webnovel

Chapter One Hundred-Ten

Naglunch lang kami saglit sa isang fastfood restaurant. Pagkatapos namin mag-lunch ay hinila na ako ni Timothy papunta sa kotse nya at pinasakay.

"Timothy, saan tayo pupunta?"

"To my secret place."

"Saan 'yon?"

"It's a secret."

"Huh? Sabihin mo na."

"Can't tell you," ngumiti sya.

Tumingin nalang ako sa labas. Parang papunta kami sa isang liblib na lugar. Puro puno ang paligid.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko ulit.

"To my secret place."

"Saan 'yon?"

"It's a secret"

"Sabihin mo na."

"Can't tell you." Yeah. Paulit-ulit lang ang usapan namin ni TOP kanina pa.

"Malapit na tayo.." sabi nya.

"Really?!"

"Yep." Excited na ako makita ang secret place nya. Teka. Paakyat na 'to ah.

"Pataas? Pupunta ba tayo sa bundok?"

"Sort of? A Hill."

"Hill? Really?"

"Yes."

After fifteen minutes tumigil na ang sasakyan. Lumabas kami at may kinuha si TOP sa likod ng kotse. Isang picnic basket.

"Magpipicnic ba tayo?"

"Maybe."

"Picnic? Sa Hill?"

Nauna na sya maglakad.

"Hurry up Miracle!"

"Sandali!" tumakbo ako sa kanya

Naglakad kami for half hour. Narating namin ang tuktok.

"Woah!" sabi ko nang makita ko ang paligid.

"It's beautiful. Isn't it?"

"Yeah."

It's indeed a breathtakingly beautiful scene. Nasa tuktok kami at kita ko mula rito ang buong paligid. Parang sobrang peaceful dito. May tanim pa ng mga bulaklak sa paligid. Parang nasa mundo ng disney land. Kita ko mula rito ang city. Sigurado na maganda rin kapag gabi na dahil mapupuno ng ilaw ang syudad at makikita iyon mula rito.

"Pano mo na-discover 'to?"

"This was my Mom's favorite place," he whispered while holding me from behind.

"Y-Your Mom?"

"Yeah. My Mom used to come here almost every week with me and my sister."

Buti pa sila nakakapag-picnic. Hindi ko naranasan 'yon sa parents ko. Ang lungkot talaga.

"This is a very special place."

"Thank you for sharing it with me."

"You're welcome," he kissed my cheek.

Humiwalay sya at hinila ang kamay ko.

"I want you to meet someone."

"Sino?" Ngumiti sya. May nakita akong kaunting lungkot sa mga mata nya.

"My Mom." Sinundan ko nang tingin ang tinitignan ni Timothy.

"Mom, I want you to meet my Wife. Miracle, my Mom," pakilala ni TOP sa'kin.

"Uh.. H-Hello po Tita—"

"What did you call my Mom?"

"Huh? T-Tita?"

"Miracle you should call her Mom."

"Bakit?"

"Because you are my Wife."

"Pero di pa tayo kasal."

"Miracle."

"Oo na," tumingin ako sa Mom nya. "H-Hello po.. Mom."

"That's better. Mom, what can you say to your daughter-in-law? You like her?"

Lumuhod si TOP sa puntod ng Mama nya. Tinanggal nya ang dahon na nahulog. Umupo ako sa tabi nya at binasa ang nakalagay sa puntod.

'Mayumi Santiago Pendleton

A Mother and A Wife

She Loved and Was Loved

RIP'

"She can't cook, can't wash the dishes, can't clean and can't do anything without her maid. She's pretty much useless when it comes to household chores. She's a brat Mom."

"Timothy!" Hinampas ko sya sa braso. "Dapat ba talagang sabihin 'yan?"

"And did I mention Mom that she's abusive? She likes hitting me. What a sadist."

"TIMOTHY!"

Tinawanan lang nya ako at saka inakbayan.

"But I am not looking for someone who can cook or clean. If I was then I'd hire a maid. I love this retard, I really do. She's funny, smart and weird sometimes but it's okay. I find her cute when she's being weird. You'll love her too Mom."

Namula ako sa mga sinabi nya. Oh my gosh. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nya tungkol sa akin. Ganon ba talaga ang tingin nya sa'kin? Teka bakit hindi nya sinabi na maganda ako? Di ba ako maganda? Pero okay lang 'yon. Ibig sabihin hindi nya ako mahal dahil maganda ako.

