webnovel

♥♡ CHAPTER 22 ♡♥

♡ Leigh's POV ♡

Ang ganda ng gising ko ngayong umaga na 'to. Hindi ko alam kung bakit parang ang saya-saya ko. Uminat-inat pa ako sa kama ko isama mo pa yung nakatutok na sinag ng araw sa akin. Kumukurap-kurap pa ako habang nakatingin sa kisame. Why do I feel something...na parang ang hirap ipaliwanag. Kinapa ko ang noo ko at wala naman akong lagnat...basta ba nagising na lang ako na parang tanga na pangiti-ngiti. That feeling na masaya lang ako kahit hindi ko alam ang dahilan. How I wish na sana ganito na lang araw-araw, yung masaya lang. Walang iniisip na problema hanggang sa mapatayo ako dahil may naalala ako....

Sh*t! 

Napahawak ako sa labi ko at tila nawala sa sarili ko...naalala ko na. Iniligtas ako ni Sean tapos...tapos...wala sa sarili ko siyang hinalikan because I was badly tempted by his presence. Pakiramdam ko pinagtataksilan ko ang sarili ko dahil wala pa talaga kaming maayos na pag-uusap ni Kevin tungkol sa break up namin na ayaw ko na talagang ituloy ang relasyon namin tapos, feeling ko gustung-gusto ko ng iparamdam kay Sean na gusto ko nga siya, kaya ko siya nahalikan. What the heck?! Ginawa ko ba talaga 'yon?! Sorry, hindi ko sinasadya pero tapos na, ano pa nga bang magagawa ko?

Ang mabuti pa, mag-ayos na ako at kalimutan na lang yung nangyari. Hindi ko alam kung anong kahibangan nanaman ang gagawin ko kapag nagkita kami ni Sean nito. Okay lang din naman na magkita kami ni Kevin para diretso ko ng masabi sa kanya na makikipag break na ko at pinuputol ko na lahat ng ano mang namamagitan sa amin.

Naghilamos na ako at nagpalit ng damit tsaka konting ayos. As usual, pulang dress nanaman because I don't want to experience Roxanne's madness. Required lang talaga sa Redblades na pula talaga dapat ang suot or else, lagot kami kay Roxanne. Bukod pa naman sa masungit 'yon, she likes to critique things na hindi niya gustong nakikita at para sa kanya, hindi maganda. 

Habang nagpapatuyo ako ng buhok, may kumatok sa pintuan kaya napangiti ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Isang tao lang naman ang ineexpect ko na bibisita sa akin ngayong umaga pero pagkabukas ko sa pintuan, nawala ang mga ngiti sa labi ko at ang galit niyang mga mata ang sumalubong sa akin.

"Kevin?" tanong ko at natigilan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayong kaharap ko na siya ulit. Parang naputulan ako ng dila.

Bigla niyang hinila ang braso ko kaya sapilitan akong napahakbang papalabas ng kwarto ko, "Ano nanaman bang kailangan mo?! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya dahilan para higpitan niya pa ang pagkakahawak sa braso ko. Hanggang dito ba naman?

"No, sasama ka sa akin at mag-uusap tayo! Kung sa tingin mong matatakasan mo ako ng dahil lang sa lalaking 'yon, pwes nagkakamali ka!" sabay hila nito sa akin at pinagtitinginan kami ng ibang estudyante pero dahil sa takot ay tumatabi na lang sila.

"Bitawan mo ako sabi! Hinding-hindi na ako sasama sa'yo! Naiintindihan mo ba?!" sigaw ko naman sa kanya. 

Tuloy pa rin siya sa paghila sa akin at wala siyang pakielam kahit na nasasaktan na ako sa ginagawa niya. This is why I badly want to end our relationship, dahil nagbago na siya at hindi na siya yung lalaking minahal ko dati. Dinala niya ako sa isang kwarto kung saan hindi gaanong pinupuntahan at wala gaanong dumadaan. Sinara niya yung pintuan at itinulak ako kaya napasalampak ako sa sahig at sinamaan siya ng tingin, "Palabasin mo ako, Kevin!" tumayo ako at aktong lalabas ng mapigilan niya ako at malakas na sinampal. 

Dahil sa sakit ng ginawa niya, muli akong napaupo sa sahig at napahawak ako sa pisngi ko. Nilock niya yung pinto at nilapitan ako na halatang gigil na gigil na siya sa galit. Lumuhod siya dahilan para tapatan ako. Mahigpit niyang pinisil ang magkabilang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay kaya nagtama ang mga mata namin, "Tigilan muna ako!" sigaw ko kaya't napangiti naman siya ng masama.

