webnovel

Chapter 4. (Pangyayaring di maipaliwanag)

Ilang buwan pa ang nakalipas simula ng tumira sila mang Carlitos sa Hacienda De Saavedra, marami na rin naman silang mga nabibintahan ng mga produkto nila na naitanim sa hacienda. at Marami ding naririnig si mang Carlitos na kwento tungkol sa mga nangyayari sa mansion ng mga de Saavedra noon hanggang ngayon ngunit binalewala na lang ng padre de pamilya ng monreal.Alam naman niya kasi ang kwentong barbero na yun.Ang pinakamahalaga ay tahimik ang pamumuhay nilang mag anak.Masaya kasi siya dahil pinanindigan ni Ivana isa sa mga anak ng namayapang de saavedra ang pinangako nitong scholarship ng mga anak, magandang sahod at malayang pagtatanim ng mga root crops at gulay sa hacienda upang pandagdag nila sa kanilang pangangailangan sa pang araw araw. Bagamat lagi silang busy sa pagbubukid ay hindi nila kinakaligtaan ang paglilinis ng malaking mansion sila ng kanyang asawa, upang mapanatili nilang malinis at bago ang mansiyon.Ang nakakapagtaka lang para sa kanya ay kung bakit may isang bahagi ng mansiyon ang hindi maaring bukSan.Bukod kasi sa may kadena itong nakalagay, ay meron din itong paalala na nagsasabing "Hindi maaaring buksan."At kahit nga gustong gusto na itong buksan ng kanyang asawang si valleen upang makita ang loob nito ay hindi nila ginawa dahil ayaw nilang baka may masira sa parte ng mansiyon.Nakita niya din ang isang malaking balon na nasa gilid na bahagi ng nag hacienda hindi kalayuan sa kinatatayuan ng mansion.May malaking bahagi nito ang animo"y sinadyang takpan upang hindi na makita.May umaagos namang tubig mula rito subalit hindi ganun kalakas ang agos.Nakita din nila ang puno ng nara na nasa kaliwang bahagi naman ng hacienda,malakas ang agos ng tubig mula sa ugat ng puno.Napakalakas kaya naisip niyang lagyan ng tapayan upang maging gripo ng naturang tubig.Bagamat alam niyang noon ay

ipinagbawal ng Namayapang may ari ang pagpapasok nang kahit na sino sa kanyang teritoryo ay hindi niya iyon inisip.Tanging kanyang inaalala kung papaano mabibigyan ng sapat na pangangailangan ng tubig ang karatig baranggay dahil nagsisimula na naman ang pagkawala ng tubig sa ibang lugar.Samantalang sa kanila ay napakasagana ng tubig.Isang araw minabuti niyang ipag paalam ang kanyang plano kay Ivana.Ang buksan ang hacienda para sa mga taong nangangailangan ng tubig na maiigib at laki ng pasalamat niya dahil agad naman itong pumayag.ayun dito pwedi niyang gawin iyon ngunit hindi maaring makalapit sa kanilang mansion at baka may mawala pa lalo na at puno ng mamahaling mga bagay sa loob ng mansion.Sinabi naman niyang gagawa siya ng daan sa kabilang bahagi ng hacienda upang wala makakalapit sa mansion.

"Buti naman at pumayag si mam ivana na buksan ang matubig na bahagi ng hacienda nila at nang makatulong man lamang tato sa mga karatig baranggay na magbigay patubig sa mga ito, lalo na at naririnig ko na halos wala nang maayos na tubig na nakukuha ang mga residente,."masayang wika ni aleng valleen sa asawa habang nasa hapag kainan sila kasama ang kanilang apat na anak. Kumpleto sila ng araw na iyon dahil sabado at walang pasok dahil umuwi din si carolina mula sa paaralan nito. Ganun na halos ang kanilang routine tuwing sabado at linggo.Masaya silang nagkukuwentuhan habang kumakain, pagkatapos ay tulong tulong sila sa paglilinis ng mansion, at maging sa pagbubukid nila.

"mabuti nga kamo at pumayag, ang akala ko nga eh hindi talaga papayag."dagdag pa ni mang carlitos sa asawa.

" sadyang mabait talaga si mam ivana, at mabuti na lamang ay hindi nagmana sa mga magulang nito."sagot ni aleng valleen na likas na ang pagiging mataas palagi ng boses.

