"KYAAAHH!!" cheer ng crowd.
Nakakagulat naman ang mga babaeng ito. Masyado kung makatili. Sino ba yung tinitilian nila?
Pagtingin ko, si JG, kumakanta ng Ordinary Song habang nakatingin sya sa'kin. Alam kong sa akin niya kinakanta 'yon. Isa 'yon sa mga paborito kong kanta. Ang ganda ng boses nya. Kahit natatakpan ng hood ang mukha nya at hindi siya nakikilala ng tao marami parin ang nag-chi-cheer sa kanya. Kahit sino siguro mai-inlove sa kanya, sa boses pa lang.
Ako kaya? In-love parin kaya ako sa kanya? Katulad noon?
Nung bata pa ako, si Gabby na ang ideal Prince Charming ko. Mabait sya, gwapo at inaalagaan ako. Sa tuwing pinapangarap ko na ako si Cinderella o si Snow White, sya palagi ang Prince. Bukod kay Kuya Lee, kay Gabby lang ako komportable. Hindi ako close sa ibang lalaki.
Naaalala ko pa nung elementary. Palagi nya akong ipinapasan sa likod nya sa tuwing napapagod ako sa paglalakad. At yung time na nabugbog sya dahil pinilit nyang bawiin ang crayons ko mula sa mga bullies sa school, na binugbog naman ni Kuya Lee nang malaman nya ang nangyari.
Habang pinapanuod ko syang kumanta ngayon, bumabalik ang lahat ng ala-ala namin nung mga bata pa kami. Mula pagkabata hanggang sa pagtanda.
Iniisip ko, ano kayang magiging sagot ko sa kanya kung hindi ko nakilala si TOP? Naging kami kaya ni Gabbie? Paano kung kami pala ni Gabby ang para sa isat-isa? Itinadhana? Kung ganon bakit dumating si TOP?
Ano nga ba ang meron si TOP na wala kay Gabby? Bakit sya ang pinili ko? Mas matagal kong kakilala si Gabby pero kay TOP ako nahulog. Ano nga kaya? Bakit mahal ko si TOP? Mahal ko ba si Gabby? Oo. Mahal ko din sya. Pero mas mahal ko si TOP.
Haay.. Samantha. Ang gulo naman. Bakit ko ba iniisip 'to?
Natapos ang kanta ni Gabbie at sobrang dami ng nag-cheer para sa kanya. Ang galing talaga nyang kumanta. Ang dami na kaagad ng fans nya. Kung alam lang ng mga nanunuod na ang sikat na si John Gabriel Sy 'yan siguradong riot to!
"KYAAAH! Ang galing nya!"
"Kaboses nya si JG my loves!"
"Oo nga! Iniisip ko pa naman kanina kung sino yung kaboses nya! Si JG nga pala!"
"Umuwi na sya dito di'ba?"
"Oo girl, tapos na ung world tour nila"
"Haay... Sana makita ko sya sa personal!"
Ay, kung alam mo lang, nakita mo na sya sa personal, naka-disguise nga lang.
"Nasa back stage na yung JG look-alike! Tara papicture tayo!"
"KYAAH! Oo nga!"
"Let's go!"
Hala. Lagot na! Si JG. Tumayo ako para habulin ang fans ni JG. Pero tumama ako sa isang pader. Mali! Tao pala, pagtingala ko. Si TOP. A very angry looking TOP.
Baka naman namamalikmata lang ako. Ano naman ang gagawin ni TOP dito eh nasa practice sya kasama ang buong Lucky 13?
Tinignan ko ulit nang mabuti yung lalaki na nakabunggo ko. Matangkad. Hmmm... Mabango! Gwapo! AT NANLILISIK ANG MGA MATA! Si TOP nga! Ano'ng ginagawa ni TOP dito?!!
Lagot! Hayan na naman ang kanyang dark aura. Kakapangilabot na pwersa. Pakiramdam ko biglang dumilim ang paligid at nabalot ng kadiliman ang buong mall. Waaaahh!
"Where. Is. He?" tanong nya, magkasalubong ang dalawang kilay.
Napalunok ako. "S-Sino?"
"The guy I'm about to kill."
WAAAAAHHHH!!!
"Aheheheh. Sino ba ang sinasabi mo ha H-Hubby? W-Wala naman akong kasama ah."
"Don't lie Miracle. Where is that soon-to-be-dead-son-of-a—-?" Tinakpan ko kagad yung bibig nya bago pa sya marinig ng mga tao sa paligid.
Ang dami pa naman bata dito sa mall. Hindi magandang halimbawa.