"Bakit? Dahil ba sa lalaking 'yon kaya ipagpapalit muna ako?" tanong niya. Sa ginagawa niya, gustung-gusto ko na siyang palitan dahil ayaw ko na. 

"Sabihin mo nga sa akin, Gwen. Saan ba ako nagkulang para gawin mo sa akin 'to? Binigay ko naman lahat dba?!" galit na sabi niya. 

"Hindi ka nagkulang, Kevin. Sumobra ka lang ng pagmamahal sa akin to the point na nasasakal na ako sa'yo" mahina kong sabi at kusang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan dahilan para bitawan niya ako at mapatayo siya. Tila masisiraan siya ng ulo dahil napahawak siya sa ulo niya. 

"Kaya ba mas gugustuhin mong sumama sa lalaking 'yon? Umamin ka nga, may gusto ka ba sa gagong 'yon?!" 

"Oo!! Habang tayo pa, gusto ko na siya!! Ano?! Masaya ka na?!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak ako. Alam kong mali yung nararamdaman ko dati pa para sa kanya, pero hindi ko napigilan lalo na't nagbago si Kevin kaya unti-unting nahulog ang loob ko kay Sean. 

Mahigpit niyang hinawakan ang buhok ko at napadaing ako sa sakit, "Kaya pala? Kaya pala atat na atat kang makita siya! Siya ba ang ipagpapalit mo sa akin, Gwen?! Kayang-kaya ko siyang patayin sa harapan mo!" 

Binitawan niya ako at sinuklay ang buhok nito gamit ang kamay niya na parang hindi makapaniwala. Tinignan ko yung isa pang pintuan dahil dalawa ang pintuan ng kwarto kaya nagmadali akong tumayo at tumakbo para sana lumabas doon sa kabila dahil hindi naman naka-lock 'yon kung hindi niya lang ako naabutan ulit kaya mahigpit nanaman niyang hinawakan ang buhok ko, "Ano ba, Kevin?!! Nasasaktan ako!" sigaw ko ng pwersahan niya akong dalhin sa gilid.

"Nasasakal ka na sa akin? Pwes, totohanin natin kung hindi ka lang din naman pala mapupunta sa akin" gigil na sabi nito dahil halata naman sa boses niya habang hawak niya pa rin ang buhok ko at nasa likuran ko siya. 

Tinulak niya ako sa pinakasulok ng kwarto at sinakal niya ako gamit ang dalawa niyang kamay. Nakita ko na parang sinasaniban na siya ng demonyo na gustung-gusto akong patayin habang natutuwa siyang pinagmamasdan ako, "K-kevin...t-tama...tama na" hinawakan ko ang dalawa niya kamay para pigilan siya pero hindi ko malabanan ang lakas niya. 

Hindi na ako makahinga. Konting oras na lang, malalagutan na ako ng hininga. Someone...help me. Hirap na hirap na akong labanan siya kahit na gustung-gusto ko siyang labanan. Hindi na nga talaga siya yung lalaking minahal ko dati. Ang laki ng pinagbago niya. Naramdaman ko na lang ang mga luha na tumutulo sa pisngi ko dahil parang naputulan ako ng dila sa ginagawa niya. 

Narinig kong pabagsak na bumukas ang pintuan...

Naramdaman kong napaupo na lang ako sa sahig na hinahabol ang hininga ko at napahawak sa leeg ko, "Kevin, dito ka lang pala namin mahahanap. Alam mo ba kung gaano katagal kitang hinihintay, my dearest Phantom?" napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Clyde kasama ang mga member niya. May hawak siyang kutsilyo at hinahagis-hagis 'yon habang masama itong nakangiti at nakatingin kay Kevin.

"Clyde, sorry about that" sagot lang ni Kevin na parang bumalik na sa sarili niya pero nanatili pa ring matapang ang mukha nito. 

"Too late to say sorry. Hold him" saad ni Clyde sa mga members niya kaya hinawakan nila si Kevin dahilan para pumalag ito, "Clyde, I will explain everything!" matapang niyang sabi at halatang hindi interesado si Clyde sa sinasabi niya. 

"Don't tell me habang hinihintay kita ng halos limang oras, busy ka lang na pahirapan ang babaeng 'to?" sarcastic na tanong nito kay Kevin.

