May dalawang buildings ang Pendleton High. Ang east building ay inookupa ng mga third at fourth years. Sa west naman ay ang mga first at second years. Sa loob at labas ay magkatulad ang istruktura ng dalawa. Para sa west, ang first floor ay rooms ng mga freshmen, clinic at canteen. Sa second floor ang room ng mga sophomores, faculty at library. Sa third floor naman ang mga club rooms, science room, computer lab at private rooms ng mga Kings.
Des yeux qui font baisser les miens~
Un rire qui se perd sur sa bouche~
Sa west building, isang silid sa dulo ng pasilyo sa third floor ang nababalot ng malambing na musika. Nakatambay sa loob nito ang grupo ng dalawang babae at lalaki. Nakaupo sa isang sofa malapit sa bintana si Nino na nagbabasa ng isang libro. Patuloy sa pag-ikot ang vinyl sa turntable, naglalabas ng isang lumang kanta sa wikang pranses.
Voilà le portrait sans retouche~
De l'homme auquel j'appartiens~
"Nino, c'mon, don't be boring," lambing kay Nino ng babae sa kaliwa niya, si Lily. May hawak itong ilang baraha.
"Yeah, play with us!" sabi ng babae sa kanan niya, si Yana.
Ngumiti si Nino ngunit di inalis ang mata sa binabasa. "Should I?"
"Hoh!" sambit ni Marko habang nakatingin sa cellphone. May gulat na expression sa mukha nito. "Oi, Nino, tumingin ka sa bulletin board."
Hindi pinansin ni Nino ang kanyang Beta at inilagay sa bagong pahina ang kanyang binabasang libro. Ang dalawang babaeng katabi niya sa magkabilang gilid ay agad na kinuha ang mga cellphone nila at binuksan.
"Crap! Ang bilis nina Reo at Alex, si Oca din?!" bulalas ni Marko na napaayos ng upo.
Isinara ni Nino ang kanyang libro. Kilala niya si Marko, hindi ito marunong tumahimik. Kukulitin siya nito hanggang sa gawin niya ang gusto nito. Kung minsan ay hindi na niya alam kung sino ba ang Alpha sa kanilang dalawa. Pero higit sa lahat, nakuha ng tatlong pangalan na iyon ang atensyon niya.
May away na naman ba sa pagitan ng mga ito? Alam niyang mainit ang dugo ng mga ito sa isa't-isa. Alam din niyang si Oca, ang kanyang kaklase, ang madalas na nagsisimula ng away. Noon ay inaawat pa niya ang mga ito pero sa bandang huli ay nag-sawa na rin siya. Ngayon, si Marko nalang ang hinahayaan niyang umayos ng gulo. Ulit, sa kanilang dalawa, hindi na niya alam kung sino ang Alpha.
"Who's this?" tanong ni Nino nang makakita ng mga pictures sa bulletin board ng website ng kanilang school. Binuksan niya ang discussion tungkol sa mga pictures.
"PENDLETON HEIRESS" "HER ROYAL HIGHNESS" "I MET AN ANGEL" "TAMMY PENDLETON" "A BEAUTY" "HEART ATTACK" "SLOW MOTION" "NP CLOSE TO YOU" "REO AND ALEX TO THE RESCUE"
Kaagad na napatayo si Nino nang makita ang pinag-uusapan ng buong school. Palagi niyang naririnig ang usap-usapan tungkol sa anak ng gang leader na noon ay naghari sa buong distritong ito. At sa hindi malamang dahilan, bigla itong nawala matapos magpakasal. Nalaman lang niya ang mga iyon dahil napapaligiran siya ng mga taong interesado sa mga Pendleton. Sa totoo lang ay hindi siya interesado roon. Pero ngayon...
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Nino.
"Je suis amoureux," ang sabi ni Nino bago mabilis na lumabas ng silid.
***
Sa loob ng classroom ng mga 2-C, halos maibato ni Hanna ang kanyang cellphone dahil sa mga nababasa sa school website nila. Puno ang top ten discussions ng site tungkol sa isang first year na babae.