"Wala nga—"
Biglang dumating si Red. Hinihingal. Mukhang malayo ang tinakbo.
"T-TOP, gr-grabe ang bilis mong.." huminga sya nang malalim. "tumakbo."
Hindi sya pinansin ni TOP. Tumingin lang sya sa paligid at naghanap, malamang si JG. Kung bakit ko pa kasi sinabi na nandito si JG eh. Malay ko ba na pupunta sya dito?!
Speaking of JG! Nak ng tinolang manok! Nakalimutan ko, kailangan ko nga pala syang puntahan sa backstage. Pero paano ako makakalusot kay TOP? Pero bago yun paano ko babawiin ang sinabi ko na kasama ko si JG?! Ang tindi ng problema mo Samantha! Think! Think! Think! *Jimmy Neutron Mode* AHAH!
"Ahh. Wala nga akong kasama dito. joke lang yung kanina kasi alam ko naman na pupunta ka kapag sinabi ko yun. Hohoho!" Maniniwala kaya sya?
SILENCE...
Isang mahabang katahimikan...
GULP!! Hindi sya naniwala!!! LAGOT NA!!!
"AHAHAHA!! Gusto kasi kitang makita ngayon Hubby kaya sinabi ko 'yun kanina!" Maniwala ka na pleeaasssse!
Again, isang mahabang katahimikan. Nakatingin lang silang dalawa sa akin. Walang reaksyon.
"Na-miss kasi kita! Hahaha!"
Huminga nang malalim si TOP. Unti-unting nawawala ang itim na aura. I swear to God, may pagka-supernatural itong si TOP.
"Bakit hindi mo sinabi kaagad?" tanong ni TOP.
Ang mukha ni Red, halata ang iniisip; Dude, nauto ka na naman.
"Hehehe! Alam ko kasing busy ka ngayon, hahaha!" sagot ko sa kanya.
"Mauna na nga ako sa inyo, balik na ako sa team. Sasabihin ko false alarm, parating na din sila dito," paalam ni Red.
Ang buong Lucky 13 papunta dito?!! Mabuti nalang naniwala si TOP. Kundi malaking gulo ito! Teka! Si JG nga pala, baka hinahanap na ako nun!
"Wait lang ha! Kailangan ko na kasi talagang pumunta sa washroom!" excuse ko sa kanilang dalawa.
"I'll go with you," alok ni TOP.
Si Red naman mukhang naiinip na.
"Haha! Hindi na! Five minutes lang ako! Wait nyo ko dito okay! Hwag kayong gagalaw dyan!" tumakbo na ako.
Takbo Samantha! Dapat maabutan ko si JG! Nasan nga pala sya? Sa backstage! Nakita ko si JG sa backstage na may kausap na lalaki.
"Gabby!" tawag ko sa kanya.
"Sam, san ka galing?" mukhang nagulat ko yata sya pati yung kausap nya.
"Dyan lang sa tabi-tabi! Hahaha!"
"Ganon ba?"
"Ehem!" ubo nung lalaking kasama ni JG. Mga nasa mid forties na sya at maliit na lalaki.
"Sinabi ko na po sa inyo, hindi ako interesado sa offer nyo," sabi ni JG sa lalaki.
"Pero hijo magiging sikat ka. At ako ang bahalang mag-manage sa iyo. Kikita ka nang malaking salapi," in-adjust nya ang kanyang salamin.
"Hindi ako interesado sa pera," yun lang at hinila na ako ni Gabby palayo sa lalaki.
"Kung sakaling magbago ang isip mo hanapin mo lang ako!!" sigaw nung lalaki.
"Hindi ba sya marunong umintindi ng 'ayoko'?" bulong ni JG
Mukhang bad-trip si Gabby. Ngayon ko lang sya nakitang ganito.
***
"Kumain na muna tayo," yaya nya sa isang malapit na kainan. Isang fast food chain.
"Okay!" masiglang sang-ayon ko.
Pumasok kami sa loob at um-order ng kakainin. Ano kayang masarap kainin?
"Ano'ng sayo?"
"Hmm... Ikaw nalang ang pumili. Ano ba ang iyo?" tanong ko.
"Yung Meal E"
"Oohh! Sige ako din! Ako din!"
"Dalawang Meal E at Strawberry Sundae."
"Yung De luxe po ba or Solo?"
"Sam, anong gusto mo? Solo or De luxe?"
"Ng alin?"
"Strawberry Sundae."
"Huh? Strawberry Sundae?" Wow strawberry, paborito ni TOP. Siguradong matutuwa yun kapag—SI TOP!!!!! NAKALIMUTAN KO!!! LAGOT NA!!!