Dear Future Boyfriend,
Today, nakatapos na naman akong magbasa ng isang libro. Mahilig akong magbasa ng books na may mga nakaka-inlove na male leads, actually kahit antagonist minsan nakakainlove. Humahanga talaga ako sa mga ganoong characters. Yung tipong kahit na ano'ng mangyari iisang babae lang ang mamahalin nila at hindi nagpapadala sa tukso. Ang tindi nila magpa-inlove sa mga readers. Ang galing ng mga authors na 'yon. Pero kumusta kaya ang mga lovelife ng mga writers na 'yon? Nakahanap kaya sila nang lalaking ganon din kung magmahal?
Kanina sa corridor, nakita ko ang classmate kong si Janin na umiiyak. Nahuli niya ang boyfriend niyang may ibang babae. Nag-break sila. Nalulungkot ako para sa kanya. Napaisip tuloy ako. Tayo kaya? Gaano kaya tayo katagal? Alam kong hindi naman ako ganon kaganda. Marami akong pagkukulang dahil di rin naman ako magaling magluto at hindi rin naman ako ganoon katalino. Mamahalin mo kaya ako nang sukdulan to the point na kahit maraming umaligid sa'yo ay ako pa rin ang pipiliin mo? Na hindi ka magsasawa na mahalin ako? Sana oo. Kasi kapag nagboyfriend ako, gusto ko ikaw na 'yung forever ko. Ikaw ang first at last kiss ko. Ikaw lang. Ayoko ng break up. Gusto ko ng forever kasama ka. Ganon kasi ako kung magmahal. Forever. Walang atrasan kasi alam ko na kapag naging tayo, 'yung puso ko sayong-sayo na.
Love,
Kayleen