webnovel

Kabanata 11

Wounded heart

"No, I don't like your Idea." he said in a slightly chuckled way. He gave me a glare before he continue. "Or maybe I should hire someone else, hindi pwede si Meredith."

My lashes fall down slowly, agad na nag init ang dalawa kong pisngi sa pagka pahiya.

"Why not? She is good and qualified for the position, besides may experience naman na siya bilang isang secretary, right Meredith?" Alessandra turn her head on me, then she nod.

"Yeah, but-"

"Great, you are now the new secretary of Gabriel. Is it okay with you right?" Alessandra spilled her final word.

I swallow, it was hard. Wala akong nasabi sa bilis niyang mag desisyon. She can easily manipulate everything, like what she has done to Gabriel.

Tumaas ang tingin ko kay Gabriel, "What can you say about it?" he asked, he keep his eyes fixed on me, until my eyes met with his.

"I-I don't think, I'm capable of doing this job." I answered truthfully, hindi kaylan man sumagi sa isip ko ang lumabas sa comfort zone na meron na ako ngayon. Hindi ko pwedeng ilagay sa alanganin si Gabriel lalo na ang sarili.

"See? She wasn't so sure. Ganyan ba ang ipapasok mo sa kompanya natin?" he said, each and every word felt like a dagger in my heart.

"Kung ganon, wala na tayong dapat pang pag usapan. I expect the resignation letter of Sarah tomorrow morning at your table." Alessandra declared, she turned on her heels and stomped towards upstairs.

"Sandra.." he said with a hard voice, ngunit hindi ito pinansin ng huli na patuloy lang sa pag akyat ng hagdan.

After long moment of silence, Gabriel turned his eyes on me.

"You wrongly assumed I'm looking for a secretary, which I'm not." his words stung, it hurts very much hearing his say that. Napayuko ako at bahagyang umatras dahil sa kaniyang sinabi.

"Hindi ko rin naman inaasahan ito," I said, my voice cracked. Vision was fixed on the ground

He smirk, "How about me, then?" he mumbled irritably.

My vision moved back to him, emotion flashed across my face. Kung pwede ko lang sana itong sigawan ay ginawa ko na pero siya ang boss dito. Hindi ko rin pwedeng idahilan na nasasaktan ako sa mga binibitawan niyang salita..

"You're right, you should hire someone better, or fire your secretary instead.." I said.

Hindi ko na hinintay pang mag salita ito dahil mabilis ko na itong tinalikuran para tungohin ang sariling silid.

Nanginginig ang mga tuhod na sumandal ako sa likod ng pinto at pumikit ng mariin. Hindi ko alam kung sa nararamdaman ko bang gutom oh dahil sa matinding sama ng loob kay Gabriel kaya ako nanghihina.

Tama pabang nandito ako? Is it worthy to stay by his side, kahit pa walang ka siguraduhan kung babalik paba siya saakin pag lumabas na ang katotohanan? Do I still believe in the power of love and promises? Hanggang kaylan paba ako mag maghihintay sa pagbabalik niya?

Yumuko ako para pahirin ang luhang naglandas sa aking pisngi. Napangiti ako ng mapait.. "Gutom ka lang, Emory.." I barely whisper to myself. Kaya ang ginawa ko ay tumulak na ako patungong bathroom para sandaling maligo.

Pinili kong suotin ang ternong pajamas na regalo pa saakin ni Zekiah noon. This is actually his gift for me when we're on college. Magka sintahan na kami noon na nasa ikatlong buwan ng relasyon nang regalohan niya ako nito. I was expecting something sweet like chocolates or flowers, but instead he gave me this pajamas. Para daw everytime na mi miss ko s'ya gabi gabi or malayo kami sa isa't isa ay lagi ko daw iisiping kasama ko s'ya at katabi sa pagtulog.

I'm not really materialistic pag dating sa isang relasyon. Simple gestures like, date underneath the moonlight would be enough for me. Hindi ko rin inu obliga si Zekiah na regalohan ako ng mamahaling bagay. Dahil hindi kagaya ng marangya kong buhay ang buhay niya.

