♡ Roxanne's POV ♡
Hindi ko ba alam kung magtitimpi ako ng galit o maiinis dahil sa ginawa niyang pagsagot sa akin. In fact, I was just asking kung ano ng balita kay Dean then all of a sudden, sasabihin niya na kung concern kami sa boyfriend niya, bakit hindi kami ang gumawa ng paraan para malaman kung ano ng lagay niya? Kung pabalik na ba siya or what? Seriously?!
Hindi ako makapaniwala sa naging reaksyon niya. Pumasok lang siya sa secret room, may nagbago na sa kanya? Sigurado akong may sinabi sa kanya ang mga officers kaya nagkaganon siya.
Pagkaalis ni Dean, walang araw na hindi namin pinuntahan ni Clyde si Syden dahil instead na si Sean Raven ang nasa tabi niya, ayun busy kay Gwen. Hindi rin namin alam kung anong nangyari sa lalaking 'yon at kung sagut-sagutin niya si Dean, akala mo kung sino. Sa totoo lang, umalis si Dean na problemado sa girlfriend niya, kung bakit nangyari 'yon kay Syden, kung bakit nagbago si Sean Raven, ang daming gumugulo sa isip niya pero tinuloy niya pa rin just to save Julez. Inihabilin niya sa amin si Syden dahil may tiwala siya sa amin. Good to know na bumalik na yung tiwala niya sa amin ni Clyde pagkatapos ng lahat ng nangyari.
First day and second day na wala si Dean, kinwento ko kay Syden ang lahat at buti naman, kahit hindi pa talaga siya nakakamove-on sa nangyari sa kanya, naintindihan niya naman kung bakit nagawang umalis ni Dean. But today, hindi ko alam...naging okay nga siya pero may nagbago. Naging tahimik siya tapos kaninang tinanong namin siya about kay Dean, kung anu-ano ang pinagsasasagot niya.
Pagkatapos niya kaming sagut-sagutin kalabas niya sa secret room, iniwan niya kaming lahat, "Ano bang nangyayari sa babaeng 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ko habang nakatingin ako kay Phoenix na sinundan si Syden.
"Hayaan niyo na muna, let's give her time to rest and think" saad ni Stephen kaya tumango si Clyde, "Mabuti pa nga. Let's go" saad nito na inakbayan ako at naglakad na paalis kaya napasunod na rin ako sa kanya at ganon rin naman ang ginawa ng buong grupo.
Bigla ko na lang naalala yung magiging reaksyon ni Dean kung sakaling makabalik na siya ngayon, paniguradong magwawala 'yon kapag nakita niyang ni isa sa amin, walang kasama si Syden. Tumigil ako sa paglalakad dahilan para mapatingin silang lahat sa akin at matigilan.
"May problema ba?" tanong ni Clyde kaya umiling ako, "Nothing, mauna na kayo. Susundan ko lang si Syden. I have to tell her something"
"Kahit na ganon ang inasta niya sa'yo kanina?" tanong nung Caleb. At kelan pa naging concern ang Vipers sa ginagawa ko? Knowing na hindi rin nila gaanong gusto na nakikipag-ayos kami kay Dean. They still hate us somehow because of what we did to them date.
"I don't care" tinalikuran ko na sila at mukhang nakuha naman nila ang gusto kong sabihin kaya mabuti na lang hindi na nila binalak pang habulin ako. Binilisan ko ang paglalakad lalo na't sumunod yung Phoenix na 'yon kay Syden.
Hindi ko ba alam kung bakit sobrang layo ng kwarto niya. Panigurado namang doon siya pupunta at hindi sa kwarto ni Dean kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.
"Get out of my way!" sigaw ko sa grupo ng mga lalaki na naguusap-usap sa gitna mismo ng hallway kaya natigilan sila at napatingin sa akin. Hindi rin nagtagal ay tumabi sila kaya dumaan na ako at sinamaan sila ng tingin.
Pagkalipas ng ilang minuto kong paglalakad na medyo matagal din naman, napahinto na lang ako at nagkibit-balikat. Kagaya ng hinala ko, sinundan nga ni Phoenix si Syden. Halatang kakatapos lang nilang mag-usap kaya umalis na si Finn. Nakatingin si Syden doon kaya lumapit ako sa kanya dahilan para mapansin niya ako. Tinignan ko muna ang daang tinatahak ng lalaking 'yon bago ibinaling ang atensyon kay Syden, "Ako ang nasurpresa" saad ko na parang hindi makapaniwala.