"HAH?! ANGEL?! Don't f*ck with me!" galit niyang sabi saka nahampas ang lamesa.
Natahimik ang kanyang mga kabarkada. Alam ng mga ito kung paano siya magalit. Si Hanna ang itinuturing na school idol ng Pendleton High. Ngayon ay alam na niya kung bakit walang discussion tungkol sa kanya.
Higit pa roon, dalawang Alpha ang sumugod para lang sagipin ang babaeng kinaiinisan niya. DALAWANG ALPHA.
"How dare that brat ruin my day like this!" nagngingitngit na sabi ni Hanna saka padabog na tumayo mula sa kanyang silya. "Eh ano kung isa siyang Pendleton? BIG F*CKING DEAL. I'll show that b*tch."
"Hanna, saan ka pupunta?" tanong ng isa niyang kabarkadang babae.
"What, you're not coming with me?!" mataray niyang tanong sa mga babae.
Kaagad naman na tumayo ang mga ito at sumunod kay Hanna palabas ng classroom nila.
***
Kanina pa napapansin ni Tammy ang paulit ulit na pagtugtog ng Close to You sa canteen. Nakatatlong ulit na ito simula nang pumasok siya. Kanina pa rin niya nararamdaman ang tingin sa kanya ng mga kumakain. Pero sa tuwing lilingunin niya ang mga ito ay biglang mag-iiwas ng tingin. May nakita rin siyang ilang lalaki na kumukuha ng pictures niya gamit ang mga cellphones nila.
Nagpapasalamat nalang siya at walang lumalapit sa kanyang mga lalaki. Siguro ay dahil na rin sa mga kaklase niyang lalaki na nakaupo sa ilang tables na katabi ng kanila.
Ipinagpatuloy nalang niya ang kanyang pagkain. Hindi niya inaasahan na magugustuhan pala niya ang pagkain sa canteen. Mukhang kumuha talaga ng mga magagaling na chefs ang school nila.
"Saan kayo nakatira, Tammy?" tanong ni Cami.
"Totoo bang na-ambushed ang pamilya ninyo kaya kayo nag-tago?" tanong ni Fatima.
"What happened to your father? Is he still alive?" tanong ni Lizel.
"May kapatid ka bang lalaki?" tanong ni Cami.
"Tsk tsk." Napailing si Helga sa tanong ng mga kasama niya. Pero hindi siya nagsalita dahil gusto rin niyang malaman ang sagot.
"So, ano na? Mag-kwento ka naman," sabi ni Fatima.
Bumuntong hininga si Tammy. Sa totoo lang, hindi niya gustong sagutin ang kahit ano sa mga tanong na iyon sa kanya. Masyadong... personal.
On the day that you were born the angels got together~
And decided to create a dream come true~
At kung anuman ang nangyari noon, hindi iyon isang bagay na pwede niyang ikwento. Dahil kahit siya ay hindi niya alam ang buong detalye. Masyadong komplikado ang nakaraan ng kanyang pamilya.
So they sprinkled moon dust in your hair~
Of golden starlight in your eyes of blue~
"Gray not f*cking blue!" bulalas ni Helga. "Stupid."
Napatingin si Tammy sa babae. Nagtawanan sina Cami, Fatima at Lizel.
SLAAAM!!!
Malakas na bumukas ang glass doors ng canteen. Pumasok ang anim na babaeng second years. Nangunguna sa grupo ay isang maganda at matangkad na babaeng may mahaba at blonde na buhok. With her red lipstick and red stilletos kilala ng mga nasa canteen kung sino siya. Ang school idol na si Hanna Song.
"Where is she?" malamig ang boses niyang tanong. "That 'angel' you keep yakking about."
May ilang lalaki na nagturo sa kanya kung nasaan ang hinahanap niya. Sa bandang gitna ng canteen, nandoon ang table ng taong hinahanap niya. May limang babaeng nakaupo roon.
"Tammy Pendleton, stand up and greet your seniors!" sabi ni Hanna.
