webnovel

TSCE: The Sweetest Memory

***

"Coffee with cappuccino, please?" ang order ko doon sa counter.

Pagkatapos ay dumiretso na ako papunta sa mesang nasa may bandang dulo ng shop. Kaunti pa lang ang mga customers sa loob kung kaya ay marami pa ang bakanteng mga mesa't upuan.

Nakasanayan ko na'ng tumambay sa coffee shop na ito tuwing umaga lalo na pagkatapos kong mag-jogging. Napakaganda ng ambiance at nakakarelax din ang kanilang amenities. Maraming bagay ang tumatakbo sa isipan ko ng mga sandaling iyon nang may biglang sumagi sa aking isipan. At hindi ko maitatanggi na muli akong nakaramdam ng pagkalungkot.

Marahan kong ikinalat ang aking paningin sa paligid. Pakiramdam ko'y tila ba may kulang sa akin habang ako'y nananatili roon.

Ang lugar na ito . . .

Ang coffee shop na ito . . .

Dito ko babalikbalikan ang isang matamis na ala-ala na sa aking imahinasyon na lamang ngayon mananatili.

_________

[Flashback]

"Ang lakas ng ulan." I worriedly said, habang sinisiguro kong napapayongan ko pa rin siya ng maayos. Kahit na mabasa ako ay okay lang sa'kin.

"Lumalakas pa lalo." ang sambit naman niya. "Sumilong muna tayo do'n. Tingnan mo oh, mababasa ang books mo niyan sa loob ng 'yong bag. Hindi kaya ng paying mo ang tubig-ulan." Ang nag-aalala niya pang sabi sa akin.

"So, do'n sa books ko ka lang concern?" Sa una'y seryoso ngunit ay bigla akong napangiti sa kanya.

"Sus naman 'to oh!"

At pumasok na nga kami sa loob ng isang coffee shop.

I was rubbing my palms, at nung naramdaman ko na ang init na nagawa ng friction ay saka ko idinampi ang aking mga palad sa'king leeg at pisngi upang kahit papaano ay maibsan ang lamig na aking nararamdaman. Umupo na ako sa isang upuan, doon sa mesang nasa may bandang dulo. Naabutan naming marami-rami na din ang customers sa loob ng tindahan nang sandaling iyon.

Nagulat ako dahil hindi pala nakasunod sa akin si Jemmi. At nang aking pansinin ay pumunta na pala siya sa may counter. Ang usapan namin ay makikisilong lang kami, pero ano'ng ginagawa niya doon? I felt worried dahil nang tiningnan ko ang aking pitaka ay kense pesos na lang pala ang lamang barya niyon.

'Lagot! Mukhang mag-shoshort 'ata ako nito ah.' Ang sambit ko sa aking sarili.

Papalapit na siya sa kinaroroonan ko nang aking mapansing dala-dala na niya ang kanyang inorder na isang mug ng coffee.

"Jeyson..." she lovingly called my name.

Aaminin ko na kinilig ako, pero ay hindi ko din maiwasang mag-alala sa magiging bill sa kanyang inorder.

Hindi pa rin siya umuupo. She's just giving me a mystifying smile. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Ngunit ay patuloy pa din akong kinakabahan.

Tumingin ako sa aking paligid. Hanggang sa mahagip na ng aking paningin 'yung aircon ng shop na naka-set sa number 16.

"Nasa south pole ba tayo? Ang lamig na ah." gusto ko lang na ibahin ang usapan.

Nakatingin pa rin siya sa akin at nakangiti.

Ako 'yung bully dito eh, ba't parang ako 'ata ngayon ang na-iintimidate sa kanya? Hindi ko tuloy magawang makatingin sa kanya ng diretso.

"U-Umupo ka na sa---"

"Jeyson..." tinawag niya ulit ang pangalan ko nang may paglalambing pa rin.

I cleared up my throat, at umayos ako sa aking pagkakaupo. Para ba akong isang toddler na maya-maya lamang ay pagagalitan na ng kanyang magulang. But I noticed that the sparks in her stunning eyes were different that moment.

Ano'ng meron? 'yun sana ang nais kong itanong sa kanya, subalit ay pinili kong huwag na lang itong banggitin.

Sa pagkakataong iyon ay marahan na siyang umupo sa kabila, at kanyang inilagay ang tray sa ibabaw ng mesa. Sinusubukan ko pa ring tuklasin ang rason sa kabila ng kanyang kakaibang ikinikilos. Nakangiting tumingin ulit siya sa akin. Yung kanyang facial expression na talaga nga namang nagpapabagal sa pag-ikot ng aking mundo.

"Jeyson..." marahan ay kanyang inikot ang tray at inilapit niya iyon sa akin. I was just staring at her. "Thank you for all the patience, sacrifices, and pag-intindi mo sa isang katulad ko..."

Hindi ako halos makapagsalita habang pinagmamasdan pa rin siya. 'Yung kanina kasi ay nakangiti siya, pero ngayon ay maluha-luha na siya.

Dahan-dahan ay ibinaba ko ang aking paningin papunta sa mug ng coffee na inorder niya.

It really surprised me a lot. Tila ba natunaw bigla ang lamig na bumabalot sa aking katawan pagkatapos niyon. Hindi muna ako makapaniwala nung umpisa. Hindi ako makapagsalita. Mabilis sa pagtibok ang aking puso ng dahil sa labis na tuwa. My world spun so slowly that I even want it to stop forever.

She was smiling with teary eyes.

Sa ibabaw ng mug ay nakahugis sa salitang "yes" ang inilagay na cappuccino sa ibabaw ng inorder na coffee.

I then approached her and hugged her with so much love. At sa labis na tuwa ko pa'y binuhat ko pa siya at inikot.

"Thank you so much" ani ko.

February 14, 2005, the day the cappuccino in the coffee told me "yes", and the most precious moment we became officially on together!

[End of Flashback]

_________

"Excuse me sir, here's your coffee po." Nabasag ang aking pagbabalik-tanaw nang may biglang nagsalita.

Marahang inilagay ng crew sa ibabaw ng mesa ang ini-order kong kape.

"Thanks." I gladly said.

Pagkuwa'y hindi ko naiwasang mag-isip ulit. I shook my head. Tama na please!

Naaamoy ko ang masarap na aroma ng kape. Subalit ay tinititigan ko lamang yun, at tila lumulutang na naman ang aking pag-iisip.

"Hey, M-Mr. Break?"

Hanggang sa naagaw ang aking atensyon mula sa kung sinong biglaang nagsalita.

Nagulat ako dahil nang aking alamin ay si Merlyn lang pala iyon. Nakangiti siya na marahang umupo sa kabila ng kinaroroonan kong mesa.

"I-Ikaw pala." ang maikli kong sambit sa kanya nang nakangiti din, ngunit maya-maya lang ay naging seryoso ulit ako at pinagmasdan ang kape sa aking mug.

"Here's your coffee ma'am." Narinig ko ang sinabi ng crew na lumapit at iniabot ang order ni Merlyn.

"Salamat." ang masiglang wika niya.

Bumaling siya sa akin.

"Ay sorry ah, hindi pa pala ako nagpapaalam sa'yo. Pwede ba akong umupo rito?" aniya.

Natawa ako sa kanyang sinabi.

"Hehehe. Andyan ka nga eh." Ang natatawa kong sabi.

At natagpuan namin ang aming mga sarili na tumatawa. Samantala ay hindi lang naman namin pansin na umaambon na pala sa labas ng kinaroroonan naming coffee shop.

***

Next chapter