webnovel

ELAINE'S TESTIMONY

Nakaplano na ang dapat nilang gawin nang araw na yun kung hindi nagpunta sa opisina ni Dixal si Nicky.

Sa unang pagkakataon, yumukod ang babae kay Flora Amor bilang paggalang.

"Good day po Mamdam Flor. Sensya na po kung hindi ko agad kayo nakilala nung makasama kayo sa meeting namin noon. Akala ko si Ms. Shelda ang kasama ni Sir nun." anito

Sandali siyang natahimik at nag-isip. Nang maalala kung kelan nangyari ang sinasabi nito'y saka siya lumapit dito at pinatayo ito nang maayos.

"Asus, okay lang yun. Di naman din malalaman ng iba na ako ang asawa ni Dixal kung hindi ako nagalit sa kanya sa loob ng department mo. Wala naman ata siyang balak ipakilala ang kanyang asawa sa publiko." pabiro niyang wika sabay sulyap nang pasuplada sa lalaking nakalapat ang pwet sa gilid ng work table nito habang nakaapak sa sahig ang isang paa at ang isa ay nakaangat.

Napakamot ito sa noo sabay ngiti sa kanya.

Si Nicky nama'y nahihiya ring napangiti sa kanya.

"Ano pala ang pakay mo?" usisa ng lalaki rito.

May mahalaga daw pong sasabihin sa inyo si Elaine pero nahihiya siyang magpunta rito kaya ako na lang ang nagkusa. Baka sakali makatulong yun sa pagsolve ng kaso tungkol sa JC Construction Company.

Nagkatinginan sila ni Dixal saka siya lumapit sa asawa.

"Dixal, patawarin mo na si Elaine. Seguradong may dahilan siya kung bakit siya pumayag maging spy sa company mo." pakiusap niya sa asawa.

Sandali itong sumimangot saka umiwas nang tingin sa kanya.

"Dixal, please." yumakap na siya rito at parang batang naglambing. "Ipakita mo sa kanyang mabait ka pa rin kahit ganun ang ginawa niya." hikayat niya rito.

Pinitik nito nang marahan ang kanyang noo.

"Parang sakin ka lang ata laging galit eh. Di mo magawang magalit sa ibang tao." puna nito sa kanya.

Humagikhik lang siya.

Napalingon si Nicky sa labas ng pinto ngunit kinikilig na lihim na napapangiti sa dalawa.

"Oo na, sige na. Patatawarin ko siya pero hindi na siya pwedeng magtagal rito. Bibigyan ko siya ng ibang trabaho pero nasa kanya pa rin kung tatanggapin niya yun, basta bawala na siya sa FOL BUILDERS." sagot nito.

Napairap pa rin siya sa sinabi nito.

Nang mahalata yun ng asawa'y saka siya niyakap.

"This company has its own rules. Kahit ako, di ko pwedeng suwayin yun, Amor."

Napangiti na lang din siya.

"Oo na po." pagsang-ayon niya. "Lika na. Puntahan na natin si Elaine." yaya niya saka kumawala sa pagkakayakap rito at nauna nang lumabas ng opisina ngunit nang makita sa labas ang mga empleyadong nagsisipagdaan at napapayukod sa kanya ay naiilang syang napahinto sa paglalakad at inantay ang dalawa sa likuran saka pinauna si Dixal ngunit sa halip na maunang maglakad ay hinawakan nito ang kanyang kamay at sabay silang naglakad sa hallway. Napapatigil ang lahat ng mga nakakakita sa kanila at napapaawang ang mga bibig habang nakatitig sa kanilang dalawa, saka na ang mga ito nakakaalalang bumati sa chairman pag napapadaan na sila.

Namumula ang mga pisnging napapangiti na lang siya habang mahigpit ang hawak ng asawa sa kanyang kamay, wala siyang choice kundi sabayan itong maglakad.

"Nicky, makipagcoordinate ka kay Lemuel. Gusto kong magpatawag ng press conference para ipakilala sa lahat ang asawa ko." utos ni Dixal kay Nicky nang mapansin ang gulat sa mga mukha ng mga empleyadong nakakakita sa kanila.

"Yes po, Sir." sagot ng babae sa hulihan nila.

Di siya makahagikhik nang mga sandaling yun dahil sa dami ng taong nakakakita sa kanila at sa seryosong mukha ni Dixal habang naglalakad sila papunta sa research department. Subalit lumulukso sa tuwa ang kanyang puso nang marinig ang asawang magpapa-press conference pa talaga para lang ipakilala siya sa madla.

Para siyang teenager na kinikilig habang kahawak kamay ang kanyang crush.

