webnovel

Chapter 12(Kinakatakutang Araw )

Halos walang tulog ang magkakapatid dahil sa kanilang paghahanda sa araw ng anibersaryo ng mansion de saavedra.Paghahanda hindi para sa isang piging o kasiyahan kundi para sa isang panganib na maaring tatapos sa kanilang mag anak.Si susie ay hindi na mapakali habang hawak ang isang rosaryo at bibliya dahil sa matinding takot.Habang dina Caroline at Dos ang nagsindi ng mga kandila sa buong paligid ng mansion at maging sa bahay na tinitirhan nila.Si alleen naman ang siyang nakahawak ng iba pang kailangan nila upang labanan ang kasamaan,Ang kwentas na tila isang medalyon ang siyang nakasabit sa kanyang leeg.Ayon kasi kay Tandang lara isa ito sa pinakamalakas nilang panlaban sa mga masasama.Ang kanilang ina naman ay taimtim na nananalangin para sa kanilang kaligtasan.Bagamat hanggang ngayon ay wala paring balita sa kanilang ama.Hindi rin sila makakasingit pa na mag report sa pulisya o baranggay dahil ang pangyayari pa lamang sa kanilang mga ka baranggay ay halos hindi na maasikaso ng mga ito.Kaya minabuti na lamang nilang manahimik at makipaglaban sa hari ng dilim.Ang pagkakaisa, pagmamahal at pananalig nila sa taas ang siyang magpapalakas sa kanila.

"kung andito lang sana si papa.'napabuntong hiningang wika niya sa sarili.

"Sana ligtas si papa."wika naman ng kanilang bunso habang nakatanaw sa labas.

Habang nakaupo silang magkakapatid sa kanilang sofa ay bigla na lamang silang nakarinig ng isang napakalakas na tawa na animo'y nanggagaling sa kailaliman ng lupa.Kasabay ang tila pag ingit ng isang napakalaking pintuan na parang yari sa isang bakal na matagal na panahong hindi nabubuksan.Kasunod ang panaghoy ng kung ano mang mga nilalang na tila nahihirapan sa kanilang kinalalagyan.Kasabay ang pag ihip ng napakalakas na hangin at sabay sabay na pagkamatay ng mga kandila.

"!ate!!napasigaw si susie dahil sa matinding kadiliman ng paligid.

"andiyan na sila"!nahihintakutang wika niya.

"anong oras na?!"bulong ni carolina..

"hindi ko alam, pero baka hatinggabi na.. kanina kasi malapit na mag hatinggabi bago mamatay ang mga kandila at ilaw natin.

"ate, natatakot ako.."nanginginig na bulong ni susie kaya niyakap niya ito ng mahigpit.

"Samantalang hindi naman natinag si Dos sa kinauupuan nito habang mahigpit na hawak ang isang bote ng agua bendita.

ang kanilang ina ay nanatili pa ring nakaluhod habang nananalangin.

"Natatakot ako ate alleen".humihikbing wika ni susie sa kanya.

"huwag ka matakot susie, andito kami."di ba strong tayo.."pinahawakan niya sa kapatid ang kanyang mga muscles upang biruin ito.

Habang nagbubulungan silang magkakapatid ay bigla nilang narinig ang tinig nang kanilang ama.

"mga anak, andito na ako.. alleen,, caroline, dos, susie.. halos lahat ng pangalan nilang magkakapatid ay tinawag nito.

"Teka si papa iyon!bigla siyang napatayo upang aninagin ang kanilang ama..

"pssstt..teka bakit parang iba yata ang boses ni papa".Si Caroline iyon na nakasilip din sa labas na tila ba ay may nakikita sa labas."

"mga anak andito na ako."muli ay ulit ng tinig.

Maging ang kanilang ina ay napapigil din at nakikinig kung saan nagsisimula ang tinig.

"mga anak, tulungan niyo ako."panaghoy ng kanilang ama mula sa kung saan na agad namang sinundan ng kuya dos nila.

"Teka, kuya saan ka pupunta?!hinarangan niya ito sa tangka nitong paglabas ng kanilang kwarto.

"Si papa iyo, kailangan ni papa ng tulong natin!!hindi niyo ba naririmig iyon!asik ni dos sa kanya.Tila ba wala ito sa sarili..

"kuya, baka hindi si papa yan!"may mali sa boses eh..sita naman ni Caroline.

"pati ba naman ikaw ate!!galit na baling dito ni dos.

"Kuya, ate,!!Tama na iyan.."saway niya sa mga ito upang hindi na humaba pa ang usapan.

"Tulong mga anak.!!"muli ay dagundong ng tinig kaya hindi na nila napigilan ang pagtakbo ng kapatid nila patungo sa pinangagalingan ng tinig ng kanilang ama..

"kuya!!tawag niya ngunit hindi ito nakinig..

