webnovel

Blood Expansion

Blood IV: Blood Expansion

Savannah's Point of View

Nang makauwi ako sa condominium at makarating sa harapan ng aking couch ay kaagad kong ibinagsak ang aking katawan. 

Tumagilid ako ng higa saka tiningnan ang flower vase na nakapatong sa glass table na nasa harapan ko. Hindi pa pumapayag si Zedrick tungkol sa sinabi ko kanina na maging partner ko, gusto pa raw muna niyang pag-isipan bago mag desisyon sa aking naging alok. 

 Naiintindihan ko. Hindi naman gano'n kadaling pumatay kung hindi ka lumaking gano'n-- kahit pa na sabihin nating isa rin siyang bampira. 

But the truth is, kung hindi dahil kay Dad, I won't do this. Kaya ko namang gawin mag-isa 'yung mga misyong ibibigay sa akin, pero dahil sa ipinakita ni Zedrick kanina na paghilum ng sugat ko. Naiintindihan ko na kung bakit nagpumilit si Dad na isama sa organisasyon si Zedrick. 

 No, that's not it. Ayoko lang ding ma-involve sa mga bampirang katulad niya. I had more than enough.

Inaya ko lang siyang mag join sa akin because I thought maybe…

I shook my head as I suddenly remembered those happy faces they gave me before they vanished. Ipinatong ko ang likurang palad sa aking noo. 

 No… Of course, it won't happen.

Pumaharap na ako sa kisame at tumitig ng ilang oras doon. Sooner or later, baka maging katulad din siya ng mga bampirang iyon. 

 Pain won't disappear in life, and if you have a feeling that contentment and acceptance won't work in the end of the day. You must choose not to get involved in a particular person, you shouldn't stick yourself to the business' of other people.

You don't meet people by accident that is why fate brings us PAIN. 

 It says, for you to learn is through experiences. That's why it made me learn that not everything in reality will always lead or bring you happiness, it will just slap you on the face that tells that this is LIFE. 

Hindi lahat, naaayon sa gusto mong hilingin. Lahat, palaging may kapalit. It's just like a calm before the storm. After some thing good came, some thing bad will be waiting ahead.

Tumunog 'yung phone na nasa bulsa ko, hindi ko iyon kinuha o sinagot at nakatuon lang ang tingin sa kisame. Malamang, si Dad 'to dahil siya lang naman ang pinagbigyan ko ng cellphone number ko. 

Tahimik lang akong nakatingin sa kisame nang mairita ako sa tumatawag, kaya kinuha ko na iyon at wala nang tingin tingin na sinagot iyon, "Dad? What is it? Mag-aaya kang kumain? Wala akong gan--" 

[Sorry, hindi 'to si Mr. Okabe]

Napatigil ako at kumurap-kurap ng ilang beses, tiningnan ang screen ng phone ko para tingnan ang caller. Unknown number siya at hindi ito boses ni Dad. Dalawa lang ang ibig sabihin nito. Scammer 'to o kaya may pinagbigyan si Dad. 

Huminga ako ng malalim. "Your voice, si Zedrick 'to?" Mainahon kong hula. 

 

 [Bingo. Alam na alam mo boses ko kahit kanina lang tayo nagkakila--] 

 "How dare you get my number without my permission?" Iritable kong tanong sa kanya. 

[Chill. Kahit hingin ko sa 'yo iyong number mo, hindi mo rin naman ibibigay kaya better to ask your Da--]

"Ibigay ko man o hindi, wala ka pa ring karapatang tawag tawagan ako." 

[I won't get your number just to have fun, gusto ko lang sabihin na nahulog mo kanina 'yong bracelet mo na nanggaling pa yata sa bag mo. Your Dad told me it's important kaya mas maganda kung ako raw ang magsabi't mag-abot sa 'yo.] Kaya niya binigay ang cellphone number ko? Pero anong bracelet ang tinutukoy niya-- Ah, don't tell me! 

Umupo ako mula sa pagkakahiga. "Seriously?" 

 [Check it.]

Kinuha ko ang bag ko para halungkatin ang loob, pero wala roon ang bracelet kaya kinuha ko ang phone ko na nahagis ko lang sa tabi at kaagad na tumugon, "Let's meet up."

***

PANAY ANG TINGIN ko sa wrist watch habang inililipat lipat ang tingin sa paligid, nandito ako ngayon sa loob ng kilalang restaurant dahil sinabi niya nga na dito na lang kami magkita dahil malapit lang din naman daw sa school namin.

Pero bakit hanggang ngayon ay wala pa siya?! Kalahating oras na ang nakakalipas pero ni anino niya ay wala?!

 

 Muli akong luminga-linga. Saka ano ba 'tong restaurant na 'to? Nahiya ako bigla, lahat kasi sila ay nakasuot ng pormal na damit, samantalang ako, naka casual lang-- Hindi! May kukunin lang naman ako tapos aalis na, eh.

