webnovel

Chapter Eighty-Two

"Gusto mo ng gamot?"

"No need. Kailangan ko lang ng yelo para dito."

"Hmm.." hinila ko ang collar ng damit nya at inilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"Miracle what are you—" natigil ang tanong nya nang halikan ko sya sa pisngi.

"Nakalimutan mo na ba Timothy?" Niyakap ko sya sa tagiliran.

"Yakapsule at Kisspirin?" tumawa sya.

"Tama!" Hindi parin kami naghiwalay after a minute.

"I think I'm getting high."

"Hmm?" nag-try akong kumalas sa yakap pero mas hinigpitan nya ang yakap sa'kin.

"Mamaya ka na humiwalay."

"Overdose ka na."

"Hindi 'yan."

"Bahala ka, naadik ka na naman sa'kin nyan."

"Hayaan mo..." huminga sya ng malalim. "Maaadik ka rin sa'kin."

"Hahaha! Hubby ang daming nakatingin oh."

Inamoy nya ang buhok ko at saka kumalas. Inakbayan nya ako at naglakad na ulit kami.

"Miracle."

"Ano 'yon?"

"I'm happy"

"Ako rin!" hinawakan ko ang kamay nya na nasa balikat ko. Tinignan ko sya. Nakangiti sya na tumingin sa'kin.

"Bakit?" tanong nya.

"Ang tangkad mo!"

"I-I guess."

"Ano ba ang height mo?"

"Six-two."

"Ows? Talaga? Pano kaya nangyari 'yun?" kumunot ang noo ko.

"Pano nangyari ang ano?"

"Pano ka kaya nagkasya sa puso ko," sabay ngiti kong sabi.

Tumingin sya sa'kin at na-mesmerize sa ganda ko. Hahaha! Speechless sya.

"Akala mo ikaw lang ang marunong ng pick-up lines ha!"

Ngumiti sya at umiling.

"Hihihi! Speechless si Hubby~!" kanta ko.

"You know I always thought you're perfect, hindi pa pala."

Nagulat ako sa sinagot nya. "Ikaw lang yata ang nagsabi nyan sa'kin Timothy. Lahat ng nasa paligid ko sinasabi na perfect ako, lalo na ang mga guys."

"And why is that?"

"Because I'm pretty, smart and rich. I am perfect."

"May kulang pa," bulong nya.

"Alin? Inner beauty?"

"No," ngumiti sya at umiling.

"Eh ano pala?"

Ngumiti sya. Ngumiti sya ng sobra.

"Apelyido ko," ngumiti sya nang sobrang nakakasilaw!

Muntik na akong matunaw! Napangiti naman ako nang sobra sobra! NAMAAAN!!

"Ikaw talaga Hubby," pinipigilan ang ngiti na sabi ko. "Kainis ka." Hinawi ko ang buhok ko. Grabe, ang haba ng buhok ko. Sobrang haba talaga ng buhok ko!

Naglakad-lakad lang kami sa mall habang magkahawak ang kamay namin. Tumitigil lang kami para pumasok sa ibang shops at tumingin tingin sa mga stalls.

"Look Hubby oh!" turo ko sa isang shop. "Tara dali!" hinila ko sya sa kamay. Pumasok kami sa loob.

"You look excited."

"He-he!" kinuha ko ang damit na gusto ko. Ipinakita ko sa kanya ang damit.

"Hubby, ang cute no?" Tinignan lang nya.

"Shit," kinuha nya ang damit at itinapon pabalik sa lalagyan.

"Timothy!" kinuha ko ulit ang damit.

Isa 'yong couple's shirt na pang lalaki. Kulay light blue 'yon at may nakalagay na Her Property. Yung pambabae naman ay light pink na may nakasulat na His Property. Alam kong baduy pero trying hard ako sa mga ganito eh. Gusto kong malaman ng lahat ng nakakasalubong namin na akin sya! Akin. Lang. Si. TOP!

"Wala ka naman sigurong plano na bilhin yan at ipasuot sa akin?" seryosong tanong nya.

"Well wala talaga akong planong bumili kasi wala naman akong pera. Ikaw ang bibili ng couple shirt natin Timothy. Please Hubby!"

"No."

"Hubby."

"The answer is No."

"Pero-"

"Miracle, hindi ako magsusuot ng ganyan."

"But why?" nagtatakang tanong ko.

"I don't want you to look so desperate," hinila na nya ako palabas ng shop.

"Ang dami naman nag-susuot ng ganon ah. Puro couples. Bakit tayo hindi?" naka-pout na tanong ko.

"Just because they wear it, it doesn't mean that we should too. Just like sex, they do it and we don't," paliwanag nya.

"Ahck! Okay! Hindi mo naman kailangan isali pa yung..." maktol ko.

Tumawa sya.

"Alam mo Timothy kakaiba ka talaga."

"Is that a crime?"

"Di naman. Cute nga eh. Tara sa bar?"

"Masyado pang maaga."

"Ano'ng oras na ba?"

"Six pm."

"Oo nga noh? Alam ko na, mag-dinner muna tayo!"

ตอนถัดไป