"ang nakakapagtaka lang po mama, eh bakit walang tubig sa kabilang baranggay gayung halos tag ulan naman na."sabat naman ni alleen na kanina pa nakikinig sa usapan ng mga magulang.

"iyan nga din ang nakakapagtaka eh,"naiiling na sagot ni mang carlitos sa anak.

"eh baka naman may nakaharang sa mga patubigan nila o di kaya yung tubo ng tubig mula sa kanilang mga balon ay sira kaya.."dagdag pa ni alleen.

"hay, naku andiyan na naman yung mga haka haka mo alleen na wala sa ayos., diba nga nagkalandslide noong nakaraang buwan at halos ang parteng bahagi talaga ng patubigan ng karatig baranggay ang natabunan."nagmamagaling na sabat naman ni dos.Likas talaga sa binata ang kumontra ng kahit sino sa kanila.Sasagot pa sana si alleen ngunit pinigilan na sila ng ama.

"tumigil na kayo at baka saan na naman iyan mapunta!! mabuti pa pagkatapos nating kumain,ikaw dos samahan mo ako sa kaliwang bahagi ng hacienda at bubuksan natin ang bakod doon upang iyon ang mag silbing daan ng mga tao upang makakuha ng tubig doon sa puno ng nara at nalagyan ko na ng tapayan at alulod,iyon ang magsisilbing daluyan ng tubig."

"ikaw naman alleen at carolina, kayo muna ang maglilinis ng mansion, wala namang masyadong lilinisan ngayon dahil nakapaglinis na kami ng nanay mo noong isang araw.Punas at walis lang ang gagawin ninyo."bilin nang ama..

"Ho?!! bakit ako.!? agad namang sabat ni alleen sa ama.

"eh bakit, saan mo ba gusto? sa bukid?!!"pang aasar na naman ni dos. "ang babae sa bahay dapat yan at hindi sa pagbubikid!!" dagdag pa nito.

"bakit may sinabi ba ako?!"naiinis na sabat niya sa kapatid.

kung tutuusin hindi naman talaga siya nagrereklamo ng kahit anong trabaho na ipinapagawa sa kanya,ngunit iba kasi ang pagtatrabaho sa mansion, makailang ulit na kasi siyang naglilinis ng mansion at tuwing nangyayari iyon sy pakiramdam niya hinahatak siya sa isang bahagi ng mansion at nakikita niya ang animo'y ibang mundo,nakakatakot na mundo ngunit bigla rin siyang bumabalik.Wsla naman siyang mapagsabihan sa mga kapatid dahil alam niyang hindi siya papaniwalaan ng mga ito.Bagkus alam niyang sasabihin lamang ng mga ito na tumigil na siya sa pagkakape.Natigil lamang siya sa pag iisip ng muling magsalita ang ama.

"oh, siya, ikaw susie samahan mo ang iyong mama sa bayan upang magdala ng mga ibibintang gulay."lahat tayo magtulong tulong upang mas mapabilis ang ating mga gawain."maliwanag ba?"seryusong wika ng ama.

Wala siyang magawa kundi sumunod na lamang sa utos ng mga magulang.At gaya nga ng sinabi ng kanyang ama ginawa nga nila ang mga dapat gawin.

Habang nasa taas na sila ng mansion ng ate Carolina niya au hindi siya mapakali.Isang oras na silang nasa taas at abala ang ate niya sa pagpupunas ng mga salamin na iniputan ng mga ibong nakakapasok sa loob ng mansion.Habang nagpupunas siya ay bigla siya napalingon sa loob ng dating kwarto ng mag asawa at gayun na lamang ang hilakbot niya nag makita ang batang babae, nguni iba na ang itsura nito keysa sa mga unang beses niya itong nakita.Duguan at halos nangingitim ang mga mata nito at mayroong nakasaksak sa bibig nito na pulang tela habang hawak nito ang leeg na parang nahihirapan sa paghinga habang umaagos ang mapulang dugo sa mata at teynga nito.

"aa...eee... aateeeee!!""halos manghilakbot siya sa sobrang takot!!randam niya ang mas matinding takot sa ngayon dahil sa itsura ng batang babae.

Agad namang sumaklolo ang kapatid niya dahil maging ito ay nagulat din sa naging reaksiyon niya.

"aateee... iyong bata.!! halos magkandautal niyang sumbong..

"anong bata.!! papaano magkakaroon ng bata rito eh wala si susie at kasama ni mama!!"bulalas nito.