Pagsasaka lamang ang ikinabubuhay ng kanilang pamilya, ngunit hindi ito naging hadlang para makatapos sa kursong business management. His father pass away years before our wedding, wala na rin ang nanay nito na namatay dahil sa atake sa puso. May tatlo itong kapatid, ang isa ay graduated din sa kursong business management, habang ang dalawa ay nag aaral pa sa kursong nais nila. Scholar kasi ang mga ito ng aming kompaniya at may naghihintay na trabaho kung sakaling piliin ng mga itong pumasok sa kompaniya na pinatatakbo ni Gabriel noon.

Hindi naman lingid saakin na mabigat ang loob ni Mommy kay Gabriel dahil sa katayuan nito sa buhay ngunit pursigido itong ipakitang karapat dapat siya para saakin. He work hard for it, lahat ay ginawa niya para palaguin ang kompaniyang pina handle sa kaniya ni Mommy. Kahit labag sa loob nito ang pag pasok sa komapaniya namin ay ginawa niya.

We're only had one small building and had atleast ten employees na siyang katuwang namin ni Gabriel sa pag papalago ng Jewelry store, bukod don ay naisipan namin mag design ng Jewelry para dadag income na rin sa naisip naming pagtatayo ng shopping Mall. Our first launching jewerly with our very own piece, was successfully held at the same roofs, halos taob lahat ng designs na gawa namin pareho ni Gabriel kahit pa maliit ang venue. Hanggang sa dumami na ng dumami ang customer namin na kailangan ng I-expand ang shop at magtayo ng ilang branch sa citys.

At bago nga natapos ang taon ay na umpisahan na rin namin ang pagpapatayo ng shopping mall sa Queensland Island. Dito mas nahasa ni Gabriel ang kurso nitong management, he well managed our jewelry shop as well as our new shopping malls. Hindi pa doon natatapos dahil nag bukas pa kami ng isa pang shopping mall sa east coast at ang huli ay ang Industrial company kung saan kami ang producer ng mga materials para sa building and constructions supply na in demand ngayon sa merkado.

I'm very much proud of him, he showed how responsible he is as my husband. Ginawa nito ang lahat para maka wala sa anino ng aming pamilya. He gained respect not only from our employees but from my family, especially Mom.

I sighed painfully, staring at the mirror. Buong rahan kong sinuklay ang lampas balikat kong buhok bago ibaba sa tukador ang hair brush ng maka kontento. Sinipat ko muna ng tingin ang baby blue pajamas na suot ko bago lumabas ng silid.

Madilim na ang buong kabahayan ng lumabas ako. Tanging sinag ng maliwanag na buwan lamang ang tumatama sa ilang bahagi nito. Kinapa ko ang switch ng ilaw para buksan at bahagyang napa pikit dahil sa biglaang liwanag.

I open my eyes slowly, only to find out that someone is at the counter bar. My eyes widen in surprised, tila gustong bumalik ng mga paa ko pabalik pero huli na ang lahat. Bukas na ang ilaw at napa lingon na ito sa akin.

He scrubbed his stubble jaw while looking at me sharply. Napalunok ako, hindi malaman ang gagawin.

"Uh, pasensya kana..mukang naistorbo ko kayo." I slowly said,

Hinanda ko na ang sarili sa pag alis ngunit mas lalong na depina ang mga paa ko sa marahas nitong pag buntong hininga habang nagsasalin ng alak sa baso.

"Just continue," his eyes quickly lit up, staring at me for a few seconds.

"H-hindi na, babalik din naman ako sa silid ko. I just checking around.." I said, keeping my voice casual.

"Checking what?" he asked curiously.

Agad na naglikot ang mga mata ko at umatras ng bahagya. Hindi ko mahagilap ang tamang sagot sa tanong na iyon.

He sighed and ruffled his hair frustratedly.. "Just do what ever you want.." kumpas nito sa kamay na binibigyan ako ng karapatang pumasok para gawin ang gusto ko.