Kaso ba't nga ba rito gusto makipag meet up ng Zedrick na 'yon? Pwede naman sa isang lugar tulad ng convenience store? 

May naririnig akong yapak ng mga paa papunta sa akin kaya nilingon ko iyon at napatayo noong makita ko na si Zedrick. "What took you so long?" Tanong ko sa kanya nang nakapameywang.

Nakahawak siya sa mga tuhod niya at hinihingal."S-Sorry" Hinging paumanhin niya bago umupo sa harapan ko. Umupo na rin ako at inayos ang sarili. Hinihingal pa rin siya until now at medyo pawis na pawis, sa'n ba ito nanggaling?

Nagbuga ako ng hangin at umirap sa kawalan. Why am I even asking? It's none of my business.

Hinihintay ko lang siya nang pumukaw ang atensiyon ko sa pulang mantsa sa damit niya, hindi naman iyon gano'n karami pero mahahalata pa rin ito kung tititigan mo. "Napano 'yan?" turo ko sa mantsang nasa damit niya.

Tiningnan naman niya ang tinuturo ko bago ako sagutin.

"Ah, 'yan?" turo niya roon at nginitian ako, "Nanghuli ako ng ibon, nauhaw ako, eh." Pabagsak kong isininandal ang likuran sa back seat kasabay ang aking pagbuntong-hininga.

"Nakakadiri talaga…" Napapaisip tuloy ako kung ano ang lasa ng dugo para sa kanila. Naalala ko lang kasi 'yung lasa, parang kalawang. 

 

 Pero kung magkakapalit man kami ng katawan ng lalaking ito, I will try to hunt a bird and drink its blood for research. Kahit nakakadira pa siya.

"What can I do? I'm a vampire." Umirap lang ulit ako saka in-extend ang kamay ko, gesturing him to give back my bracelet.

"Akin na."

Ngumiwi ito at kinuha ang hinihingi ko sa bulsa niya. Ibinigay na niya iyon sa akin kaya tumayo na ako para umalis. "Thank you sa time mo, aalis na ako." sabi ko nang mailagay ko ang bracelet sa aking kaliwang pulso. Higpit ko ring hinawakan iyon. Hindi na 'to p'wedeng mawala.

"Bago ka umalis. Kumain muna tayo." Anyaya niya sa akin na may ngiti sa kanyang labi. Is he trying to make a move on me? Hindi ba 'ko nag a-assume? Kasi 'di ba? Sino ba namang magsasayang ng oras na gumastos kung hindi ka interesado sa isang tao or something? 

 Humarap ako sa kanya at sinimangutan siya. "Hindi na nga ako sumabay kay Dad kumain, sa'yo pa kaya?" Sabi ko na nginusuan niya.

Kumamot sa batok at tumingin sa 'di kalayuan. "Nag-order pa naman ako." Nanghihinayang niyang sabi na nagpakunot sa noo ko.

"Sh*t ka." Pero ano'ng ginawa niya? Binigyan lang naman niya ako ng mapaglarong ngiti.

May biglang dumating na waiter dala-dala ang mararaming pagkain sa plates, may dala rin itong wine na talaga ring nagpa-sosyal sa resto na ito. Eh? 

 "Ikaw po si Mr. Olson, hindi ba?" Tumango si Zedrick saka ibinaba ng waiter ang mga pagkain sa aming lamesa. "Enjoy eating, Ma'am and Sir." Sabi nito at nag bow pa bago umalis.

Inilipat ko ang tingin kay Zedrick na nakasalong babang nakatingin sa akin, samantalang taas taas ko naman ang kilay na nakasimangot sa kanya. "Kailan ka pa nagpa-reserved?" Labas sa ilong kong sabi. I can't believe this. Paano ako makakauwi kung ginawa niya 'to? Ayoko pa namang nasasayang ang pagkain.

Ngumiti siya, "Kanina bago kita tawagan."

"What a freak"

"Alam ko lang na darating ka." Ngiti pa rin niyang sagot at medyo itinabingi ang kanyang ulo. "At alam ko ring hindi mo 'ko matatanggihan kung ganito karami 'yong pagkain na nasa harapan mo, beautiful girl." Sabay kindat pa nito sa akin.

Tama, nakaka-guilty kung iiwan ko siya rito at 'di tatanggapin itong mga pagkain na nasa harapan ko. Pero 'di sa nagpapakipot ako. Talagang masasayangan lang talaga ako kung aalis kaagad ako.

Ayoko naman ng gano'n.

Napahawak ako sa aking noo. But still, hindi ko alam na ganito pala ang taong-- este, bampirang ito.

Inangat ko ang tingin sa kanya, hindi pa rin niya inaalis 'yong kanyang ngiti-- Mali, mapang-asar na ngisi. Binabawi ko na 'yung sinasabi ko kanina. Gusto lang talaga niya akong asarin. 

"I'm out of here." At aalis na sana talaga ako pero binawi niya ang sinabi niya at pinabalik niya ako sa upuan ko.

