webnovel

Chapter 2.3

Sunod-sunod ang panalo ng Three Warlords na kinabibilangan ni Evor at ng kambal na sina Zen at Zero.

Talagang kinatatakutan ang pagkakaroon nila ng Dark Cube na siyang summon mismo ni Evor.

Liban sa Headmistress at mga guro ay alam ni Evor na hindi pa kumalat ang impormasyong huwad ang nasabing summon niyang iyon.

Siyempre ay hindi ipinagsabi ni Evor kung ano mismo ang summon niya at hindi niya ibubuking iyon. Hangga't hindi pa lumalabas ang sikretong iyon ay sigurado siyang malaki ang porsyentong manalo sila sa mga natitirang laban nila upang makapasok sa Quarter Finals.

Three Warlords Wins!

Malakas na sigaw ng MC matapos manalong muli nina Evor at ng magkambal.

Isang linggo na silang lumalaban at ang labang ito ay sigurado silang pasok na sila sa Quarter Finals.

...

Isang araw muli ang nakalipas...

"Ano?! Aalis kayo?" Halos pasigaw na wika ni Evor matapos niyang marinig ang sinabi ng magkambal.

"Aalis kami pero babalik kami noh!" Pasigaw ring sambit ni Zen sa tila bagong gising pa lamang na si Evor.

Si Zero naman ay napatakip na lamang ng tenga dahil sa mala-megaphone na boses ng dalawang nasa harap niya pero kung magsalita ay kala mo ay isang bundok ang pagitan.

Kinalma naman ni Evor ang sarili niya dahil mukhang kailangan niya iyon.

"Kailan ang alis niyo Zen? Teka, sasama ako." Pupungas-pungas pa si Evor habang sinasabi ang mga katagang ito.

"Kaya nga pumunta kami dito ay para imbitahan kang sumama. Kaarawan kasi ng aming Nuno Amreo." Sambit ni Zen sa natural nitong boses habang nagpeace sign pa ito. Gusto niya lang bwisetin ang araw ni Evor. Normal na lamang iyon sa kanila lalo pa't ginantihan niya lamang ang pambubwiset sa kaniya ng kolokoy niyang kakambal at ni Evor.

Kitang-kita niya namang nakasimangot si Zero sa gilid na siyang ikinangisi ng palihim ni Zen.

"Sige. Mabuti naman at naisip niyo akong isama. Pero, bakit naman ganyan ang mukha ni Zero, daig pa ang mukha ng mga natalo nating kagrupo kahapon?!" Natatakang sambit ni Evor nang mapansin ang di maipintang mukha ng kakambal ni Zen.

Tiningnan naman ni Zen si Zero nang nakakaloko ngunit umiwas agad na mapadako ang tingin ng binata sa kakambal nito. Alam niyang hindi siya tatantanan ng isang ito.

"Wala, tagal mo kasi eh. Excited lang yan na makapunta muli sa munting tribo namin. Diba, Zero?!" Nakangiting saad ni Zen at napatingin ito sa kakambal nito.

Walang naging tugon si Zero at nagkibit-balikat na lamang si Evor sa kalokohan ni Zen. Halatang pinaghandaan niya ang araw na ito habang tila hindi naman mapansin ang tuwa sa mukha ni Zero.

Pumasok muna sila sa tinutuluyan ni Evor. Medyo komportable naman ang loob ng maliit na dorm na tinutuluyan ni Evor.

"Teka, paano yan eh kailangan pa nating magpaalam sa awtoridad ng Azure Dragon Academy, Zen." Pahabol pa ni Evor matapos na humarap pa ito sa magkambal.

"Nakapagpaalam na ako sa kanila na aalis tayong tatlo. Or gusto mong iwanan ka namin dito sa boring mong dorm." Sambit ni Zen habang nakataas-kilay pa ito na animo'y nagmamaldita.

"Sabi ko nga ahahaha..." Sambit ni Evor at ginawa na ang morning routine nito.

...

Tahimik lamang ang naging biyahe nila ni Evor kasama ang magkambal.

Kasalukuyan silang nakasakay sa isang Passenger's Owl. Ito ang karaniwang transportasyon patungo sa iba't-ibang lokasyon ng mga tribo dito sa timugang bahagi ng Dragon City.

Masasabing ang mga tribo ay nakalugar sa paanan ng mga bundok at nakahiwalay ang mga ito sa mga nayon.

Kaibahan lamang ay halos magkapamilya o magkalahi ang mga naninirahan sa bawat tribo. Hindi lamang iyon dahil ang mga ito ay mayroong matandang tradisyon at kasaysayan kumpara sa mga nayon na binubuo ng mga indibidwal sa makabagong mundo at binuo gamit ang estado o koneksyon.