"dos yung agua!!'pahabol naman ni caroline ngunit hindi man lamang ito nakinig.

"Sundan ko muna ate,, dito lang kayo.."!matapang niyang sambit saka sumunod sa kapatid papasok ng mansion.

"sasama kami..."" pahayag ng ina at dalawa pang kapatid.

"pero mama,, baka mapanganib sa loob ng mansion.. dito lang po kayo..

"hindi,, kailangan ko sumama ,, tulong tulong tayo hindi ba.?.kaya sama sama tayo.Matigas na pahayag ng kanilang ina.

!!""ugghhhhhhh!!"sigaw ni dos mula sa taas ng mansion.

"teka si kuya iyon ah.!!bulalas niya sabay takbo papasok.."

"alleen sandali!!"kasunod ang ina at dalawang kapatid ngunit mabilis siyang nakaakyat ng hagdan,hindi alintana ang dilim ng paligid.

"Kuya saan ka!!"?sigaw niya..

"dos?!!si Caroline iyon.

"anak, dos,!!anong nangyayari!!nag aalalang sigaw ng ina nila..

"kuya!!kuya!!mabilis niyang narating ang taas ng mansion at tuloy tuloy siya papasok sa loob ng kwarto kung saan niya nakita ang aklat ng kamatayan dahil nakabukas iyon.

"kuya!!papa!!andito ba kayo!"sigaw niya habang inaaninag ang paligid kasunod ang mga kapatid at ina.Ngunit laking gulat nila ng biglang magliwanag ang paligid..kasabay ang pagsindi ng mga kandila na nakapalibot sa kanila."

"ehhhhhhhhhkkkkk!!""tili ni susi sabay yakap ng mahigpit sa kanila.

"anong nangyayari!!"nahihintakutang wika ng kanilang ina.Kulang na lamang ay mahimatay ang mga ito dahil sa tindi ng pagkakayakap sa isa't isa.

Maging siya ay nanginginig dulot ng matinding takot ngunit nilabanan niya iyon lalo na nang makita niya ang nakahandusay at walang malay na kapatid.

"Kuya!!Diyos ko.. kuyA..!nilapitan niya ito upang tingnan.Nakatihaya ito habang umaagos ang sariwang dugo mula sa ulo nito.

"Dossss!!!"hagulhol ng kanilang ina habang yakap ang binata.

"kailangan natin makaalis dito!!""bulalas ng ate niya.

"ppeeeeerr--napatigil sa ere ang anumang sasabihin niya ng mula sa kung saan ay lumabas ang isang bulto ng lalake.,Nanlilisik ang mga mata habang hawak ang isa sa mga itak na nakita niya noon sa kwartong iyon.Ngunit ganun na lamang ang kanyang panlulumo ng makilala ito.

"PPPapa!!Sigaw niya habang di makapaniwala sa nakikita niya.Duguan ang kanilang ama at tila ba wala sa sarili..

"Diyos ko!!Carlitos!!"bulalas ng kanilang ina, ngunit hindi lamang ito nagsalita at bagkus ay tuloy tuloy itong lumapit sa kanilang ina.

"papa!!"ngunit hindi man lamang ito nagsalita!!at ganun n lamang ang takot at panginginig nya ng makita ang ginawa nito.

"papa!!huwag!!pilit nilang pinipigilan ang pagkakasakal nito sa leeg ng kanilang ina..

"Hhuwag!!""halos mapugto ang kanyang hininga dahil sa matinding takot.

Nakita niya ang unti unting pagkaupos ng hininga ng kanyang ina habang hindi nito mapigilan ang kamay ng kanilang ama..

"papa!!ano bang nangyayari sayo!!humahagulhol na tawag dito ng ate Caroline niya..Maging si susie ay pinilit tanggalin ang kamay ng kanilang ama ngunit bigo ito dahil isang igkas lamang ng kamay ng kanilang ama ay bumagsak din ito na walang malay.Si Caroline naman ay tuluyan ding bumagsak hindi sa pagkakasakal kundi dahil sa matinding takot.

"Ate!!mama!!halos hindi na niya alam kung sino ang uunahin sa mga ito dahil na rin sa matinding takot dulot ng mga pangyayari.Siya naman ang lalapitan ng ama at akmang sasakalin.

"papa!!huwag!!mabilis siyang nakaiwas sa akma nitong pagsakal at hindi sinasadyang madikit rito ang kwentas niya.

"urrhgggghhhhh!!Isang nakakapangilabot na sigaw ang pinakawalan nito na tila nasaktan.

"Papa!!ako to!! si alleen!!""papa".Kulang na lamamg na maglumuhod siya sa harapan ng ama upang buamalik lamang ito sa huwisyo,ngunit walang nangyari.Patuloy ito sa paglapit sa kanya habang nakaumang ang duguang itak na hawak nito.

