webnovel

Ang Matapang Na Si Mel

"Iho, may diperensya ba ang mga mata mo, hindi mo ba nakikita na hindi na kami makatayo sa ginawa ng babaeng yan sa amin? Hindi ba dapat kami ang tinatanong mo? Hindi na kami halos makagalaw dito, oh!"

Sabi ni Nato

Matalim ang mga tingin na hinarap ni Mel ang mga nanakit kay Kate.

"At bakit ko naman kayo pagiintindihin matapos nyong walang awang pagtulungan saktan sya? Hindi ba kayo nahihiya sa mga sarili nyo? Babae lang ba ang kaya nyo? HA?!"

Buong tapang na singhal ni Mel.

Galit na galit si Mel, gusto nyang sapakin ang mga taong ito sa ginawa nila kay Kate.

Ito ang unang beses na nakita ni Kate na ganito katapang si Melabs nya handa syang ipagtanggol kahit makipagsuntukan pa ito. Natouch sya.

"Iho, mukha ka namang matinong bata, huwag kang palinlang sa babaeng yan! Akala mo anghel pero demonyita yan!"

"Kayo ang mga demonyo! Pagbabayaran nyo ang ginawa nyong ito! Sisiguraduhin kong makukulong kayo sa pananakit na ginawa ninyo!"

Singhal ni Mel.

Namumula na ito sa galit.

"Makukulong? Iho, dayo kalang dito, kaya hindi mo kami kilala. Isa kaming Raquiñon, kamag anak kami ng may ari ng haciendang ito kaya kung ako sa'yo kami ang tulungan mo!"

"Eh ano naman kung Raquiñon kayo, sapat na bang dahilan yun para manakit kayo ng tao at ng isang babae?!

Saka, hindi ako naniniwalang mga Raquiñon kayo dahil sabi sa akin ni Tito Fidel walang Raquiñon ang nanakit ng babae! Sisiguraduhin kong mabubulok kayo sa bilangguan!"

Sagot ni Mel.

Lalo namang naiinlab si Kate sa pagtatanggol na ginagawa ni Melabs nya sa kanya.

Deep inside naiiyak sya sa sobrang tuwa.

Totoo namang hindi tunay na dugong Raquiñon ang lahi ng mga kalalakihang ito.

Ang may kasalanan nito ay si Manuel Rakunyo

Sumisikat na noon ang pangalang Raquiñon kaya ng pinarehistro ni Manuel ang anak nilang si Manuelito, nagkamali ng pagtatype ang registrar, imbes na Rakunyo, Raquiñon ang nailagay nila. Hindi kasi ito pamilyar sa Rakunyo at nung panahon na yun typewriter pa lang ang gamit nila.

Pero hindi ito pinansin ni Manuel, imbes na ikorek hinayaan nya na lang tutal magkatunog naman sila at mukhang pang mayaman ang Raquiñon.

Ito ang dahilan kaya gumawa si Don Aaron ng talaan ng mga angkan ng tunay na Raquiñon at wala ang pangalan ng mga lalaking ito dun.

Maya maya may dalawang lalaking humahangos na dumating.

Sila ang mga security ni General Gene na lihim na sumunod kay Kate. Natanaw kasi nilang lumabas si Kate na walang bodyguard kaya sumunod sila.

"Pasensya na po Mam naligaw kami!"

Humihingal na sabi ng isa.

Kate: " .... "

Mel: "....."

Alam ni Kate na may sumusunod sa kanya pero hindi nya akalaing maliligaw ang mga ito.

"Hulihin nyo yang mga lalaking yan at siguraduhin nyong makukulong yan!"

Utos ni Mel sa mga bodyguard.

".... kailangan kong madala agad sa ospital si Kate MyLabs ko!"

Dugtong pa nito.

"Yes, Sir Mel!"

Sagot nila.

Buong ingat na inalalayan ni Mel si Kate at hinayaan naman ni Kate na gawin ni Mel ito sa kanya.

Sa lahat ng lalaki, kay Mel lang nya pinapakita na mahina sya.

"Teka, sandali lang!"

Pinigilan sila ni Nato.

"Wala na tayong dapat pagusapan, ang abogado ko na ang bahala sa inyo!"

Matapang na sabi ni Mel.

"Gusto ko lang malaman kung anong relasyon mo sa babaeng yan?"

Sigaw ni Nato habang itinatali sila ng mga bodyguard.

Pero hindi sya sinagot ni Mel, ni hindi sila nito pinansin dahil ang buong atensyon nya ay nakay Kate.

Pero patuloy pa rin sa pagsigaw si Nato.

"Tumigil ka na! Hindi ba obvious, girlfriend nya si Ms. Kate! Kailangan pa bang sabihin iyon?"

Sagot ng isa sa bodyguard.

'Girlfriend nya yung demonyitang yun?'

Hindi sya makapaniwala pati ang mga kasama nya.

Iisa ang naglalaro sa isip nilang lahat.

