webnovel

CHAPTER 19: Chelsa

~ PRINSESA DEZA ~

            "CHELSA?" MAHINANG NASABI ko. Napabangong upo ako sa aking higaan. Muli ko na namang napanaginipan ang isang lalaking tinatawag ako sa pangalang hindi ko alam. At tulad no'ng mga nakaraan, kusa na lamang pumatak ang luha mula sa aking mga mata. Hindi ko maanig ang kanyang mukha, ngunit ang tinig niya ay tila ba kilalang-kilala ko na. Hindi ko alam ang pakiramdam na ito, pero parang ang bigat.

            Nagpasya akong lumabas sa aking silid. Paglabas ko ng kuweba, medyo madilim pa. Ang tahimik ng paligid. Tanging ang hampas ng alon sa malalaking bato sa islang ito ng Dulom ang ingay na maririnig. Pinuntahan ko ang lugar kung saan itinapon ang bangkay ng lalaking pinugutan ng ulo, ang lalaking una kong nakita nang magising mula sa mahabang pagkakatulog. Naupo ako sa malapad na bato. Mula nang magising ako, madalas na akong naparito. Ang lalaking ibinalot sa itim na tela na itinapon sa dagat sa parteng ito ng isla ang bumuhay sa 'kin. Wala akong pagkakakilanlan sa kanya, bukod sa naging kapalit ng kamatayan niya ang muling pagkabuhay ko. Naguguluhan ako sa sarili ko. Hindi ako makaramdam ng lubos na kasiyahan sa pagkabuhay ko. Nalulungkot ako't nasasaktan para sa lalaking nagsakripisyo ng buhay niya para sa 'kin. At parang may puwang siya sa puso ko… tulad ng lalaki sa panaginip ko.

            Napasinghap ako, tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Gusto kong sumigaw! Gusto kong ibuhos ang nararamdaman ko!

            Wala akong maalala sa aking nakaraan. Mula nang magising ako, itinanim na ng aking amang hari sa utak ko ang misyon ko na magdulot ng kaguluhan. Na maging sugo. Sugo na magdadala sa mga habo patungo sa tagumpay. Sugo na siyang susi upang maghari ang mga uri naming itim na diwata sa kaharian ng Ezharta.

            Pinuno ako ng galit at puot sa mga Ezhartan. Pinamulat sa 'kin na maging masama at mawalan ng awa. Pinakita sa 'kin kung paano pumatay – at dapat akong pumaslang! Para akong makinaryang de susi na dapat sundin lahat nang ipapagawa at sasabihin sa 'kin.

            Araw-araw akong nagsasanay makipaglaban at gumamit ng marhay para makabuo ng mahika na papatay sa sino man na aking makakalaban, sa sino man na hahadlang sa aming hangarin! Mas mataas kami sa sino man nanilalang. Alipin lang namin ang ibang lahi.

            Unti-unting sumilay ang liwanag mula sa araw. Tumayo ako at nagpunas ng luha. Ibunuka ko ang aking kulay lilang mga pakpak at unti-unti akong umangat sa hangin. Nilipad-lipad at sumayaw sa hangin ang mahaba kong manipis na kulay lilang kasuotan at ang aking mahabang buhok. Pumikit ako, dinama ko ang ihip ng hangin at ang pagdampi ng sikat ng araw sa aking balat.

            Ako si Prisesa Deza, isa akong nilalang na walang nakaraan.

~~~

~ SA GUBAT ~

            "CHELSA?" MAHINANG NASABI ko. Napabangon ako na may luha sa mga mata.

            Lumabas ako ng tent at nagpasama kay Bangis sa taas, nakiusap akong ilipad niya ako upang matanaw ko ang araw. Hindi siya nagtanong ng dahilan, dinala niya ako sa taas at nasa paanan namin ang mga kakahuyan. Para bang alam niya na kailangan kong huminga at saglit na alisin sa isip ko ang aking misyon.

            Gusto kong sumigaw! Gusto kong ilabas ang aking nararamdaman!

            Iniliyad ko ang aking mga kamay, ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang ihip ng hangin at pagtama ng sikat ng araw sa aking balat.

Miss na miss ko na siya.                     

Gustong-gusto ko na siyang makita.

Ayaw kong isipin na magiging bahagi na lamang siya ng aking nakaraan.

Next chapter