"patuloy parin siya sa pag atras habang nakaangat ang dalawang kamay upang saluhin ang anumang iaamba ng ama.

"Papa!!"please.. labanan mo ang sarli mo.!!umiiyak na sigaw niya ngunit wala man lamang reaksyon sa mukha nito at bagkus ay patuloy lamang ito sa paglapitbsa kanya.

Patuloy din siya sa pag atras, ngunit bumangga lamang siya sa isang pader at nagbagsakan ang mga nakasabit doon.

"hahhahahhahah!!!!!!mga pangahas kayo!!hahahh!!""iyon lamang ang namumutawi sa mga labi ng ama.

"mamatay kayo.!!hahahha!!Dumadagundong mula sa loob ng kwartong iyon ang napakalaking tinig nito na tila nanggagalingbsa ilalim ng lupa.

Gusto man niyang lumaban ay wala siyang magawa dahil alam niyang ama parin niya iyon.

"papa.. maawa ka.. papa ako to.. isa sa mga anak mo!!""muli'y ulit niya sa pagbabakasakaling magigising ang ama mula sa anumang demonyo na sumapi rito.

Nasa harapan na niya ito at sa isang iglap lamang ay nasa leeg na niya ang dalawang kamay nito at sinasakal siya.

"huuuuullkkkkkk""pppppaaapp"'pilit siyang kumakawala sa lakas ng ama ngunit kahit nga siguro kalahati ng kanyang lakas ay di man lamang ito matitinag..

pinipilit niyang isipa ang mga paa ngunit wala paring nangyayari at sa halip ay umaangat lamang siya.

Nauubusan na siya ng lakas at kunting minuto na lamang ay maaring sapitin din niya ang sinapit ng mga kapatid at ina.Gumagana pa ang bahagi ng kanyang isipan ngunit wala ng lakas ang kanyang katawan.Ngunit biglang pumasok sa kanyang alaala ang sinabi ni Tandang Lara.

"Gamitin mo ang kwentas na ito at pakaingatan dahil ito anf magliligtas sainyo ng pamilya mo."Tila isang pahayag iyon na maaari niyang magamit sa pagkakataong kagaya nito.

Nanghihina man ay pinilit niyang hawakan ang kwentas upang maisabit iyon sa leeg nang ama.Alam niyang walanf kasiguruhan iyon ngunit kakapit siya sa pinakamaliit na pag asa upang makaligtas.

"Hahahhahah!!!wala ka nang magagawa.. hahhahah!""nanlilisik ang mga matang pahayag ng kanyang ama.

"urgkllllllkkkkk"'Huminga siya ng napakalalim at inubos ang lakas upang maiangat ang kanang kamay upang mailipat sa ama ang kwentas at nagtagumpay nga siya.

"aaarrrghhhhhggggg!!!"warrrrkkllllll""Dumagundong sa loob ng kwartong iyon ang nakakapangilabot na sigaw nito habang sumisirko habang pabagsak siyang binitawan nito.Nahihingal at halos maupos siya nang matapos ang pagkabagsak niya sa sahig,bagamat umiikot ang paligid ay tila ba isang asong ulol na inuumpog ng kanyang ama ang katawan nito sa bawat pader na mabangga at madaanan.Halos maikot na nito ang buong silid sa tila ba pagwawala at pinipilit tanggalin ang anumang bagay ang nasa katawan nito.

Habang pinapanood niya ang ama ay sinusbukan niyang gumapang sa kinalalagyan ng mga kapatid at ina upang sakaling magising ang mga ito.

"!!urrrhhgghllkkkkkk!!""Isang malakas na sigaw ang kumawala sa loob ng silid kasabay ang pagbagsak ng katawan ng kanyang ama sa sahig sa di kalayuan.

Habang pinipilit niyang gumapang, habang nanlalabo ang kanyang paningin ay nasaksihan niya ang malausok na lumabas sa bibig ng kanyang ama.Hudyat iyon na na umalis na ang anumang masamang espiritu sa katawan nito.

Ngunit ganun na lamang ang kanyang panghihilakbot sa sumunod na nasaksihan;

Bigla na lamang nagliparan ang mga gamit na naroroon papunta sa kanya at sa mga kapatid.Habang isang malakas na tinig ang dumadagundong at sa nakahihilakbot nitong mga nagbabagang mga mata bagamat isang usok na nag hugis tao lamang ang umiikot sa ere..

"Diyos ko tulungan mo po kami.."Taimtim siyang nagdasal dahil wala na siyang laban sa pagkakataong iyon.Nakita niya ang lumilipad na patalim patungo sa kanya at siguradong mamatay siya pag tinamaan siya nito.Pinilit niyang igalaw ang katawan ngunit parang may isang mabigat na bagay ang nakadagan sa kanya kaya hindi niya magalaw ang katawan.Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at tinanggap ang kanyang magiging kapalaran.

.

Next chapter