webnovel

Chapter 1.5

Tila nagulat naman si Evor sa tinuran ng kalaban niya. Batid niyang may laman ang mga sinasabi nito.

"Anong pinagsasabi mo?! Hindi na rin iyon nakakapagtaka pa lalo na't batid kong minanmanan niyo na si Marcus Bellford maging ako." Kalmadong sambit ng binatang si Evor habang makikitang pinipigilan lamang niya ang kaniyang sariling mainis sa nilalang na aiyamg kalaban niya.

"Tama ka. Ang bayan niyo ang dahilan kung bakit hindi kami makakilos ng laban sa iba. Patutunayan naming mga lampa kayo at wala kayong binatbat sa amin!" Nanggalaiting sambit ng nakamaskarang nilalang habang makikita ang galit nito sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.

"Kung gayon ay magkalaban pala talaga tayo. Dahil ba iyon kay Apo Noni?! Wag kang mag-alala dahil hindi ko kayo hahayaang magtagumpay!" Masungit na saad ni Evor habang makikitang hindi ito magpapatalo sa nakaubeng maskarang lalaki.

"Yan ang hindi mo nasisiguro binata. Patutunayan naming wala kayong silbi. Ikaw naman ang tuturuan ko ng leksyon!" Malakas na sambit ng nakamaskarang nilalang.

Biglang nagkaroon ng itim na itim na enerhiyang umalpas sa katawan nito kasabay nito ang nakakapangilabot na awrang nagmumula sa kailaliman ng lupa. Mabilis na sumugod sa kinaroroonan ng familiar ni Evor ang tila dambuhalang halimaw na gawa sa kakaibang kalansay.

Masasabing nagkaroon naman ng malaking katahimikan sa mga manonood habang mabilis na sumusugod ang naturang dambuhalang halimaw patungo sa lumilipad na familiar ni Evor.

Tila unti-unting tumatakbo paitaas ng hangin ang nasabing pambihirang halimaw na bungo habang ang familiar ni Evor ay tila hindi gumagalaw sa pwesto nito.

Maya-maya pa ay mabilis na narating ng naturang halimaw ang pwesto ng familiar ni Evor at kitang-kita kung paanong mabilis na iwinasiwas ng halimaw ang mga nagtatalimang kuko nito sa katawan ng nasabing familiar.

BANG! BANG! BANG!

Sa isang iglap ay biglang sumabog ang buong pangangatawan ng familiar ni Evor.

Ngunit ang kinapagtataka ng lahat ay bigla na lamang naging mga tipak na yelo na lamang ang mga ito na siyang ikagulat ng lahat lalo na ng nakaubeng maskarang lalaki na kasalukuyang kalaban ni Evor.

"Hmmp! Hindi ko aakalaing mautak ka palang nilalang. Nagawa mong mabaliwala ang atake ng aking familiar!" Inis na saad na nasabing nakaubeng maskara. Kitang-kita sa mga mata nito ang labis na pagkayamot sa kaniyang sariling nasaksihan lalo na't mukhang nalinlang sila ng nasabing binata.

"Hindi ko naman sinabing madali mo lamang matatalo ang aking familiar." Simpleng sambit ni Evor habang makikitang naniningkit ang mata nito sa kaniyang kalaban. Halatang gusto niyang inisin ito dahil sa kapalaluang ginawa ng kalaban niya.

Naiisip niyang malakas nga ito kung titingnang mabuti. Malaking advantage sa kaniya ang sitwasyong ito ngunit isang dark element ang kalaban niya. Kapwa nakahanay ang elementong meron sila sa kalupaan maging sa hangin.

Hindi pa matantiya ni Evor kung mabibitag niya ang kalaban niya sa naiisip niyang estratehiya. Magkagayon man ay hindi siya susuko. Kailangan niyang makapasok sa susunod na round at hindi mababalewala ang ipinunta niya rito.

Agad na sumugod si Evor sa kinaroroonan ng kalaban niya. Ang kaniyang pigura ay mabilis na tumalon-talon hanggang sa natawid nito ang distansyang nagbubuklod sa kanila.

Agad na sinuntok ni Evor ang tiyan ng kalaban niya ngunit mabilis ang reflexes ng kalabam niya at pinag-ekis nito ang mga braso niya upang sanggain ang kaniyang pisikal na atake.

