webnovel

I'M BREAKING YOU UP INSTEAD

"Dixal!" nangangatog ang mga tuhod na gumanti siya ng yakap sa binata at lalo pang isinubsob ang mukha sa dibdib nito upang kahit papano'y makakuha ng lakas doon. Kung 'di niya gagawin, baka matumba na siya sa sobrang takot sa nangyari.

Hindi na niya kailangang makita ang mukha nito. Sapat na ang boses nito upang malaman niyang ito nga ang kanyang Dixal. Napaluha siya sa magkahalong takot at tuwa.

Ang akala niya'y tuluyan na siyang mababangga ng sasakyang 'yon, na 'di na niya uli makikita ang kanyang mama at mga kapatid at 'di na niya mayayakap nang ganto kahigpit ang nobyo. Mabuti na lang naging mabilis ang binata at iniligtas na uli siya mula sa kapahamakan.

"I swear Dixal, nasa gilid na ako ng daan. Wala akong balak tumawid. Pero 'yong sasakyan ang gumilid at---" paliwanag niya sa nanginginig na boses.

"Sshhh! I know," anas nito at sa higpit ng yakapan nila'y wala talaga silang balak maghiwalay kung hindi umeksena ang bumusinang sasakyan sa likuran nila.

Dahan-dahan siyang binuhat ng binata. Awtomatiko namang pumulupot ang kanyang mga kamay sa leeg nito habang ang ulo'y nakahilig sa dibdib nito at ang mga mata'y nanatiling nakapikit. Ayaw niyang dumilat. Baka pagdilat niya'y makita niya uli ang sasakyang 'yon.

Naramdaman niyang humakbang ito at normal na naglakad na tila ba isang magaang bagay lang ang buhat-buhat.

"Flor! Are you alright?" narinig niyang humahangos na tanong ni Anton.

Hindi siya sumagot, ni hindi nagdilat ng mga mata.

"I'll take her home," wika ng kaibigan sa nobyo.

"Don't you dare touch my girl!" maawtoridad na sagot ni Dixal.

Sa nanginginig na katawan at 'di pa rin nakakabawi sa takot ay napangiti ang dalaga, kinilig sa sagot na 'yon ng binata.

"Do you really think I don't know you yet, Mr mighty Amorillo?"

Huminto sa paglalakad ang binata.

"Then zip that mouth of yours!" 'Yon lang at muli na naman itong naglakad.

Hindi na niya narinig ang boses ni Anton.

Hindi niya alam kung ilang minuto siyang binuhat ni Dixal papunta sa loob ng kotse nito. Saka lang siya nagdilat ng mata nang maisandal na nito ang kanyang likod sa malambot na upuan ng sasakyan.

"Dixal, bakit ngayon ka---" natigilan siya.

"Dixal?"bulalas niya sa pagkagulat nang matitigan ito.

Ito 'yong lalaking katabi niya sa jeep kanina! 'Yong naka-sunglasses at naka-mask! Katatanggal lang nito ng mask nang magdilat siya ng mga mata.

Nahuli pa niya itong salubong ang mga kilay na tila may malalim na iniisip. Subalit nang makitang gulat siya sa nalamang ito pala ang katabi niya kanina sa jeep ay agad itong nagbago ng ekspresyon ng mukha.

Napangiti ito saka dumukwang para ikabit ang kanyang seatbelt.

"I think, you should start memorizing my whole body para kahit nakatakip pa ang mukha ko, makikilala mo pa rin ako," tudyo nito saka siya hinalikan sa ilalim ng tenga.

Napapitlag siya pero 'di nagpahalatang apektado sa ginawa nito. Sa loob ng tatlong araw na pangungulila sa binata, heto't magkasama na uli sila. Kung 'di lang sa nangyari kanina at hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang kanyang katawan sa takot, marahil ay nilambing na niya ang binata.

Biglang sumagi sa kanyang isip ang naging desisyon kagabi.

Tila sinasadya nitong idikit ang mukha sa kanyang pisngi at tagalan lalo ang pagkakabit nito sa kanyang seatbelt.

Hindi niya mapigilang mapalunok. Ang takot kanina'y naramdaman ng kung anong damdamin. Ayaw niyang aminin pero apektado ang kanyang katawan sa ginagawa nito. Maglapat lang ang kanilang mga balat, agad nang bumibilis ang tibok ng kanyang dibdib at nakakaramdam ng kakaibang init ng katawan.

