webnovel

MEMORIES OF THE PAST

"Are you sure, this is authentic?" paniniyak ni Dixal sa kaibigan nang kinabukasan din ay maibigay sa kanya ang hinihinging live birth ng anak ni Harold. Nakalagay nga roong ito ang ama ni Devon Salvador.

"Yes. 'Yan ang ibinigay saking document ng investigator," anang kaibigan pagkuwa'y tumayo mula sa pagkakaupo sa mahabang sofa ng kanyang opisina at iniwasan ang naunuri niyang mga titig saka naghalungkat ng mga folders sa ibabaw ng kanyang mesa.

"Ito pala ang pinirmahang contract ni Mr. De Ocampo kahapon. Kelan mo sisimulan ang paggawa ng plano? Di ba't may usapan kayong ikaw mismo ang gagawa ng plano sa mga projects na ipinapagawa niya?" pag-iiba nito ng usapan habang nakatingin sa mga documents.

"You can't hide anything from me, Lemuel. Tell me the name of that investigator," matigas niyang sambit sa lalaki habang hawak ang live birth ni Devon at matalim ang mga titig sa kaibigang halatang umiiwas sa usapan.

"I told you that's authentic. Kahit ipa-check mo pa sa PSA. Pati ba ako, pinagdududahan mo na ngayon?" aburido na ring sagot nito.

Matiim niya itong tinitigan kung nagsasabi nga ito ng totoo at nang walang makitang kahina-hinala dito'y napamura siya.

"Fuck!" Gigil na nilamukos ang papel at pabagsak na itinapon sa katabing trash beam habang nakaupo sa kanyang swivel chair saka itinukod ang magkabilang siko sa ibabaw ng mesa at tinakpan ang mukha't matagal na nag-isip.

Kung totoo ang live birth na 'yon at anak nga ng lalaking 'yon si Devon bakit iba ang lukso ng dugo niya sa batang 'yon kahapon? Bakit sila magkamukha at parehas ng hilig? Bakit siya nito tinatawag na daddy kung 'di naman siya ang ama?

Subalit may tiwala siya kay Lemuel. Hindi ito magsisinungaling sa kanya. Ngunit kilala rin niya ang kaibigan sa pagtatago ng mga bagay na confidential. Sa tono ng pananalita nito'y wala talaga itong balak magtapat sa kanya kung sino ang kinuha nitong investigator, bakit sa gano'n lang kaikling oras ay nakuha na agad no'n ang live birth ng bata?

"Dixal. Ang tungkol sa ama ni Shelda. Ano'ng plano mo sa kanya?" Ang tanong na 'yon ng kaibigan ang pumukaw sa malalim niyang iniisip, bumaling siya rito.

"Hayaan muna natin sila hangga't mailabas nila lahat ng kanilang baho. Make sure na hindi mapapahamak ang itinalaga mong magmanman sa kanila," utos niya't inayos ang upo saka kinuha sa kaibigan ang papeles na pinirmahan ni Mr. De Ocampo kahapon.

"Bakit wala pa si Amor dito?" usisa niya.

"Siya ang pinapunta ko sa Novaliches para makipagkita sa isang client doon," sagot nito.

Nagpantig agad ang kanyang tenga, matalim ang titig na ipinukol dito.

"Who gave you the right to do so?!" paasik niyang tanong.

"Dixal, she'll not learn anything kung andito lang siya sa tabi mo kasi pina-pamper mo siya. Let her explore in some other place nang sa gayon, matuto siya sa negosyo. After all she's your wife. Lahat ng pagmamay-ari mo'y pagmamay-ari niya rin. Let her do her share to help you," paliwanag nito.

He gritted his teeth angrily at biglang tumayo para sunggaban ang kaibigan ngunit nagawa pa rin niyang magpigil, sa halip ay itinulak na lang niya itong muntik nang mapahiga sa tiles na sahig saka ito dinuro.

"Who told you to do that, ha?! You have no right to tell her what to do because she's my wife! My wife!" sigaw niya sa lalaki sa sobrang galit.

"Dixal, I didn't mean to-"

"Pa'no kung may mangyaring masama sa kanya do'n? Kaya mo bang ibalik ang buhay ng asawa ko?"

