Si Cecil ay isang sociopath. Kung tatanungin ang opinyon ni Nix tungkol kay Cecil, sasabihin niyang isa itong sociopath. Mukha man itong perpektong tao, kulang naman ito sa emosyon. Wala itong empathy at conscience. Kung may makita man itong krimen, hindi nito iyon papansinin at magpapatuloy lang sa kung ano mang ginagawa nito. Kung may mamatay man itong kapamilya, hindi ito makakaramdam ng lungkot. Si Cecil ay ganoong klase ng tao.
Para rito, ang mga tao ay parang pyesa lang sa larong chess. Mga tao na pwedeng ipain at pwedeng itapon. Pero katulad sa larong chess, pinapahalagahan parin nito ang hari; iyon ay ang pamilyang Pendleton.
Katulad ni Nix, si Cecil ay may malaking utang sa pamilyang Pendleton. Ngunit hindi lang iyon ang naging dahilan upang maging mahalaga ang pamilya para rito. Ang pamilyang Pendleton ay binubuo ng apat na mahuhusay na individual. Ang bawat isa ay may kani-kaniyang talento. At ang talento na iyon ang pinapahalagahan ni Cecil.
Magkaganon man, hindi parin mapanatag si Nix kahit na alam niyang hindi sasaktan ni Cecil ang alaga niya. Sinisisi ni Nix kay Cecil ang pagkakaroon ng kakaibang ugali ni Tammy. Malayo sa isang normal na fifteen years old na babae si Tammy dahil sa mga kaya nitong gawin. Maging ang emosyon nito ay kaya nitong kontrolin. Natatakot si Nix na baka magkaroon ng split personality ang kanyang alaga.
"Hoy Nix, ayos ka lang?" tanong ni Seb. " Sino ba yung dumating? Parang pamilyar..."
"Seb, kapag nakita mo ang taong 'yan, tumakbo ka na kaagad palayo."
"Bakit?"
"Baka mawala ang kaluluwa mo."
"Psh. Gago."
***
"F*CK! Nakalagpas na siya kina Helga! Sabihin ninyo kina Luis maghanda na!"
Isang lalaki ang may dalang walkie talkie, kinausap nito ang lalaking nagngangalan na Luis.
"Nasaan si Sid?!"
"Pumasok na siya sa kweba!"
"Mabuti. Kung nandoon si Sid, siguradong mahihirapan makaalis ng kweba ang lalaking 'yan."
"May tao palang may kayang lumagpas sa balance beam!"
"Shit! Kapag naakyat niya ang tower matatapos na ang challenge! Wala na tayong kikitain!"
"Patay tayo! Kapag nasagip si Tammy, sino na ang ipapalit?!"
"Gumawa nalang tayo ng harem. Grupo ni Helga sa tower."
"Lahat sila?"
"Sa tingin mo may isa sa kanila na kasing ganda ni King? Kulang pa silang apat para ipalit sa pwesto ni Tammy!"
"Shit! Malulugi tayo nito!"
"Sabihin ninyo kina Luis, gawin nila lahat hwag lang makalagpas ang lalaking 'yon!"
"Tayo ay manalangin... Mag-bago na tayong lahat. Malapit na ang katapusan!"
"P*ta Martin, tumigil ka!"
"Hoy Martin nandyan ka pala! Tan**na mo, yung pinasa mo sakin na link akala ko trailer may biglang umungol. Kasama ko sa sasakyan Mama ko. Hayop ka."
"Bwahahahaha!"
"Ano na kaya ang nangyayari sa loob ng kweba? Baka lumagpas 'yon kina Sid!"
"Di 'yan!"
***
Pinagpagan ni Cecil ang kanyang damit. Sa paligid niya, nakatumba ang nasa anim na mga lalaki. Lahat ng mga ito ay puro walang malay. Naglakad siya papunta sa dulo ng kweba hanggang sa makalabas.
Hanggang sa huli, hindi alam ng grupo ni Sid kung ano ang nangyari sa kanila. Nang makita nila si Cecil sa loob ng kweba, bago pa man sila makapag-handa, kaagad na silang nawalan ng malay. Walang sino man sa kanila ang nakakita sa ginawang kilos ng lalaki.
Nang makita ng mga tao na nanonood mula sa grand stand ang pag-labas ni Cecil, kaagad silang nagtaka. Kakapasok lang ng lalaki sa loob ng kweba, napaka-bilis ng pag-labas nito. Wala bang laman ang kweba na iyon?
Ang buong akala nila ay matatagalan ito sa loob ngunit parang dumaan lang talaga ito sa loob nang walang aberya. Nakaramdam sila ng pagkadismaya.
