♡ Syden's POV ♡
Hinila ko siya papunta sa kwarto niya at hindi ko alam kung bakit napaka-tahimik ng lalaking 'to. Good to know na nakabukas ang pintuan ng kwarto niya ng hawakan ko ang door knob at nabuksan ang pintuan. Pagkapasok namin sa loob, isinara ko din kaagad ang pinto at binitawan ko na ang kamay niya pero hindi ko na lang piniling tignan siya dahil nakuha ng makalat niyang kwarto ang atensyon ko. This is my first time na makitang makalat ang kwarto niya for a long, long time. If you will compare us, mas makalat pa nga ako kaysa sa kanya pero hindi ko alam kung bakit napakagulo ng kwarto niya ngayon.
Napabuntong-hininga na lang ako at dumiretso sa lamesa na nasa tabi ng kama niya. Maraming nakakalat na libro at iba-iba pang gamit pero sabagay, mahilig din pala siyang magbasa. He was a total nerd back then til he became a complete demon. Isa-isa kong niligpit 'yon at habang inaayos ang nakakalat niyang gamit, hindi ko pa rin alam kung anong ginagawa niya habang nasa likuran ko siya, "For a long long time, muffin. Ngayon ko lang nakitang magulo ang kwarto mo, ano ba talagang nangyayari sa'yo- " haharap sana ako sa kanya pero natigilan ako sa pagsasalita ng maramdaman kong yumakap siya sa akin habang nakatalikod pa rin ako sa kanya kaya nabigla ako.
"Sorry, sweetie. You can slap me or even hurt me all you want. You don't have to hold back your tears" he said at hindi ko alam kung bakit kusang may tumulong luha mula sa mga mata ko. Lumayo ako mula sa pagkakayakap niya sa akin at dumiretso ako sa cr ng kwarto niya, natigilan na lang ako ng makita kong basag ang salamin. Sumunod siya sa akin kaya napatingin ako sa kamay niya at muli niya 'yong itinago sa akin, "You even punched the mirror dahil sa sobrang galit mo sa sarili mo, is it because of what she did to you?" tanong ko sa kanya kaya napayuko siya at hindi kumikibo. Una sa lahat, hindi ako sanay na ganito siya sa akin.
"I know you're mad at me- " pagsasalita niya habang nakayuko kaya hinarangan ko siya.
"Bakit? Ginusto mo ba yung ginawa niya sa'yo kagabi?!" tanong ko kaya this time, napatingin na siya sa akin.
"Of course, not. I'm sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo, I was waiting for the right time. Naunahan niya lang talaga ako but believe me, gustung-gusto kong sabihin sa'yo...pero hindi ko alam kung paano"
"Kaya ba hindi mo ako pinapansin magmula kaninang umaga?" tanong ko sa kanya habang tumutulo ang luha ko.
"Oo. Pero hindi naman kita masisisi kung galit ka sa akin. First of all, hindi ako agad nakaiwas sa ginawa niya because I wasn't expecting that- " hindi ko na ulit siya pinatapos kasi naiinis ako sa mga sinasabi niya.
"Kahit gusto kong magalit sa'yo, hindi ko magawa. Naiinis ako sa'yo kung bakit galit na galit ka sa sarili mo when in fact mas dapat kang magalit sa akin because you were trying to tell me the truth but I can't do the same to you. Hindi ako galit sa'yo, kasi galit ako sa sarili ko!" saad ko sa kanya na alam kong ipinagtaka niya.
"What do you mean?" tanong niya sa akin. Napayuko na lang ako at tuluy-tuloy na sa pag-iyak.
"We are just the same..." tinignan ko siya at itinuloy ang pagsasalita, "May kasalanan din ako sa'yo pero hindi ko magawang sabihin kasi natatakot ako na baka iwanan mo ako kapag sinabi ko sa'yo ang totoo" saad ko at hindi ko na mapigilang maiyak. Nagi-guilty ako dahil siya, sinusubukan niyang sabihin sa akin ang totoo pero ako, mas pinili kong itago sa kanya ang totoo dahil sa takot.
"Tell me, what is it?" lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang-balikat ko kaya diretso akong napatingin sa kanya.
"One night, pumunta siya sa kwarto ko. Just like what Savannah did to you, g-ganon...ganon din ang ginawa niya sa akin- believe it or not, hindi ko din naman ginusto ang nangyari. Sorry!" sambit ko dito at hinawakan ko din ang magkabilang-kamay niya. Alam kong nabigla siya sa sinabi ko kaya nakaramdam ako ng kaba, "Sinubukan ko namang lumayo sa kanya pero bigla-bigla na lang siyang sumusulpot out of nowhere. Ayaw ko lang na lumaki pa ang gulo kaya pinili kong- " natigilan ako sa pagsasalita ng ako naman ang harangan niya.
