webnovel

I Will Not Ask Why

"Anong ginagawa mo dyan?!"

Tanong ng pulis kay Alicia.

Nagulat si Alicia ng madinig ang pulis at muntik na itong makabitaw sa pagkakahawak.

Napaiyak si Alicia sa takot.

"Jusko Alicia! Kumapit ka!"

Sigaw ni Teacher Erica sa kanya.

"Teacher Erica, help! Huhuhu!"

"Huwag kang magaalala tutulungan ka namin! Just hold on okey!"

Nagsimulang umakyat ang isang pulis para tulungan sya pero nakabitaw ito sa takot ng makita ang pulis na papalapit sa kanya.

Buti na lang nahawakan sya ni Teacher Erica sa isang braso nya para hindi ito tuluyang mahulog. Pero nawala ang balanse nito dahil hindi na nakatapak ang mga paa sa dulo ng pader.

"WAAAAH!"

At nakuha sya ng pulis bago sya tuluyan bumaksak.

Nang maiakyat, agad nitong inakap si Teacher Erica.

"Shhh! Tahan na ligtas ka na! Huwag mo na ulit uulitin yun ha! Tinakot mo kami!"

"Opo, Opo Hindi na po ako uulit!"

"Mabuti pa Teacher Erica, dalhin mo sya sa clinic para magamot ang mga sugat nya!"

*****

Sa clinic.

Si Teacher Erica mismo ang gumamot sa mga galos at sugat ni Alicia.

Naiiyak sya habang ginagamot sya ng teacher nya, hindi dahil sa nasasaktan sya, kundi dahil sa naalala nya ang tunay nyang ina sa teacher nya.

Ganito rin sya nitong gamutin, dahan dahan nya pinapahiran ng gamot ang sugat tapos ay hihipan nito at sasabihing "Masakit ba?"

'I miss you Ma!'

Bulong ni Alicia.

"Oh, bakit masakit ba?"

At hinipan nito ng paulit ulit ang sugat ni Alicia.

"Sorry ha! Konting tiis na lang! Sandali na lang ito promise!"

"O ayan tapos na! Tanggalin naman natin itong jacket mo para makita natin ang iba pang sugat mo!"

Pero tumanggi si Alicia. Takot na takot itong hindi nya maintindihan, kaya hindi na pinilit ni Teacher Erica.

"Sige kung ayaw mo okey lang!"

At inakap nito si Alicia.

"Ali mag kwento ka naman!

May .... problem ka ba?"

Naghintay si Teacher Erica pero hindi ito sumagot.

"Kung ayaw mong magkwento, ako na lang ang magkukwento!"

"Nung bata pa ako, katulad mo, nagkaroon ako ng malaking problem sa school. Hindi ko ito masabi kahit kanino dahil natatakot ako at nahihiya!"

"Hanggang sa hindi ko na matiis ang nararamdaman ko dahil sa ginawa sa akin ng isang tao, kaya nasabi ko ito sa isang kaibigan ko na mas may edad sa akin ng kaunti!"

"Sya ang tumulong sa akin para masabi ko ang kung ano ang problem ko! At sya din ang nagligtas sa akin at sa lahat estudyante sa school!"

Tahimik lang na nakikinig si Alicia, hindi nya kasi alam kung saan patungo ang kwento ng teacher nya.

"Alicia, na mi miss mo ba ang Mommy mo?"

Napatingin sya kay Teacher Erica.

"Paano..."

"Paano ko nalaman na hindi mo tunay na Mommy yung tinatawag mong Mommy?"

Tumango ito.

"Kasi po hindi kayo magkamukha!"

"Kahit naman po si Daddy hindi ko rin hawig!"

"Hmm... Magkahawig kayo ng kilay sa tenga!"

Totoo ang sinabi ni Teacher Erica pero hindi man lang ngumiti ang bata.

"Ganito na lang, kung na mi miss mo ang Mommy mo at need mo ng hug, sabihin mo lang sa akin. I will not ask why! Promise!"

At inakap na nito ng mahigpit si Alicia.

*****

Sa silid ng principal nagtungo ang father ni Alicia na ikinagulat nito kung bakit dumating.

"Sir, ano hong ginagawa nyo dito?"

"Dahil sa'yo ang dami kong trabahong hindi nagawa! Nasaan ang anak ko?"

"Sir, maupo muna pa kayo!"

"Anong gusto nyong inumin?!"

"Hindi mo ba ako nadinig? Sabi ko, nasaan ang anak ko at iuuwi ko na!"

Pero hindi alam ng principal kung nasaan si Alicia at mga kasama nito.

Kanina pa silang dalawang hindi makalabas ng silid.

Nalagyan na ito ng bagong door knob pero naglagay naman ng pulis sa labas.

"Sir, oras po ng klase ngayon kaya malamang nanduon po iyon!"

"Huwag po kayong magaalala Sir, ipapasundo ko!"

Tinawagan ni Mr. Angheles ang asawa nya.

"Hon, nasan ka?"

"Andito ako sa taas, sa silid ng may ari ng school! Nasaan ka na ba? Kanina ka pa namin inaantay!"

"Nasaan si Alicia?"

"Nandito din sa taas pero nasa kabilang room sila!"

Tumayo na ito at umakyat sa taas kung saan naroon ang asawa.

"Mr. Angheles, pasok kayo!"

"Nasaan ang anak ko, si Alicia? Bakit nyo sya tinatago?"

"Mr. Angheles, hindi po namin tinatago si Alicia! Katunayan, kausap sya ngayon ng taga DSWD!"

Nagulat si Mr. Angheles.

"DSWD...? Bakit?"

"Kanina kasi, nasugatan ang anak ninyo kaya dinala sya sa clinic. Napansin ng gumamot sa kanya ang mga latay sa likod at sasapnan ng bata kaya humingi kami ng tulong sa DSWD!"

"Gusto kong makita ang anak ko!"

Sabay tayo nito at humakbang paalis pero hinarang sya ng dalawang pulis.

Next chapter