webnovel

Maguusap Muna

Hindi alam ni Alicia ang gagawin ng malamang muntik ng mamatay si Jeremy dahil sa ginawa niya kanina.

"Hindi ko naman sinasadya! Huhuhu!"

Naiiyak na ito sa kaba.

Pati ang grupo nya na kasama nyang nagplano ay kinakabahan na rin. Pare pareho nilang hindi gustong mangyari iyon kay Jeremy. Nagsisisi talaga sila at kay Jeremy napunta ang ginawa nila imbis na kay Eunice.

"Bakit kasi hindi na lang kay Eunice natapon yun?! Para naman talaga yun sa kanya!"

"Bwisit na Eunice yan! Kasalanan nya ito!" Hindi mangyari iyon kay Jeremy kung nauna sana syang pumasok!" Hmp!"

"Oo girls, hindi natin ito kasalanan! Si Eunice ang dapat sisihin dito! Sya ang may kasalanan ng lahat ng ito!"

"Pero natatakot ako girls! Paano pag nalaman ito ni Daddy?"

Natakot din sila.

*****

Samantala...

Sa isang restaurant.

Nakipag meeting ang principal sa mga magulang ng mga batang involve sa nangyari kay Jeremy.

"Mr. Principal ano ba talagang nangyari? Bakit nasangkot dito ang mga anak namin?"

"Teka mga Sir! Maayos naman natin lahat ito! Huwag kayong magaalala!"

"Pinatawag ko lang kayo para ipaalam sa inyo ang mga nangyayari sa mga bata!"

"Sino ba ang binully nila?"

"Ganito yan Sir. Wala naman sanang problema kung ang naging biktima ay yung target nila na si Eunice! Pero ... hindi nila inaasahan ang pagdating ng senior na si Jeremy at ito ang unang pumasok imbis na yung Eunice, kaya dun kay Jeremy napunta lahat ng likidong dapat sana ay para kay Eunice!"

"Sino si Jeremy?"

"Si Jeremy Alvarez ay apo ni Lemuel Alvarez! Kilala nyo naman siguro kung sino si Lemuel Alvarez?"

"Sino ba naman ang hindi makakakilala kay Lemuel Alvarez, isa sya sa pinaka mayaman dito sa bayan ng San Miguel!"

"Teka, hindi ba sya ang ama ni Ames, ang may ari ng school?"

"Tama Sir, syanga!"

"Pero ang balita ko hindi close si Jeremy at ang tiyahin nya!"

"Talaga? Sigurado ka ba dyan?"

"Magagawa mo ba ng paraan na huwag magreklamo si Jeremy?"

"Yes naman Sir, ginagawan ko na ng paraan!"

"Basta kailangan mong magawan ito ng paraan! Nakasalalay dito ang future ng mga bata! Hindi ako papayag na magkaroon sila ng record!"

"Oo naman mga Sir yan nga ang ginagawa ko sa ngayon!"

"Pinipigilan kong kumalat ang mga balita upang mamatay ng kusa ang nangyari!"

"Basta ba yung pangako nyo sa akin huwag nyong kalilimutan! Ang mga donasyon nyo para sa itatayong bagong lab!"

"Huwag kang magaalala Mr. Principal hindi namin nakakalimutan!"

"At dadagdagan pa namin ito para meron ka rin!"

"Basta ipangako mo lang na hindi mo pababayaan ang mga anak namin!"

"Oo naman, pangako yan! Ako pa!"

Tuwang tuwa ang principal.

'Ayos, na solve na ang problema ng mga batang iyon may pera pa ako! Hehehe!'

'At si Jeremy, hindi makakap sumbong iyon sa tyahin niya dahil war sila! Hehe!"

'Kaya palilipasin ko muna ang galit nito, lalambot din yon!' Hehehe!"

Hanggang tenga ang mga ngiti ng principal.

Ang hindi nya alam ng mga oras na ito nakarating na kay Ames ang nangyari.

Tinawagan agad ni Lemuel si Ames pagkauwi nila sa bahay.

"Anak, anong klaseng principal ba yang ipinalit mo kay de Leon?!"

Nagkaroon ng kaso ang naunang principal tungkol sa isang estudyante kaya ito ang ipinalit nya.

"Bakit po Papa, ano po bang nangyari?"

"Eto, ang video ikaw ng nangyari!"

"Hindi ko akalain na merong maglalakas ang loob na gumawa ng ganyan kay Jeremy!"

"Pero hindi para sa kanya yan! Para kay Eunice! Nagkataon lang na naunang pumasok si Jeremy kaya sya ang sumalo lahat!"

"Ano pong ginawa ng principal?"

"Ang sabi ng principal huwag muna daw mag judge dahil hindi pa sure na bullying ito!"

Nagpupuyos sa galit si Ames matapos madinig ito. Lalo na ng malamang nilusob nila si Jeremy dahil sa ospital.

Kailangan nyang makauwi!

"Bukas na bukas din uuwi ako! Huwag ka munang pumasok Jeremy! Pati si Eunice at yung friend nya huwag nyo na munang papasukin!"

"Maguusap muna kami ng principal!"

*****

Marami ang nag tag kay Jeremy kaya maging sya ay sunod sunod din ang tunog ng cellphone.

'Sino ba 'to?'

Kasalukuyan syang nagpapahinga sa kama. Matutulog na sana sya ng sunod sunod na dumating ang notif.

Tiningnan nya ito at nagulat sya ng makita ang mga comments nila kay Mel. Naginit ang ulo nya.

Kaya sya sumagot.

"Mel, thank you sa time mo kanina, nag enjoy talaga ako! Hindi ko nga napansin ang pangangati ng mga pantal ko!"

Salamat ulit!

@Jeremy

Next chapter