako. Alam kong masakit..." pumikit ako at kumuha ng lakas ng loob bago nagsalita, "But I need you to forget everything. It's the only way for you to survive." ito ang unang beses na nakita ko siya na sobrang nasasaktan.

Kailangan niyang kalimutan si Dean, kahit na masakit.

Pero iisa lang ang alam kong magiging sagot niya, "I-i can't." mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya ng marinig kong sabihin niya 'yon, "Kailangan mong kayanin, Sy." kahit na hindi ko nakikita ang itsura niya, ramdam ko ang pagkuyom ng mga kamay niya, "Kakayanin ko lahat ng 'to, Raven. Huwag mo lang akong iwan ulit, please."

"I won't leave you." pagkatapos kong sabihin 'yon. Hinintay ko ang pagtigil niya sa pag-iyak hanggang sa dahan-dahan at kusang bumaba ang mga kamay niyang nakayakap sa akin.

Sa sobrang pagod, hindi niya na namalayan na nakatulog na siya. Binuhat ko siya at dahan-dahang inihiga sa kama niya at kinumutan ko na din siya. Kagaya ng sinabi niya, hindi ko siya iiwan at umupo ako sa tabi niya.

"Raven, I'm glad that you're finally back." napatingin ako ng magsalita siya habang nakapikit pa rin kaya hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya, "Paano ka nakabalik?" dagdag pa niya kaya ngumiti ako. Inayos ko ang buhok niya na nakaharang sa mukha niya, "It's a long story. I just need you to rest now. We'll talk about it once you wake up." pagkatapos kong sabihin 'yon. Alam kong tuluyan na siyang nakatulog and so I kissed her forehead.

To be continued...

Next chapter