webnovel

CHAPTER 10.5 - Magnitude

V1. CHAPTER 10.5 - Magnitude

ARIANNE'S POV

"Ms. Vicereal, kindly answer problem number 2 on the board."

Napalingon kaming lahat kay Pristine nang tawagin siya ng aming math teacher.

"Ms. Vicereal, are you listening to me? Ms. Vicereal?"

Napailing na lamang ako.

Sa ikatlong beses na pagbanggit ni Miss Leila sa surname ni Pristine ay saka lamang niya na-realize na tinatawag pala siya.

Tumayo si Pristine na hindi pinapansin ang teacher namin at naglakad papunta sa harapan na parang wala ang diwa niya. Hawak ang marker, magsusulat na sana si Pristine sa whiteboard nang mapatigil siya.

"Miss... hmm... Can I ask why did you call me?"

Na-amaze kaming lahat sa narinig namin.

Alam ko kung gaano kaabno si Pristine pagdating sa aming magkakaibigan pero first time sa'kin na makita siyang lutang sa harap ng klase at syempre first time din iyon para sa iba.

"Ms. Vicereal, are you okay? It looks like you're still sick. Mukhang nabinat ka ata," konklusyon ni Miss. Napabuga na lamang ako ng hininga. Hindi ito sinagot ni Pristine.

"Okay, just go back to your seat. I'll just call somebody."

Napapailing na lamang ako habang sinusundan ko si Pristine ng tingin.

Normally ay magi-insist si Pristine na kaya niya kahit may sakit siya pero ngayon ay bumalik lang siya sa upuan niya ng walang kaimik-imik. Lahat ng mata ng buong klase ay nakasunod sa kaniya at pinaguusapan ang naging kilos niya. Kesho kulang sa tulog, napagod o nabinat daw siguro si Pristine dahil sa pag-aasikaso sa mga estudyante dahil sa lindol kaninang madaling araw.

Binat? Kung tutuusin siya pa nga ang nagtutulak sa'kin sa taong 'yon tapos ganito reaksiyon niya?

Lumindol na at kulang na ang lahat sa tulog pero hindi man lang nagpakita ng kahit kaunting kapaguran si Pristine kaninang umaga. Nagsimula lang naman siyang magkaganyan nang matapos niya kaming ambunan ni Bianca ng yogurt juice.

"Ms. Lim, save your friend. Answer problem number 2."

Si Bianca ang tinawag ni Miss Leila.

Bianca looked at me and smirked before she stood. Nag-hand gesture pa siya sa'kin na tila nagbababala.

I don't know what is on Pristine's mind right now or why she acts like that. Being the perpetrator of my involvement with the freak guy, I did expect that she would be the happiest person about what happened.

To my surprise, it turns out that she's more affected than I.

Tapos na ang klase ngayong araw at papalakad na kaming tatlo pauwi ng dorm. Hindi pumunta si Pristine sa student council room. Ako naman ay na-excuse din sa club namin.

"Oh, anong nangyari kay Pristine?" Nag-aalalang tanong ni Mrs. Santos nang makita kaming papasok ng dorm.

"Broken po," malokong sagot ni Bianca.

"Magandang hapon po," matamlay na bati ni Pristine bago siya dumiretso paakyat ng hagdan.

Tahimik kaming tatlo na umakyat patungong kwarto pero nang mabuksan ko ang pinto nito ay parang bigla na lamang nag-evolve ang lantang-gulay na si Pristine. Mabibigat at mabibilis na yapak niya ang tumama sa sahig papunta ng kama ko. Dahil sa gulat ay nagkatinginan kami ni Bianca.

Sinundan namin si Pristine at nang makita namin siya ay wala siyang ginawa kundi magpipindot sa laptop ko.

"What the?!" reaksyon namin ni Bianca.

TYPE.TYPE.TYPE.PIKApikachu0119.ENTER.ASDFGHJKL!!!

"GRRRRRRR…" Gigil na lumingon sa'kin si Pristine.

Nangiwi ako. Nakakatakot, parang asong may rabies ang dinatnan namin ni Bianca.

Anong problema nito?

"Hoy, Pristine! Masira 'yang laptop ko," sita ko sabay agaw ng laptop. Niyakap ko ito dahil sa pilit niyang inaagaw sa'kin.

"ARIANNE, WHY CAN'T I OPEN YOUR FB?!"

"Nagpalit na'ko ng password," tugon ko.