Kaya hindi na magtataka si Evor kung may makikita siyang kakaiba o bago pa lamang sa kaniya na mga bagay-bagay.

Malaki ang nasabing ibong transportasyon nila. Mayroon ngang isang tagahatid o nagmamanipula ng Passenger's Owl na ito. Wala man itong fighting ability kung titingnan ngunit kaya nitong dalhin ang sinumang nilalang sa ligtas na lugar kahit na magbago man ang panahon o makasagupa ito ng kaaway na gustong paslangin sila.

Ang pambihirang uri ng Owl na ito ay sinasabing biniyayaan ng katangian na bantayan o protektahan ang sakay nito. It was the safest way of transportation para sa kanila.

Maaliwalas ang buong kapaligiran lalo pa't maaga pa ang kanilang paglalakbay patungo sa tribo ng magkambal.

Maraming napansin si Evor na mga bago sa mga mata niya. Maraming bagay ang napansin niya lalo na ang kakaibang landscapes na natatanaw niya sa mismong kalupaan na nadadaanan nila. Isa na rito ay ang pabilog na colosseum na siyang matagal ng ginagamit sa mga paligsahan ng mga tribo.

Todo daldal naman si Zen patungkol sa mga bagay na alam niya. Matagal na raw na ipinagawa iyon at di rin alam kung kailan ito eksaktong ginawa. Dito din daw naglalaban noon pa man ang mga kandidato ng mga tribo para hiranging pinuno ng isang tribo.

Marami pang bagay ang napansin ni Evor na siyang masaya namang ibinahagi ni Zen ang mga impormasyong nalalaman niya.

Ngunit ang isa sa kumuha ng atensyon ni Evor ay ang natatanaw niyang isang mataas na kabundukan na mayroong mga naglalakihang mga ilaw na tila mabilis na lumilitaw at nawawala rin bigla.

"Ano yun?!" Sabay turo ni Evor matapos niyang makaramdam ng kakaiba lalo na sa mismong summoner's ball niya na si Zhaleh.

"Iyan ba? Isa iyan sa ipinagmamalaki ng mga tribong malapit diyan partikular na kami. Ilang milya lamang ang layo ng lugar na iyan sa aming tribo. Ang pangalan ng lugar na iyan ay Thunder God Mountain. Matagal na ang lugar na iyan na nag-eexist na kahit ang mga Nuno namin ay hindi alam ang eksaktong oras kung kailan ito nag-eexist o bakit ito nag-eexist. Sinasabi nilang isang cultivation ground ito ng mga summoner's lalo na ng mga thunder type attributes ang summon. Noong una ay tila haka-haka ito ngunit ang dalawa sa mga naunang mga pinuno ng tribo namin ay nagpatunay ito. Pinaniniwalaan rin na isang treasure place ito para sa mga tribo lalo na kapag ang sinuman sa mga ipinanganak ay magkaroon ng thunder type attribute ay siguradong magiging malakas ito ng doble o triple kumpara sa normal na mga summoner na siyang siguradong malaki ang potensyal na lumakas at pamunuan ang tribo." Mahabang salaysay ni Zen ngunit batid ni Evor na biglang nalungkot ang boses ng dalaga.

"Treasure place ba kamo Zen? O execution place para sa mga magulang natin?!" Mapait na sambit ni Zero habang kitang-kita ang galit sa mga mata nito.

"Pasensya na, Akala ko ay----" malungkot na turan ni Evor na animo'y natigilan na rin. Pakiramdam niya ay tila biglang nalungkot ang atmospera sa kinaroroonan nila. Lumilipad man sila ngunit parang wala lang.

Kaya pala iniwasan ng kambal ang pag-usapan ang tungkol sa mga magulang ng mga ito. Ipinagbabawal sa kanila ang pag-iibigan ng magkaibang elemento. Those child bear from different attributes will only destined to perish na hindi man lang iniluluwal sa mundong ito.

Kung tama ang pagkakaintindi ni Evor ay napaslang ang mga magulang nila Zen at Zero sa lugar na iyon na siyang mahihinuha niya na hindi ito aksidente lamang.

"Tumigil ka na Zero. Ayokong mag-away na naman tayo ulit dahil dito!" Emosyunal na wika ni Zen habang pahina ng pahina ang boses nito. Halatang nawalan na ito ng gana dahil sa sinabi ng kapatid nito.

Kahit na ramdam na ramdam ni Evor na gustong umalpas ng kusa ang summon niyang si Zhaleh ay pinigilan niya ito. Alam niyang hindi ito ang tamang oras upang gawin iyon.

Kahit ganon ay nagpatuloy ang kanilang paglalakbay hanggang sa tuluyan na silang nakalapag sa lupa.