webnovel

Chapter One Hundred-Eight

Today is Sunday. May date kami ni TOP. Iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanya na kaming dalawa ay hindi na pwede pang magkita. Si Kuya, pinayagan nya ako na makipagkita kay Timothy para makipag-break. Ngayon ang last date namin. Kailangan kong maging matatag. Pero pano ko gagawin 'yon?

Noong isang araw lang, okay na kami at ngayon naman maghihiwalay na naman kami? My life is pathetic and unfair. It's a series of unfortunate events. Alam ko may mas pathetic at unfair na buhay kaysa sa'kin. What right do I have to complain? My life was perfect until he came to my life, or atleast that's what I thought. He made me see a lot of things.

I thought I was complete. Hindi pala. May kulang pa sa buhay ko. Walang excitement. Very predictable at walang pagbabago. Nang dumating sya.. parang naging kumpleto ang buong pagkatao ko. May reason na ako para bumangon sa umaga at ngumiti. Reason para tignan parati ang cellphone ko. Reason para magbago. Reason para maniwala na fairytales do come true.

Sya ang Prince at ako ang damsel in distress. Pero...mawawala rin pala ang mga 'yon sakin. At babalik na naman ako sa pagiging hollow. Pathetic. I think happiness isn't for me to hold forever. It's like a lost dog, it always goes back to its rightful owner. But happiness is also a choice. TOP is my happiness and I can't choose him. Sucks. Why can't I just be like a normal teenager?

"Look! Ang gwapo naman nya!"

"Oo nga! Tara lapitan natin!"

"Eh mukhang nakakatakot!"

"OMG. Kinikilig ako sa kanya. Ang tangkad pa nya!"

"Hwag kayong maingay. Mukhang palapit dito!"

Nagbubulungan ang mga babae na nasa waiting shed kung saan ako nakatayo. Tinignan ko kung kanino sila nakatingin. Isa lang naman ang madalas mag-create ng tilian ng mga babae sa paligid ko eh. Si TOP. At di nga ako binigo ng expectation ko. Naglalakad sya palapit sa'kin nang may ngiti sa labi.

"Sorry for making you wait," sabi nya nang nasa tapat ko na sya.

Ito ang first time na na-late sya sa date namin.

"It's okay," nakangiting sagot ko.

"For you," may bouquet of pink roses syang ibinigay sa'kin.

"This is..." tinanggap ko ang inabot nya. Tinignan ko sya pero umiwas sya ng tingin.

"Let's go." Hinawakan nya ang kamay ko at naglakad.

Ito ang unang beses na binigyan nya ako ng bulaklak. Kahit dati, hindi nya ako binigyan. Bakit Timothy? Pano ako makikipag-break sa'yo kung ganito ka?

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Sweety's or do you want to go somewhere else? I don't really know where to take you."

"No," nakangiti kong sagot. "Okay lang kahit saan basta kasama kita."

Naglakad kami ng ilang minuto at nakarating din sa Sweety's Sweets House. Kinumusta ko sya. Nag-usap kami nang normal. Gusto kong maging memorable ang araw na ito para sa aming dalawa. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya.

"Welcome—Timothy!! Sister-in-law!!" masayang bati sa amin ni Ate Sweety.

Tumakbo sya at binati kami. Nakasuot sya ng cute na uniform at nagba-bounce ang buhok nyang naka-pigtails. Tumigil sya sa tapat namin at pinagmasdan ang magkahawak naming kamay. Biglang nag-shine ang mga mata nya.

"Uy! Kayo na ulit! Hohoho! Buti naman!" sabay hampas ng nakamamatay sa braso namin ni TOP.

"Stop hitting my Wife."

"Ang cute nyo!!" sabay hampas ulit.

"Damn. I said stop it."

"Hahaha! Fine! My dear possessive little brother."

Umupo kami ni Timothy sa isang table for two. Malayo iyon sa iba pang mesa, nasa may sulok katabi ng salaming bintana. May privacy.