Mula sa tower, naghihintay si Tammy sa pagdating ni Cecil.
Nakita niyang lumabas ito ng kweba at tumingin sa kanya. Hinawakan nito ang lubid at mabilis na umakyat pataas. Tila walang gravity na pumipigil dito.
Maliksi itong tumalon papasok sa bintana na parang pusa.
Mula noong unang nakita ni Tammy si Cecil, nabuo na sa isip niya na parang isang persian cat ang lalaki. Palagi itong naka-suot ng puti, elegante at malinis. Maging ang bawat kilos nito ay kalkulado at walang pagkakamali.
Lubos ang paghanga ni Tammy kay Cecil. Pero kung malalaman lang ni Cecil na ikinukumpara siya sa isang persian cat, siguradong hindi nito iyon magugustuhan.
"Teacher..." bati ni Tammy nang tumayo sa harap niya si Cecil.
Inalis ni Cecil ang suot na salamin. Ang mga mata nito ay kulay ng hazel; mga kulay ng green, brown at amber. Kung makikita lang ito ng ibang tao, siguradong mababato balani sila.
Gamit ang mababa at matamis na boses ng lalaki, binati nito si Tammy.
"Natasha, my dearest student."
***
Hingal na hingal si Willow habang nagpapahinga sa ilalim ng isang puno. Kakatakas lang niya sa isa na namang booth. Nagtataka siya kung bakit palagi nalang siya ang napagdidiskitahan ng mga ito.
Kung malalaman lang ni Willow na ang upright at easy to bully niyang hitsura ang dahilan nito. Mas mabuti na bumili na siya ng maskara ngayon palang.
"Ang weird, ang sabi nila nasa tower daw si Tammy Pendleton..."
"Mukhang nasagip na siya kanina, e."
"Paano na natin siya mahahanap?"
"Baka makasalubong natin siya kapag naglakad tayo."
"Unahin nalang natin yung ibang Kings. Gusto kong makita si Nino!"
"Gusto kong makita si Oppa!"
Usapan ng apat na babae na nasa ilalim ng puno ang pumukaw sa atensyon ni Willow. Bigla niyang nakalimutan ang pagod niya. Sumilip siya sa kabilang side ng puno at nakita ang apat na pamilyar na babae.
"Lovely? Ara, Kristin at Lisa, ano'ng ginagawa ninyo rito?" tanong ni Willow sa apat.
"Willow?" sambit ni Lovely. "Nandito ka rin?!"
Ang apat na babae ay schoolmates ni Willow sa St Celestine High. Members sila ng photography club na sinalihan din niya.
"Bakit ninyo hinahanap si Tammy?" nagtatakang tinignan ni Willow ang apat. Hindi siya close sa mga ito pero dahil members sila sa iisang club, nakakausap niya ang mga ito.
"Kilala mo rin si Tammy Pendleton? Nakita mo ba siya?" tanong ni Ara.
"Magpapa-picture sana kami kasama ang mga Kings e," paliwanag ni Kristin.
Hindi man halata pero nagulat nang husto ang apat na babae. Kilala nila si Willow Rosendale. Member ng photography club at isang class president. Masasabi na mailap na tao si Willow. Nakikipag-usap man ito sa mga kaeskwela pero hindi ito nakikipag-lapit. Para bang may nakatayong pader sa paligid nito. May sarili itong mundo. Kaya naman nagulat sila nang makita sa event ng Pendleton High ang babae.
Gusto nilang malaman kung ano ang nakakuha sa atensyon ng mailap nilang kaeskwela.
"Hwaa! Tutal nandito ka rin naman, sumama ka nalang sa amin!" sabi ni Lisa at mabilis na hinawakan sa braso si Willow upang hindi makawala.
Kuminang ang mga mata ng tatlong babae. Pinupuri nila ang bilis sa pagkilos ni Lisa. Sa ganitong paraan, masasagot ang tanong nila.
"Eh...? H-Hwag nala—"
"Okay! Pumunta na tayo sa booth ng second years!"
"Puntahan natin si Nino!"
"Let's go!"
"T-Teka!"
***
Sa bandang hardin ng paaralan, karamihan ay nandoon ang mga booths para sa mga gustong kumain o magpahinga.
Sa isang table for two na may naka-tirik na malaking payong sa gitna, nakaupo ang dalawang tao; isang babae at isang lalaki. Ang magandang babae ay naka-suot ng magarang grey victorian dress. Ang lalaki naman ay nakasuot ng purong puti, may kulay abo na buhok at itim na salamin.
Hindi mapigilan ng mga dumaraan na mapatingin sa dalawa.