Namutla ang lalaki sa nakikitang galit sa mukha niya lalo na nang akma niya itong susuntukin subalit 'di niya itinuloy, sa halip ay itinuro niya ang pinto.

"Get out! I don't wanna see your face for now!"

"Dixal, you're just thinking too much. It's just about business."

"Kailangan ko pa bang ipaalala sayo kung anong nangyari sa kanya sa lugar na 'yon, Lemuel? O sinadya mo talagang doon siya papuntahin? Did you?" pang-aakusa niya sa galit na boses.

"Dude, I didn't mean anything. Gusto ko lang siyang matuto sa trabaho," patuloy nito sa pagpapaliwanag.

"Get out!"

Pero hindi ito tuminag sa kinatatayuan.

Sa sobrang galit ay inumbagan niya itong agad napasubsob sa sahig. Kung hindi lang siya nagpipigil ay 'di lang iyon ang aabutin nito. Subalit sa halip na ibunton sa kaibigan ang lahat ng galit ay siya na lang ang lumabas ng opisina. Susundan niya si Amor sa Novaliches. Hindi niya mapapatawad ang sarili sa pagkakataong iyon sakaling may mangyari na uling masama sa kanyang asawa. Tiniis niya ang maraming taong magkahiwalay sila dahil alam niyang nasa mabuti itong kalagayan at malayo sa mga taong naging dahilan ng paghihirap nito noon. Subalit ngayon, isipin pa lang niyang aapak na uli si Amor sa lugar na 'yon, kung anu-ano nang pumapasok sa kanyang isip.

What if may masama na ngang mangyari sa asawa sa pagkakataong iyon. What if--.

"No!"

Hindi niya hahayaang may mangyaring masama dito.

Hahanapin niya agad ang asawa. Hindi ito. maaaring magtagal do'n.

------

INIS NA INIS SI FLORA AMOR habang nakikipagsiksikan sa loob ng LRT nang umagang 'yon. Ngayon niya pinagsisisihan kung bakit hinayaan niyang makita ng vice-chairman sa pasilyo papunta sa opisina ni Dixal.

Sukat ba namang utusan siyang magpunta sa Novaliches para makipag-usap sa isang kliyente do'n samantalang wala pa naman siyang gaanong alam sa trabaho, and the worst thing is, ni hindi nga niya alam kung paano niyang kakausapin ang sinasabi nitong kliyente.

Ang tangi lang nitong ibinigy sa kanya ay isang folder kung saan naroon ang mga papeles na papipirmahan daw niya sa tinutukoy nito at ang picture ng taong kakatagpuin.

Gosh! Ngayon pa lang, maloloka na siya kakaisip kung anong gagawin at sasabihin sa harap ng taong 'yon. 'Di man lang siya ini-briefing sa mga bagay na dapat niyang malaman at dapat gawin, kahit ano wala, basta na lang ibinigay sa kanya ang folder na 'yon, saka siya pinaalis.

Mabuti na lang nakadalawang beses na siyang sumakay ng LRT, kung hindi, baka sa pagsakay pa lang, shunga-shunga na siya. Nakakahiya sa mga makakakita.

Grrrrr!

Ngunit sa isang banda, magandang pagkakataon ito para mabisita niya ang mga kaibigan noon at mapuntahan ang puntod ng kanyang ama.

Sinipat niya ang suot na wrist watch, alas-otso y medya pa lang. Mamaya pang ala una ang meeting niya sa kliyente, may oras pa siya magliwaliw sa Novaliches. Pupunta siya sa university kung saan siya nag-aral noon, sunod ay dadalaw siya sa puntod ng ama. Pero nang maalalang 'di nga niya pala alam kung saan ito nakalibing ay nanlumo siya. 'Di bale, 'pag nakarating na do'n, tatawag siya kay Harold at itatanong kung saan nakalibing ang ama nila.

Sa dami ng iniisip habang nasa loob ng LRT ay muntik na siyang lumampas sa Balintawak Station. Buti nakita niya ang malaking karatola kung saan nakasulat ang "BALINTAWAK" pagkahinto ng sinasakyan.