"Sweetie, calm down" saad nito kaya natulala ako habang nakatingin sa kanya. How can he expect me to calm down knowing na siguradong galit na galit na siya sa akin, "What?" pagtataka kong tanong. Dahan-dahan niyang hinawakan ang magkabilang-pisngi ko kaya diretso kaming nagkakatinginan, "Alam ko naman na dinidikitan ka ng lalaking 'yon and it won't be a problem dahil alam ko naman na kahit anong gawin niya, ako pa rin yung pipiliin mo dba?" pahayag nito.
"Y-you're not mad?" tanong ko sa kanya.
"Lahat naman ng tao, nagkakamali right? I can't expect my girlfriend to be perfect. So stop crying. Alam mo namang ang ayaw ko sa lahat, yung umiiyak ka dba?" saad nito na pinunasan ang luha ko at ngumiti. Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya, "Don't worry, hindi rin naman ako galit sa'yo" humiwalay ako sa pagkakayakap namin kaya nagtinginan kami, "Pero bakit hinayaan mong gawin niya 'yon sa'yo? Bakit hindi ka man lang umiwas?" I don't even know kung bakit ko 'yon natanong when in fact, dapat ko rin namang itanong 'yon sa sarili ko.
"I wasn't expecting her to do that. Don't worry, sa susunod na may lumapit sa akin- "
"Sa susunod na may umaaligid sayong linta, tawagin mo ako" saad ko kaya napangiti siya at tumango ako, "Fine, sweetie. But do you really have to threaten that girl using the whole group?" tanong nito kaya napangiti ako ng masama.
"Can't I? I have the permission to, remember? Ikaw pa nga ang nagsabi sa akin eh, bakit binabawi mo na ba?" tanong ko sa kanya.
"No, not at all. I'm just askin"
Nilapitan ko siya, as in yung sobrang lapit na kulang na lang magdikit na ang labi namin na alam kong ikinabigla rin niya pero hindi nagtagal ay ngumiti rin siya ng masama habang tinitignan ang labi ko kaya't ganon rin naman ang ginawa niya, "Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin...para sa'yo, Dean Carson" sambit ko dito at pagkatapos noon ay sabay kaming nagsalita, "We can always go beyond the boundaries" napangiti na lang kami ng pareho at sabay naming sabihin 'yon.
"You know, it was my first time na makitang ganon ang inasal mo" dagdag pa niya habang nakangiti kaya lumayo na ako sa kanya, "Buti hindi mo ako pinigilan?" tanong ko.
"Just because Roxanne said na kapag ginawa ko 'yon, lalo kang magagalit sa akin and I don't want that to happen" sagot niya na ikinangiti ko ng masama. Malaki din pala ang pakinabang ng babaeng 'yon, "That's right. You should always know your boundaries when it comes to me, muffin" sambit ko kaya mas napangiti siya. Nakita kong naglakad siya papunta sa cabinet at may kinuha doon tapos lumapit ulit siya sa akin habang nakangiti, "Stop being like that, sweetie. I'm falling deeper" saad nito na biglang may ipinakain sa akin kaya nabigla ako ng maramdaman kong nasa bibig ko na ang hawak niya na hindi ko man alam kung pagkain nga ba o baka lason na pala pero ng malasahan ko ito, napatingin ako sa kanya at nanlaki ang mata ko habang kinakain ko 'yon, "Do you like it?" tanong niya kaya tumango ako at napatakip ng bibig.
"Chocolate?" tanong ko sa kanya. Chocolate na parang may stawberry sa loob?
"Yup" maikling sagot niya. Bigla na lang siyang naglakad papunta sa loob ng cr dahil nasa tapat kami ng pintuan ng cr at nakita kong naghugas siya ng kamay. Napatingin na lang ako sa binuksan niyang cabinet kanina kung saan niya kinuha yung chocolate na ipinakain niya sa akin. Lumapit ako doon at binuksan yung cabinet pero wala akong nakitang chocolate. Saan niya naman galing yung ipinakain niya sa akin? Isasara ko na sana yung first layer nung cabinet kaso may isang bagay na nakakuha ng atensyon ko. May nakita akong isang kulay puti na bote. Parang isang gamot pero hindi ko naman alam kung para saan dahil ng kunin ko ito at maayos na tignan, wala namang label o kahit na anong nakasulat pero maraming capsule ang nasa loob ng silipin ko. Para saan naman 'to? Wala naman akong alam na nagte-take siya ng gamot for maintenance or baka may sakit siya ng hindi ko alam?