"Buti naman at nagkabalikan kayo ng kapatid ko Sam! Dapat tayong mag-celebrate!" tumakbo ulit sya sa counter.

Ang weird talaga ng kakambal ni TOP.

"You.." bulong ni TOP habang titig na titig sa akin na parang gusto akong tunawin.

"Huh?" Napatitig din ako sa kanya.

"You cut your hair."

"Oh.." napahawak ako sa dulo ng buhok ko.

Ang dating mahabang buhok ay hanggang balikat ko nalang ngayon. Totoo yata na kapag malungkot ang babae, ang buhok ang una nilang binabago. Basta ko nalang kasi naisipan na magpagupit. Para kasing kapag nagpagupit ako, kasabay na mawawala ang problema ko at maiiwan sa salon na 'yon katulad ng nagupit kong buhok.

"Hindi ba bagay?"

He wrinkled his nose. "It's...okay." Liar.

Ngumiti ako. Alam ko naman na mas gusto nya ang mahaba kong buhok eh. Hinaplos ko ang isa nyang pisngi. Hinawakan ko ang buhok nya, malambot. Bigla nyang nilapit yung mukha nya sa ulo ko. Bahagya akong napaatras dahil sa gulat.

"Timothy, ano'ng ginagawa mo?"

"You smell like strawberries."

"Oh."

Oo nga pala paborito nya ang strawberry. That's why hindi na ako nagbabago ng shampoo. Patuloy lang sya sa pag-amoy ng buhok ko. Nakita ko ang tingin sa'min ng ibang customers. Puro couples ang nandito ngayon. Ang mga babae, gusto akong sipain palabas at gusto naman nilang nakawin si Timothy. Ang mga boys gustong sipain si TOP palabas for TWO reasons. One. Inaagaw ang atensyon ng mga dates mula sa kanila. Two. Dahil gusto nila ako. Yeah. Conceited parin ako.

"Heto na ang orders nyo! Enjoy your date!" at agad na nag-skip away na si Sweety.

May ice cream cake at orange juice sa harapan namin ni TOP. Isang cake. Isang lalagyan lang. Share kami?

"Here." Inangat ni Timothy ang tinidor. Kumuha sya ng cake at itinapat nya sa bibig ko.

"Huh? A-Ako na!" Lumayo ako.

"Eat it. Eat it," ngumiti sya.

Pano ako makakatanggi kung ganyan sya makangiti? Napangiti nalang ako habang tinitignan sya.

"Ahh~" Ibinuka ko na ang bibig ko at kinain ang isinubo nya.

Malapad ang ngiti nya habang pinapanuod ako. Nang malunok ko na..balak nya ulit akong subuan ng isa pa.

Sinubuan nya na naman ako ng cake. Masarap kaso malamig masyado! Pinapanuod lang nya ako nang may ngiti sa labi. Bigla nyang pinunasan ng napkin ang bibig ko. Matapos nya akong punasan. Tinitigan nya ako nang matagal at pagkatapos ay bigla nya akong kinurot sa pisingi.

"Bakit mo ko kinurot?" Hawak ko pisngi ko.

"Wifey."

"Bakit?"

"Wifey." nakangiting ulit nya.

"Bakit nga?"

"Let's always be together."

"Huh?"

"Don't leave me again okay?"

"Timothy."

"And don't hug another guy again."

I stared at him. Hug another guy again?

"I am serious."

"Timothy."

"If you do. I'll go crazy," he whispered. "I'll be good to you. I'll be your perfect boyfriend. So please just be mine. Be mine forever."

Why are you saying that? Why are you asking me to stay with you as if alam mo na ang plano ko? Na para bang alam mo nang iiwan kita.

"Timothy I—"

Bigla nya akong sinubuan.

"Kung magkakaanak tayo, ano ang ipapangalan natin?" tanong nya na muntik ko nang ika-samid.