"Now you're smiling," nakangiting bulong ni Timothy sa tenga ko.

Tinignan ko sya nang nakangiti. Hinalikan ko sya sa pisngi. Kinausap pa nya ang kanyang Mama. Kinumusta nya ito at nagkwento rin sya nang tungkol sa kapatid nya. Nakinig lang ako sa kanya. Nakangiti sya pero alam ko na namimiss nya ang Mama nya. Hindi ko lang maiwasan na mapansin na hindi nya binaggit ang Papa nya.

"I forgot something in the car." Hinalikan nya ako sa pisngi. "Be back. Stay here."

Tumayo sya at naglakad pabalik sa direksyon ng sasakyan. Bumuntong hininga ako. Pumikit ako nang mariin bago tignan ang puntod.

"I love him," sabi ko sa Mama ni TOP. "I just love everything about your son. Kahit... madali syang magalit o panira ng mood minsan. Mahal ko sya. Alam ko na mahal nya rin ako, siguro mas mahal nya ako. Ang pagmamahal nya sa'kin minsan iniisip ko na hindi ko deserve 'yon. Iniwan ko sya pero hinabol nya ako. Lagi ko syang sinasaktan. I'm sorry po ah. Hindi ko naman po 'yon gusto, dahil kapag nasasaktan ko sya nasasaktan din ako."

Hinaplos ko ang puntod.

"Sana ganon po kasimple ang pagmamahal ano? Mahal nya ako at mahal ko sya, happily ever after na pagkatapos. Kaso hindi po eh. Hindi po ganon kasimple. Hindi katulad ng sa Disney movies, kapag natalo na ang evil queen and they lived happily ever after na ang sunod. Hindi ganon yung sa'min ni Timothy. Ni hindi ko na nga alam kung may happy ending pa kami ng anak nyo pero sana meron."

May luhang pumatak. Sheesh. Pinunasan ko ang pisngi ko.

"I hate Disney. It's unfair. Why can't my life be like a fairytale with happy endings? Disney sucks! Bakit gumagawa sila ng mga movies na palaging happy ending? Umaasa tuloy ang mga bata na kapag tumanda sila magkakaron din sila ng ganong kwento. Sana noong bata ako hindi ako nagpabili ng Disney Movies Collection eh di sana po hindi ako nangarap. Tignan nyo naman po yung anak nyo. Hindi naman po sya Prince eh. Basagulero, seloso, moody, palaging nakasigaw at matigas ang ulo. Ang layo po nya sa mga Prince sa fairytales. Well aside po siguro sa isang bagay, sobrang gwapo po ng anak nyo." Natawa ako saglit. "At may isa pa pala, marunong syang sumayaw ng waltz. Kayo po ba ang nagturo non sa kanya?"

Humangin.

"Uhh.. Tita-este Mom? Kayo po ba 'yon?"

Muling humangin. Nagpaparamdam ba si Tita? Tumingin ako sa paligid. Ngayong wala si Timothy, parang bigla akong natakot sa paligid. Muli akong napatingin sa puntod. Lumunok ako. Hindi naman siguro ako mumultuhin dito.

"Ah. Di ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Ang dami ko kasing dalang problema eh. Sa inyo ko lang po pwedeng sabihin dahil alam ko na hindi nyo naman siguro ipagsasabi di po ba?"

Hindi humangin.

"Alam nyo po kasi Tita di ko po talaga deserve ang anak nyo kaya wala po akong karapatan na tawagin kayong Mom. Sasaktan ko lang po ang anak nyo. Masasaktan lang sya sa'kin. Alam nyo po ba na sinagip ako ng anak nyo mula sa buhay na nakasanayan ko na? Binago nya ang takbo ng isip ko tungkol sa maraming bagay. Isa na don ang pagmamahal at pagtanggap sa sarili. Ang weird lang dahil sa kanya ko pa 'yon natutunan. Mula pa sa isang gangster na katulad nya." Uminit ang mga mata ko. Ilang sandali nalang maiiyak na ako. "Oh gosh ayokong umiyak. Bakit ba napaka-iyakin ko?"

Huminga ako nang malalim.