Napasalampak si Pristine sa kama at nagpagulong-gulong nang sabihin ko iyon. Para siyang bata na inabot ng tantrums. Natigil lamang siya ng magsalita si Bianca.

"Baliw," minata niya si Pristine, "Arianne, 'wag mo na nga intindihin 'yan. 'Lika, kwento mo na lang sa'kin yung nangyari dali," nakangiting sabi ni Bianca. Hinatak niya ako patungo sa kama at pareho kaming tumabi kay Pristine.

Bago ako nagsimula ay kumuha muna ako ng makakain. Niyaya ko siya na sa may kusina kami mag-usap pero parang wala siyang narinig at sige lang sa pangungulit sa lantang si Pristine. Napabuntong hininga na lang ako. Gumawa ako ng juice at kinuha ko rin yung natirang carrot cake sa fridge saka dinala ito sa kanila.

Habang nagki-kwento ako ay unti-unting umuukit ang magkaibang reaksyon sa mukha ng dalawa. Isang tuwang-tuwa at isang parang tinakasan na ng kaluluwa sa katawan.

Bwiset.

Hindi ko na nga sinabi sa kanila lahat dahil baka tuluyan muling magkasakit si Pristine. Hindi ako umiyak o nagpakita ng kahit anong kahinaan habang nagkikwento sa kanila dahil tapos na ako doon kagabi pa.

Galit at inis na lamang ang kasalukuyang nararamdaman ko.

"Grabe naman pala 'yong Aldred na 'yon. Porke't GWAPO siya, MA-APPEAL, MATALINO, COOL, SIKAT, etc. kala niya pwede niya na gawin kung anong gusto niya. Don't worry, Arianne kukuyugin ko agad 'yang feeler na 'yon makita ko lang siya," sabi ni Bianca habang ngumunguya.

Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba ang simpatya niya. Para kasing puro compliments para sa lalaking 'yon ang narinig ko.

"Oy ang kalat mo kumain," sita ko kay Bianca saka pinagpag ang mga piraso ng cake. Sinubukan niyang subuan si Pristine. Tinutok ni Bianca ang cake sa bibig niya pero nag-irap lang siya.

"Bad girl," saad ni Bianca bago siya lumingon sa akin, "Well, he may be the root of our problem but he's not our real problem right now. We need to find the one who spread this rumor and about the kiss, consider it as nothing," dagdag ni Bianca saka diniretso na lang sa bibig niya ang tinidor ng cake.

I felt relieved because of what Bianca said.

"Bianca is right. We need to find the witness, the culprit."

We were a bit surprised by Pristine's sudden reaction. Para siyang kabute na nandyan naman pero ngayon lang sumulpot ang presensya. Her common sense is back and she talked like her usual self again.

"O, buti nandyan ka na," Bianca teased. Pristine didn't mind her words.

"Uhmm... Arianne, I'm so sorry. I think it's my entire fault," Pristine apologized.

I stared at her and smiled, "No, wala kang kasalanan."

Now I know what she feels and I also know that she didn't mean what happened. Kung tutuusin ay ngayon nga lang nagkainteres si Pristine sa manliligaw ko pero ganito pa yung nangyari. Siguro ay iyon ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon niya.

"Hmm... di ba yung rumor naman na kumakalat ang sinasabi lang ay "Sila na ni Aldred" malay natin yung batayan lang nila ay iyong sa social site na comment," sabi ni Pristine. "Wala naman kasing nakita si Arianne na tao roon di ba?"

Bigla ay nagkaroon ako nang pag-asa.

"Oo nga. Tama, tama baka iyon lang ang batayan nila," ninenerbyos pero optimistic kong sabi. Bigla ay may sumalubong sa mukha ko na unan.

"Oy yung talino niyong dalawa saan napunta? Siraulo nitong mga 'to. Pagkalaki-laki ng gate, imposibleng walang nakakita sa inyo Aya," masungit na sabi ni Bianca pagkabato sa akin. Dahil sa sinabi niya ay bumagsak ang mukha ko.

"Alam niyo bang araw-araw ako kung makapag-comment ng mga ganoong bagay sa kaniya tapos, tapos bakit walang ganyan?Bakit wala kaming rumor ha? Tapos iyan idadahilan niyo sa'kin, sheesh."

Pristine crossed her legs, looked at Bianca then smeared,"Ikaw pala ang broken eh," nangaasar na pahayag niya sabay tawa. Ginantihan naman siya ng tingin at ngisi ni Bianca.

