webnovel

Chapter 9

"Ano ang iyong sagot Rihana?" Pilit na ngiti na wika ng guro, bakas sa mukha nito ang takot at kaba.

"Ang sagot ay Mexico! Hi hi hi!" Malamig na wika ni Rihana at humagikhik ito.

"Uhm Riana," wika ng guro at di niya masabing mali ang sagot nito.

"Tama ako?" Malamig na wika ni Riana. Hindi makakibo agad ang guro.

"T-tama ka Rihana, may tagong Pyramid sa Mexico," napilitang wika ng guro.

Maya maya ay nagpatuloy humagikgik ni Riana at nagulat ang

lahat nang naglabas ito ng isang manika. At pinaglaruan ang hawak nitong manika. Maya maya ay humangin ng malakas at napapahawak ang lahat sa kanilang kinauupuan. Nagbubuksanan ang mga bintana. Nag gagalawan ang mga ilaw sa kisame. Hindi na sila nakapag leksyon dahil sa mga nagaganap. Makalipas ang ilang sandali ay biglang nag ring ang bell. At doon nahinto ang malakas na hangin. Tumayo si Rihana at gaya ng dati ay nagsulat ito sa blackboard ng 'Sino?' At walang sabi-sabi ay lumabas na ito bitbit ang bag at manika. Pagkalabas ni Rihana ay doon lamang nakakilos ang lahat. Hinintay na muna nilang makalayo si Rihana bago sila naglabasan ng classroom. Ang lahat ay tulala. Pinagtitinginan sila ng ibang mag-aaral at pinag bubulungan.

Pagkauwi ni Myles sa kaniyang bahay. Balisa itong pumasok sa kaniyang silid.

Ayaw na niyang pumasok sa klase, ngunit gaya nga ng sabi nila, kapag hindi sya pumasok, ay susulatan sya sa ikatlong araw, hindi na sya makakaalis doon. Di malaman ni Myles ang kaniyang gagawin. Habang di mapalagay si Myles ay laking gulat niya nang bigla na lamang nagsara ang pintuan ng wala namang nagsasara. Lalo ito nakaramdam ng takot. Nilapitan niya ang pintuan at kaniyang binuksan, tumingin sya sa hallway, wala namang tao. At bago niya ito isara ay biglang may nakita syang anino ng isang babaeng naka uniform. Napasigaw si Myles sa takot. "Ahhhh!" hiyaw nito sabay sara ng pintuan.

Nagtungo sya ng kama at nagtalukbong.

Maya maya ay biglang may kumatok. Lalong kumabog ang kaniyang dibdib sa takot.

Tok tok tok… patuloy na katok ng pinto, ngunit di niya ito mabuksan dahil sa sobrang takot.

Maya maya ay nag bukas ito. Napahiyaw si Myles.

"Ahhhhh!"

"Anak, bakit ka nakatalukbong dyan!" Wika ng tinig, ang mama pala niya ang kumakatok.

Tinanggal ni Myles ang pagkatalukbong,

"Mama!" Bulalas nito.

"Kanina pa ako kumakatok di mo ako pinagbubuksan, akala ko kung ano na nangyari, buti at may spare key ako ng kuwarto mo, ano ba nangyayari anak?"

Hindi agad makapagsalita si Myles, nais nya magsalita ngunit may pumipigil sa kaniyang isipan.

"Anak may problema ka ba?"

"W-wala po Mama, natatakot lang sa napanood kong movie!"

"Yan na nga ba ang sinasabi ko, huwag ka manonood mag-isa okay?"

"O-opo!"

Pagkalabas ng ina nito ay di na mapalagay si Myles, gusto niyang lumabas ng silid at sundan ang kaniyang ina, ngunit may pumipigil sa kaniya, parang nararamdaman niyang nasa kaniyang tabi si Rihana. Naisipan niyang buksan ang kaniyang lap top at nag internet.

Inalam niya ang tungkol sa black magic.

Next chapter