Sandali akong nag atubile, pero sa huli ay napag desisyonan kong ihakbang ang mga paa papasok. I stood up and quickly step towards the oak table. Ang plano ko sanang pagluluto ng hapunan ay nauwe sa cup noodles. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay habang sinasalinan ng mainit na tubig ang cup dahil sa ramdam ko ang mainit na titig nito saakin..

Dahil din sa pag mamadali ay hindi maiiwasang mapaso ang kamay ko sa mainit na tubig. I sighed painfully, lalo pa ng maramdamang kumirot ang sugat ko sa kamay. Napapikit ako sa sakit, anong diin din ang pagkagat ko sa sariling labi para hindi makagawa ng ingay.

Kahit na gusto ko pang magtagal sa lugar na ito para komportableng maka kain ay pinasya kong gagapin ang cup noodles pabalik sa sariling silid.

"You haven't yet eat your dinner?" bigla itong nagsalita nang tumapat ako sa bar counter. He shiveled his chair to face me, while swirling his rock glass sexily.

I nod, bilang pag sagot.

Naudlot ang sanay paghakbang ko dahil sa marahas itong nag buntong hininga bago simsimin ang alak sa baso. Agad na pumihit ang mga paa ko paharap dito.

He keep ignoring me, pouring himself a drink. Palagay ko ay nakakarami na ito ng naiinom.

Alam ko wala akong karapatan makielam pero susubukan ko pa rin. I filled my lungs with midnight air before I speak..

"M-may problema ba kayo ni Alessandra?" I asked softy, ignoring my heart that was beating uncontrollably.

"It is none of your business.." he said in a cold tone. Napalunok ako nang saidin niya ng inom ang baso ng alak at maingay 'yon nilapag sa lamesa.

I stare at his sudden seriousness, adjusting his tie slowly. Ilang pag lunok pa ang ginawa ko bago lakas loob na ihakbang ang mga paa palapit dito.

Lumingon ito saakin ng ilapag ko sa lamesa ang cup noodles na hawak ko.

"Alessandra loves you so much, hindi mo s'ya masisisi kung ganon nalang siya magalit saiyo." I started.

He shrugged a bit, hindi piniling mag komento sa sinabi ko.

"Maybe you should gaine her trust-" I paused, dahil sa ilang beses nitong pag igting ng panga.

"Problema naming mag asawa ito, just mind your own business.." he said sharply.

I wish I could pull his words back, para hindi ko maramdaman ang sakit na hatid nito saakin.

"I-I'm sorry, I just wanted to help" I whisper. Nanatili ang tingin ko sa cup noodles na unti-unti ng nawawalan ng usok.

He shook his head, bago muling magsalin ng alak sa baso.

"It's getting late, magpahinga kana. Isasabay na kita bukas pag pasok sa opisina.." he said without looking at my reaction.

What?!

My eyes widen, "H-hindi pa namin napapag usapan ni Alessandra ang tungkol dito,"

"You said, you wanted to help, right?" his brows arch, na pinapa alala saakin ang sinabi ko ngayon lang.

I gave him a curled lip bago tumango.

"Good.." he responded.

My heart accelerated, agad na tumaas ang tingin ko dito. "No, of course. I mean, I wanted to help, but to hired me as your secretary? I think it's not a good idea.."

Imbes na sumagot ay tumayo ito mula sa kinauupoan at humarap saakin, mula naman sa kinatatayuan ko ay tiningala ko siya ng buo kong tapang.

"Bigyan mo ako ng magandang dahilan kung bakit tinatanggihan mo ang alok ni Alessandra?" he asked, crossed his arms tightly in front of me.

"W-wala.." I said quietly, but if I going to be honest, marami akong nais ipaliwanag kung bakit hindi ako sang ayon sa gusto ni Alessandra.

Gabriel raised his eyebrows at me, "So you are choosing the hard path, huh?" aniya, bago bumaba ang tingin sa kamay ko.

