webnovel

HER PARENTS' TRAGEDY

Tulad nang nakagawian, madaling-araw pa lang nasa palengke na ang dalawang magkapatid. Hindi na niya pinagtrabaho ang ina. Sa kinikita nilang mahigit tatlong libo araw-araw sa pagtitinda lang ng isda sa palengke, makakagawa na rin siya sa wakas ng sariling kwarto. Ipapakiusap niya sa ina mamayang kausapin si Mamay Elsa para gumawa sila ng mezzanine sa may bandang sala upang maging kwarto niya. Seguro naman papayag ang matanda sa gusto niyang mangyari at sila naman ang gagastos sa pagpapagawa.

"Ate, 'yan na naman si lover boy mo," kalabit ni Harold sa kanya sabay nguso kay Dixal na papalapit sa kanila.

"Ha?"

Natameme siya nang makita ang binatang tila mas nauna pa sa kanilang magpunta do'n.

Hindi na ba ito umuuwing bahay?

"Itago mo ako," utos niya sa kapatid.

"Naku huli na. D'yan na oh."

"Good morning," bati nito nang makalapit.

Wala siyang nagawa kundi pilit na ngumiti at kunwa'y inaayos ang suot na apron.

"Hindi ka ba talaga nagsasawang magpunta rito?" usisa niyang pinahalata ang pagkadisgusto sa ginagawa nito.

Mahigit isang linggo na itong pabalik-balik sa palengke pero tila hindi man lang kakikitaan ng kapaguran.

Napagsabihan na niya si Anton kaya itinigil na ng kaibigan ang pagpunta do'n. Pero ang binata, balewala kahit anong sabihin niya.

"This is my choice. Okay lang kahit 'di mo ako pansinin. Kung gusto mo, sahuran mo na lang ako para 'di ka na mahiya sakin," nangingiti nitong biro saka inilapit ang mukha sa kanya.

Subalit maagap niyang nailayo ang katawan. Sa totoo lang, 'di na nakakatuwa ang ginagawa nito. Imbes na kiligin siya ay kung bakit iritang-irita siya rito lalo na 'pag nakikita itong nakangisi. Pero may parte ng isip niyang natutuwa 'pag nakikita itong wiling-wili sa ginagawa lalo na 'pag tinutulungan silang maglinis ng isda.

'"Yun nga ang problema eh, wala kami pambayad sa'yo. Kaya dapat 'di ka na nagpupunta rito," brusko niyang sagot.

Lalo lang lumapad ang ngiti nito.

"Hey, just treat me as your buddy. You don't have to be mad. Sanayin mo na ang sarili mong kasama ako. We're meant to be, after all," biro na naman sabay kindat sa kanya at kinuha ang isusuot na apron.

"Ano?!" napalakas ang hiyaw niya pero natawa din pagkatapos.

Meant to be!

Hindi niya alam kung bakit sa kabila ng tawa'y nakaramdam siya ng kirot sa dibdib sa sinabi nito.

"Ate, you're meant to be daw," tukso ng kapatid.

Binatukan niya ito. Isang malakas na halakhak lang ang iginanti ng huli.

Tuwang pinagmasdan niya si Harold. Ang laki ng ipinagbago nito mula nang magkasama silang magtinda sa palengke.

Nakikipagsabayan na itong makipagbiruan kahit kay Dixal. Mas madaldal pa nga ito sa kanya lalo pag ando'n ang binata.

Nagkukwentuhan ang dalawa habang nagtatrabaho, magkasabay na nagtatawanan. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hinahayaan na lang niyang tumambay duon ang binata para may palaging nakakausap ang kapatid.

"Tamo, kahit si Harold, boto sa'kin. 'Di ba bro?" kumindat ito sa binatilyo, nag-thumbs-up naman ang huli saka malakas na tumawa.

Kunwari'y napairap siya't iniwan ang dalawa saka may tiningnan sa labas ng palengke. Tila yata matumal ang pagpunta ng mga mamimili ngayon. Dati 'pag gantong oras na, merun na silang benta. Pero ngayon, wala pa rin.

"Amor..." napapitlag siya sabay lingon sa kinaroroonan ni Dixal.

Nagtatawanan pa ang dalawa nang tingnan niya.

"Ano 'yon?"

Dinig na dinig niya ang pagtawag na 'yon ng binata pero bakit tila busy ito sa pakikipagbiruan sa kapatid?

Tila napansin nitong nakatingin siya kaya lumingon ito't kumaway sa kanya.

'Di niya mapigilang mapangiti. Parang si Harold din ito. Noo'y lagi itong seryoso, saka lang nakangiti 'pag tinititigan niya kasabay ng paglalambing nito. 'Pag 'di nakatiis ay panakaw siyang hinahalikan sa kung saan. Pero ngayon, tila naging palabiro ang binata, tinutudyo siya pero hindi talk and touch.

