webnovel

She's More Than Ready

Daddy naman eh, bakit nyo po sinabi yun?"

Parang batang sabi ni Eunice kay Edmund.

'...and there she goes again, back to being my adorable baby!'

'Haaay, bakit kasi ang bilis nilang lumaki!'

Nilapitan nito si Eunice at kinurot ang dalawang pisngi.

"Ganun din naman yun sooner or later ibibigay ko rin sa'yo ang posisyon na 'to so why not now?"

Sagot ni Edmund.

"Hmp, daya! Sabi nyo po 5 years, ala pa nga pong 1 year gusto nyo na pong ibigay sa akin agad!"

"Wala naman akong sinabing after 5 years ko ibibigay sa'yo ang posisyon ko! Saka ganun din yun, sooner or later sa'yo pa din ito mapupunta and I know your are ready!"

Proud na sabi ni Edmund.

"Kunwari pa po kayo gusto nyo lang pong gumala kasama si Mommy!"

Sabi ng nagmamaktol pa ring si Eunice na hindi alintana ang mga tao sa paligid.

"Hehe!"

Nangiti si Edmund.

Well part of it is true.

Iniinggit kasi sya ni Ames sa mga travel nito.

Natatawa na lang si Dave sa kanilang mag ama.

Batid ni Dave ang totoong dahilan kaya mas gusto nyang itransfer na ang CEO posisyon kay Eunice.

Dahil yun sa kumakalat na chismis na walang alam ang anak nya. Gusto nyang ipamukha sa kanila kung gaano kagaling ang anak nya.

'Yes bata pa sya, pero hindi iyon hadlang para ibigay ko ang posisyon ko sa kanya! Because she's ready!'

'She's more than ready!'

"Daddy, kung ibibigay nyo rin naman pala sa akin ang posisyon nyo sa birthday ko, bakit pa po nyo ako gagawin president ng Pampangga Branch? Bakit hindi nyo na lang po ibigay kay Ms. Annie?"

Tanong ni Eunice.

Nagulat si VP Annie.

Kanina lang kinakabahan sya dahil akala nya masisisante sya tapos maririnig nya kay Eunice na bakit hindi sa kanya ibibigay ang Pampangga Branch?

Kumakabog ang dibdib nya, parang nagwawala ang puso nya.

"Dahil kailangan maagaapan ang problema ng Pampangga Branch!"

Sagot ni Edmund.

Nadiskubre ni Edmund ang mga problema ng Pampangga Branch pati ang mga kakulangan nito.

At ang mabagal na pag usad nito sa pamamalakad ni Reyes.

Malapit lang ang Pampangga Branch sa main branch kaya nagtataka sya kung bakit ang laki na pala ng agwat nito sa main.

Kungdi pa ginawa ni Eunice ang upgrading sa Pampanga branch hindi nya ito madidiskubre.

"Saka, naka maternity leave ang VP ng QC branch, kaya dun muna sya pansamantala, at saka ko na pagiisipan kung ano ang gagawin ko sa kanya!"

Dugtong ni Edmund.

Napalunok si VP Annie, naintindihan nya ang ibig sabihin ni Edmund.

Tatlong buwan ang leave ng QC VP na si Flor, kaya binibigyan sya ni Edmund ng 3 months para patunayan ang sarili nya.

Kung gaano sya ka loyal sa NicEd and that she deserves that second chance.

'Three months, pagbubutihin ko ito!'

'Hindi dahil sa president position kungdi para sa mga anak ko!'

"CEO, maraming salamat po sa tiwala nyo!"

Muling naluha si Annie

"So, sino naman po ang ipapalit nyo ngayon kay VP Annie sa Pampanga branch?"

Napatingin si Eunice kay Lance at napangiti ito.

"Si Lance!"

Sagot ni Edmund.

"Good! Congratulation Vice President Lance!"

Sabi ni Eunice.

".... and Ms. Annie, hindi ko alam kung ano ang ginawa mo at kung bakit ka itinapon ni Daddy sa QC branch but I'm hoping after this magiging okey na ang lahat! Gusto kong galingan mo pa dahil wala akong planong magtagal sa Pampangga Branch!"

Seryosong sabi ni Eunice kay Annie na hindi alam ng huli kung galit ito sa kanya o sadyang mataray lang.

*****

Lyn, gumawa ka ng resignation letter!"

Utos ni President Reyes pagbalik nito ng office nya.

"Po?"

Gulat na tanong ni Lyn ang secretary ni President Reyes.

'Bakit sya nagpapagawa ng resignation letter?'

'Para kanino?'