Napatingin na lang ako sa kanya ng kunin niya 'yon sa akin kaya hinawakan ko yung noo at leeg niya, "Wala ka namang lagnat ah? Para saan yang gamot na 'yan?" tanong ko sa kanya. Ibinalik niya yung bote sa may cabinet at isinara 'yon bago ako muling tinignan, "Nothing. Umiinom lang ako ng gamot kapag masakit yung katawan ko .It's nothing really important, don't worry" sagot niya at ngumiti kaya tumango na lang ako, "Ah ok. Kala ko may sakit ka. Basta kapag may masakit sa'yo, sabihan mo ako para naman maalagaan kita" saad ko na lumapad ang ngiti. Abot tainga pa nga ata eh?
"No need for that. You already care for me" saad nito kaya mas nakaramdam pa ako ng tuwa.
"Really? You look so tired, muffin. Maybe kailangan ko ng bumalik para makapagpahinga na rin. Pupuntahan na lang kita mamayang lunch. Hindi ko ba alam, kakatapos lang natin kumain ng umagahan pero parang pagud na pagod tayo .Dahil na rin siguro sa nangyari ng makasalubong natin yung lintang dumidikit sayo" inis kong sabi sa kanya kaya't mas napangiti pa siya.
"Huwag mo ng isipin 'yon. Ang mahalaga, masaya tayong dalawa, right?" tanong niya.
Napaisip muna ako bago nagsalita, "Oo nga. Sige, alis na muna ako"
"I'll go with you hanggang sa makarating ka sa kwarto mo" sambit nito pagkatalikod ko kaya muli ko siyang hinarapan, "No! Maaga pa naman. Wala namang mangyayari sa akin. Ang mabuti pa, magpahinga ka na din. Kaya ko na, ok?" saad ko sa kanya kaya tumalikod na ako at binuksan ang pintuan ng kwarto niya. Lumabas ako at muli siyang hinarapan, "Bye, muffin" saad ko sa kanya na nakangiti pa rin at ganon din naman siya.
"Remember not to forget my muffins, sweetie" sambit niya sa akin. Oo nga pala, matagal na simula ng gawan ko siya ng muffins.
"Sure. Gagawan kita ng marami" sambit ko dito at maglalakad na sana ako pero bigla niya akong hinila papasok sa loob ng kwarto niya at isinara niya ang pinto. Kahit sino naman ata mabibigla dahil sa ginawa niya. Mas nanlaki na lang ang mata ko ng maramdaman kong halikan niya ako habang nakasandal ako sa pader at nakahawak siya sa magkabilang-braso ko. What the heck?! Parang sasabog na ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Unti-unti na lang ako napapikit at dahan-dahan siyang lumayo sa akin kaya nagkatinginan kami at nakangiti siya habang maayos na nakatitig sa akin, "W-what was that for?" tanong ko dahil nabigla ako.
"We're quits now, sweetie" saad nito na napangisi.
"Is it because of what happened?" tanong ko kaya tumango siya. Just because we were both kissed by two different persons, ginawa niya 'yon para bawiin yung ninakaw na halik sa aming dalawa. Huh?! I can't believe this man! Pero kahit na ganon, mahal ko pa rin siya.
"Hindi talaga kita maintindihan minsan" sagot ko at tumalikod na siya para buksan ang pintuan pero hinawakan ko naman ang braso niya at iniharap siya sa akin. I kissed him directly to his lips pero sandali lang naman 'yon kaya siya naman yung nagulat at napatingin sa akin at ako naman ang ngumisi, "We're really quits now, muffin" saad ko dito. Agad akong lumabas sa kwarto niya at nagmadaling bumalik sa kwarto ko.
Syempre kahit sino naman, matutuwa sa nangyayari. Sasayangin ko pa ba ang oportunidad na halikan siya? Ginantihan ko lang naman siya dahil ang hilig niyang gulatin ako using his actions. He is really unpredictable just like a king. Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay isinara ko ang pintuan at bago ako umupo sa kama, napansin kong may nakalagay sa lamesa na nasa tabi ng kama ko. Lumapit ako doon at kinuha ko 'yon para tignan.
It's a letter.
To be continued...