webnovel

The Beginning

Chapter 1

Shanaia's

"Omg!! Shanaia, we're already here!!!" tumingin ako sa bintana, at natatanaw ko na ang buong

ka-maynila-an. Its been 5 years since makita ko ang lugar na ito.

"Hey! Aren't you excited?! Myghad. Namimiss ko na ang luto ni aling bebang sa dulo ng tulay sa university. Hays! Parang walang pinagbago 'no?" Cary said. Napa tingin ako sakanya. I saw her wiping her eyes. Paka-iyakin.

Alam ko namang namimiss niya ang Pinas. Lalo na at andito lahat ng pamilya niya.

Ako, namimiss kaya nila?

Siya, namimiss kaya ako?

O kinalimutan na nila ako?

"Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 6:45pm. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about."

Inayos ko ang aking sarili at gamit.

Samantalang si Cary naman ay todo ang selfie. This is it.

Nang maka-landing ng maayos ang eroplano ay may munting mensahe lang ang piloto bago kami tuluyang iassist palabas.

"OMG Shan!! This is soooo real. We're finally home!! I'm so excited to see my family and friends specially Niko." kinikilig pa niyang saad. Napairap na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"So what are your plans Shan? Hindi mo pa rin ba ipapaalam sa parents mo na andito ka na? How about Lucy and Camille?" she asked habang busy sa kanyang cellphone.

I don't know. Wala akong kahit na anong plano. Siguro magpahinga. Or tapusin yung project na naka assign sa amin.

" I don't know. Dun na lang muna ako siguro sa condo na inupahan ko. And in fact, we're not here para magbakasyon. We still have projects na kailangan matapos within a month." napatingin naman ng masama sa akin si Cary. What? Totoo naman e.

Hindi na kailangan malaman ni Mommy at Daddy na andito ako. Miski si Kuya Zeke. Or everyone. Aalis din ako.

"You know what? Ang KJ mo. Shan! 5 years tayong nasa ibang bansa. Puro work ang inaatupag natin, lalo ka na. So why don't you give your self a break?! Hindi ka bumabata. And in fact you looked like a 40 year-old woman na nagbibihis dalaga." napa ayos naman ako sa sarili ko.

Pinalo ko siya at inunahang maglakad. Anong masama kung trabaho ang iniisip ko?! Sa panahon ngayon kailangan ang maraming ipon dahil sa pamahal na pamahal na bilihin.

"Bad joke, Cary!"

"Haha it's not a joke, Shanaia. Gusto ko lang naman makawala ka jan sa bato mong puso. You're not like that before, dear. And I know, the jolly and happy go lucky Shanaia is still in there." sabay turo sa puso ko. Napailing na lang ako at kinuha ang isang maleta ko. Habang si Cary naman ay hirap hirap sakanyang mga dala.

Pang isang taong damit na ata ang dala niya.

Andito na kami sa waiting area at inaantay ang na-booked naming grab. Uuwi na muna daw si Cary sa pamilya niya sa Parañaque. Habang ako, uuwi sa inupahan kong condo somewhere in Makati.

"5 minutes before the arrival. Shan..." napatingin naman ako sa seryosong katabi ko na nakatingin din sa akin.

"what?"

"I'll text you pag nasa bahay na ako. And you text me pag nakarating ka na sa condo. Okay?" tumango ako at ngumiti.

"and, please. Stop hurting your self. 5 years na ang nakalipas. Move on. I know kahit nakangiti ka. Masaya ka. Pero nakikita ko sa mga mata mo ang lungkot. Talk to your parents or your kuya. Makakatulong yun." ani Cary. Gusto kong umiyak pero wala akong maramdaman.

"Thank you, Cars! I'm okay now. The pain is still here. The scars will never fade away. And it takes a million time to heal the pain. And I don't know when. But I assure you, I'm okay." i said.

Dumating na ang sasakyan na para kay Cary at muling nag paalamanan sa isa't isa.