'Mag reresign na ba sya?'

Naguguluhan si Secretary Lyn.

"Eh Sir, para kanino po ang resignation letter?"

"Syempre sa akin at sa'yo! Mag reresign na tayong dalawa dito sa NicEd Corp!"

Sagot ni President Reyes.

'Ha? Bakit ako gagawa ng resignation letter para sa sarili ko, wala naman akong planong mag resign?'

'Ano bang problema nitong boss ko?'

"Sir President, pwede po bang magtanong kung bakit? Wala naman po akong planong mag resign, marami pong umaasa sa akin at mahirap maghanap ng trabaho ngayon!"

Kinakabahan tanong ni Secretary Lyn.

"Bakit ba nagtatanong ka pa dyan, hindi ka na lang sumunod?"

"Syempre po Sir mahirap pong maghanap ng trabaho ngayon kaya hindi ko po kayang mag resign! Saka Sir, dipo ba magreretiro na kayo next year, kaya bakit hindi nyo na lang po antayin ang retirement nyo?"

"Hindi ko na kayang manatili dito! Sa sandaling ilipat ni Edmund ang posisyon nya sa mangmang nyang anak, guguho na 'to kaya aalis na ako bago pa mangyari yun at isasama kita!

Alangan naman iwan kita, nuh!"

Paliwanag ni President Reyes.

"Pero Sir, matagal tagal pa naman po siguro yun pwede ko pa pong antayin! Hindi po ako pwedeng mawalan ng trabaho ngayon dahil may pinagaaral pa po ako at may sakit din po ang nanay ko!"

"Bakit ba ang kulit mo? Pag sinabi kong magreresign tayo, magreresign tayo!

Saka huwag kang magaalala dahil magtatayo ako ng sarili kong negosyo kaya isasama kita!"

'Nasisiraan na ba talaga itong boss ko, bakit naman ako magreresign sa NicEd at sasama sa kanya?'

'Nasa kama na ako babalik pa ako sa lapag!'

"Sir, pwede po bang tumanggi?"

"Bakit ba, bakit ayaw mong sumama sa akin, ha?"

Nakukulitan na si President Reyes.

"Kasi po Sir, pag nag resign po ako wala po akong makukuha kaya aantayin ko na lang po na tanggalin nila ako!"

Naintindihan ni President Reyes ang ibig sabihin ni Secretary Lyn. May pondo ang kompanya para sa benepisyo ng mga empleyado at naka insured ito kaya kahit na ma bankrupt ang kompanya, hindi mawawalan ang mga empleyado ng NicEd basta hindi sila magreresign.

"Kahit na! Basta mag re resign tayo, tapos ang usapan!"

Madiing sabi ni President Reyes.

Naiyak na ng tuluyan si Secretary Lyn.

Humahagulgol ito sa pagiyak habang ginagawa ang resignation letter nila.

"Secretary Lyn, bakit, anong nangyari?"

Tanong ni Earl ng makitang umiiyak ito.

Sinamahan nya si Reah papunta sa office ni President Reyes para kunin ang mga iniutos ni Eunice sa kanila. Ang lahat ng bagay tungkol sa Pampangga Branch.

"Kasi Sir Earl, pinag reresign ako ni President Reyes! Huhuhu!"

"Bakit ka naman nya pinagreresign?"

"Kasi, magreresign sya at gusto nya kasama ako!"

"Ha?!"

Naguguluhan sabi ni Earl at Reah.

"Eh bakit mo naman sya susundin?"

Tanong ni Reah

"Eh kasi natatakot ako sa kanya! Huhuhu!"

"Huwag ka ng umiyak Lyn, pangako, tutulungan kita! Hindi ko hahayaang mag resign ka at pag pinilit ka pa nya, pwede ka naman mag apply sa akin at kukunin kita!"

"Talaga po?"

Tumahan na si Secretary Lyn.

"Oo promise! Kung gusto mo gumawa ka narin ng resume! Hehe!"

Nawala na ang takot at pagaalala nito kaya tumahan na ng tuluyan.

"Pero Lyn, pwede mo rin ba kaming tulungan?"

"Tungkol po saan Sir Earl?"

"Kasi, si Ms. E na ngayon ang bagong presidente ng Pampangga Branch kaya pinapakuha nya sa amin ang lahat ng tungkol dito. Pwede mo ba kaming tulungan lalo na tungkol sa mga secret files na tinatago ni President Reyes?"

"Yes, Sir Earl! Promise!"

Nangiti na lang si Reah.

'Masasabi mang genius si Ms. Eunice, may charming power naman si Sir Earl!'

Next chapter