webnovel

Ang Himbing Kasi Ng Tulog

Nang biglang sumabog ang bomba, nag kanya kanyang cover ang mga tao at ng marinig nila ang malakas na hiyaw ni Leon, na focus bigla ang atensyon nila sa kanya.

Ito ang naging dahilan para makakita ng magandang pagkakataon na makatakas si Cong. Mendes.

Namataan nya ang isang susi ng kotse na nahulog ng isa sa mga reporter, agad nya itong pinulot at hinanap ang sasakyan.

Pasakay na sya ng may makakita sa kanya.

"Ayun! Ayun si Congressman, tumatakas!"

"Teka, sa akin yung sasakyan, paano nya ..... "

Kinapa nito ang mga bulsa nya pero hindi nya makita ang susi.

"Nalintikan na, susi ko nga yun at sasakyan ko ang gagamitin nya sa pagtakas! Habulin natin sya, dala nya ang sasakyan ko, hindi ako makakapayag na makalayo sya!"

Anito sa cameraman nya.

"Tara, sundan natin sila!"

Hinabol si Cong. Mendes ng ninakawan nya ng sasakyan at sumunod naman ang ibang mga reporters sa kanila, hindi para tulungan ang ninakawan ng sasakyan kundi ayaw nila na mahuli sa scoop.

"Sir, dipo ba may tracking device yung sasakyan nyo?"

Tanong ng cameraman sa may ari ng sasakyan.

"Oo! Tawagan mo ang network para magawa nating mamonitor ang kilos nya!"

Agad naman nagpadala ng helicopter ang main branch ng network nila para mamonitor kung saan patungo si Cong. Mendes.

"Hindi mo kami matatakasan, Cong. Mendes! Susundan kitang bwisit ka, kahit saan ka magpunta!

Kakukuha ko pa lang ng bago kong kotse na yan, wala pa yan isang buwan, hindi pa yan bayad! Kaya hindi ako makakapayag na makawala ka!"

Pero ng makita ng ibang reporter ang ginawa nila, gumaya rin ang mga ito. Ang mga naglalakihang network mula sa tv at radyo na may sariling chopper ay naroon na rin, sinusundan si Cong. Mendes.

"Bwisit na mga 'to, ayaw akong tantanan!

Akala nyo ba magpapahuli ako sa inyo? Neknek nyo!"

Gigil na sabi ni Cong. Mendes

"General, anong gagawin natin, hindi ba natin susundan si Mendes?"

Tanong ni Fidel.

"Hindi! Dami ng nakasunod sa kanya. Saka, lumabas na ang warrant of arrest kay Mendes, hayaan na natin sa mga otoridad ang paghuli sa kanya, oras na para magpahinga!"

'Miss ko na ang Giliw ko!'

Nangingiti si Gene habang naiisip si Belen.

'Ano naman kayang iniisip nitong si General at parang kinikiliti kung makangiti?'

***

"Haaay, finally its over!"

Sabi ni Nicole na nag iinat pa.

"Yes, makakahinga na rin ako ng maluwag! Pero wala pa rin dito ang Giliw ko!"

Sabi ni Belen na may halong pagaalala.

"Uyyy, Giliw pala ha! Bakit pag andito si Tiyong hindi nyo po sya tinatawag na 'GILIW'?"

Panunukso ni Edmund.

"Tigilan mo nga akong damuho ka!"

"Hahahaha!"

Nawala na ang tensyon kaya masaya na ang lahat.

"Pero hindi pa rin nahuhuli si Cong. Mendes, huwag muna tayong magsaya!"

Sabi ni Edmund na may halong pagaalala.

Nagaalala sya sa anak nyang si Eunice.

'Paano kung malaman ni Mendes na si Eunice ang nagplano ng lahat ng ito?'

Paano kung gantihan nya ang anak ko?'

Ito ang kahapon pa pinagaalala ni Edmund.

'Hindi! Hindi ako pwedeng mag relax hangga't hindi ko nasisisguro na nakakulong na ang demonyong Mendes na 'yon!'

"Honey ko, antok na ako, tara na!"

Aya ni Nicole kay Edmund na may lambing.

"Yes, Honey ko andyan na!"

Sagot ni Edmund.

At isa isa na ring nagsunuran ng umalis ang iba.