"Joke lang! Ito naman hindi ka na mabiro, eh! Sabayan mo na lang akong kumain, oh?" pagmamakaawa niya na parang bata, wala tuloy akong nagawa kundi ang pumayag.

Ayun lang ang gusto ko. Beg.

Inayos ko ang upo ko't tumikhim. "Pero hindi dahil sa gusto kitang sabayan o ano, ah? Nakakaawa ka lang talagang tingnan kung ikaw lang ang mag-isang kumakain dito" Mabilis siyang tumango at binigyan pa ako ng thumbs up.

"Fine, basta sabayan mo lang akong kumain tapos uwi na tayo. Pwede rin kitang bigyan ng free ride." Turo niya sa kanyang sarili gamit ang kanyang hinlalaki. 

 "No thanks." Walang pag-aalinlangan kong sagot na ikinatawa niya. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy dahil inatake na rin niya pagkatapos 'yong pagkain. Kinuha ko na lang ang kutsara at kakain na rin sana nang mapansin ko na sunod-sunod ang pagkuha ni Zedrick sa mga pagkaing nasa harapan namin.

Walang gana ko siyang tiningnan, bawat pagsubo niya ng pagkain ay diretsyo lunok kaagad kaya pati ako ay napapalunok din. Wala siyang nguya nguya, pa'no 'yon? "Hoy, parang 'di ka kumain ng ilang buwan, ah?"

Kinuha niya ang basong na sa tabi at uminum bago magsalita. "Paano mo nalaman?" Tanong niya nang tingnan ako. Napatayo't napahampas ako sa lamesa dahilan para makaagaw pansin ako sa mga taong nandito sa loob.

"SERYOSO KA?!" Hindi makapaniwala kong tanong nang 'di napapansin ang volume nung boses ko. Malakas na pala.

 Tiningnan ni Zedrick ang paligid at humingi ng pasensiya sa lahat, pagkatapos ay ibinalik din ang tingin sa akin.

"Easy, umupo ka nga muna." Paanas niyang suway.

Ngumiwi na muna ako bago umupo ulit. Nang makaupo ay inilapit ko talaga ang sarili ko sa kanya. "Hindi ka nagbibiro sa sinasabi mo?" Tukoy ko sa sinabi niya kanina. Hindi kasi ako naniniwala na ilang buwan siyang 'di kumakain ng pagkaing tao, I mean it's impossible.

 Normal Vampires are like human, maliban sa required silang uminum ng dugo ay need din nila ng pagkaing pantao para sa katawan nila na nangangailangan din ng nutritious foods.

Tumawa siya. "Siyempre naman, kahit ganito ako hindi naman ako palasinungalin--" tinuro ko siya, kakaunti na lang ang agwat bago dumikit ang hintuturo ko sa pagmumukha niya. "W-what?" Inangat ko nang kaunti ang ulo ko at seryoso siyang tiningnan.

Huminga nang malalim at magsasalita na sana nang bawiin ko na lang ito, "Nevermind, just do whatever you want." Kinuha ko ang tinidor at padabog na itinusok iyon sa karne na nagpakurap pa kay Zedrick.

 Sumubo ako at napatitig sa kinakain ko. Hindi talaga siya nagbibiro sa sinabi niya?

"Sir, want to try our new flavor?" Tanong ng waiter na may dala-dalang bote. Hindi 'to wine, beer yata 'tong hawak niya.

Kinuha ko na lang 'yung tubig ko't ininum habang pinapanood ko lang si Zedrick na ngayon ay sinasalinan na ng alak. Tumingin naman sa akin ang waiter para alukin ako ng alak, nag gesture lang ako na 'di ko kailangan kaya umalis na siya. Saka minor pa lang ako. 

Ibinaba ko ang baso ko. "I understand that you're a vampire but you are also a student of K.C.A. Hindi pwede 'yang alak alak, ilang taon ka na ba?" Tanong ko sa kanya. "Thousand? Or hundreds?" Kumpara sa mga tao, nabubuhay ang normal na bampira kasama ang mga Class-A ng ilang taon-- daan o libo. Pero 'di tulad ng Pureblood Vampire na kahit ilang beses mong patayin ay mabubuhay pa rin. They're immortal. 

 Ngunit sa panahon na ito. Bihira na lang mahagilap ang mga gano'ng type ng vampires. Hindi naman sila nagpaparamdam pero sigurado akong buhay ang mga ito. Wala lang akong ideya kung ilan sila-- kung mabuti ba o masama. 

Inikot ikot muna niya ang lamang alak sa shot glass. "No. Same age as you, 19?" Patanong niyang sagot saka nilagok ang alak. I'm just 18 years old, you know?

I let out a deep sigh. "So--" Malakas na ipinatong ni Zedrick ang shot glass sa table. Sobrang pula ng mukha niya nang ibagsak din niya pagkatapos ang mukha sa mismong plato niya. "Eh?"

Next chapter