webnovel

Hindi Matanggap

"Aaaah... Yun pala yun!"

"Ang galing naman ni Sir Orly!"

"Oonga! Kaya pala sya ang tinaguriang best teacher eh!"

Napapalakpak pa ang iba sa sobrang galing ng paliwanag ni Teacher Orly.

Nadidinig ni Ames ang mga bulungbulungan sa paligid at kitang kita nya ang mga ngiti ni Teacher Orly. Kitang kita sa kilos nya na nageenjoy ito sa papuring natatanggap nya.

'Saan ba nanggaling na best teacher ito?'

Naiiimbyerna na sya kaya naupo sya sa tabi ni Kate na nginitian lang sya.

"Anong nginingiti mo dyan?"

"Well, I guess the show is about to start!"

Sabay nguso nya kay Professor John.

'Hmm! Mukhang kilala na ni Kate ang pagkatao ni Professor John.

Nangiti si Professor John kay Teacher Orly.

"Naiintindihan ko na Sir!"

"Mabuti naman Mr. John! Kung may tanong ka pa just ask at sasagutin ko!"

"Yes Sir meron pa akong question?"

"You see, sabi mo sinolve mo muna ang square root ng 676, tama?"

"Yes, that is correct!"

Mayabang na sagot nya.

'Mabuti naman at naintindihan nya ako agad!'

'Ang galing ko talagang magturo! Hehe!'

Pakiramdam ni Teacher Orly pumalakpak ang mga tenga nya sa tuwa.

"But Sir itong sagot nyo sa square root ng 676 ay 26 diba eto yun?"

At tinuro nya ang 26 sa first step sa solution ni Eunice.

"At ang sagot sa mga fraction ay ito naman!"

Sabay turo ulit sa first step.

"You see Sir, hindi na nya kailangan gawin isa isa ang ginawa mo kasi alam na nya ang sagot sa mga ito! Diba mas madali iyon!"

Natahimik si Teacher Orly saka tiningnan ang sagot ni Eunice.

Ngayon lang nya napansin na pareho nga ang mga sagot nya yun nga lang sinulat na nya ng direkta hindi katulad nya na sinolve pa nya isa isa.

"Yes tama ka! Tama nga ang sagot nya pero, sabi ko solve the problem with a solution, kaya bakit nya sinulat lang yan?"

"So aminado kayo Sir na tama ang sagot nya?"

"Oo, tama ang sagot nya pero mali ang solution nya, kaya kahit na tama ang sagot nya kung mali ang solution nya, mali pa rin ito!"

Matigas na sagot ni Teacher Orly.

"Sir, how can you say na mali ang solution nya, I don't think that her solution is wrong! Dahil ang tawag dyan Sir is "Simplified" or shinorcut lang nya!"

"For example Sir sa multiplication, given the number 9x3= 27! Dapat ba isolve pa nya sa white board isa isa kung paano naging 27 ang sagot gayung alam nyang 5 minutes lang ang time limit nya? Diba hindi! Kasi waste of time! Ilalagay na lang natin ang 27 dahil alam na ng isip natin na 27 ang sagot!"

Medyo napasibangot si Teacher Orly.

"Ang ibig mo bang sabihin alam na nya agad kung paano I solve ang square root eh hindi pa naman nya napagaaralan iyan?"

"Exactly!"

"Gusto mo bang I try natin kung marunong na syang mag square root!"

Hamon nya kay Teacher Orly.

Pero hindi na nya inantay pang sumagot si Teacher Orly, dahil excited na syang tanungin si Eunice.

"Iha, ano nga ulit ang name mo?"

"Eunice po!"

"Eunice, marunong ka bang mag square root?"

"Opo!"

"Sinong nagturo sa'yo?"

"Si Mommy ko po!"

"Wow! Pwede ba kitang itest?"

Tumango si Eunice.

Hindi nya kilala ang lalaking ito pero feel nya mas madali syang kausap kesa kay Teacher Orly.

"Okey, I'll give you a number, you give the square root?"

"625!"

"25!"

"900!"

"30!"

At nagpatuloy ang tanungan nila.

Ang mga teacher naman ay naglabas ng calculator para ma sure kung tama ang sagot ni Eunice, hanggang sa mapagod sila at nanuod na lang. Hindi na kasi sila makahabol ng bumilis ang tanungan.

Ayaw naman maniwala ni Teacher Orly sa nakikita at nadidinig nya. Malay ba nya kung sadyang nagpunta ito dito para patunayan lang ang pagiging inosente ni Eunice.

'Sino ba talaga itong taong ito at nakikialam dito?'

'Malamang gawagawa ito ng mag inang ito! Kumuha sila ng tao at nagpraktis para magmukha magaling at may alam ang batang ito!'

"TEKA! TEKA LANG!!!"

"Yes Sir Orly? Anong problem?"

Mahinahong tanong ni Professor John

"Teka lang ha! Sino ka ba at bakit ka nakikialam dito? Kanina ka pa Mr. John, pinagbibigyan lang kita pero parang sumosobra ka naman ata! Bisita ka lang dito ah! Bakit mo ako kino correct?!"

'Lintek na ito, akala mo kung sinong magaling kung maka correct! Halatang binayaran lang naman ng mag ina!'

Napataas ang kilay ni Professor John.

'Sumobra nga ba ako!'

"Mr. John, hindi ko matatanggap ang paliwanag mo! NEVER!"

"Ako ang teacher nya at ako ang nagbibigay ng exams na ito!"

So, pagsinabi kong mali sya, ibig sabihin nun, MALI SYA!"

"AND THAT'S FINAL!"

Next chapter