"Hello?"
"Sissy! Kumusta yung date? Huh? Huh? Huh? Spill!"
"Ugh. I can't believe na sinet-up mo ko sa kapatid mo, Ashleen! How could you?! Bakit sa lahat ng lalaki sa kapatid mo pa? Ang sabi mo cute! Di naman cute si Ashton nakakatakot syang bata! Ang creepy nya, wala syang emosyon! Isa syang taong bato!"
"Nahihiya lang yung kapatid ko! First time nya kasi makipag-double date kaya ninerbyos. Hahaha!"
"Ashleen! Araw-araw ba syang ninenerbyos dahil twing nakikita ko sya ganon lagi mukha nya? At hindi nakakatuwa yung ginawa mo kanina ha! Bakit mo yon ginawa? Alam mo naman na galit ako sa kanya dahil sa ginawa nya nung birthday nya! Matapos ko syang igawa ng birthday cake na three layers!"
"Sissy naman hwag ka nang magalit kay lil bro. Natuwa lang yun sa cake kaya ka nahalikan. Ganon sa france diba? Nagkikiss kahit di mag-boyfriend."
"Ashleen nasa Pilipinas tayo! Ayoko parin sa kapatid mo! Naiinis parin ako sa ginawa nya."
"HAHAHAHA! Ang cute nyo kaya! Sorry na sissy. Pero ano ba ang nangyari sa inyo kanina? Bigla kayong nawala after natin manuod ng movie. Saan kayo pumunta?"
"Pumunta ako ng ladies room. Paglabas ko, nasa tapat sya naghihintay."
"Sinundan ka ng kapatid ko?"
"Di ko alam."
"Tapos ano'ng nangyari?"
"Sabi nya sakin nakita raw nya ex nya."
"MAY EX ANG KAPATID KO?!!!"
"OO!!! Hwag kang sumigaw. Masakit sa tenga..."
"Ay sorry. Tapos ano nangyari?"
"He asked me kung pwede ba nyang hawakan ang kamay ko sandali kasi kasama ng ex nya yung lalaking pinalit sa kanya."
"KYAAAAHH!! Nag-holding hands kayo ng kapatid ko!!! OMG!! I'm so kilig!!!"
"Naawa lang ako sa kanya kaya ako pumayag, okay? At sandali lang yon, wala pang fifteen minutes. Hinatid lang nya ako sa exit kasi sinundo na ako ni Kuya Dylan sa may taxi bay."
"Nag-holding hands kayo hanggang sa may taxi bay?!!! OMG mula 4th floor ng mall!"
"Sabi nya kasi kasunod daw namin yung ex nya. Pauwi na rin siguro..."
"Ano'ng feeling na hawak yung kamay ng kapatid ko?"
"Mainit."
"Huh?"
"Ang init ng kamay nya tsaka mas malaki yung kamay nya kaysa sa'kin."
"Oo kasi lalaki sya kaya ganon talaga. Kahit si Alex mas malaki ang kamay nya kaysa sa'kin."
"Pero mas matanda ako diba? Kaya dapat mas malaki kamay ko?"
"Mas matanda ka pero mas matangkad sya Kayleen. Hahaha!"
"Isang dangkal lang ang tangkad nya sa'kin! Hindi naman sya ganon katangkaran. Mas matangkad pa si Ryan sa kanya."
"Haay. Ryan na naman... move on ka na nga dun. Di kayo bagay nun."
"Nakamove on na ako tsaka sinasabi ko lang naman kasi wala akong ibang ma-compare-an. Tsaka sino ba bagay sakin?"
"Eh di si baby bro ko! I can feel it! Bagay na bagay kayong dalawa! KYAAAAAAAHH!! Kinikilig ako!"
"Ashleen naman eh! Mas matanda ako dun!"
"So? Two years lang naman. Sya nalang escort mo sa debut mo ah! Sasabihin ko kay Tita sya gawin escort! Kyaaaaah!"
"Kanina ka pa sumisigaw masakit na tenga ko. Malayo pa debut ko, mga three months pa. At ayoko nga sa kapatid mo! Tigilan mo na kasi Ashleen!"
"HAHAHA! Pero seriously Kayleen, hindi ko alam na nagka-girlfriend sya. Hmm. That's odd."
"Baka hindi nya lang sinabi?"
"Hmm. No, ang sabi ni Warren loyal daw ang kapatid ko sa crush nya pero natotorpe lang kaya ayun..."
"Baka naging sila na tapos nag-break?"
"I don't know if that's possible. Knowing my brother, I'm sure dinala na nya yung girl sa bahay kapag may practice sila ng band. Pero wala naman syang dinadalang babae dito maliban sa bandmate nyang si Trisha. Nakikita ko naman na may crush sa kanya yung babae, pero baby bro ko dedma lang. Mukha ngang malapit na nyang pakasalan yung gitara nya. Mabuti nalang natanong ko kay Warren at nalaman na may nagugustuhan pala yun kaya ganon kumilos."
"..."
"Sissy?"
"Naisip ko lang na baka..."
"Baka?"
"Di kaya pinagtripan lang ako ng kapatid mo kanina?"
"Ano? Wait. Pfft! Hahahahahahahahahahaha!"
"ASHLEEN! Bakit ka natawa?"
"K-Kasi hahahahahahahaha!"
"Okay. Siguro napa-praning lang ako. Ang kapal naman ng mukha ko para mag-assume. I mean ano naman ang makukuha nya kung hahawakan nya ang kamay ko? Mawawalan lang sya ng fans kapag nakita sya ng mga schoolmates nya na may kasamang babae."
"Hihihihihihihihi!"
"Ashleen! Bakit ka ba nahagikgik dyan? Ang weird ng tawa mo!"
"Sorry kasi kinikilig ako! Oh my!!!"
"Bakit ka naman kikiligin?"
"Kasi malapit na akong magtayo na fandom nyo! Ako ang president! I ship AshLeen!"
"Huh? Di ko gets yung sinasabi mo."
"Ash for Ashton, Leen for Kayleen put them together AshLeen! Name ko yon! Ang perfect! It's meant to be! Magiging sis-in-law kita! OMG! I'm so kilig!"
"Tumigil ka nga! Kilabutan ka Ashleen! Yung batang yon, di ko yon papatulan!"
"Eeeeeh! Dali na! Kayo nalang ng kapatid ko para maging sis-in-law na kita! Pweety pwease?"
"A-YO-KO! Bully sya!"
"Mabait yun! At magaling na syang mag-luto ngayon! Marunong na syang magluto ng sinigang na hipon! Diba paborito mo yon?"
"Ayoko parin!"
"Sige na, sya nalang gawin mong Future Boyfriend! Dali naaaaa!"
"Hwag mo kong kulitin! Basta! Ayaw! Ayaw!"
"Sige na nga. Di na kita kukulitin. Pero kapag nanligaw kapatid ko, sagutin mo kaagad ha? Hahaha!"
"Ashleen!!!"
"Kinikilig talaga ako! I ship AshLeen! Kyaaaaah! Ay teka tapos na maligo si baby bro. Naririnig ko na yung tunog ng gitara nya sa kabilang kwarto. Tatanungin ko sya tungkol sa ex nya."
"Good bye, Ashleen."
"Hihihi! Bye bye sissy-in-law! Mwah!"