"It's not like that- "

"Stop it, Kevin. Wala akong panahon na magsayang ng oras sa'yo" at tinignan ako ni Clyde, "Gwen, come with us" saad nito kaya hinawakan din nila ako at sapilitang itinayo dahilan para pumalag ako. Bakit pati ako? Papahirapan niya din ba ako? Dahil sa lahat ng nangyayari, hindi ako makapagsalita. 

Tinulak nila ako papalapit kay Clyde habang hawak pa rin nila ako. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at alam kong napansin niya na puno na ako ng bugbog at pasa, "Ano na lang ang mararamdaman niya kapag nakita ka niyang ganyan?" tanong nito na ipinagtaka ko. Sino bang tinutukoy niya?

"Siguraduhin niyong hindi na madadagdagan pa ng pasa ang babaeng 'yan" dagdag pa niya kaya lumuwag ang pagkakahawak nila sa braso ko, "Come on Phantoms, I badly want to see a Viper's wrath" bulong nito na narinig ko naman at nginisian niya si Kevin na halatang galit ito kay Clyde. 

Tinalikuran na kami ni Clyde at naglakad kaya wala na rin kaming nagawa kundi sumunod dahil hawak-hawak rin nila kami. Nilakad namin ang hallway na hindi namin alam kung saan kami dadalhin dahil hindi ko rin expect na matatagpuan nila kami ni Kevin. Am I lucky dahil dumating ang Phantoms kaya hindi ako tuluyang napatay ni Kevin or just unlucky dahil kasama ko sila ngayon? Hindi ko alam kung anong balak gawin ni Clyde pero nilalakasan ko na lang ang loob ko. 

Tumigil kami sa tapat ng isang pintuan at ng mapatingin ako sa itaas noon ay nanlaki ang mata ko...Bloody Room?

Isa lang naman ang ibig sabihin nito...balak nga talaga kaming pahirapan ng Blood Rebel's group. Dito lang naman nila dinadala ang mga taong papahirapan nila, lalo na ang mga taong may atraso sa kanila. Kahit pa kasama ko ang Vipers at Phantoms araw-araw, pagdating sa parusa...wala silang pinipili, kakilala man o kaibigan. Binuksan ni Clyde yung pintuan at pagkapasok namin sa loob. Tumayo ang balahibo ko ng makita ko ang mga Vipers at lahat ng Phantoms, nakaitim silang lahat na parang nagluluksa. Nakapalibot silang lahat sa kwarto na parang may hinihintay talaga. Inilibot ko ang tingin ko at sa pinakasulok, nakita ko si Dean Carson na nakatingin sa may bintana na halatang naghihintay...sa tabi niya na nakasandal sa bintana, nanlaki ang mata ko lalo na nung magtama ang mata namin...Sean Raven. 

Nakita ko ang pag-aalala sa kanya habang tinitignan ako pero napalitan din 'yon ng nakakatakot na tingin ng mapatingin siya kay Kevin na hawak pa rin ng Phantoms. Sobrang daming nakapalibot at  mahirap tumakas sa ganitong sitwasyon pero ano ba talagang balak nila?

"Katulad ng napag-usapan, here's my present to you, Sean Raven" saad ni Clyde na itinulak si Kevin sa pinakagitna. Naglakad silang dalawa ni Dean papalapit kay Kevin pero sabay lang na umupo si Dean at Clyde sa dalawang upuan na nasa gitna na parang manonood sila ng isang palabas at nagsindi ng sigarilyo si Clyde. Si Sean naman, nasa harapan ni Kevin na nakaluhod ngayon habang nakatali ang kamay sa likuran nito. Masama ang tingin niya kay Kevin na parang gusto niyang patayin 'to. 

"Shall we start?" tanong ni Clyde na naglabas ng usok. Nagkatinginan sila ni Dean at masamang ngumiti na parang may papanooring palabas.

Demons. I could see demons in this room. 

Muling napatingin sa akin si Sean at tinignan ulit si Kevin, "You dared to touch her?" pagkatapos noon ay malakas na suntok ni Sean ang sumalubong sa mukha ni Kevin kaya napaupo ito at sapilitang ipinaluhod ulit ng mga Phantoms sa harapan ni Sean. Bakit niya ba 'to ginagawa?

Natulala na lang ako ng makita ko mismo sa harapan ko na pinagbubugbog nila si Kevin at wala lang itong kibo kahit na punung-puno na siya ng dugo. Pinagtutulungan siya ng lahat  lalo na ang mga Vipers na parang bubugbugin nila siya hanggang sa sumuko siya at ang katawan niyang namamaga. Napatitig lang ako sa kanya habang pinapahirapan nila siya. So this is the punishment from Blood Rebel's group. Ngayon alam ko na, kung bakit takot na takot ang lahat na malamang muli nanamang nabuo ang grupo. Just because two different demons did unite their powers to become one. 