Tumingin ang apat na babaeng nasa table sa isang babaeng kumakain. Nakatalikod ito kay Hanna. Huminto ito sa pagkain at kumuha ng napkin para punasan ang bibig. Saka ito dahan dahang tumayo. Inayos pa nito ang buhok sa gilid ng pisngi at inilagay sa likod ng tenga.
"Yes, senior?" nakangiting bati ni Tammy kay Hanna.
Just like me, they long to be~
Close to you~
Sa loob ng seventeen years na nabubuhay ni Hanna sa mundo, ngayon lamang siya nakakita ng isang taong may pambihirang aura. Tammy looks so holy while wearing a Pendleton High uniform. Her hair was shiny and dark. Her skin so fair and smooth. And her gray eyes! She was perfect. Kahit saang anggulo tumingin si Hanna, wala siyang makitang kamalian dito.
Sa ngiting ibinibigay sa kanya ni Tammy, hindi niya magawang makapagsalita. Anumang balak niya ay biglang naglaho. Na-blanko ang isip niya. Hindi niya magawang alisin ang tingin sa mukha ng babae. Hindi pa ito nangyari sa kanya kahit na kailan.
May mga emosyon na naglalaban sa loob niya. Kahit na kalmado ang ibinibigay na pakiramdam sa kanya ng ngiting iyon, iba naman ang nakukuha niya mula sa mga mata nito. Gusto niyang magtago. Para bang magkaibang tao ang may ari ng mga mata at labi na iyon.
Napaatras si Hanna pero hindi parin niya magawang kontrolin ang sariling katawan. Hindi siya makapag-salita. Ano ang kakaibang pakiramdam na ibinibigay sa kanya ng taong kaharap niya? Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kanya.
"Hic!" isang sinok ang lumabas sa bibig niya. Uminit ang kanyang mukha. "Hic!"
"Hanna?" tanong sa kanya ng kasama niya.
"KYAAAAAAAAAAAA!!!" biglang nag-tilian ang ilang babae sa loob ng canteen.
Nakuha non ang atensyon ni Tammy, at doon lang nakawala si Hanna mula sa pagkakatulala. Nanginginig ang kanyang mga tuhod. Napahawak siya sa lamesa. Tumingin siya sa mga bagong dating at kaagad na nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ang mga ito.
"KING!"
"IT'S HIM! IT'S THE KING!"
"NINO!!! KYAAAAAAAAAAA!!!"
Napatingin si Tammy sa may pintuan ng canteen. Mukhang may mga sophomores na naman na dumating. Kaagad na napansin ni Tammy ang pinaka-matangkad na lalaki sa grupo na nakasuot ng hat. Hindi cap kundi hat. Isang itim na panama hat. Sa ilalim non ay umaalon ang dark brown nitong buhok na umabot sa jawline nito.
"Wow! Ang gwapo niya!" sabi ni Cami.
"So siya pala ang King ng mga sophomores," sabi ni Helga. "He's pretty."
"Ang tangkad niya!" puna ni Fatima.
"Nakatingin siya rito!" sabi ni Lizel.
Tumigil si Nino sa table nila at humarap kay Tammy. May naglalarong ngiti sa mga labi ng lalaki at kumikislap ang mga mata. Sa gulat ni Tammy sa naging sigawan, nablanko ang kanyang mukha. Pinanood lang niya ang lalaki at naghintay sa gagawin. Unang beses niyang makakita ng King. Hindi niya inakala na makikilala niya ang isa sa mga ito nang ganito kabilis. Tinitigan siya nito nang ilang segundo, hindi nawawala ang ngiti sa labi.
"Tu as de beaux yeux," umpisa ni Nino at halos lahat ng mga babaeng nakarinig sa boses nito ay pinanghinaan ng tuhod. "My name is Nino de Castellane." Nag-lahad ito ng isang kamay kay Tammy.
"I'm Tammy Pendleton." Inabot ni Tammy ang kamay ni Nino.
"Enchanté."
At natulala ang lahat nang halikan ni Nino ang likod ng palad ni Tammy.
Je suis amoureux. - I am in love.
Tu as de beaux yeux. - You have beautiful eyes.
Enchanté. - Pleased to meet you.