Subalit napapansin niyang hindi man lang tumitibok nang mabilis ang kanyang puso na tila ba hindi nito nakikilala ang huli.

Ah, marahil ay tanggap na niyang 'di siya bagay dito at 'di niya kailanman ito maangkin. Sapat na sa kanyang lagi itong nakikita araw-araw, walang lambingan, walang intimate feelings, just buddies.

Napabuntunghininga siya at sinuyod ang buong paligid na tila ba may hinahanap ang kanyang mga mata pero nang walang makita'y bigla siyang nalungkot.

What's with her today? Parang may kulang sa araw niya ngayon. Parang bigla na lang kumirot ang kanyang dibdib.

Naninibago lang seguro siya, wala pa kasi silang benta hanggang ngayon. Sabagay, medyo madilim pa naman. Antay lang siyang kunti at may pipila na rin sa kanilang pwesto. Pinagbabalakan na rin niyang magpadagdag ng paninda kay Mamay Elsa para masulit nila ang buong araw at madagdagan pa lalo ang kanilang kita.

Bumalik siya sa pwesto nila at kumuha ng yelo sa styrofoam box na naro'n.

"Amor...sweetie..." agad siyang nag-angat ng mukha at kunut-noong bumaling sa binata.

"Bakit?"

"Huh? Why?" takang tanong nito.

Naguluhan siya. Kanina pa siya nito tinatawag pero nung tanungin niya'y balik-tanong lang din ang isinagot nito.

"W--wala. Wala," nasambit na lang niya't pinatungan ng tube ice ang paninda.

Had she known that Dixal was out there staring at her calling her name, she would surely run into him and hug him so tight. But she wasn't aware of anything. It was just Dixal's wild imagination.

"I'm warning you. The moment you approach her, you'll see her cold corpse later."

Wala itong magawa kundi titigan siya sa malayuan.

---------

MAGHAHAPON na nang maubos nila ang mga paninda.

"Seguro naman pwede na kitang maihatid ngayon," bulong ng binata sa kanya habang inililigpit niya ang mga gamit.

"Tse!" bara niya pero nakangiti.

"Hey, I think I'm fallen for you," dugtong nito.

Agad na namula ang kanyang pisngi sa narinig, kasabay ng pag-angat niya ng mukha at tinitigan ito ngunit agad din inilayo ang paningin. Bakit 'di niya kayang titigan ang binata na tila ba magkakasala siya lagi 'pag ginawa 'yon?

"Umuwi ka na. Wala ka pang kain kaya kung anu-anong pinagsasabi mo." Iwas niya saka hinila si Harold palayo.

Naiwan itong tumatawa.

"Hey, what if you fall for me too? I'll Marry you for sure!" habol sa kanya.

Nagtilihan ang mga taong nasa paligid pagkarinig sa tinuran ng binata.

"Umuwi ka na, baliw!" sigaw niya saka binatukan ang nanunudyong si Harold.

"Nagpapaniwala ka sa biro ng lalaking 'yun, sira," baling niya sa kapatid.

"Wala namang problema do'n 'te. Mabait naman si Dixal. Tsaka may trabaho naman siya," pagtatanggol ng kapatid sa lalaki.

"Asus, maniwala ka do'n. Kung may trabaho 'yon, bakit araw-araw na nakatambay sa'tin? Baka sinibak na 'yon ng amo nitong madaldal kaya walang magawa sa buhay at satin nangungulit," mahaba niyang sagot saka ito inakbayan at sabay silang naglakad pauwi.

Bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo kasabay ng paninikip ng dibdib at biglang pumasok sa balintataw ang mga magulang.

Napahinto siya sa paglalakad. Sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang dibdib, 'di na siya makahinga. Napansin 'yon ng kapatid.

"Ate, may problema ba?" nag-aalalang usisa nito.

"W-wala to," sagot niya, pilit pinapakalma ang sarili.

"Uwi na tayo, baka nagtataka na siama kung bakit tayo inabutan ng hapon sa palengke," an'ya saka siya pumulupot sa bisig nito para 'di siya matumba.

Mabilis siya nitong inalalayan.

Nasa labas pa lang sila ng kanto ay napansin na niyang nakatingin sa kanila ang lahat ng tao, nagbubulungan ngunit wala siyang marinig sa sinasabi ng mga 'to. Lalo lang sumidhi ang kabog ng kanyang dibdib.

Malapit na sila sa kanilang bahay nang mapansin ang maraming taong nakaharang sa masikip na daan at tila may tinatanaw sa loob ng bahay nila.

"'Te, ano 'yin?" takang tanong ni Harold, 'di mapigilan ang sarili't kumaripas ng takbo.

Siya ma'y binilisan ang paglalakad kahit na nahihirapang huminga, lalo na nang marinig ang malakas na iyak ng bunsong kapatid.

Una niyang napansin si Dixal na nakatayo sa may pinto kausap ang ama ni Anton.

