webnovel

Chapter Seventy-One

Tatlong araw akong nakakulong sa bahay dahil sa nangyari. Hindi rin ako makapunta kay TOP. Hindi ko pa sya nakakausap simula nang lumabas ako ng hospital. Bakit? Simple lang ang dahilan.

"Sam, hanggang kailan ka ba magkukulong dito sa kwarto mo?" tanong ni kuya Lee na nakabihis na at papunta sa board meeting.

Hindi natuloy ang pag-alis nya papuntang France dahil sa aksidenteng nangyari sa akin. Binabantayan nya ako. Nakatira na ako ngayon kasama sya sa bahay na pagmamay-ari ng mga Perez. Actually ito yung main house namin. Mansion. Wala akong makausap dito, ayaw naman akong kausapin ng mga maid. Sigh. Ang dami ko pang bodyguard kapag lalabas ng bahay. Pati sa school nakabuntot sila. Tinignan ko lang si Kuya Lee at muling tumingin sa bintana.

"Suit yourself," sabi nya at lumabas ng kwarto ko.

Sa tingin ko napagod na sya sa pag-snob ko sa kanya. Masisisi nya ba ako? Nasasakal ako sa ginagawa nya! Kumusta na kaya si TOP? Wala akong balita sa kanya. Sigh. Ilang beses ko nang sinabi kay Kuya Lee na walang kasalanan sa nangyari sa akin si TOP, pero ayaw nyang maniwala. Naiinis na ako! Gusto ko na syang makita. Ano na kaya ang ginagawa nya ngayon? Iniisip rin kaya nya ako? Mababaliw na ako sa kakaisip sa kanya. Sya nalang palagi ang iniisip ko.

***

Nandito kami sa school. Sa likod ng school. Nakatingin ako sa mataas na bakod.

"Sigurado ka ba na hindi tayo mahuhuli?" tanong ko sa Crazy Trios.

"Oo naman! Ganito kaya ang ginagawa ng mga bidang babae sa mga pinapanuod kong drama!" sagot ni China.

"Wala naman tayo sa drama," kontra ko.

"Gusto mo bang makita si TOP o ano?" tanong ni China.

"Bilisan nyo na dyan, one hour lang ang vacant natin. Kapag napansin nila na nawawala si Sam baka mabuking tayo," sabi ni Maggie.

"Teka lang," habol ni Michie. "Heto Sam kailangan mo nito," sabay abot sakin ni Michie ng jogging pants na may seal ng St. Celestine High.

"Huh?" nagtataka ko iyong tinignan.

"Isuot mo na, baka may makita sila sayo kapag naka-skirt ka. Mabuti nang handa."

"Err... Fine." Isinuot ko na ang jogging pants sa ilalim ng skirt ko. Ang pangit.

"Ready ka na ba Sam?" tanong ni Maggie.

"Oo."

"Fifty-five minutes nalang ang natitira, siguraduhin mo na makakabalik ka bago matapos ang vacant natin," sabi nya.

"Pero kung ma-late ka, gagawa kami ng excuse," - China.

"Hwag kang mag-alala Sammy. Back up mo kami!" - Michie.

Dapat ba akong matuwa sa sinabi ni China? Last time na nalate ako dahil sa late na akong gumising, sinabi ni China sa teacher at sa lahat ng kaklase namin na may rayuma ako kaya ako nahirapan makapasok nang maaga. Kaya pagkatapos non ang daming nagbigay sakin ng salonpas at mga oil na pampawala ng rayuma.

"Thanks," ang tanging nasabi ko.

"Fifty-four minutes," - Maggie

"Go Sammy! Makipag-kita ka na sa Prince mo!" - Michie

Huminga ako nang malalim at tumakbo papunta sa brick wall ng school. Nang malapit na ako, tumuntong ako sa mga hollow blocks at tumalon sa kabilang side ng pader. Nang nasa labas na ako agad ulit akong tumakbo papunta sa school nila TOP. Sa Pendleton High.

***

Saan ko naman kaya hahanapin si TOP ngayon? Nandito kaya sya? Ang alam ko nakalabas na sya sa jail. Pwede kaya akong pumasok? Pero baka i-report ako ng mga teacher dito sa school ko kapag nakita nila ako dito. Mabuti pa magtatanong nalang ako sa unang estudyanteng lalabas ng school. Tama! Ilang minuto akong naghintay sa labas. Pero wala parin akong nakikita na estudyante. Hmm? Tumingin ako sa relo ko.

Thirty-five minutes nalang ang natitira sa'kin! Shiz! Pano 'to?! Bahala na! Papasok nalang ako sa loob. Binilisan ko nalang ang lakad papunta sa building. Lalagpasan ko na sana ang Gym nang may marinig akong ingay mula sa loob. Parang may nagsisigawan sa loob.

"FIGHT!! FIGHT!! FIGHT!! FIGHT!!" cheer ng mga nasa loob ng gym.

Pumasok ako sa loob out of curiosity. Hindi ko inaasahan kung ano ang makikita ko sa loob. Nagkumpulan ang mga estudyante, nakabilog sila at may pinapanuod sa gitna. May narinig akong lagabag at kung anong ingay. May nag-aaway. Tumingkayad ako para makita kung ano ang nangyayari sa gitna pero walang epekto. Masyadong matatangkad ang mga lalaking nasa harap ko. Nawalan na tuloy akong interes. Dapat nga pala mahanap ko si TOP. Kailangan magmadali na ako. Lumakad na ulit ako para hanapin sya.

"Is that all?" narinig ko ang pamilyar na tinig ng isang lalaki. "I'm dissappointed"

"WOOOOOOHHHHH!!!" nag-cheer ang crowd.

Tumakbo ako at sumiksik sa mga tao para makapunta sa unahan. And then I saw him. There was blood all over his face and uniform. He was a mess. Napatingin ako sa lalaking nakahiga sa sahig. May dugo ang ilong nito. Sabog ang labi at may dugo sa bandang noo. Mas malala ang tama nito kaysa kay TOP.

"TOP!!!" sigaw ko at tumahimik lahat ng mga nagchi-cheer.

Lahat ng mga mata sa akin nakatingin.

"My God! You're bleeding!" Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mukha nya. Bigla syang umilag at lumayo. Nagulat ako sa reaksyon nya. Lumayo sya.

"Don't," he said while avoiding my eyes. "Don't touch me."

"Pero—" bigla syang lumakad palayo. Nagbigay daan sa kanya ang mga nanunuod na estudyante.

Sumunod ako sa kanya palabas ng Gym. Dumireto sya sa boys locker room. Sinundan ko parin sya hanggang doon. May mga kinuha sya mula sa locker nya at dumiretso naman sa shower. Sumunod parin ako.

Nang maramdaman nya na nakasunod ako, tumigil sya sa paglalakad at tumingin sa akin. Nag-pout lang ako at tumalikod, umupo ako sa isa sa mga upuan na nandoon. Hinayaan ko na syang pumasok mag-isa sa loob ng shower.

Sayang.

ตอนถัดไป