"Woah! What am I going to do next?" tanong niya sa sarili nang maalalang 'di pala niya alam saan ang sakayan ng pa bayan dito.

Naglakad muna siya hanggang makalampas sa Ayala Mall at marating ang mataong palengke saka siya nagtanong sa isang tindero doon at nang ituro nito ang paunahan pa'y naglakad na uli siya, maya-maya'y narinig ang malakas na busina ng sasakyan. Bahagya niya lang nilingon ang bumusinang kotse at dere-deretso na siyang lakad uli.

Muli na naman iyong bumusina.

"Flora Amor! Flor!"

Napahinto siya't agad pumihit paharap sa tumatawag.

"Oh my! Mariel? Is that you?"

Huminto ang kotse sa harap niya habang nakadungaw si Mariel sa bintana at panay kaway sa kanya.

"Flor! Ang ganda-ganda mo na!" Humahagikhik nitong wika pagkatapos lumabas ng kotse at niyakap siya nang mahigpit.

"My gosh! Babaeng-babae ka na Mariel!" ganti niyang papuri dito.

"I missed you, Beshie. Sobrang miss talaga kita. Akala ko nga 'di na tayo magkikita." mangiyak-ngiyak nitong sambit habang mahigpit ang yakap sa kanya.

At nang maghiwalay ang kanilang mga katawa'y tinitigan nila ang itsura ng isat isa.

"Ang ganda mo talaga ngayon, Beshie!" bulalas nitong naniningning ang mga mata sa paghanga sa kanya.

"Ikaw nga d'yan, tignan mo, ang sexy mo tingnan sa suot mo," ganti niya.

"Saan ka pupunta? Lika, sama ka muna sa bahay. Birthday ng panganay namin ni Anton ngayon."

Napamulagat siya sa narinig.

"Naging kayo ni Anton?!" bulalas niya sabay hagikhik.

"Congrats, Beshie. Sige sasama ako nang maka-jamming ko naman 'yong lokong 'yun."

Iginiya siya ni Mariel papasok sa loob ng kotse nito.

"Galing mo naman, Beshie. Parang ganda ng buhay niyong mag-asawa ngayon ah," pansin niya sa kaibigan habang nagmamaneho ito.

"Ikaw nga d'yan, Beshie. Akalain mo bang isa palang CEO ng Amorillo Construction Company ang napangasawa mo noon."

"Ha?" gulat siyang napatitig kay Mariel.

"Kilala mo si Dixal?" maang niyang tanong.

"Aba syempre. Isa kaya ako sa mga tumitili noon sa labas ng department 'pag nakikita ko 'yong hubby mo. 'Di ko naman alam na jowa mo na pala 'yon. Saka ko Lang nalaman no'ng nando'n ka sa ospital at siya ang nagbabantay sayo," kwento nito habang palipat-lipat ang tingin sa kanya at sa kalsada.

Natigilan siya. Naospital siya noon? Bakit? Kelan? Wala naman siyang natatandaang nagkasakit siya kahit sipon man lang noon.

"You mean, jowa ko na no'ng time na 'yun si Dixal?" maang pa rin niyang usisa.

"Asus, pa-innocent effect ka pa. 'Wag mong sabihing nakalimutan mo na 'yon. Dami mo kayang inilihim sakin," tila nagtatampong wika nito.

"Tulad ng ano?" blangko pa rin ang mukha niya, walang laman ang kanyang isip. Ni hindi niya alam kung anong sinasabi ng kaibigan.

Pairap na napasulyap sa kanya ang katabi.

"Mayor pala ang papa mo noon, 'di mo man lang sinabi sakin."

"Ha?" namutla siya sa narinig.

Mayor? Ano'ng Mayor ang sinasabi nito? Nagtitinda ng isda sa palengke ang papa niya, pano ito naging mayor?

"Ayy sorry nga pala. Hindi ko na pala sana pinaalala sayo. Pero 'di talaga ako makapaniwalang may kabit ang papa mo noon. Gulat na gulat talaga ako lalo na no'ng malaman kong pinatay siya pati ang mama mo."