"Engaged na po ako Tita. Sa ibang lalaki po ako ikakasal. Ayaw po ng parents ko na ipagpatuloy namin ni TOP ang relasyon namin. Iiwan ko na naman po ang anak nyo, sasaktan ko na naman po sya," tumingin ako taas para mapigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. "Ayokong isipin na tragic ang ending namin ni Timothy katulad ng kina Romeo and Juliet, ayoko talaga sa librong 'yon. Sinunog ko nga po ang kopya ko ng libro na 'yon eh. Kung hindi lang required sa school hindi ko 'yon babasahin. Lahat naman tayo alam ang ending ng kwento nila. Siguro nga masyado lang talaga akong natutok sa kakanood ng mga fairytales. I mean ano pa ba ang magagawa ko kung wala namang time ang parents ko na makipag-laro sa'kin. At yung ibang bata pinipilit lang ng mga magulang nila na kaibiganin ako dahil sa last name ko. Sa pagbabasa ng libro at panonood ng tv ko ginugol ang kabataan ko."

Malapit na pala lumubog ang araw.

"Kaya ngayon po medyo bitter ako sa Disney. Tita... Mahal ko po ang anak nyo. Sya lang po ang lalaking gusto kong makasama habangbuhay. Hwag nyo po sanang isipin na hindi ko sya pinapahalagahan. Mahalaga po sya sa'kin. Sobrang mahalaga po talaga sya sa'kin," pinunasan ko yung pisngi ko. "Kaya ko pong iwan ang lahat para sa anak nyo. Ang selfish ko po ano? Ako po ang may kasalanan kaya ito nangyayari. Gusto kong makawala. Gusto kong makalaya sa lahat. Niyaya ko si Timothy na umalis. Kung hindi po siguro nangyari 'yon. Hindi. Kahit hindi nangyari 'yon engaged parin po ako sa iba. Tita... Sana po patawarin nyo ako kung masasaktan ko po ang anak nyo. Alam ko na sobrang masasaktan po sya at ayokong makita 'yon. Ang duwag ko po ano? Natatakot po ako na makipag-break sa anak nyo. Ayoko po syang makita na... na nasasaktan kaya ililihim ko muna. Ngayong araw dapat ako makikipaghiwalay kaso... hindi ko po kaya eh." Sunud-sunod na ang pagpatak ng luha ko. "Tita... Ano po ba ang dapat kong gawin? Hindi ko kaya. Ayoko." Huminga ulit ako ng malalim. Hindi dapat mahalata ni TOP na umiyak ako. "Tama po ba ang gagawin ko? Iiwan ko sya. Hindi ko sasabihin na iiwan ko na sya para magpakasal sa iba? Papaasahin ko sya. Ang sama ko. I'm so sorry po Tita, ako pa ang napiling mahalin ni Timothy. I'm sorry po."

May umihip na hangin paikot sa akin. Parang kino-comfort ako. Parang niyayakap ako. Pinunasan ko ang luha ko.

"No Tita. Hindi nyo po ako dapat i-comfort. Kung alam nyo lang po kung ano ang iniisip ko ngayon. Kung alam nyo lang po kung ano ang gusto kong gawin baka kamuhian nyo ako." Tumawa ako nang pilit. "Gusto kong ulitin. Gusto ko po ulit tumakas at isama ang anak nyo. Gusto kong tumakbo kasama sya at iwan lahat ng problema ko. Kaya kong iwan ang parents ko para sa anak nyo. Ang sama ko po ano? Ano'ng klase ng anak ang gagawa ng ganon? Pero ang parents ko po. Hindi ko po sila madalas nakakasama. Mas nakasama ko nga po ng matagal ang anak nyo kaysa sa kanila eh. Alam ko po mahal nila ako pero...hindi po madali na lumaki nang wala sila sa tabi ko para bantayan ako. Mali po na sisihin sila di po ba?"

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha.

"Grabe siguro po karma ko ito. Hindi po kasi ako mabait na bata. Haha!"

Ngumiti ako ng kaunti at pinunasan ulit ang pisngi ko.

"Natatakot po ako sa gagawin ng parents ko sa pamilya nyo Tita. Kapag inulit namin ni TOP ang ginawa namin noon, alam ko na mas malala ang gagawin ng parents ko. Hindi ko kaya 'yon Tita. Ayokong masira ang pamilya nyo dahil sa'kin."

Huminga ako ng malalim at pumikit.

"Kaya nakapag-decide na po ako iiwan ko na po ang anak nyo."

Umihip nang malakas ang hangin at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin non pero nakapag-decide na ako. Hindi na ako dapat umatras pa. Tama naman ang ginagawa ko diba? Sana nga.

"Hindi ko hahayaan na masira ang buhay ng anak nyo dahil nagmahal sya ng maling babae."

Next chapter