Muli na lang akong napaluha dahil kahit na sinasaktan ako ni Kevin, naaawa ako sa sitwasyon niya ngayon na walang awa siyang pinapahirapan kaya kahit nanginginig din akong pigilan ang buong grupo, pinilit kong pigilan sila. 

"Tama na!" sigaw ko na kumakawala sa mga humahawak sa akin pero hindi ako makatakas. Parang hindi nila ako naririnig kaya paulit-ulit akong sumisigaw, "Itigil niyo na 'yan!" 

"I'm begging you to stop this! Mapapatay niyo siya!!" sigaw ko pero wala pa ring talab. 

Tinignan ko si Sean at parang siya ang nagli-lead sa mga members. Na parang siya yung sinusunod nila kaya dahil hindi siya tumitigil, hindi rin sila tumitigil. Pumikit ako para kumuha ng lakas ng loob. Pagkamulat ko sa mga mata ko, buong lakas at biglaan akong kumawala sa mga humahawak sa akin. Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap ko siya kaya natigilan silang lahat, "I'm begging you, Sean...Tama na" hindi ko na rin mapigilan na maiyak. 

Biglang tumahimik ang buong paligid dahil sa ginawa ko.

"Bakit mo ba ginagawa 'to?" tanong ko habang nakayakap sa kanya. Bahala na kung magalit siya sa akin. 

"Isn't it obvious? I'm going to kill him para tigilan ka na niya" ng sabihin niya 'yon ay nabigla ako. So he's doing all of this just because of me...lalo na lang napahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Alam kong hindi siya masamang tao kaya hindi niya kailangang dungisan ang kamay niya ng dahil lang sa akin. Bakit ka ganito? Don't make me fall for you deeper. 

"You don't need to do this, Sean" bulong ko habang lumuluha. 

"Gusto mo ba talagang tigilan ko na siya?" tanong niya kaya tumango ako. 

Napabuntong-hininga ito at nagsalita, "Fine"

"Release him. Sa susunod na malaman kong binabalikan mo si Leigh, I won't hesitate to kill you" sigaw nito kaya napatingin ako kay Kevin na sinamaan kami ng tingin kahit na todo bugbog na. 

Napayuko si Kevin at aktong hahawakan na nila siya para ilayo sa lugar na 'to ay natigilan ang lahat ng tumawa ito ng malakas na parang may panlaban siya sa nangyari sa kanya, "You were all busy torturing me so badly. If I were you, I would immediately save her habang hindi pa huli ang lahat" nagtaka kami sa sinabi nito kaya ako na ang nagsalita ng magtama ang mga mata namin, "What do you mean, Kevin?" alam kong lahat kami, hindi naging maganda ang pakiramdam sa sinabi niya.

"This day...will be the fall of the Viper Queen. I'm really sure na pinagpyepyestahan na siya ngayon ng iba't ibang lalaki" masamang pagngiti at paghalakhak nito ang nakita namin at sinalubong niya ang mga nakakatakot na tingin ni Dean Carson. Pansin ko rin na wala si Syden dito.

Bigla itong tumayo sa kinauupuan niya at ang pagsigaw niya ang dahilan para pagpawisan kaming lahat, "Isolate that bullsh*t in the bloody room! Kung ngayon, nakaupo lang ako habang pinapahirapan ka...I will make sure na sa susunod na magkita tayo, ako na ang nakatayo sa harapan mo!" galit na galit na sabi ni Dean simula ng marinig niya ang sinabi ni Kevin at nagmadalaing lumabas kaya sumunod na rin ang mga Vipers sa kanya habang naiwan naman ako, si Sean at yung ibang Phantoms lalo na't tinapunan ko ng titig si Kevin kaya tinignan niya ako.

"Saktan mo na lahat ng tao dito but not Bliss Syden, I might have saved you earlier from them, but no one can stop Dean Carson. I'm sure you don't like to experience Dean Carson's madness. Ipagdasal mo na lang na walang mangyaring masama kay Syden ng sa ganon, magkaroon ka pa ng pag-asang mabuhay" saad ko kay Kevin kaya't bigla na lang akong hinila ni Sean palabas ng kwartong 'yon. 

To be continued...

Hi guys, get ready (^_−)☆

Next chapter