Patuloy sa pagkain ng clubhouse sandwich si Tammy. Si Cecil naman ay nananatiling nakatingin sa kanya. Alam ni Tammy na hindi kumakain si Cecil ng mga ganitong klase ng pagkain. May sarili itong chef sa penthouse nito.
Nang matapos kumain si Tammy ay saka lang nagsalita si Cecil.
"Don't know how you can eat such a thing."
"Teacher, kung curious ka, pwede akong bumili ng isa pa." Ininom ni Tammy ang kanyang mineral water.
"And get killed like the curious cat? No, thank you."
'Teacher, hindi mo ikamamatay ang pagkain ng commoner food.' Gustong makipagtalo ni Tammy ngunit alam niyang wala itong patutunguhan.
"Kailan ka pa bumalik, teacher?"
"Yesterday, I need to leave again tomorrow morning."
Nang marinig iyon ni Tammy, kaagad siyang kinabahan. Napansin ni Cecil ang pag-iba ng emosyon niya. Nagbigay ito ng isang ngiti na alam ni Tammy na hindi aabot sa mga mata nito.
"The Madame called me."
Napalunok si Tammy at umiwas ng tingin.
"You've been... adventurous lately."
"Teacher..."
"Natasha," mariin na sambit ni Cecil. Nabalot ng lamig at awtoridad ang boses ng lalaki. "Nothing is more precious than your own life. I hope this never happens again."
"She is my friend."
"Saving people is not your job. You have Niklaus, you can use him."
"Nix was with me."
"And he let you walk into a wolf den."
"I am not that weak."
"Of course you're not! You are my student," mabigat na sabi ni Cecil. "But you must remember that you're not a hero. Heroes die early, Natasha."
May kirot sa puso ni Tammy nang marinig iyon. Huminga siya ng malalim.
"I understand, it won't happen again, teacher."
"That's all I wanted to hear."
Tumunog ang cellphone ni Cecil. Kinuha nito iyon at tinignan.
"I need to go," sabi ni Cecil bago tumayo.
Tumayo rin si Tammy. Naglakad sila papunta sa gate ng school.
"TAMMY!!!" sigaw ng isang babae.
Bago pa makalingon si Tammy ay may yumakap na sa kanya mula sa likod.
"WAAAAHHH! WAMMY!!! WAAAMMY!!!"
Narinig ni Tammy ang boses ni Willow sa likod niya. May apat na babae itong kasama na titig na titig sa kanya. Matapos non ay tumingin ito kay Cecil at kaagad na nabato balani. Hindi kumukurap ang mga ito.
Nang makita ni Cecil ang babaeng yumakap kay Tammy, dumilim ang mukha nito. Sa mga mata ni Cecil, hindi matutumbasan ang buhay ng kanyang estudyante. Kung mauulit ang nangyari at mailalagay na naman sa piligro ang buhay ni Tammy, hindi siya magdadalawang isip na iligpit ang 'kaibigan' nito.
Ang sino man na magiging banta sa buhay ng kanyang estudyante ay buburahin niya sa mundo.
Nagpaalam si Cecil kay Tammy at hindi pinansin ang mga babae na lumapit dito. Sumakay siya sa kotse na minamaneho ng kanyang butler.
"Master, nahanap na po namin ang taong ipinapahanap ninyo."
"Take me there."
Makalipas ang ilang minuto, huminto ang kotse sa isang warehouse. Lumabas ng sasakyan si Cecil kasama ang kanyang butler. Pumasok sila sa warehouse at nakita ang dalawang lalaki na nakahiga sa sahig. Nakapiring ang mga mata at nakatali ang mga kamay at paa. Ang mga bibig nila ay may takip ng tape. Ang dalawang lalaki ay walang iba kung hindi sina Duran at Bombi.
Naramdaman ng dalawang lalaki na may dumating. Kaagad silang pumalag.
"HHHMMPP!!!"
"MMMPPPHHH!!!"
Hindi alam ng dalawa kung bakit sila nandoon. Hindi nila kilala kung sino ang may gawa nito sa kanila. Pero isa lang ang alam nila, ang taong ito ay mapanganib. Ang puso ng dalawang lalaki ay binalot ng takot.
Malamig na tinignan ni Cecil ang dalawa. May inabot sa kanya ang butler. Itinutok niya ito sa dalawa at pinaputok. Kaagad na tumigil sa pag-galaw ang mga lalaki. Ang dugo ng dalawa ay mabilis na kumalat sa sahig.
Ibinalik ni Cecil ang baril sa butler saka naglakad palabas.
"Call the cleaners."
"Yes, Master."
Walang sino man ang maaaring manakit sa kanyang estudyante. At hindi niya hahayaan na magpatuloy ang sino man na maaaring maging banta sa buhay nito.