"Hello, Kayleen! Napatawag ka?"
"May sasabihin ako sa'yo pero di ko alam kung paano ko sisimulan. May secret admirer kasi ako—"
"WHAT?! KYAAAAAH! Si future boyfriend mo na ba yan?!"
"Hindi. Hindi ko alam. Ang weird lang kasi nya. Para syang stalker?"
"Hahaha! Secret admirer nga e. Syempre kapag may gusto sa iyo ang isang tao, parang stalker mo na rin yon. Para kang di nagdaan don. Hahaha!"
"Hindi naman talaga ah?"
"Hindi ba naging stalker ka rin ni Ryan dati? Hahaha!"
"Iba yon!"
"Ganon yon. Diba may mga plano ka pa nga sa kanya? Katulad nung pagbunggo sa kanya sa hallway? Tsaka yung cookies?"
"Eeh! Basta! Iba yon. Ginawa ko yon kasi gusto ko syang mapansin nya ako. Ito iba. Sa text."
"Ah. Sa text sya nagpakilala? Eh di getting to know stage palang kayo."
"Ayoko nga syang i-text eh."
"Bakit? Sayang yan baka cute!"
"Hindi ba creepy tignan? Kilala nya ako pero di ko sya kilala. Schoolmate pa natin."
"Harmless naman kasi kung sa text lang kayo mag-uusap. Pero kung makikipag-kita ka sa kanya, isama mo kami ni Alex para may bodyguard ka. Pati si Ashton isasama ko para sigurado may pampukpok tayong gitara don kung masamang tao pala."
"Hahaha! Yung kapatid mo nga pala... Kumusta na sya? May sumpong parin?"
"Hmm. Di ko alam. Pero parang wala na. Busy kasi kami kanina."
"Nasa Bora parin kayo?"
"No. Pauwi na kami ngayon. Nasa sasakyan kami."
"Bakit ang bilis ng bakasyon nyo? May iba pa kayong pupuntahan?"
"Graduation na kasi ni Ashton sa saturday kaya kami umuwi agad. Pagkatapos ng graduation pupunta naman kami sa Hogwarts ng Japan then sa hongkong disneyland."
"Exciting naman nyan! Pakisabi kay Ashton na congratulations sa pag-graduate."
"Haha! First honor 'to kaya proud kami sa kanya. Hey lil bro, hey! Sabi ni Kayleen congrats daw! --- Sissy sabi ni Ash thank you daw with smiley face! --- Hey! Ashton ibalik mo yang unan ko!"
"Saan ba sya magco-college?"
"Hey Ash! Saan ka raw papasok ng college sabi ni Kayleen? Sa Music School parin ba? --- Sissy di pa raw sya nakakapag-decide eh. Pero anyway sana doon nalang sya pumasok. By the way, saan na nga pala tayo kanina sa topic natin?"
"Aling topic?"
"Yung sa stalker mo?"
"Ahh. Kasi di ko alam kung ano ang gagawin ko."
"Sissy hayaan mo na. Ganito lang yan, kung bored ka na pwede mo syang gawin pampalipas oras. Haha!"
"Hindi ko yata kaya."
"Masaya 'yon. Try mo lang. Ikaw rin, baka sya pala si future boyfriend mo."
"Paano kung hindi?"
"No harm done. Hwag ka lang makipagkita para safe."