Hindi ako nagdalawang-isip na talikuran siya dahil nawalan na ako ng gana sa nakita ko, mukhang masaya kasi silang magkausap kanina eh. So magkaibigan na pala sila ngayon. Napakabilis naman ata.
Aktong aalis na ako ng hawakan ako ni Sy sa braso at hinarap niya ako sa kanya, "Roxanne, sandali lang"
"What? Dati nilalayuan mo siya, ngayon wala lang si Dean..." tinignan ko ulit si Finn sa malayo tapos tinignan ko siya, "Ka-close mo na?"
"Hindi ganon 'yon"
"Ganon yung nakikita ko. Ano na lang ang mararamdaman ni Dean kapag naabutan ka niya na kasama at kausap mo ang lalaking 'yon? At least isipin mo man lang kung gaano kahirap ang sitwasyon ni Dean ngayon. You are becoming selfish. Nagalaw ka lang ng iba, nagbago ka na- "
Natahimik ako ng maramdaman ko ang malakas na pagsampal niya sa akin. I admit na nagkamali ako. Mali ang sinabi ko at hindi ko sinasadya. Napahawak ako sa nag-iinit kong pisngi at sinamaan ko siya ng tingin, the way kung paano niya ako tignan ngayon.
"Wala kang alam sa pinagdadaanan ko kaya huwag mo akong pagsabihan ng ganyan" pahayag niya sa akin dahilan para bumigat ang loob ko. Sa isang hindi maipaliwanag na dahilan, parang bigla akong natakot sa sinabi niya. Minsan ko ng naramdaman ang takot na 'to pero wala na 'yon, bakit bumabalik simula ng marinig ko ang sinabi niya?
Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil pakiramdam ko, kahit na anong oras maiiyak ako sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, "You were molested once, I was molested many times. Kaya huwag mo akong pagsabihan na parang ikaw lang ang nagdurusa. Concern kami sayo- "
"Concern kayo sa akin dahil utos ni Dean dba?" galit niyang sabi. Hindi ko alam kung paano niya nasasabi ang lahat ng 'to. Hindi naman siya ganito. Ano bang nangyayari sa kanya? Anong nangyayari sa akin? Bakit ganito?
"What's happening?" dinig ko ang boses ni Clyde na lumapit sa amin. Napansin ko rin na may tumulong luha mula sa mata ko. Hindi ko 'to dapat maramdaman pero bakit bumabalik yung sakit?
"Kung 'yan ang nasa isip mo, fine. Go ahead. Pero tandaan mo, we're only watching you now dahil concern kami ni Clyde sa kaibigan namin. He really cares for you, pero kung hindi mo 'yon kayang gawin sa kanya, could you please just shut your mouth!" galit na sabi ko sa kanya. Umalis na ako habang hawak pa rin ang pisngi ko at patuloy sa pag-iyak dahil baka lalo pa kaming mag-away. Alam kong nag-alala si Clyde pero kailangan kong mapag-isa. Ayaw ko na ng ganito. Tama na.
Nagmadali akong maglakad pabalik sa kwarto ko. Bawat hakbang, pabigat ng pabigat, pasakit ng pasakit. Hindi ko na mapigilang maiyak lalo. Minsan na akong umiyak ng ganito pero kinalimutan ko na 'yon, ano bang nangyayari bakit nauulit nanaman?
Pagpasok ko sa kwarto ko, agad kong isinara ang pintuan. Napatingin ako sa cabinet ko at hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na lumapit doon para kumuha ng kutsilyo. Maayos kong tinignan 'yon at ramdam ko ang panginginig ng kamay ko.
Bigla akong tumigil sa pag-iyak, dahan-dahan akong naglakad papalapit sa pinto ng banyo at binuksan ko ang pintuan. Nang makita ko ang salamin, pumasok ako sa banyo. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at itinaas ko ang hawak kong kutsilyo. Eto nanaman sila.
"Stopppp!!!"
"I'm begging you, tigilan niyo na ako!"
"It's okay. Mabilis lang 'to!"
"Don't worry, we won't hurt you"
"We're just gonna have some fun"
"Let her go!! Please!!"
I once heard their voice. Sila ang naging bangungot sa buhay ko. Their loud voice, bakit may mga taong masaya kapag nahihirapan ka?
"You know what you're gonna do after this, take a knife and slowly slit your throat"
After I heard that voice again, I couldn't control myself. Kusang gumalaw ang mga kamay ko, I could even see myself crying because of pain.
