webnovel

Chapter One Hundred-Four

MIRACLE SAMANTHA PEREZ

Kaasar. Nauto ako dun ah! Lechugas! Tumayo ako at pumunta sa pinto. Naka-lock! Aba't! Bakit naka-lock ang pinto?! Sino ang nag-lock?! CRAZY TRIOS!! o(>O<)o

"HOY!! BUKSAN NYO NGA ITONG PINTO!!" kinalampag ko ang pinto.

*BLAG!BLAG!BLAG!*

"CRAZY TRIOS!!! BUKSAN NYO 'TO SABI EH!! HINDI NA KAYO NAKAKATUWA HA!! HOY!!"

*BLAG!BLAG!BLAG!*

"UGH!!" sinipa ko nang sinipa ang pinto. "HUMANDA KAYONG APAT SA'KIN KAPAG NAKALABAS AKO DITO!!!!"

"Ang ingay mo. Sumasakit ang ulo ko."

Napalingon ako dun sa kumag na kasama ko rito sa basement. Nakaupo sya sa sahig at nakasandal sa pader habang minamasahe ang ulo nya. Tumibok na naman nang mabilis ang puso ko. Kakainis! Bakit ba kasi patay na patay ako sa gangster na 'to?!

"So? Paki ko? Buti nga sa'yo," sagot ko sabay irap.

"Wala akong sinabing may pakialam ka," umiling sya.

"Psh!" Kaasar 'to ah. Hindi ba halatang nagsisinungaling ako? Of course may pakialam ako.

"Tss." Ngisi nya at tumingin sa'kin.

"Oh bakit?" mataray na tanong ko.

"Wala.." nakatingin parin sa'kin.

Ano ba? Kakatunaw 'to makatingin ah.

"Hoy! Hwag mo nga akong tignan! At hwag mo rin akong kakausapin!"

"Bakit ba galit ka sa'kin? Hindi ko pa rin alam kung bakit. Totoo bang magpapakasal ka kay Red?" kunot noo na tanong nya.

"T-That's none of your business!"

"Kapag ginawa mo 'yan, you'll regret it."

"Hwag mo sabi akong kausapin eh!"

"Di sya mahilig sa mga babaeng maliit ang boobs."

"Che! Manyak! Magsama kayo!" Tinakpan ko yung kawawa kong dibdib. Hmph!

"I'm just warning you."

"Shut up!"

"Bakit ba galit na galit ka sa'kin?" mahinang tanong nya. Minamasahe parin nya ang ulo nya. Masakit ba talaga ang ulo nya. Naawa tuloy ako. Gusto ko tuloy lumapit sa kanya.

"Kailangan mo pa talagang itanong 'yan?" mahinahon na tanong ko.

"Yes. Why are you like this? Tell me, what did I do to make you hate me so much?" he was desperate for an answer.

Tinitigan ko sya at saka nag-iwas ng tingin.

"Sino nagsabi na galit ako sayo?" Psh!

"Ikaw.." sagot nya.

"At sumagot talaga?" bulong ko.

"Miracle, why did you.. Why do you keep on ignoring me? You changed your number and you just completely ignored me. It was like you don't need me anymore."

Ano ba ang pinasasasabi nito? Kailan ko sya hindi kinailangan? Kailangan ko sya! Sya nga ang Hubby ko diba? AT KAILANGAN KO SYA! Pero totoo 'yon, iniwasan ko nga sya. Malaki rin ang kasalanan ko sa kanya. Ako ang umiwas. Ako ang nang-iwan. Bakit ba ako nagrereklamo? Bakit ako galit?

"Don't you love me anymore Miracle?"

Sobra akong nagulat sa tanong nya. Ano ba ang problema nito? Di naman ako yung nakipag-relasyon kaagad sa iba. Kung mahal nya ako bakit nya ako pinalitan?

***

Bigla akong nakarinig nang may kumakanta. Isang love song.

"Crazy Trios, ano na naman bang kalokohan 'yan?" bulong ko at napatakip ng mukha.

Kumakanta sila ng Ikaw Parin by Juana. UGH!

"Oh God, you have got to be kidding me!" maktol ko.

Kumakanta sila? Nag-karaoke? Bakit ganyan ang kanta?! Lagot talaga sila sa'kin kapag nakalabas ako dito!

"Nakakatawa ang mga kaibigan mo," komento ni TOP.

"Sa ginawa nilang ito sa'kin, gusto ko na silang itakwil bilang kaibigan."

Tumayo si Timothy..

*BLAG!*

"AH! TIMOTHY!" Nagmamadaling lumapit ako sa kanya.

"I'm alright.."

Tinulungan ko syang tumayo. Bigla nalang kasi syang natumba.

"Ano? Okay ka lang ba?"

"Yeah.. I'm fine.." nakahawak sya sa ulo nya.

"Eh bakit ka natumba?"

Di sya sumagot. Masakit ba talaga ang ulo nya? AAAAHH!! Nag-aalala ako. Timothy!

"Sinungaling.. Sabihin mo na kasi!"

"There's nothing to say."

"Ang tigas ng ulo mo Timothy!"

"Di'ba wala ka nang pakialam sa'kin?"

"Pilosopo? Sabihin mo na nga kasi!"

"Sasabihin ko na.. In one condition."

"Ano?"

"Answer my question first. Why do you keep ignoring me?"

Na-speechless ako. Ang tricky talaga ng isang ito.

"Psh! Ewan. Sige hwag mo nalang akong sagutin. Upo!"

"No!"

"Sabi ng umupo ka na kasi Hubby eh! Ang kulit oh!"

Tinitigan nya ako. Nagulat ako kaya napatitig din ako sa kanya. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa mga mata nya. Matagal din bago kami naging ganito kalapit sa isa't-isa.

"W-What did you call me?"

"Huh?"

"Anong itinawag mo sa'kin?" sa kabila ng sakit ng ulo nya nakita ko parin na ngumiti sya.

"Uhh.. Di ko matandaan?"

"WIFEY!" sigaw nya.

"Waah! Hubby!"

Bigla nalang nya akong niyakap. Naramdaman ko ang pagtawa nya. Niyakap ko rin sya. Gah! Na-miss ko talaga ang yakap nya. Ang sarap sa pakiramdam. Pakiramdam ko safe ako. Inamoy ko rin sya. Hindi parin sya nagpapalit ng pabango. Ang init ng yakap nya. Ang higpit.

"I heard that Wifey. So that means you still love me.."

Pero teka. Teka muna! Hindi ito pwede! Kasi may relasyon sila ni Amarie!

"Teka! Bitiw! Bitiw!" lumayo ako sa kanya.

"Bakit?" reklamo nya. Sumandal sya sa pader.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Timothy?!"

"Niyayakap ka." Ayos ang sagot nito ah.

"Eh bakit mo ako niyayakap ha?"

"Dahil mahal kita, tinatanong pa ba 'yan?" Lumapit ulit sya at yayakapin na naman ako. Lumayo ako.

"Hep! Hep! Dyan ka lang.."

"Bakit na naman ba?"

"Isa kang taksil! Pano na si Amarie ha?!"

"Ano'ng sinasabi mo?"

"Di'ba nga girlfriend mo sya?!"

"Girlfriend?"

"Oo! Girlfriend!"

ตอนถัดไป