Tila umikot ang kanyang paningin sa narinig mula sa babae kasabay ng pagpatak ng masaganang luha sa kanyang mga mata.

Nang makita iyon ni Mariel ay bigla nitong inihinto ang kotse at tinitigan siya.

"Beshie, are you alright? Sorry. Sorry. Hindi ko alam na masakit pa rin sayo ang nangyaring 'yon. Sorry, Beshie," nag-aalalang wika nito saka siya niyakap.

"Beshie. A-ano pa'ng alam mo tungkol sakin at sa pamilya ko?" usisa niya sa kabila ng tahimik na pagluha.

"Sorry. Hindi ko sinasadya. Akala ko kasi balewala na 'yon sa'yo. Sorry, Beshie," patuloy nito sa paghingi ng tawad.

Nang makabawi'y agad niyang pinahid ang mga luha sa mga mata saka ngumiti sa kaibigan, mapagklang ngiti. Sa pagkakataong 'yon, mas gusto niyang ipakitang wala na sa kanya 'yon kesa malaman nitong wala siyang matandaan sa mga nangyari.

"A-ano pa ang alam mong nangyari samin nung ando'n kami sa bayan?" ungkat niya.

"Are you sure okay ka lang?"

Tumango siya, malapad ang ngiting pinakawalan saka hinampas sa balikat ang babae.

"Sira, okay lang ako.S--yempre masakit 'yon pero tanggap ko na ang lahat," an'ya.

"Are you sure?" paniniyak nito.

Tumawa siya, mapait nga lang dahil hindi niya alam pa'no tumawa nang walang halong pagkukunwari ng mga oras na iyon.

"Sige na, Beshie, ikwento mo sa'kin ang lahat ng alam mo about sa'kin at sa family ko."

Pinaandar na uli nito ang sasakyan at pinatakbo bago muling nagsalita.

"Naku, 'wag na nating pag-usapan ang tungkol do'n, Beshie. Birthday ng anak namin ngayon kaya hindi pumasok si Anton at siya cook namin sa bahay. Seguradong magugulat 'yon pag nakita ka," pag-iiba nito ng usapan.

"Pa'no mo nalamang ikinasal kami ni Dixal Beshie?" usisa niya sa kaibigan.

"Si Anton ang nagsabi sa'kin no'n. Beshie, sana napatawad mo na si bakla sa pangingialam niya sa buhay mo noon. Pero maniwala ka sa'kin, ginawa niya 'uon para protektahan ka."

Tila nahilo na naman siya sa sinabi nito. Ano'ng kasalanan ng matalik niyang kaibigan ang 'di niya kayang patawarin? Wala siyang maalala, sumasakit lang ang ulo niya sa kakaisip.

Nasapo niya ang noo nang wala sa oras.

"Beshie, okay ka lang ba?" nag-aalalang usisa nito.

"Oo Beshie. Medyo masakit lang ang ulo ko. Napuyat kasi ako kakaisip sa anak ko kagabi,"

wala sa sariling sagot niya.

"May anak pala kayo ni Dixal? Woww Beshie, seguradong malaki na 'yon eh ang alam ko, 18th birthday mo no'ng ikasal kayo."

Gulat na naman siyang napatitig dito.

"Kanino mo nalaman?" taka niyang tanong.

"Kay Anton. 'Di ba nga may inutusan ang papa ni Anton para subaybayan ka? 'Do'n ka nga nagalit sa kanya 'di ba?" kaswal na sagot nito.

Napilitan siyang tumango ngunit iniiwas ang paningin dito. Wala talaga siyang matandaan sa mga sinasabi nito. Pero hindi magsisinungaling si Mariel sa kanya. Naniniwala siya sa mga kwento nito.

Kung wala lang siya sa loob ng sasakyan ng kaibigan, baka humagulhol na siya ng iyak. Ang kaalaman pa lang na may kabit pala noon ang sariling ama, parang gusto na niyang magwala sa galit. Pero pinigilan niya ang sariling damdamin. Ayaw niyang ipahalata sa kaibigang wala siyang matandaan sa mga nangyari sa kanya bago sila lumipat sa Cavite.

Next chapter