"Oy kayong dalawa, bakit hindi pa kayo tumigil dyan?"

Sabi ni Nadine ng mapansing hindi pa rin umaalis sa laptop sila Kate at Eunice.

"Mommy saglit lang po may tinatapos lang po kami!"

Sagot ni Kate na hindi inaalis ang mga mata sa laptop.

"Ano nanaman ba yang tinatapos nyo? Ang ganda ng araw, sarap mag swimming, andyan pa rin kayo?"

"Saglit na lang po ito Tita Nadine, susunod po kami!"

Sagot ni Eunice na nasa isang laptop din.

"Sige bilisan nyo, dyan!"

At umalis na rin ito, natira na lang ang apat.

"Ano ba yang ginagawa nyo at parang masyado kayong seryoso?"

Tanong ni AJ.

"Sinisiguro ko lang na hindi makakaalis ng bansa si Cong. Mendes at inaalis ko lang ang lahat ng posibility na may tumulong sa kanya!"

"Sino pang makakaisip na tulungan yung matsing na congressman na yun?"

Tanong ni Mel.

"Sigurista si Congressman Matsing, tyak na may backup plan ito!"

Sagot ni Kate.

"Eh, ikaw Kate MyLabs, ano naman yang ginagawa mo?"

"Naglipat ng sasakyan si Mendes, nawala ang radar nya sa mga reporters at mga NBI na humahabol sa kanya, ibinabalik ko lang!"

Sagot ni Kate.

"Nagawa pa nyang makakuha ng ibang sasakyan? Paano?"

"Sa isang gasolinahan! Mukhang naramdaman na nyang may tracking device yung sasakyan kaya alam nila kung saan sya pupunta!"

"At mukhang hindi tayo makakapag swimming!"

*****

Samantala.

Hindi maintindihan ni Cong. Mendes kung paano pa rin sya nasusundan ng mga humahabol sa kanya.

Ang unang kotse na ginamit nya ay naibangga nya kaya kinailangan nya ng bagong sasakyan.

May baril pala itong reporter na may ari ng sasakyan, ito ang ginamit nya para makuha ng panibagong sasakyan na gagamitin nya sa pagtakas.

Pero hindi pa sya nakakalayo, may sumusunod na naman.

"Ayan na naman ang mga bangaw! Lintek na paano ba nila ako nasusundan?"

Tinapon nya ang cellphone, pero nasundan pa rin sya. Tinapon nya ang relo, pero nasundan pa rin sya.

Nagiisip na rin syang itapon ang suot na damit pero nagbago ang isip nya. Itinapon na lang nya ang suot na jacket.

Pagkatapos nyang maitapon ang jacket, bumaba ito ng sasakyan at pasimpleng sumakay sa isang bus.

Nakailang lipat sya ng mapansin nyang naubos na ang mga nakasunod sa kanya.

"Haaaay salamat, nailigaw ko rin ang mga bangaw!"

Sa terminal ng bus na sya bumaba at naghanap ng matutulungan.

Gabi na, bukas ko na lang iisipin ang susunod kong gagawin. Pagod na ako, kailangan ko ng lakas para bukas dahil kailangan makalabas ako agad ng bansa!"

"Haaay grabe, ito na ata ang pinakamahabang araw ko!"

Pagkatapos kumain ay nahiga na ito para matulog.

Madali naman syang nakatulog, marahil sa sobrang pagod o sa pampainit na ibinigay sa kanya kasama sa hapunan.

Malamig daw kasi.

Lingid sa kaalaman nya, hindi lahat nailigaw nya.

Hindi maintindihan ng mga special agent ng NBI kung sino ang nagpapadala ng radar ni Cong. Mendes.

Ilang beses itong nawala pero bumabalik din agad.

Maingat nilang pinuntahan ang location para hindi makatunog si Cong. Mendes.

Marahil sa sobrang pagod o siguro sa pampainit na ininom nya, hindi namalayan ni Cong. Mendes na napasok na pala sya ng mga tumutugis sa kanya.

Ni hindi na nga nito naintindihan ang sumunod na nangyari, akala nya nananaginip lang sya.

Kinabukasan, saka lang nya na realize na nahuli na pala sya at nakakulong na!

Ang himbing kasi ng tulog nya.

Next chapter