Nang tuluyan ko nang hindi nakita ang sinasakyan ni Cary. Dali dali kong kinansela ang binook kong grab.

Ayoko munang umuwi.

Ayoko munang mapag isa

Nasasaktan lang ako.

Pumara ako ng taxi at sinabi ang aking destinasyon.

"MOA po."

Dati, ayaw na ayaw kong puntahan ang lugar na iyon. Dahil sa dami ng tao. Maingay. Nakakarindi. Pero may natuklasan ako sa dulo ng MOA. Doon, kakaunti ang tao. Dahil na rin siguro sa tahimik at wala namang magandang puntahan doon bukod sa mga yate. Bago ako umalis papuntang New Zealand, doon ako madalas na magpunta. Doon ako naglalabas ng sama ng loob. Doon ko iniyak lahat ng sakit. Masakit. Pero masarap sa pakiramdam na natuto akong ilabas yung bigat sa puso ko.

Ganun naman talaga diba, some of the best lessons we ever learn are learned from our past mistakes.

Nang makarating kami sa MOA ay dali dali akong nagbayad at bumaba.

Totoo nga ang sinabi ni Cary, walang pinagbago. Ganun pa din ang takbo ng buhay ng tao. Masaya. Pero sa kaloob looban malungkot.

Naglakad lang ako papunta sa gusto kong lugar. Malamig ang simoy ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam.

Dumaan ako sa isang malaking ferris wheel, may pamilyang masayang nagaantay sa kanilang mahal sa buhay, meron ding mga magkasintahan na kulang na lang pagbuhulin sa sobrang dikit, at mag ttropang nag aasaran at nagtatawanan.

Sana sa buhay, may permanenteng saya. May habang buhay na ngiti.

Sana...

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na rin ako sa lugar na gustong gusto ko. Napangiti ako, ganun pa din siya. May kaunting nagbago tulad ng nagkaroon na ng espasyo para sa mga nagsisigarilyo. Which is, sang ayon ako. Lalo na at nasa pinaka sulok iyon.

Inayos ko ang aking maleta at umakyat sa mataas na batong upuan. Kinuha ko ang isang paketeng sigarilyo at lighter. Sumindi ako at ninamnam ang simoy ng hangin at dagat. Ang sarap sa pakiramdam.

Para bang sa bawat buga ko ng usok, sumasama lahat ng sakit sa puso ko.

Napangiti ako. Mabuti naman at hindi naisipan ng ibang mapanamantalang negosyante na wasakin ang magandang lugar na ito. Kahit papaano gumagaan ang loob ko.

Sa muli kong pag hithit sa sigarilyo, naalala ko ulit lahat ng sakit na nararamdaman ko noon. Napa ngiti ako ng mapait.

*flashback*

"Shanaia. Gusto namin na ang kukunin mong kurso ay aayon sa negosyong meron tayo. Kunin mo iyong business management. Iyon kasi ang gusto ng daddy mo." saad ni mommy habang inaayos ang aking buhok. Napasimangot naman ako dahil hindi iyon ang gusto ko.

Architect. Iyon ang gusto ko.

"Mommy, hindi ba pwedeng si Kuya Zeke na lang ako mag aral nun, at siya ang pagtrabahuin ni Daddy sa kompanya?" ani ko. Hindi bat ang lalaking anak ang dapat na pamanahan niya ng kanyang kumpanya? Pero bakit mukang sa akin ibibigay ang hirap?

"Shanaia, si Kuya Zeke mo ay mag aaral ng Engineer." napatingin ako sakanya ng may pagtatanong.

"Ma, si Kuya Zeke pwedeng kunin ang kursong gusto, samantalang ako hindi? Akala ko ba ay wala kayong pinapanigan. Pero ano ito?!" sigaw ko, tumayo ako at tinulak siya palayo sa akin. Kasabay nun ay ang pagtakbo ko palabas ng kwarto at bahay.