"Dixal?!" bulalas niya sa pagtataka. Ang alam niya'y iniwan nila ang binata sa palengke. Pero heto't nauna pa ito sa kanila. Alam din pala nito ang kanilang bahay?

"Amor," usal nito, banaag sa mukha ang matinding pag-aalala. Agad siya nitong sinalubong at niyakap.

"Amor. Bear all of these. Promise me, you'll bear all of these," garalgal ang boses na sambit nito.

"Shhhh...Shhhh...Okay, okay I promise." Hindi niya alam kung bakit agad siyang gumanti ng yakap at nagbitaw ng pangako sa binata.

Ramdam niya ang paghihirap ng kalooban nito na tila ba lumilipat ang sakit ng nararamdaman nito sa kanya.

Takang bumaling siya sa ama ni Anton, agad itong yumuko at iniiwas ang tingin.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit siya napahikbi.

"Dixal, what's wrong?" agad kumawala sa kanyang bibig.

Yumugyog ang balikat ng binata. Umiiyak na naman ito? Sa harap ng mga taong naroon? Bakit?

Nangatog ang kanyang mga tuhod, lalo siyang 'di makahinga sa higpit ng yakap nito kaya napilitan siyang bahagya itong itulak.

Tumingin siya sa loob ng bahay. Napansin niya si Harold na tulalang nakatitig sa sahig.

"Harol--"

Kasabay ng malakas na iyak ng bunso nilang kapatid ay ang paupo niyang pagbagsak sa sahig na tila ba nawalan ng buto ang kanyang mga binti.

Agad na namalisbis ang mga luha sa kanyang mga mata.

"A-ano'ng nangyari? nanghihinang anas niya.

Ang kanyang mga magulang, magkahawak-kamay na nakahandusay sa sahig, balot ng dugo ang mga katawan at 'di na nagsisikilos?!

Mula sa dibdib ng ina'y bumubulwak ang masaganang dugo. Ang ama nama'y butas ang noo.

"M-mama?!" Nanginginig ang buong katawang gumapang siya palapit sa ina at isinandig ang ulo nito sa kanyang dibdib.

"Mama-- ano'ng nangyari?"

"Dixal, ano'ng nangyari? Bakit gan'to na ang mama ko?"

Lumapit ang binata't Inalalayan siyang makaupo nang maayos hawak ang ulo ng ina.

"Dixal. Sagutin mo 'ko. Bakit gan'to na ang mama't papa ko?"

'Di makasagot ang binata.

Si Harold nama'y tila noon lang natauhan at ang unang sinunggaban ay ang ama ni Anton.

"Hayup ka! Hayup ka! Pinatay mo ang mga magulang namin! Hayup ka!" Pinagdadamba nito ng kamao ang ginoo ngunit mabilis itong naawat ng mga nagpakauniporming lalaki na may hawak pang mga baril sa kamay.

Ang ama ni Harold ay sariwa pa ang dugong nakakapit sa kamay nito.

"Ma! Ma, gumising ka! 'Wag mo kaming iwan, Ma!" Duon na siya napahagulhol at mabilis na itinakip ang palad sa dibdib nitong binubulwakan ng dugo.

"Director, andito na ang ambulance!" hiyaw ng isang NBI agent.

Tinapik-tapik niya ang pisngi ng ina habang walang tigil sa pag-iyak.

"Ma, gumising ka. 'Wag mo kaming iwan. Maaa!!"

Niyakap siya ng binata mula sa likuran.

"Ma? Dixal si mama, buhay ang mama ko!" bulalas niya nang mapansin gumalaw ang isang daliri ng ina.

"Ha?"

Mabilis na kumilos ang binata at kinapa ang pulso ng ginang.

'Di makapaniwalang bumaling ito sa kanya.

"She's alive!"

Sa narinig ay agad na lumapit ang ama ni Anton at pinulsuhan ang babae. Para itong nakakita ng multo sa pagkagulat.

"She was already dead 15 minutes ago!" bulalas nito ngunit nang maseguro ngang buhay ang babae'y ito na mismo ang bumuhat sa katawan ng huli at inilabas ng bahay.

Nagpumiglas si Harold mula sa pagkakahawak ng dalawang lalaki at patakbong sumunod sa ama ni Anton.

Pinilit ng dalaga ang sariling tumayo.

"Dixal, mabubuhay ang mama ko, 'di ba? 'Di ba?" paulit-ulit niyang sambit, naghihintay ng assurance mula sa binata.

"Yes, sweetie. She'll survive. I'll try my best to help her survive."

Nagpilit siyang tumayo habang inaalalayan ng binata.

"Dixal, promise me, hindi mo pababayaan si mama, ha? 'Wag mo siyang pababayaan."

Nakita pa niyang paulit-ulit na tumango ang binata kasabay ng pagpatak ng luha nito bago siya tuluyang nawalan ng malay.

Next chapter