Kagabi lang, nakaplano na sa kanya ang lahat at kasama ito sa kanyang mga plano, pero ngayong narito't magkadikit na ang kanilang mga mukha, gusto na niyang umurong.

"Amor, are you alright now?" usisa nito sa kanya pagkuwan, naro'n ang pag-aalala sa boses.

Tumango siya.

"W--wag kang mag-alala, 'di na 'yon mauulit. Tsaka marunong na ako mag-commute mag-isa. Kita mo nga't nakarating ako rito nang walang kasama. Kahit 'di mo na ako sundan, okay lang ako," may kaseguraduhan sa boses na sagot niya.

Kung talagang desidido siyang gawin ang plano niya, kailangan niyang ipakita ritong matapang siya at marunong nang mabuhay mag-isa.

Bahagya nitong inilayo ang mukha sa kanya upang matitigan siya nang mariin, maya-maya'y makahulugan itong ngumiti.

"Oh, I see. But I thought we were four in that jeep following you."

"Ha?" kunot-noong gumanti siya ng titig rito, inalam kung totoo ang sinabi nito o biro lang 'yon.

Pa'no nito nasabing may tatlo pang sumusunod sa kanya liban dito?

Yumuko ito at tuluyang ikinabit ang kanyang seatbelt saka uli tumitig sa kanya.

"Amor..."

"Hm?"

"Bakit 'di ka pumasok kahapon sa trabaho?" pag-iiba nito ng usapan.

Sumeryoso ang kanyang mukha, agad iniiwas ang paningin sa binata.

"Hindi na talaga ako babalik do'n. Magku-quit na ako. Tutulungan ko na lang si mama magtinda ng isda sa palengke," mabilis niyang sagot.

Kahit 'di niya ito tingnan pero ramdam niyang titig na titig ito sa kanya at inaalam kung seryoso siya sa sinabi.

"Okay," sagot pagkuwan, umayos ng upo sa pwesto nito saka pinaandar ang makina ng sasakyan.

"Dixal."

"Yes?"

Bumuntong-hininga siya, nag-ipon ng lakas ng loob sa gustong sabihin.

Kagabi pa niya pinag-isipan ang lahat. Kagabi pa siya nakapagdesisyon. Tatapusin niya ang relasyon niya rito at magpo-focus sa pagtitinda ng isda sa palengke kasama ng ina. Hindi siya karapat-dapat sa binata. Magulo ang kanilang pamilya. 'Pag nalaman ng mga magulang nito na gano'n ang sitwasyon ng pamilya niya'y seguradong tututol din ang mga 'yon sa relasyon nila. Isa pa'y dalawang linggo pa lang ang kanilang pagiging magnobyo. Hindi ito mahihirapan 'pag naghiwalay sila ngayon, kesa 'pag pinatagal pa niya, gan'to naman din ang mangyayari. Ngayon pa lang, bibitaw na siya.

Makakalimutan din siya nito.

Napalunok siya sabay yuko, bakit parang siya yata ang nahihirapan ngayon pa lang?

"P-pwede bang 'wag mo na akong susundan simula ngayon?" buong tapang niyang sambit habang nakayuko. Ayaw niyang makita kung ano ang magiging reaksyon nito.

Pinatay uli nito ang makina ng sasakyan pero 'di sumagot.

"Break na tayo."

Kay hirap bigkasin ng mga salitang 'yon, pero kailangan niyang gawin. Hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal nito. Ikinahihiya niya ang pagiging broken family nila. 'Di niya 'yon kayang tanggapin. Kahit sabihin pang wala itong pakialam sa family background niya pero ayaw niyang mapahiya ito dahil lang sa kanya at isa sa maging usap-usapan ng mga tao.

"Amor, do you know how many miles I have crossed just to be with you right now?"

Hindi siya sumagot, nanatili lang nakayuko. Ni ayaw niyang alamin kung ano ang ekspresyon ng mukha ng binata ngayon. Ayaw niya ring itanong pa kung saan ito nanggaling bakit milya ang sinasabi nitong layo nila sa isa't isa bago niya ito makasama ngayon.

"I'm sorry, Dixal," napahikbi siya. Bakit siya yata ang higit na nasasaktan ngayon? Kagabi lang ay ang lakas ng kanyang loob, bakit ngayon eh masakit pala?

Narinig niyang sinuntok nito ang manibela.

"Do you even know how many people I have angered when I heard that you might be in danger?" tumaas ang boses nito.

Napapikit siya kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata.

Matagal na katahimikan ang namayani sa kanila.

"Amor..."

Muli itong dumukwang sa kanya at iniangat ang kanyang mukha. 'Di niya maiwasang bumaling rito.