"hindi kasi iyong bata na lagi kong nakikita, nakakatakot ang mukha ate.."dudduguan at.. at...""

"hay naku alleen, nagsisimula ka na naman!! huwag ka nga manakot!!'hindi niya naituloy ang sasabihin dahil pinandilatan siya ng kapatid.

"totoo ang sinasabi ko ate." giit pa niya, ngunit hindi talaga ito naniwala at lumapit pa sa kwarto kung saan nakita niya ang batang babae kanikanina lang.

"oh, wala naman na ah.""!!wika nito ata saka bumalik.

"magtrabaho ka na nga lang,.. ang talas kasi ng imahinasyon mo eh..!!"niiritang sabi nito.

"pati ako idadamay mo pa."bilisan mo na diyan at malapit na mag hapon, di pa tayo natatapos dito."saka muli itong bumalik sa gingawa.Hindi na lamang siya sumagot pa, ngunit talagang hindi mawaglit sa utak niya ang nakita..Huminga siya ng malalim upang tanggalin ang kanyang takot.

Makalipas ang isang oras ay nakarinig sila ng ate carolina niya ng tumatawag mula sa labas ng mansion.Mabilis silang bumaba upang tingnan ang panauhin.

Ngunit nang malapit na sila sa baba ay ganun na lamang ang takot nilang magkapatid.

"pare!!""pareng carlitos!!""anang boses mula sa labas.

"di ba si mang kanor iyon?!"wika niya sa ate carolina ng makita ng bisita.

Si kanor ang halos kapitbahay lamang nila, nasa kabilang gilid na bahagi ng hacienda de saavedra ang maliit na sakahan nito.Naging kaibigan na din ito ng kanilang ama at kakumpare na din dahil kinuha nito ang kanyang ama na ninong ng anak nitong bunso.

Tumatawag pa din ito, kaya minabuti nilang magkapatid na lapitan ito dahil wala pa naman amg ama.Ngunit bago pa man sila makalapit ni Carolina ay mayroon nang boses mula sa kung saang ilalim ng lupa nanggaling.

Sa pagkakataong iyon ay narinig na ng kanyang kapatid at maging ito ay nabigla din.

"paree...anang boses na tila ba paos ngunit nasa ilalim ng lupa...

"eh, pare carlitos, makikiraan lang pare..!!ulit ni mang kanor habang sakay ng kanyang kalabaw.At dahil lasing ito ay hindi nito narinig ang naturang boses.

"oo, pare!'"sagot nito at mas lalo silang nanghilakbot nang masilip mula sa kanilang tinitirhan ay ang pagsindi ng kandila.Kitang kita niya ang pagsiklab ng apoy at ng anino ng may hawak nito.

"Ate may tao."!! bulalas niya sa kapatid sabay turo ng bahay nila.Ngunit dahil sa takot ay mabilis silang dalawang magkapatid kumaripas ng takbo patungo sa ama at mabuti na lamang ay nakasalubong nila ang mga ito.

'papa!!may tao sa bahay!!hingal na hingal siya ng magsumbong sa ama at kapatid.

At dahil na din sa pag aalala sa nangyari ay mabilis na tumakbo ang ama at kuya dos niya pabalik ng mansion. sila naman ng kapatid niya ay nanatili lamang sa kinatatayuan nila.

Halos halughugin ng mag ama ang naturang bahay, ngunit kahit anino ng lalake kanina ay wala na.Wala ding kandila na nakita.Natakot siya nga mas matindi dahil wala namang nakita ang ama nila.

"imposible papa, kita kita namin ni ate ang pagsindi ang kandila, at dinig namn nila ang pagsagot ng lalake sa kay mang kanor.

"oo ng papa, baka nagkamali ang lamang kayo ni ate mo."

"imposible pa...kami mismo ni ate ang nakakita."giit niya sa ama.Ngunit tinawanan lamang siya ng kapatid.

"baka may kasama naman si mang kanor kanina at iyon ang sumagot!""natatawang wika ni dos.

"si mang kanor lang mag isa.. at nakita ko na wala siyang kasama.,"giit pa niya.

Masama ang kanyang loob matapos ang panyayaring iyon dahil dalawa na nga sila ang ate niya ay hindi parin naniwala ang mga ito.Naikwento nga nila sa ina ngunit pinagalitan lamang siya ng mga ito.Ayun sa ina, maaring guni guni lang niya iyon

.

Next chapter