I rapidly looked away from him, mabilis ko ding pinagsalikop ang dalawa kong palad para itago dito ang mga natamo kong sugat.

Malinaw kong narinig ang pag igting ng kaniyang panga at lubha kong ikina gulat ng marahan niyang hinila ang kamay ko.

Agad akong napa atras ngunit ganoon nalang niya ako kabilis hinila pabalik. I really felt hot, mula sa talampakan paakyat sa dalawa kong pisngi.

"Does it hurt?" he asked softly.

Napapikit ako dahil ngayon ko mas naramdaman ang kirot ng mga sugat dahil sa binigay nitong atensyon.

"I'm okay... hindi naman masakit," I smiled a sad smile in reply. Yeah it's nothing compared to my wounded heart.

"You're lying," he instantly said.

"Of course I'm okay...wala lang ito," pinasya kong hilahin ang kamay ko na pinalaya naman niya ngunit dumausdos lamang iyon sa aking pala pulsohan.

I didn't moved or say anything, tila naparalisa ang buo kong katawan dahil sa init ng mga palad niya saakin.

"Be my secretary.." he said in a hushed voice, eyes wandered my lips. Kumabog ng husto ang puso ko dahil sa kaniyang sinabi.

"Para hindi na madagdagan pa yang mga sugat sa kamay mo.." aniya, bago ako bitawan at walang pasabing iniwanan na natitigilan.

Dahan-dahang bumaba ang mata ko sa mga palad na kanina'y hawak niya lang. Nandoon pa rin ang intesidad at init na hatid niya. Ramdam ko pa rin ang malakas na pagtibok ng aking puso.

Sunod-sunod ang naging pag iling ko. Hindi ako pwedeng lumabas sa publiko na kasama siya, paano nalang kung may maka kilala saakin, saamin ni Hezekiah? Ayoko siyang biglain, dahil hindi pa ako sigurado kung kaya pa ba niya akong tanggapin sa bago niyang buhay.

Kinabukasan ng umaga ay mas maaga sa inaasahan ko akong bumangon dahil ang totoo ay hindi ako pinatulog ng pag iisip tungkol sa pag pasok ko bilang sekretarya ni Gabriel.

Nakaharap ako sa niluluto ngunit wala doon ang aking atensyon. Maraming tumatakbo sa isip ko. Takot, pagaalinlangan at kaba, gusto kong pag sisihan kung bakit ako napasok sa sitwasyon gaya nito. Kung sinunod ko lang ang payo saakin ni Elli na idaan sa legalidan ang lahat ay baka nasa akin na ngayon si Gabriel na walang kahirap hirap. Ngunit paano ko gagawin iyon ngayon? Gayong may mahal na itong iba.

"Ano ang amoy na 'yon?!"

Mabilis akong bumalik sa realidad buhat ng marinig ang boses ni Gabriel, natatarantang pinatay ko ang apoy at agad na inalis sa kalan ang frying pan para ilipat sa kabilang stove.

"Shit!"

Hindi ko napigilang sabihin nang makita ang resulta ng natustang bacon. Agad na pumihit ang mga paa ko paharap dito. My eyes widened but I quickly compose my face. Ang tanging suot lamang kasi nito ay boxer short and the rest is damn naked.

Hirap akong napalunok, habang malayang pinagmamasdan ang kaniyang kabuoan. Damn it! how could he be so hot like this? His big torso, the masculine abs and his broody shouting chest..

I pursed my lips, and allow my eyelids close and open slowly. I saw them many times in my own naked eyes, my own private thoughts and our own intimate nights, but the feeling right now is different. Tiyak kong nakuha niya sa pagsasaka ang mga gitla sa kaniyang sikmura na mas lalong naging detalyado sa nakalipas na taon.

He smirked, crossing his arms securely against his chest. Napawi ang kanina'y pagka mangha sa mga mata ko dahil sa huli niyang ginawa.

"Make me a cup of coffee.." utos niya,

I blinked my eyes and nodded,

"Uh, sige.."