"Hey, sweetie," anitong nakangiti na sa pagkakataong 'yon.

"I can bear all of these, but promise me you'll do the same," usal nito habang hawak ang kanyang baba.

'Di niya maunwaan ang ibig nitong sabihin.

"Amor..." Saka siya hinalikan sa mga labi, letting her know that he won't easily give up on her.

'Di siya sumagot, sa halip ay pumikit na lang at pilit kinalma ang sarili.

Nang mapansing wala siyang reaksyon sa ginawa nito'y nagpakawala ito ng buntung-hininga at binitawan ang kanyang baba saka muling umayos ng upo.

Dixal, when he realized he was falling for her, already made a promise that he'll never leave her.

'You want war, fine! Let's see if you can protect her forever!'

'Love doesn't exist Dixal. It's just your wild imagination.'

Mga katagang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip nito.

"Amor...Give me the privilege to break you up instead."

Natigilan siya sa sinabing 'yon ng binata, takang napatingin rito.

Siya ang nakikipaghiwalay pero bakit biglang nagkabaligtad ngayon?

Nahabol pa niya ang mapaklang ngiting pinakawalan nito bago bumaling sa kanya.

"It's okay, let's break up. I'm breaking you up."

Wala na ang marahas na tinig nito, kaswal na lang itong magsalita na tila ba hindi nagulat sa sinabi niya kanina. Ngayon, ito pa ang nakikipagbreak sa halip na siya.

'Di niya mapigilang magtaka kung ano ang tinatakbo ng isip nito.

Iisa lang ang alam niya nang mga sandaling 'yon.

Nasasaktan siya.

Sakit ng kanyang dibdib.

Isipin pa lang na 'di na niya ito makikita mula ngayon, ang determinasyon niya kagabi ay biglang naglaho, lalo na nung baligtarin nito ang sitwasyon nila. Masakit pala.

Bago tuluyang pumatak ang kanyang mga luha'y naiiwas na niya ang paningin mula sa binata.

"So, let's end it here," lakas-loob niyang wika habang tinatanggal ang kanyang seatbelt saka mabilis ang isang kamay na binuksan ang pinto ng sasakyan.

"'Wag mo na akong susundan pa," sambit niya bago tuluyang lumabas ng kotse at patakbong lumayo sa lugar na 'yon.

Gusto niyang isisi sa sarili ang lahat. Siya itong lakas loob na nambreak ng tao pero ngayon siya pa itong umiiyak at nasasaktan sa nangyari. Kasalanan niya kung bakit pinatulan siya ni Dixal at ito ang nakipagbreak sa kanya. Ngayon, siya pa ang may ganang magtampo.

Naiwang tulala si Dixal sa loob ng kotse habang nakatanaw sa tumatakbong dalaga.

"If I told you that I risked everything before going here, would you stay by my side like before?" usal nito sa hangin.

"Amor, don't you really know what love is?" garalgal na ang boses nito.

--------

"Amor, don't you really know what love is?"

Napahinto siya sa paglalakad at awtomatikong humarap sa kinaroroonan ng binata.

Tama ba ang narinig niya? Bakit tila ito naiiyak habang sinasambit ang mga katagang 'yon? Nasasaktan din si Dixal sa biglang nangyari sa relasyon nila?

"Dixal."

Tuluyan na siyang napahagulhol. Hindi pala niya kaya. Babawiin niya ang sinabi rito. Hindi na siya makikipag-break. Hindi niya iiwan ang binata. Hindi na siya magpapaapekto sa nangyayari sa pamilya niya.

Nakita niyang nag-pivot ang sasakyan ng binata.

"No. Dixal!" habol niya nang mapansing papalayo na ang kotse nito.

"Dixal!" Tumakbo siya at hinabol ang sasakyan subalit huli na. Mabilis na iyong nakaalis. Naiwan siyang tila nanlulumo at patuloy sa pagluha.

Kahit gusto niyang pagalitan ang sarili pero huli na ang lahat. Wala na ang binata. Hindi na niya ito makikita pa.

Ang laki niyang tanga. Iniwan niya ang lalaking ilang beses nang nagligtas sa kanyang buhay dahil lang sa ikinahihiya niyang broken family sila.

"Dixal come back," nanghihina siyang napaupo at niyakap ang sarili. Ngayon niya pinagsisisihan ang lahat. Ang akala niya'y gano'n lang kadaling makipaghiwalay sa binata. Pero bakit gan'to kasakit?

Next chapter