"Kung ako sayo Arianne kakabahan na ako," sabi sa'kin ni Bianca. Nananakot ang kaniyang tono kaya hindi ko maiwasang mabahala.

"Ba-Bakit?" nauutal kong tanong. Sa oras na iyon ay hindi pa rin tumitigil sa pagtawa si Pristine. Halatang nangaasar na lamang siya.

"Alam mo naman... lahat ng estudyante dito sa school natin may smartphone," saad ni Bianca habang dahan-dahang lumilingon kay Pristine.

Gets ko kung ano ang gustong sabihin ni Bianca. Nanghina ang katawan ko sa pagiisip ng posibilidad na 'yon. Nararamdaman ko ang unti-unting pagbuo ng likido sa mga mata ko na pilit ko namang pinipigilan malaglag.

Tumahimik sa pagtawa si Pristine. Nagtitigan silang dalawa bago ngumisi si Bianca sa kaniya at saka nagpatuloy sa sasabihin.

"Isang capture lang baka may remembrance na si Arianne ng first kiss niya."

Ang nakasanayang aura ni Pristine ay muli nanamang naglaho. Pero hindi katulad ng kanina na lanta ay agresibo na ang naging kilos niya.

"Walang hiya ka! Bakit mo ba tinatakot pa si Aya?"

Habang tinitignan ko silang nagbubugbugan ay saka ko na lamang napansin na tuluyan na palang pumatak ang mga luha ko. Paulit-ulit ko itong pinunasan habang nagra-rumble silang dalawa sa kama ngunit hindi ito tumitigil.

"A-Arianne?!" reaksyon ni Pristine noong makita niya na umiiyak ako.

Napatigil silang dalawa at agad na lumapit sa akin.

"Stop crying," Pristine worriedly said as she walked toward me. She placed both of her hands around me and hugged me. Pristine then turned her face at Bianca who was already at my side patting my shoulder.

"Kasalanan mo 'to Bea eh, kung hindi ka nanakot."

"What? Sinabi ko lang naman yung totoo and kung ano talaga yung possible problem natin. Hindi ko naman akalain eh... Sorry na Aya, huwag ka na umiyak."

Tumingin ako kay Bianca at sunod na pinunasan ang mga luha ko hanggang sa mawala na ito.

"Don't worry, 'pag may gumawa man no'n at nalaman ko kung sino, sisiguraduhin kong mananagot talaga siya," saad ni Pristine. I smile at her and Bianca weakly.

Paalis na sana si Pristine sa pagkakayakap sa'kin nang bigla siyang napatigil.

"Ano pala Arianne, siguro naman bli-nock mo na siya sa FB di ba?" simpleng tanong ni Pristine.

"Hindi," Ang simpleng tugon ko naman.

"WHAT?!"

Sabay ng reaksiyon ni Pristine ang biglang paghihirap ko sa paghinga. Nasa leeg ko na kasi nakapwesto ang mga braso niya.

"P— Pi— Prist— "

"Aw!"

Hinampas ni Bianca si Pristine ng libro na nakita niya. Dahil doon ay bumitaw si Pristine sa'kin.

"Baliw," sabi ni Bianca na tinugunan ni Pristine ng masamang tingin bago niya ibaling ang atensyon sa'kin.

"So—Sorry Aya... But, but why? You should have blocked him right after what he did."

"Yeah, I should... pero naisip ko na huwag muna. Kailangan kong bantayan kahit papaano yung siraulo na 'yon. Mamaya kung ano pa ikalat niya," paliwanag ko.

"Hay nako Pristy... Buti na lang cute ka kahit may tama ka," ani Bianca. Paliko na sana si Bianca papunta ng kitchen ng ma-out of balance siya dahil sa paninisod ni Pristine. Mabuti na lamang ay nakahawak siya sa pader kung sa'n nakalagay ang ilang painting.

"Bwiset ka talaga!" nanggigigil na pahayag ni Bianca habang tinatawanan namin siya. Kahit siya ay natawa rin sa sarili niya. Napatigil na lamang kami nang biglang bumagsak ang scenic painting ni Pristine. Nagtaka kami dahil hindi naman kasi iyon natamaan o nahawakan ni Bianca.

Nang tignan namin ito ay kasama palang nalaglag ang isang malaking tipak ng pader. Ang tipak na pinagkabitan ng painting.

♦♦♦

Next chapter