Hump!

Agad na napaatras ang nasabing nakamaskarang kalaban nito habang sinasangga ang atake ni Evor. Hindi nito ininda ang pwersa na natamo nito habang hindi mawala-wala ang mala-demonyong ngising nakapaskil sa mukha nito.

Thump!

Walang pasubaleng ipinadyak ng nakamaskarang nilalang ang kanang paa nito at agad na lumitaw sa harapan nito ang dambuhalang kalansay na siyang familiar nito.

Kitang-kita ni Evor ang tila pagkuha ng kalaban niya ng isang punyal sa telang supot na nakasabit sa bandang bewang sa robang suot nito. Kitang-kita nito ang paghiwa ng kalaban nito sa sariling palad nito.

Itinapat nito ang dugong pumatak sa familiar ng kalaban niya. Biglang nabalot ng kakaibang penomena ang parte kung saan ang kalaban ni Evor.

"Hindi ko hahayaang mabuhay ka pa binata. Magiging malaking hadlang ka para sa aming pinaplano hahahahaha!!!!" Nanggagalaiting wika ng nakamaskarang nilalang hanggang sa tuluyang nabalot ng nagkakapalang kulay itim na usok ang buong pangangatawan nito maging ng dambuhalang halimaw na kalansay.

Rinig na rinig ni Evor ang tila nangabaling mga buto ng kung sinumang nilalang sa loob ng makapal na itim na itim na usok habang may kasama pang mga tunog ng tila paghiyaw na alam niyang iyon ay galing sa naturang kalaban niya.

Maya-maya pa ay bigla na lamang nawala ang napakakapal na usok sa parte ng kalaban ni Evor kung saan ay lumitaw ang tila napakalaking nilalang na mayroong laman-laman na sa katawan at parang tao ang nasabing nilalang.

Wala na ang hugis kalansay na nilalang at parang bagong dambuhalang nilalang ang makakalaban ni Evor na siyang ikinagulat rin nito.

Naiwang nagtataka naman si Evor dahil maging siya ay nagulat rin.

"Hindi ko aakalaing nakamit ng nilalang na iyan ang maging isa sa familiar nito (one with familiar state)!"

"Isang talentadong nilalang lamang ang maaaring makagawa niyan!"

"Mga hunghang, gumawa ito ng ipinagbabawal na pamamaraan upang magawa ang estado nito na konektado sa familiar niya!"

"Nasa delikado ang kalagayan ng makakalaban nito, masyadong malakas ang kalaban niyang tila naabot ang estado ng familiar nito!"

Ito lamang ang ilan sa maririnig sa kapaligiran habang iba iba ang naiisip ng mga ito sa kasalukuyang lagay ng laban sa pagitan ni Evor at ng mismong kalaban niya na tila naging isa sa familiar nito.

Agad na nag-isip si Evor ng pamamaraan. Masyado siyang kampante ngunit ngayon ay tila gusto niyang ibahin ang kaniyang sariling plano.

Mabilis na itinaas ni Evor ang kanang kamay niya na nakatutok mismo sa familiar niya at sa isang iglap ay umilaw ito na siyang naging isang summoner ball na lamang ito.

Ibinalik ni Evor ang sariling familiar niya sa summoner tattoo niya na siyang ikinapagtataka ng lahat.

Nagkaroon ng malaking bulong-bulungan sa mga grupo ng mga manonood ng nasabing elimination round.

"Bakit nito iwinala ang sariling familiar nito?!"

"Gusto na atang mamatay ng nilalang na iyan. Kita naman na lumakas lalo ang kalaban nito!"

Halos hindi magkamayaw sa negatibong komento ang halos lahat ng mga manonood. Mababatid sa kanilang uri ng pananalita ang pagkadismaya sa naging takbo ng pangyayari sa pagitan ng laban ng dalawang nilalang.

Hindi pa rin kasi nila alam kung bakit ginawa iyon ng binata. Halos napatampal na lamang ang iilan sa mga ito sa kanilang noo. Naiisip nilang tila hindi sineseryoso ng binata ang laban nito sa kasalukuyan.

Next chapter