"Eh?" nilunok ko ang kinakain ko. Sobra akong nagulat sa tanong nya.

"Ano na?" naghihintay nyang tanong.

"Uhh.." nag-isip ako.

Ang totoo nakaisip na ako dati pa. Sa daydream ko.

"Timmy sa boy, Tammy sa girl. Para pinag-samang name natin Hubby!"

Ngumiti sya. "That's corny," sabi nya na ikinasimangot ko. "But yeah, let's name them that."

Nagtitigan lang kami habang nakangiti. Ginulo ko ang buhok nya at tumawa nang sumimangot sya. Lumayo sya at inayos ang buhok nya.

"Si TOP nandito!" Nagulat ako nang may biglang nagsalita.

Four guys suddenly appeared and surrounded our table. Mukha silang mga thugs. Matalas silang tinignan ni TOP.

"Haha! Hindi ako nagkamali!"

"Ang leader ng mga asong Lucky 13."

"Di ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa'kin nang huli tayong magkita!"

"Who are you?" bored na tanong ni Timothy.

"Aba't gagong 'to ah!" Umamba ng suntok ang lalaking huling nagsalita pero pinigilan sya ng isa nyang kasama.

"Wag dito pre. Crush ko yung waitress dito eh."

"If you know what's good for you, you'll leave," banta ni TOP.

"Haha! Ang tapang mo ha. Nasan ang mga aso mo na palaging nakasunod sa'yo? Nabahag na ba ang buntot?"

"HAHAHAHAHA!!" tawa nilang apat.

"Paano ba 'yan? Sa'yo namin gusto makipaglaro ngayon?" sabi ng isa sa kanila na nag-lean sa table para ilapit kay Timothy ang mukha. Lumipat sa akin ang tingin nya tsaka sya ngumisi. "Wow. Sino naman 'tong magandang babae na kasama mo? Kinis ng balat ah. Pang Miss Universe. Hi my name is Dante and you are?"

Biglang tumayo si TOP at nakaramdam ako ng awa sa tatamaan ng matalim nyang tingin. Napaatras ang apat na lalaki nang tignan sila ni Timothy. Napalunok sila at pilit na ibinalik ang tapang sa kanila.

"I warned you. Last chance. Be smart and take it. Just f*ck off."

Pakiramdam ko sinaniban na naman ng demonyo si Timothy. May nakakatakot na naman syang aura. Alam ko na ramdam din iyon ng mga lalaking ito.

"Hubby," hinawakan ko ang kamay nya.

Tinignan nya ako at ngumiti.

"M-Matapang ka ha."

"Sa labas."

Nauna nang naglakad palabas yung apat.

"Stay here. I'll be back," paalam ni Timothy na parang sa banyo lang sya pupunta.

Sumunod si TOP sa kanila. Nag-aalala parin ako para kay Timothy. Apat na lalaki 'yon, wala pa naman tutulong sa kanya. Wala rito ang gang nya. Ano'ng gagawin ko? Naghintay ako nang naghintay. Nakatitig lang ako sa wall clock. Hindi ako mapakali.

After ten minutes wala parin sya. Nag-aalala na ako. Kaya ba sila ni Timothy? WAAAHH!! Hindi ko na kayang maghintay! TIMOTHY!! Lumabas ako at sinundan sila. Lumingon ako sa direksyon na posible nilang puntahan. Pero di ko sila makita. Nasan na sya?!

*CRASH*

May narinig akong tila nabasag na bote. Agad akong napalingon sa direksyon na 'yon. Tumakbo ako papasok sa isang eskinita.

"Hubby!!"

Nakita kong nakatumba na ang tatlong lalaki. Ang lalaking kaninang nagpakilala sa akin ang natitirang nakatayo. May mga hawak syang bote galing sa basurahan sa tabi nya. Ibinato nya iyon kay Timothy. Tinakpan ni Timothy ang sarili nya gamit ang mga braso. Agad nyang nilapitan ang lalaki. Sinuntok nya ito ng dalawang beses hanggang sa mapahiga. Sinipa nya ito ng isang beses bago layuan.

