PROLOGUE VERSION 1.O…
Kaagad na nilamukos ni Anton ang papel na hawak-hawak sa kanyang kamay habang nakaupo ito sa isang upuan na nasa loob ng park. Tumulo ang kanyang kanina pa na pinipigilang luha.Napapakagat-labi pa ito. Magkahalong galit at sakit ang kanyang nararamdaman.
"Bakit mo ito nagawa sa akin Diana? Hindi ko akalain na magagawa mo sa akin ito… Minahal kita ng higit pa sa aking buhay ngunit parang binalewala mo lamang iyon…" sabi ni Anton sa kanyang sarili.
Inihagis niya sa kung saan ang nilamukos na papel. Isang papel na kung saan doon nakita ng dalawa niyang mga mata ang panloloko na ginawa sa kanya ng kanyang nobya.
"Isinusumpa ko… Pagbabayarin kita… Pagbabayarin kita sa lahat… Pagbabayarin kita sa ginawa mong pagwasak sa puso ko… Idadamay ko na rin ang kalaguyo mo… Tingnan lang natin kundi ka gumapang pabalik sa akin…" sabi pa ni Anton sa kanyang sarili. Puno ng galit ang tono nang pananalita nito.
"Lintik lang ang walang ganti…"
PROLOGUE NO.2.0…
NAGMAHAL
PINAGTAKSILAN
INIWAN
NASAKTAN
Anton Dela Cruz, isang lalaking matindi kung magmahal… Lahat ibinigay sa babaeng minamahal kahit siya'y nahihirapan. Pero nagawa siya nitong saktan dahil sa hindi ito nakuntento. Pinagtaksilan at ipinagpalit sa isang lalaking wala siyang binatbat.
Matinding galit at sakit ang namuo sa kanyang puso. Galit na humantong sa nais niyang maghiganti. Maghiganti sa dalawang taong sumira sa kanya.
Hanggang saan siya dadalhin ng kanyang galit at paghihiganti? Hanggang kailan babalutin ang kanyang puso ng matinding kalungkutan at sakit?
Darating rin ba ang panahon na ang puso niya'y maghihilom at magmamahal muli? Pero paano kung sa GITNA NG KANYANG PAGHIHIGANTI, dumating ang bagong pag-ibig? dumating ito sa maling panahon, maling pagkakataon at sa maling tao?
Kaya niya bang ipagpalit ang paghihiganting nais niya para sa pag-ibig na kumatok bigla sa pintuan ng kanyang puso?
Kakayanin ba niya na kalimutan na ang lahat para sa PANIBAGONG pag-ibig na… MAKASALANAN SA MATA NG LAHAT?
NAGMAHAL… PINAGTAKSILAN… NASAKTAN…NAGHIGANTI… NAGMAHAL MULI… SA MALING TAO, SA MALING PANAHON AT SA MALING PAGKAKATAON…
TUNAY NGANG NAPAKA-MAPAGLARO NG PAG-IBIG…