Natataranta kong sagot bago napipilitang tumalikod dito, higit ko ang paghinga habang ginagawan ito ng kape. I could feel the heat and the intensity of his aura behind my back. Alam kong naka sunod siya sa bawat pag kilos ko na siyang mas nag papa ibayo ng kaba dito sa puso ko.

"H-heres your coffee, sir." buong ingat ko iyong nilapag sa lamesa kung saan naka upo na siya sa kabisera na silya.

Agad rin akong tumalikod para ma muroblema sa nasunog na frying pan. Pinasya ko munang ibabad sa tubig ang kawali at pumili ng mas maliit na pan para doon magsimula muling mag luto. I quietly open the fridge and took some eegs and bacon for breakfast. Pinanatili ko ang pagka kalmado ng pagkilos kahit pa gusto ng lumabas ng puso ko matinding kaba.

"Good morning!"

Masigla ang boses ni Alessandra ng dumulog sa komedor, hindi mababakasan ng galit tulad ng nakaraang gabi.

"Meredith sumabay kana saamin mag breakfast para sabay na kayo ni Gabriel pag pasok." anito saakin.

Mabilis na lumipad ang tingin ko dito na siyang mababakasan ng ngiti sa labi.

I opened my mouthed to speak but I fold them back to the bottom one, hindi ko ma isa tinig ang pag tanggi.

"Kung gusto mo naman saakin kana sumabay, pupunta rin ako sa opisina ni kuya Marcus.." she added, without looking at me.

Lumipat ang tingin ko kay Gabriel, para hingin ang tulong nito ngunit mas pinili lang nitong higupin ang kaniyang kape.

"Uh, pwede bang pag isipan ko muna ang tungkol sa bagay na ito?" I now found the right words to say and carefully sit at the chair across to her.

Binaba nito ng marahan ang kubyertos bago diretsong tumingin sa mga mata ko na puno ng pagtatanong.

"Why? hindi mo ba gustong ang magiging bago mong trabaho?" kunot ang noo nitong tanong.

"Ah, hindi naman sa ganon, ano kasi.." paano ko ba sasabihing hindi pa ako handang malaman ni Gabriel ang totoo kong pagkatao. Kung sakaling malaman niya handa ba ako kung sakaling si Alessandra ang pipiliin at hindi ako? Umiling ako sa bagay na iyon.

"Kung iniisip mo ang dadatnan mo doon, wag kang mag alala nandoon naman si Gabriel and kuya Marcus. I'm sure they will treat you professionally, mababait din ang employees doon.." she politely said.

I bit my lower lip, hindi ko na alam ang isasagot.

"I called kuya last night, sinabi ko ng ikaw ang ipapasok kong secretary ni Gabriel and he agreed to it." she added..

Hindi ako sumagot, pinanood kung paano maluwang itong ngumiti saakin. She's very lovely, malayo sa itsura niya kagabi habang nagtatalo silang mag asawa. Alam kong gusto lang niyang ingatan si Gabriel at ilayo sa mga babaeng palagay niya ay banta sa relasyon nilang mag asawa. And choosing me as her allies is my big problem right now.

Hindi ko gustong pinag kakatiwalaan niya ako at palagay ang loob niya na kasama ko si Gabriel sa trabaho dahil ayokong bigyan siya ng dahilan para sumbatan ako sa huli..

I filled my lungs with glassy air, and gripped my shoulder bag tightly. Tiningala ko ang mataas na building na nasa aking harapan, kasabay nun ay ang malakas na pag kalabog ng aking puso.

Hindi ko pansin ang mapanuring tingin ng mga empleyado na nilalampasan lamang ako matapos akong lingonin.

"Ma'm saan po kayo?" pigil saakin ng isang security guard sa tangka kong pag pasok.

"To the president office.." I answered timidly, na hindi inaalis ang tingin sa marangyang tanggapan.

"Ah, any appointments ma'm?" he asked again.

Bumaling ang tingin ko sa information desk, bago ito sagotin. "I'm the new hired secretary of Mr. Gabriel Magnus." pagbibigay alam ko dito.