I was about to slit my throat when someone grabbed my hand tightly kaya nabitawan ko ang hawak kong kutsilyo, "What do you think you're doing?!" I looked at him and I can't blame him kung bakit galit na galit siya habang nakatingin sa akin, at the same time nag-aalala siya.
"Clyde?" huli na ng marealize ko kung anong ginagawa ko.
"Nahihibang ka na ba?!" galit na tanong nito.
Napayuko na lang ako because I didn't even know what was happening to me, "S-sorry..." I couldn't help but to cry again, bakit nakakaramdam nanaman ako ng takot?
I looked at him again, it was years ago when I stopped myself from crying pero bumabalik ulit ngayon, "Clyde, I could hear them again. Naririnig ko nanaman sila" my tears bursted out in fear at alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin. Ang galit sa mga mata niya, napalitan ng pag-aalala.
Unti-unti akong lumapit sa kanya kaya niyakap niya ako, "It's okay, I'm here. Hindi sila babalik, Roxanne" he said habang magkayakap kami.
"I'm afraid again...bakit bumabalik yung takot na nararamdaman ko date? Does it mean hindi pa ako okay? What if you weren't here? How am I supposed to stop myself?" sunud-sunod kong tanong dahilan para ilayo niya ako sa kanya at magkatinginan kami.
"Listen to me. I killed them, hindi na sila babalik. I won't let anything happen to you. Tandaan mo, past is past. Kalimutan mo ang nangyari, just focus on me" he said trying to comfort me kaya pinilit kong huwag maiyak. Mapait akong ngumiti at tumango, "Thank you for being there"
Kailangan kong pilitin na kalimutan ang lahat.
Inakbayan niya ako and guided me papunta sa kama at pinaupo niya ako. Lumapit siya sa lamesa na nasa tabi ng kama ko at nagsalin ng tubig sa baso. Nilapitan niya ulit ako at iniabot sa akin yung tubig kaya kinuha ko 'yon at dahan-dahang uminom.
Napatingin na lang ako sa kanya ng lumapit siya sa cabinet ko at binuksan 'yon. May hinahanap siya na ipinagtaka ko hanggang sa may kunin siyang maliit na bote mula sa loob. Tinignan niya 'yon at binuksan pero wala ng laman. I knew exactly kung ano ang hinahanap niya.
Tinignan niya ako at nagsalita siya, "Nothing's left?" nagtatakang tanong nito. I didn't bother telling him kaya siguro nakakaramdam nanaman ako ng hindi maganda.
"Naubos na yung iniinom kong gamot" I said at napayuko ako kaya lumapit siya, "Why didn't you tell me?"
"I thought, I would be fine" nagkatinginan kaming dalawa bago siya lumuhod sa harap ko kaya nagkatapatan kami, "Look what happened dahil wala ka ng iniinom na gamot, bumabalik ang trauma mo. Kung nandito lang sana si Dean, we could ask him para sa gamot mo" he said kaya aktong tatayo siya ay hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya, "There's no need for medicine anymore" saad ko.
"You're not yet fine, Roxanne. Kailangan mo pa ring uminom ng gamot"
"I'll try to be fine at labanan ang takot na 'to. Nakakasawang isipin na magiging takutin nanaman ako. Hell no, ayaw ko na" sa panahon ngayon, kapag kasi takutin ka, kapag wala kang laban, talo ka. Kaya nakakasawang bumalik sa ganon.
"Are you really sure about this?" nag-aalalang tanong niya na hinawakan ng isa niyang kamay ang kanang balikat ko kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"Let me do this. I'll be better. Malalabanan ko 'to" I said kaya bumuntong hininga siya at tumango, "Fine, I'll help you"
No one knows kung gaano ako kaswerte sa kanya. He did everything for me at wala na akong mahihiling pa.
Tumayo na ito at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang ulo ko at ipinatong sa kanang balikat niya kaya napangiti ako kasabay na rin noon ang pag-akbay niya sa akin, "Simula ngayon, I won't leave you. I'll stay forever, Roxanne"
"Don't worry, I'll be with you forever too, Clyde" I don't care kung magmukha akong baliw, ang mahalaga mahal ko siya.
I looked at my watch and it's already 11:56 pm nang may maalala ako kaya napatingin ako kay Clyde na ipinagtaka niya, "Baka nandito na sila"
It's already time. This is the third and last day na pwedeng makabalik si Dean together with Julez. Baka nandyan na sila.
To be continued...