Hayyyy ang sarap sa pakiramdam. Sana, laging ganto.

Sa dami ng imahinasyong sumagi sa kanyang isip, di niya namalayang nakapasok na pala sila sa loob ng research department. Tulad nang mga empleyado kanina, nagpakanganga rin ang mga naruon pagkakita sa kanila, saka lang bumabati pag napapadaan na sila at pinandidilatan ni Nicky.

Di pa rin seguro makapaniwala ang mga to na siya talaga ang asawa ni Dixal.

Pagkapasok sa loob ng opisina ni Nicky ay saka lang niya binawi ang kamay sa asawa at lumapit kay Elaine na noo'y nakaupo sa visitor chair sa harap ng mesa ng manager.

Napatayo ito nang makita sila.

"G--ood afternoon po Sir, Maam--" bati nito saka siya sinulyapan at nahihiyang yumukod sa kanya.

Naaawa siya sa babae lalo na nang mapansin niyang malaki ang ipinayat nito ngayon at parang bigla itong tumanda sa itsura nito. Pero ayaw niyang kunsintihin ito sa ginawa sa kanya. Gusto niyang ipakita ritong galit siya.

"Anong kailangan mo bakit kami pa pinapunta mo rito?" pasuplada niyang tanong sabay halukipkip sa harap nito.

Yumuko ito agad at ilang beses na napabuntunghininga.

"Gusto ko pong tumestigo laban kay Mr. Amorillo Senior at sa JC Construction Company."

mahina ang boses na sagot nito.

Itinuro ni Nicky ang swivel nito kay Dixal, duon pinaupo ang lalaki at sa kanya nama'y hinila nito ang isa pang swivel chair sa tapat ni Elaine saka siya pinaupo duon habang ito'y sandali munang tumayo bago kumuha ng isa pang upuan sa labas ng opisina at pagbalik ay humarap na rin sa kanila't naupo na rin.

"Simulan mo nang magsalita." utos niya sa kaibigan.

"Pamangkin po ako ng CEO ng JC Construction Company. Inutusan niya akong magresign sa trabaho ko at mag-apply sa FOL BUILDERS bilang spy nila kapalit ng 60k kada buwan kong sahod sa pagtatrabaho bilang spy nila. Nung una ay ayaw kung pumayag pero napilitan ako kasi---" natigil ito sa pagkukwento saka napahikbi.

"Kasi may leukemia ang panganay ko, kailangan namin siyang ipagamot." saka ito napaiyak.

Nakaramdam siy ng awa sa kaibigan.. Bakit di man lang ito nagkwento sa kanya tungkol sa anak nito gayung magkaibigan naman sila. Bakit kailangan nitong sarilinin ang lahat?

"Yun lang ang naisip kung paraan para magkaruon kami ng perang pampaospital sa anak ko." dugtong nito sa pagitan ng pag-iyak.

"Pera kapalit ng pagkakaibigan natin?"putol niya sa sinasabi nito.

Saka ito bumaling sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Maniwala ka sakin, Flor. Hindi ko alam na may resume ka rin pala noon, na dito ka rin magtatrabaho. Ni hindi ko alam na asawa mo si Sir. Basta sumusunod lang ako sa sinasabi nila sakin." paliwanag nito sa kanya.

Nagsalubong ang kanyang mga kilay at binawi ang kamay sa babae.

"Pano pala kung di ako nagtrabaho dito? Patuloy ka pa rin sa paggawa ng alam mo namang masama sa kapwa mo? Ilang empleyado ang muntik nng mawalan ng trabaho dahil sa kasakiman mo? Di mo ba naisip yun?" sermon niya rito.

Nanatili lang nakikinig sa usapan nila ang dalawa pa sa loob ng opisina.

"Flor, patawarin mo ako. Hindi ko alam kung paniniwalaan mo pa rin ako kung sasabihin ko sayong matagal na akong tumigil, simula nung makulong si Maam Veron pero tinakot nila akong dudukutin sa ospital ang anak ko pag di ako sumunod sa gusto nila. Ina ka rin Flor. Gagawin mo rin ang ginawa ko kung ikaw ang nasa katayuan ko."patuloy nito sa pagpapaliwanag sa kanya.

Natahimik siya't iniiwas ang tingin rito.

Sa totoo lang wala siyang galit sa puso para sa babae at naaawa rin siya rito pero gusto niyang iparamdam ditong hindi tama ang ginawa nito.

"Nung inutusan ako ni Sir, Amorillo na patawirin ka sa kalsada, hindi ako sumunod. Tumakas pa ako sa mg dumukot sakin pero anak ko na naman ang ginawa nilang dahilan para sumunod ako sa kanila. Wala akong magawa, isa lang akong inang gustong iligtas ang anak ko." tuluyan na itong napahagulhol sa sariling mga palad.