Kumunot ang noo ng guardiya, "Ah, teka lang ma'm ha. I-che-check ko lang po.." magalang nitong sagot bago ako iwanan.

Napabuntong hininga ako, hindi ko na sana tinanggihan ang alok ni Alessandra na ihatid ako dito. Ayoko lang kasing bigyan ng ibang interpritasyon ng mga empleyado ang pag pasok ko dito na kasama ang mismong may-ari ng kompaniya lalo pa na alam ko na kahit hindi sabihin saakin ni Alessandra na kaya lang niya ako pinasok dito para bantayan si Gabriel.

"Ma'm, pwede na po kayong pumasok.." paglapit saakin ng security guard.

"Salamat ho," tipid akong ngumiti at diretso ng pumasok sa loob.

Agad na may sumalubong saaking babae na sa tingin ko ay nasa late fifties na. She looks very firm and proper sa suot na black slack pants and white collar blouse na tinernohan ng eye glasses.

"Daliah Torres, the manager of Realsteel incorporated and You are?"

"Meredith Grant." I raised my right hand to give her a warm hand shake but she refuse, bagkus ay lantaran nitong binisita ang kabuoan ko. I was wearing a white long sleeves under my beige trench coat and black skinny jeans. I gather my hair into a loose ban and brushed a light of make up to enhance my simplicity.

Napa ngiti ako bago nahihiyang binaba ang kamay.

"Follow me.." utos niya bago ako talikuran. Atubile naman akong sumunod dito na agad tumungo papasok sa elevator.

"The office of Mr. President is at the fifth floor," she said tonelessly. Tumango ako dito.

Wala pang ilang minuto ay bumukas na ang pinto ng elevator, agad itong lumabas na siya ko naman sinundan hanggang sa tumigil kaminsa isang malapad na pinto sa kabisera ng pasilyo.

Kumatok ito matapos ay marahang tinulak pabukas ang pinto. Doon na humataw sa kaba ang puso ko.

"Mr. President, nandito na po si Miss. Grant." aniya, habang na nanatili ang mga paa ko sa labas ng pinto.

"Papasokin mo.." he said in a baritone voice. Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko dahil sa malalim niyang boses.

"You may come in.." lingon saakin ni Miss. Torres.

I clasped my hand tight, and nodded. Iniwan na rin niya ako kapag daka na siya ko munang sinundan ng tingin na mabilis nawala sa pasilyo. Humugot muna ako ng malalim na paghinga bago ihakbang ang mga paa papasok.

Hindi ko na nakuha pang ilibot ang mga mata sa loob ng kaniyang opisina dahil natuon na ang pansin ko sa lalaking nasa kabisera mismo ng silid, siting comfortably at his swivel chair.

His vision was focused on me, I felt naked because of the way he looks at me. Hindi agad ako nakapag salita. I was dumb full speechless..

"Didn't bother to say anything Mrs.Grant?" he spoke in a cold tone.

"Good morning.. Mr. President." my eyes drifted to the ground, hindi kayang tagalan ang misteryoso niyang titig.

"Bring those papers to Marcus, I need his approval before lunch time." buong lakas nitong binagsak ang ilang papeles sa lamesa bago magyuko sa kaniyang laptop.

"Uh, yes..sir." I step towards to his table at habang papalapit ako ay mas lalo akong nabibingi sa malakas na tibok ng aking puso.

Nang huminto ang mga paa ko sa tapat ng kaniyang lamesa para kunin ang mga papeles ay hindi na muli pa itong nag angat ng tingin. Tumalikod na ako para sana umpisahan na ang trabaho ng marinig ko itong magsalita muli.

"Cancel all my appointments today, ayokong magpa istorbo kahit na kanino.." aniya na hindi pa rin nag aangat ng tingin saakin..

"Yes, sir.." I answered.

Bago umalis ay sinulyapan ko muna ito na tutok pa rin ang mga mata sa aparato.

Next chapter