webnovel

Chapter Forty-One

SAY WHAAAT?! Ako at si Monkey magpapalit?! Ayokong mapunta sa mahangin na lalaking yan! Tinignan ko si Monkey girl mukha namang wala syang balak magreklamo. May dalawang dahilan lang yan, its either confident sya na mananalo ang boyfriend nya OR interesado sya kay TOP.

Nakatingin sya kay TOP at mukhang hinuhubaran nya si TOP sa isip nya. Oh Shiz! Hindi ako papayag na halayin ng Monkey Girl na yan si TOP!

Biglang sumama ang aura ni TOP. Yang tingin na yan, malapit na syang mag-switch to killing-machine.

"Haha! Is that a 'No'?" the guy smirked wider.

"F*ckin' bastard," nagtitimping sabi ni TOP.

"Haha! Chicken eh? Not so tough anymore?"

Tinignan ko si TOP. Nanginginig yung kamao nya. Pinipigilan nyang sumabog. Lumapit ako at hinawakan ang kamay nya, unti-unti syang kumalma at tumingin sakin.

"TOP, I trust you," I gave him a confident smile.

Kumalma ang expression sa mukha nya. Binigyan nya ako ng isang tipid na ngiti.

"So, tinatanggap mo ba ang hamon ko? Or are you still too chicken to accept it?"

"Fine, but if I win I get to beat the living shit out of you," now it's his turn to smirk.

"Haha! Whatever makes you happy!" the guy laughed then he added. "Like you can beat me, rich boy."

"Go honey! Fighting!" the monkey girl cheered.

Psh! I'm sure sa isip nyan ipinagdarasal nya na matalo ang boyfriend nya para masolo nya si TOP.

"Go Hubby, you can do it!" I gave him a peck on the lips.

Nagulat naman si TOP sa ginawa ko. Kyaaahh! Ano'ng gagawin ko? Kailangan kong protektahan kung ano ang akin. Kailangan ipamukha ko sa babaeng 'yon na akin si TOP.

Tumingin ako kay Monkey at nag-smirk. She just glared at me in return. So interesado nga sya kay TOP?

"I'm not going anywhere near that thing," I whispered pointing to the smirking b@stard.

"Don't worry," he kissed my cheek. "I promised you a bear and I intend to keep that promise no matter what."

"Oh sige mga hijo ganito ang patakaran, ang makapagpatumba ng mas maraming rubber ducks sa loob ng isang minuto ang panalo," paliwanag ni manong.

Feel na feel nya yung pagiging announcer nya, kumuha pa talaga ng mic. Ang dami na tuloy nanunuod sa laban.

"Alright, two birds in one stone," sabi ni pa-cool guy.

Tahimik lang si TOP habang hawak ang toy gun. Seryoso lang ang mukha nya. Kaya naman ang daming babae na kinikilig sa kanya. Badtrip!

Sabay silang maglalaro. At para malaman kung sino ang mas maraming tinamaan na ducks eh gumamit sila ng paint ball (yung mismong bullet ang pintura). Ang kay TOP ay kulay red kay pa-cool guy naman ay blue.

"Ready," sabi ni manong, may hawak syang timer.

Pumwesto na silang dalawa, itinutok ang baril sa mga gumagalaw na target. Yung mga target na ducks ay parang nasa isang rollercoaster ride. Gumagalaw paikot, pataas at pababa. Hindi ko alam kung paano nagawa ni manong yun, kaya pala galit na galit si TOP kanina kasi hindi sya makatama. Siguro kaya yung itim na biik lang ang nakuha nya?

Teka ang ibig sabihin nun...

"Aim and Fire!" sigaw ni manong.

*Bang!ping!Bang!ping!*

...malaki ang chance na matalo sya?! No! Kailangan magtiwala ako sa kanya! May tiwala ako kay TOP! Kaya nya yan!

"Ooohh..."

"Ang galing nilang dalawa."

"Mukhang tie pa yata ang laban."

"Oy teka mga pusta nyo? Red team o Blue team?"

"Red team kami! Kyaah! Ang gwapo!"

Tama bang magpustahan ang mga to? Pero ano daw? Tie? Tinignan ko silang dalawa. Parehas silang walang sablay puro sa target ang tama ng bala. Red-Blue-Red-Blue. Ang galing nilang dalawa.

Yung mukha ni TOP seryoso parin, si pa-cool guy eh hindi na mukhang cool. Mukhang naiinis na sya. Pero mabilis din iyong nawala dahil nag-smirk ulit sya. Mukhang may plano sya.

"Dude, alam mo ba kaya ko gustong makipagpalit ng date?"

Tahimik lang si TOP.

"It's because your girl's HOT," he licked his lips. "I bet she's a killer in bed."

Bigla kong naalala ang nangyari noon sa basketball game ng Lucky 13. Ang sabi ni Sweety madaling mawala sa konsentrasyon sa laro si TOP dahil sa temper nya. Dahil madali syang magalit naaapektohan nito ang laro nya. At ito mismo ang ginagawa ng kalaban ni TOP.

"Ano? Tama ba? I bet she's a screamer in bed too. That's why you're keeping her, because she's that good."

*Bang!ping!Bang!ping!*

"Dude why so serious? Oh God, don't tell me she didn't do you?"

*Bang!ping!Bang!ping!*

"Hahaha! She didn't?! A virgin eh? Ooh. A virgin..." he laughed maliciously. "Virgins are fun to play with, they're so innocent and clueless. I bet I'll enjoy f*cking her later. I'll even teach her how to suck di—"

*PUK!*

Nag-gasp ang mga tao nang biglang suntukin ni TOP ang pa-cool guy.

"What the f*ck?!" sigaw nung guy habang hawak ang dumudugong ilong.

"Wifey, I'll give you your bear later," sabi ni TOP habang nakatingin sa pa-cool guy.

"O-Okay," actually wala na akong pakialam sa bear na 'yon.

"Oh God my face! You ruined my face!" the guy screamed.

"Hell yeah, and I'll make sure you'll get a f*cking surgery after I'm done with you. I'll make your face un-f*ckin-recognizable!!" TOP growled.

Sa tingin ko biglang dumilim ang paligid at naging demonyo si TOP. Well.. sa imagination ko lang naman. Tumingin ako sa relo ko. Ilang minuto kaya bago sya matapos?

*PUK!PUK!PUK!*

Sinuntok ni TOP ng paulit-ulit yung guy. Sinigurado nya na masisira nya ang mukha ng kalaban nya. Mukhang tinotoo nya ang banta nya ah. Sinubukan lumaban ni pa-cool guy, pero madali lang na naiiwasan ni TOP ang mga atake nya. Gang leader ba naman ang kalabanin nya?

Walang umawat sa away, lahat natulala. Yung mga lalaki natatakot lumapit yung mga babae naglalaway. Talaga naman ang hormones, umiral. Pero aaminin ko, ang HOT parin tingnan ni TOP, lalo na ng magbanta sya.

ตอนถัดไป