Awang-awa siyang tumingin sa asawa at tila nagsasabing--"Dixal, patawarin mo na siya."

Napabuntunghininga ito.

"Ano ang koneksyon ng matanda sa JC Construction Company?" tanong ng lalaki.

Matagal bago nakasagot si Elaine, at nang huminto sa pag-iyak ay bumaling sa lalaki.

"Ang lolo mo ang may-ari ng kompanyang yun. Yun ang ginagamit niya para mapabagsak ang kompanya mo dahil ayaw niyang nagmamalaki ka sa kanya. Hindi lang ikaw ang gusto niyang pabagsakin, pati na yung ibang mga kompanyang nakikipagkumpetensya sa kanila. Gumagawa sila ng paraan para makuha ang isang shareholder sa isang kompanya tapos saka nila iba-blackmail tulad ng ginawa nila kay Edmund Villaberde at Maam Veron para pumayag ang mga to sa gusto nilang mangyari. Pero nahihirapan silang pabagsakin ka kaya, si Flor ang ginawa nilang pain." mahaba nitong kwento.

Napamura si dixal sa narinig at sinuntok ang ibabaw ng mesa.

"That damn old man! Bakit siya pa ang naging lolo ko?" matigas nitong sambit habang litid ang mga ugat sa leeg.

Nagulat siya sa ginawa ng asawa ngunit sandali lang yun.

"Bakit niya gustong pabagsakin ang kompanya ni Dixal gayung maglolo sila?" nalilitong tanong ni Nicky.

"Sabi sakin ni Uncle, may ibang negosyo sina Donald Randall at Sir Amorillo. Kailangan nila ang gusaling to para mapalago ang negosyo nila. Idadaan din nila sa bankruptcy ang kompanya sakiling maangkin nila ito tulad ng ginawa nila sa Amorillo Construction Company saka daw nila ilalatag dito ang lihim na negosyo." kwento nito.

Natahimik ang lahat, hindi makapaniwala sa testimonya ni Elaine.

"Kung paninindigan mo ang testimonyang yan, ipapagamot ko ang anak mo." untag ni Dixal sa katahimikan saka tumayo.

Napahagulhol na muli si Elaine at mabilis na

tumayo saka lumuhod sa harap ng lalaki.

"Hindi po ako humihiling sa inyo ng kabayaran sa gagawin ko, Sir. Tama nang mapatawad niyo ako ni Flor. Pero paninindigan ko po ang testimonya ko. Hindi niyo po kailangang magbigay ng tulong sakin."anito sa pagitan ng paghagulhol.

Napatayo na rin si Nicky at tumalikod sa kanila habang nagpapahid ng mga luha sa mata.

Siya'y nanatili lang nakaupo ngunit hinayaang mamalisbis ang luha sa mga mata.

Inalalayan ni Dixal sa pagtayo si Elaine at hinawakan sa magkabilang pisngi.

"I'm not doing this for you. I'm doing this for my wife and your child. I'm doing this for my employees. Gusto kong iparamdam sa kanilang hindi ko sila tinatratong ibang tao. I'm treating my employees as part of my family kaya in return gusto ko nang mga empleyadong loyal sa kompanya kahit di na sakin." sagot ng lalaki.

Napalakas lalo ang hagulhol ni Elaine at paulit-ulit na nagpasalamat sa chairman.

"Maraming salamat po. Maraming salamat po." wala itong tigil sa pagpapasalamat sa amo.

Dun na siya tumayo at niyakap ang kaibigan sa likuran.

"Tumigil ka na nga sa kaiiyak mo. Bruha ka, dami mong nilihim sakin. Dapat pinakukulong na kita sa ginawa mo eh." pabiro niyang singhal dito.

Napaharap ito sa kanya at mahigpit na gumanti ng yakap.

"Flor, Flor. I'm sorry. I'm so sorry. Patawarin mo ako sa ginawa ko.Patawarin mo ako." anito, di pa rin matigil ang pag-iyak.

"Oo na, hindi naman ako galit sayo eh. Tumahimik ka na at bumalik sa trabaho nang makabawi ka sa kabutihan sayo ni Dixal." sagot niya.

Ilang beses itong tumango.

"Oo. Oo. Babawi talaga ako. Babawi ako sa inyo Flor, sa kabutihan niyo sakin." paulit-ulit nitong sambit.

Hinagod niya ang likod nito at nakangiting tumingin sa asawang napakamot na uli sa noo.

"Salamat." bulong niya sa hangin.

Ngiti lang ang isinagot nito.

Next chapter