"Hubby.." naluluha na tawag ko.

Tinamaan sya ng bote. Nasaktan sya.

"Wifey, what are you doing here? Didn't I tell you to wait inside?" Pinagpagan nya ang damit nya.

"Hubby.." Malapit nang tumulo ang luha ko.

"What's wrong?" mabilis nya akong nilapitan at tinignan kung may nangyari sa katawan ko.

"N-Nasaktan ka ba?"

"Huh?" tinitigan nya ang mukha ko na parang naguguluhan sya.

"WAAAAAAHHH! Nasaktan ka eh! WAAAAHH!!"

"AH! Miracle don't do this," buntong hininga nya.

"WAAAAAAHH!! WAAAAAAHHH!!!" Umiyak ako nang umiyak sa harap nya.

"I am fine Miracle."

"Hindi eh! Nakita ko waaahh tinamaan ka ng bote! Waaahh!!"

"Ah shit." Hinila nya ako palabas sa eskinita.

Sinubukan kong tumigil sa pag-iyak lalo na nang may mga tao sa paligid na tumitingin sa amin. Akala yata ng mga dumadaan si TOP ang nagpaiyak sakin.

"Bakit hindi mo aminin sa'kin na nasaktan ka?!" Pinunasan ko ang luha ko.

"Silly.." niyakap nya ako.

"Masakit ba ang likod mo?"

"No silly. I'm not hurt."

"Just tell me!"

"I'm telling you the truth Miracle," natatawang sagot nya.

"Really?" humiwalay sya ng yakap.

"Yes," pinunasan nya ang luha ko gamit ang kamay nya.

"Pinag-alala mo ako. Tinakot mo ako!"

"That's why I asked you to stay inside and wait for me," he grinned. "I'm sorry you had to see that. Did I scare you?"

"Di ka naman mukhang nagso-sorry eh. At hind ako takot sa'yo Timothy."

Tinignan nya ako nang matagal. May kung ano sa mga mata nya, isang matinding emosyon habang nakatingin sa mukha ko. Naramdaman ko na nagbago ang atmosphere sa paligid.

"Masarap ba?" seryosong tanong nya.

"Huh? Ang alin?" gulat na tanong ko.

"Yung cake," seryoso parin ang tono nya.

"Ah. Hindi mo nga pala natikman!" Teka. Iniiba nya ang usapan?

"Ano'ng lasa?" Husky ang boses nya. A delicious shiver run down my spine.

"Masarap! Matamis! Strawberry flavor! Gusto mo bumalik sa loob?" aya ko.

"Strawberry." Dumilim ang mga mata nya.

"Sayang hindi mo natikman. Timothy okay ka la—" naputol ang sasabihin ko sa sumunod nyang ginawa.

Hinawakan nya ang mukha ko at bigla nya akong hinalikan sa labi.

"Masarap nga.." sabi nya habang bahagya parin nakadikit ang labi nya sa akin.

Hindi ako makapagsalita. Hinalikan nya ulit ako. Mas matagal. Kinagat nya ang ibabang labi ko at dinilaan. Bigla nyang pinasok ang bibig ko.

"Matamis.." bulong nya.

Natulala nalang ako at di makapag-salita. Bumaba ang isang kamay nya sa likod ko at mas nilapit nya ako sa kanya. Tinitigan ko sya. Nakangiti sya. Nakita ko na lumapit na naman ang mukha nya sa'kin. Pumikit ako at hinalikan din sya. Niyakap ko sya.

"Strawberry flavor..." bulong niya sa husky na boses.

"Uhuh." Tumango ako. Nanatiling nakatingin sa labi nya ang mga mata ko.

"Let's try it again."

I nodded. I closed my eyes and I felt his lips touch mine once again.

ตอนถัดไป