'Lintek na babaeng ito, demonyita talaga, boyfriend na nya si Aaron may boyfriend pa ring isa!'

'Kailangan malaman ito agad ni Aaron!'

Puno ng pagkairita ang makikita sa mga mata ng mga lalaking iyon kay Kate.

*****

Dinala nila sa presinto ang pitong lalaking nanakit kay Kate.

Nagkataong ang kumausap sa kanila ay ang bayaw ni Estong na si Tenyente Palango.

"Bayaw tulungan mo kami, wala kaming kasalanan! Yung babaeng yun, yung demonyitang babaeng yun ang dahilan kaya kami nagkaganito!"

Nagulat si Tenyente Palango ng makita ang pito na puros galos at hataw ang buong katawan tapos ay nakatali pa.

"Anong ginagawa nyo? Bakit nyo sila itinali ng ganyan? Tanggalin nyo nga yan!"

Utos nito sa mga bodyguard.

"Tenyente, isa po ako sa tauhan sa hacienda. Kaya po namin sila itinali dahil pinagtulungan nilang saktan ang bisita ni Sir Aaron!"

"Ano? Totoo ba 'to bayaw?"

"Hindi! Hindi totoo yan! Andun lang kami para kausapin at turuan ang bastos na iyon!"

Sagot ni Nato.

"Oo bayaw, tama si Nato, kakausapin lang sana talaga namin sya pero hindi nya kami pinapansin kung kaya .... "

Hindi na alam ni Estong kung papaano nya itutuloy dahil sa pagkakataong ito, nagising na sya, alam nyang lumabis sila pero paano nya ito ipapaliwanag sa bayaw nya.

"May mga bitbit kayong pamalo, tapos sasabihin nyo kakausapin nyo lang si Ms. Kate?"

Sabi ng bodyguard.

"Ms. Kate? Babae ang tinutukoy nyong pinagtulungan nila?"

Nagulat na tanong ni Tenyente.

"Oo officer at gusto ni Sir Mel na ipakulong ang mga gunggong na 'to na nanakit sa girlfriend nya!"

"Pero teka, kailangan muna naming maimbestigahan ang lahat ng ito! Buti pa iwan nyo muna sila dito at kami na ang bahala sa lahat!"

Sabi ni Tenyente Palango.

Plano nyang pakawalan ang mga ito pag alis ng mga nagdala sa kanila dito pero...

"Gusto muna namin silang makitang nakakulong!"

Sabi ng bodyguard

"Okey sige!"

Walang nagawa si Palango kungdi ikulong sila.

"Huwag kayong magalala sandali lang ito. Pagkaalis nila saka ko kayo palalabasin dito!"

Bulong ni Palango sa kanila.

Pagkatapos nga na mablotter ang pito at magbigay ng statement ay umalis na ang dalawang bodyguard kasama si Rene.

Wala pa duon ang Chief ng presinto kaya nagmamadaling tinango ni Tenyente ang blotter at statement nila saka nya pinuntahan ang pito para pakawalan.

Kaso dumating si Chief at may kasama, nasalubong sila.

"Tenyente Palango, saan mo dadalhin ang mga yan?"

Tanong ni Chief Andres

"Chief, may dinalaw lang ho sila dito, paalis na ho sila!"

Katwiran ni Tenyente Palango.

"Magandang araw po Sir Chief, sige po mauna na po kami!"

Sabi ni Nato.

Paalis na sila ng magsalita ang kasama ni Chief.

"At saan sa akala nyo kayo pupunta?"

Dumadagundong ang boses ng lalaki.

Nanghina ang mga tuhod nila ng madinig ang boses nito.

"Kayo ba ang nanakit sa apo kong si Kate?!"

Tanong ni Gene sa pito.

"Sir, nagkakamali kayo, hindi sila yun?"

Sagot ni Tenyente Palango

"Pero ang sabi ng tauhan ko, sila daw!"

Sabi ni Gene.

"Tama po kayo General Santiago, sila nga po!"

Sabi ng bodyguard. Binanggit pa nya ng may diin ang pangalan ni Gene.

Alam nyang papunta rito si Gene kaya inantay nila. Saka, naramdaman nyang may binabalak si Tenyente sa pito.

"Chief Andres! Siguraduhin mong gagawin mo at ng mga tauhan mo ng tama ang trabaho ninyo. Maliwanag!"

"Yes Sir!"

Natatarantang sagot ni Chief

Iyon lang at umalis na ito.

"Sarhento, ikulong mo ang pitong ito at isama mo na rin si Tenyente Palango!"

"Pero Chief, bakit po? Sino po ba yung kasama nyo?"

Tanong ni Tenyente Palango.

Hindi mo ba nakikilala yun? Sya si retired General Eugene Santiago at ang babaeng pinagtulungan nyong gulpihin, mga lintek kayo ay anak ni Lt. General Jaime Santiago!"

Namumula sa galit na sabi ni Chief sa pito.

Namutla ang lahat.

Next chapter