Matagal na kaming may alitan ng ama ko. Dahil na rin sa madalas niya akong paghigpitan. Lalo pa ngayon at sila ang mag ddesisyon ng kukunin kong kurso.

Nagpalipas ako ng ilang araw kina Cary bago ko mabalitaan na inatake pala si Mommy nung araw na nag away kami. Hindi ko alam ang gagawin ko at natatakot ako sa magagawa ni Daddy sa akin.

Nakita kong umilaw ang cellphone ko. Nagtext si kuya Zeke.

"Aia (aya) baby. You need to go home now. Hinahanap ka ni Mommy and she wants to talk to you asap. We already know what happened." hindi na imposibleng malaman nila kuya ang nangyari. Kinausap na rin ako ng mama ni Cary na umuwi na ako, pero nagmatigas ako.

Hanggang isang araw, dumating si Daddy sa bahay nila Cary, at nataon na umalis ako upang asikasuhin ang perang naitago ko.

"Beshiecake. Umuwi ka na muna dito sa bahay, your daddy is here. And nagagalit siya kina mama at papa. Nagbabanta pa na he will do anything para bumagsak ang negosyo namin. Please Shan, bumalik ka na. Natatakot na kami. We all know what your father can do." nang mabasa ko ang mensahe ni Cary ay dali dali akong umuwi sakanila at naabutan si Daddy na kinakausap si Tito Dan, ang papa ni Cary.

"Please Fernan, Tinulangan lang ng anak ko ang anak mo. Wala kaming ibang gustong mangyari. Ilabas mo sa galit mo ang negosyong matagal kong tinaguyod." saad ni tito Dan. Naiiyak na ako, hindi nila deserved ang ginagawa ni Daddy sakanila.

"Magkano ba ang gusto niyo at ng anak mo para iwasan si Shanaia?! Name your price!" maangas na tanong ni Daddy. Hindi ako makapaniwala na hahantong sa ganito si Daddy.

"Walang kahit na anong katumbas ang pagmamahal na meron sila tito sa akin at ako sakanila, dad. Sasama ako sayo, and you'll leave them forever. Hinding hindi ko hahayaang saktan mo ang pamilyang tinanggap at minahal ako. Na wala sa pamilya mo." mapait kong sabat. Napatingin sa akin si Tito Dan at si Daddy. Ngumisi ang tatay ko na may halong pangungutya.

" Oh please Shanaia! Stop that drama of yours. Wala tayo sa teleserye para umarte ka ng ganyan. Bago ko pa sirain ang buhay ng "pamilyang tinanggap at minahal" ka. You better leave this disgusting house at sumama sa akin!! And yes, inuutusan kita." nauna siyang lumabas sa akin at dali dali ko namang niyakap si Tito Dan at humingi ng tawad.

*end of flashback*

"SHANAIA!?" bumalik ako sa ulirat ng may tumawag sa pangalan ko. Napatingin ako sa paligid. At may isang rebulto ng lalaki akong nakita. Hindi ko ito maaninag dahil nasa madilim na parte siya.

"Shanaia?! Is that you?!!" tumakbo siya palapit sa akin at yumakap. Nabato ako sa kinauupuan ko.

His scent.

His voice.

Biglang kumirot ang puso ko.

Pamilyar ang sakit.

Sobrang sakit.

Agad ko siyang tinulak, ngunit mas malakas siya at hinigpitan Ang yakap niya.

Tumulo ng kusa ang mga luha kong matagal kong pilit na tinatago. Damn these tears!

Buong pwersa ko siyang tinulak at sinampal.

Akma niya akong lalapitan muli ngunit agad kong kinuha ang mga gamit ko at patakbong nilisan ang Lugar na iyon.

Ang dami daming katanungan sa isipan ko. Pero isinantabi ko iyon.

Okay na ako.

He doesn't deserve my tears anymore.

He doesn't deserve everything from me anymore.

and I don't deserve this.

Next chapter