webnovel

Single And Blessed

Dahil sa alam ng mga nagbabantay na tulog si Lemuel, hindi gaanong binantayan ng mga tauhan ni Ames ang matanda. Wala tuloy silang alam na ang matandang binabantayan nila ay wala na pala at iba na ang nakaupo sa inuupuan nito. Natakasan sila.

Hindi naman kasi ganuon kahina si Lemuel, yun lang ang pinapakita nya. At karamihan sa mga gamot nya ay hindi naman nya talaga iniinom dahil gawa gawa lang nya ang ibang sakit nya.

Wala talaga syang sakit sa puso ang tangi lang nyang sakit ay highblood at rayuma at hindi totoong na stroke na sya.

Ipinapakita nya lang sa lahat na mahina sya para may dahilan syang manatili sa bahay. Gusto nya kasing gayahin ang buhay ng mga 'Don'.

Ito rin ang idinadahilan nya sa mga anak nya lalo na kay Jericho at Elsa kaya hindi makatanggi ang nga ito pag may gusto syang ipagawa. Pero alam ito ni Ames, matagal na!

Hinahayaan lang nya ang ama sa gusto nito pero ngayon pagod na sya sa laro ng matanda.

Nakakita si Lemuel ng pagkakataon ng parehong tumayo ang mga bantay nya at iniwan sya.

Ibinigay nya ang upuan sa isang pasahero tapos ay binigyan nya ito ng alak na isa sa mga tauhan nagbabantay sa kanya.

Hinaluan nya ito ng gamot na para ata sa ubo. Ito ang gamot na nahablot nya at itinago bago sya nawalan ng malay kanina sa bahay.

Naisip nya itong itago para gamitin sa mga tauhan nagbabantay sa kanya.

'Pero mas mainam itong naisip ko! Hehe!'

Bago magsara ang eroplano, nagawa ni Lemuel makababa at makapagtago para hindi sya makita ng anak nyang si Ames.

Nagulat na lang ang lahat pagdating sa Australia, na hindi pala si Lemuel ang matandang binabantayan nila at wala silang idea kung nasaan na ito. Kung narito na ba sa Australia o naiwan nila sa Pilipinas.

"ANO?! Dalawa kayo dyan pareho kayong natakasan ng isang matanda? Ano bang binabantayan nyo, mga babae sa paligid nyo?!"

Singhal ni Ames sa mga tauhan nya.

"Mom, sa tingin ko andyan pa po si Lolo! Mukhang naisahan nya ang mga tauhan nyo!"

Nagpupuyos sa galit si Ames. Posible nga ang sinasabi nito.

"San ka naman pupunta ngayon Papa? Wala ka ng bahay na uuwian at wala ka na ring pagkukunan ng pera dahil wala na ang negosyong inaasahan mo! Ang natitira na lang sa'yo ay ang natitira mong pera sa bangko!"

"Mom, just come here! Hayaan nyo na po si Lolo, bumalik na po kayo dito, please! I'm worried for you!"

Pakiusap ng anak ni Ames.

"Don't worry anak, may kailangan lang muna akong gawin, babalik din ako agad dyan, pagkatapos! Promise!"

May kailangan muna syang tapusin na chapter sa buhay nya. Hindi sya matatahimik kung hindi nya malalaman kung ano talaga ang nangyari sa anak nyang si Allan.

*****

Lunes.

"Wow! Eunie, your car speaks for yourself! Kagaya mo, parang pinagsisigawan rin nyang 'I'm SINGLE and HAPPY'!"

Sabi ni Kate sa pinsan nya.

"Ate Kate mas gusto ko yung 'I AM SINGLE AND I AM BLESSED!'"

Sabi naman ni Eunice.

"Hehe!"

Sakay sila ngayon ng bago nyang kotse at naglalakbay sa kahabaan ng south super highway.

Kahit na nagpoprotesta ang dalawang nanay nila sa pagbabyahe nilang mag isa, walang nagawa ang mga ito ng takasan ng magpinsan ang mga nanay nila.

Sabay na nag ring ang cellphone nila at pareho silang napalunok.

Mga Mommy nila ang tumatawag.

"Tumatawag sila anong gagawin natin Ate?"

"Huwag mong sagutin! Baka madisgrasya tayo! Magfocus ka sa pagmamaneho, Eunie!"

Hindi sinagot ni Kate ang Mommy nya at ang sinagot nya ay ang Tita Ninang nya.

"Hello po Tita Ninang!"

"Lintek kayong dalawa, bakit nyo kami tinakasan ng Mommy mo?! Bumalik KAYO!"

"Pero Tita, nasa expressway na po kami, wala pong u turn dito!"

"Nasa expressway na kayo? Ambilis nyo naman! Sabihin mo nga kay Eunice bagalan nya ang takbo nya!"

"Tita Ninang ang bagal nga po namin eh! Wala pa pong 70 ang takbo namin saka don't worry po, okey naman po kami at nangangalahati na po kami sa byahe!"

"Anong don't worry ka dyan? Basta na lang kayo umalis ng walang paalam tapos ..... "

Biglang inagaw ni Eunice ang phone niya kay Kate.

"Mom shut up please! I'm driving at hindi po ako makapag concentrate sa road! Tawagan ko na lang po kayo pag nasa school na kami!"

Ibinaba na nito ang phone pagkatapos.

"Eunie, did you know that you just shut your Mom?"

Gulat na sabi ni Kate.

"Yes Ate Kate!"

Gulat din sya sa ginawa nya.

"Wow! Ang brave mo! I like it!"

"OMG! Bakit ko ginawa yun?"

Natatarantang tanong ni Eunice.

"Hahaha!"

DING!

"Eunie nag text ang Daddy mo! Halah lagot ka, pinaiyak mo daw si Tita Ninang!"

"Ate pwede ba huwag mo akong takutin, natataranta na nga ako eh!"

"Hahahaha!"

Next chapter